LOGIN“You can rent their time, their smiles, even their affection...just don’t fall in love.” Si Preston ang unang lalaking minahal ni Kianna, ang lalaking inakala niyang makakasama niya habang buhay. Kaya handa niyang gawin ang lahat para iligtas ang relasyon nila. Pero paano mo aayusin ang isang relasyon kung ang mismong taong mahal mo ang unti-unting bumibitaw? Dati, punong-puno ng lambing, effort, at pagmamahal si Preston. Ngayon? Puro trabaho na lamang ang laman ng mundo nito. Mga gabing walang tawag. Mga date na laging kinakansela. Mga yakap na malamig na parang obligasyon na lang. Hanggang sa isang gabi, may naalala si Kianna na payo ng katrabaho niya, Vampire Host Club. Isang lugar kung saan maaaring umupa ng perpektong lalaki. Gwapo, charming, attentive… at kayang ibigay ang lahat ng pagkukulang ng isang boyfriend. At doon pumasok sa isip ni Kianna ang isang delikadong plano. Kung hindi na siya kayang pahalagahan ni Preston… Pagseselosin niya ito. Magbabayad siya para sa atensyon ng ibang lalaki. Gagamit siya ng host guy para ipaalala kay Preston kung ano ang mawawala rito kapag tuluyan siyang napagod. Pero paano kung sa gitna ng pekeng pagpapaselos… May isang host na unti-unting magparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal? At paano kung mas masarap palang manatili sa isang fantasy kaysa bumalik sa relasyong matagal nang nanlalamig? Sa lugar kung saan bawal ma-fall, Sino ang unang masasaktan?
View MoreHumahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya.
Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita. At kahapon pa naman ang anniversary nila. Dahil sa kaiiyak at kaiisip, namugto ang mga mata niya. Mabuti na lamang at may shades siyang suot kaya kahit paano ay natatakpan ang makapal niyang eyebags. Dagdag pa roon ang pagkamalas niya sa nasakyang taxi. Tatlong bloke na lang ang layo sa kumpanya ay na-flat-an pa ito ng gulong. Kaya heto siya ngayon...takbo rito, hila roon sa maikling skirt ng office uniform niya habang pilit inaabot ang oras. Kung alam lang niyang magiging ganito ang araw niya, nag-slacks na lang sana siya para komportable siyang makakatakbo. “Ah, Preston! Kasalanan mo talaga ito,” inis niyang bulong. Dahil sa dami ng iniisip, hindi niya napansin ang nakausling tipak ng bato sa daraanan niya. Huli na nang makita niya iyon. Natapilok siya. At kasabay ng pagkabali ng takong ng sapatos niya ay ang malutong na tunog ng napunit na tela. “Ay, bulate!” gulat niyang bulalas. Kung hindi lang siya nakahawak sa damit ng lalaking nasa harapan niya, siguradong sumubsob na siya sa semento. “What the hell?” madiing sambit nito. Nanlaki ang mga mata ni Kianna. Dahan-dahan siyang napatingin sa napunit na bahagi ng damit nito at agad na nakaramdam ng matinding hiya. “I-I’m so sorry,” mabilis niyang sabi. Ngunit nang mag-angat siya ng tingin, tila tumigil ang mundo niya. Kitang-kita niya ang pagkainis sa mukha ng lalaki subalit kahit bahagyang nakakunot ang noo nito, hindi iyon nakabawas sa nakakasilaw nitong kaguwapuhan. Bigla niyang naalala ang isang linya mula sa paborito niyang Korean drama. “His beauty shines brighter than the midday sun and gentler than the moonlight in the darkest night.” At sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya’y eksaktong-eksakto iyon para sa lalaking kaharap niya. Ngayon lang yata siya nakakita ng ganoong kaguwapong lalaki nang personal. Matangkad ito, matangos ang ilong, matalim ang mga mata, mapula ang labi at napakaputi ng balat para bang hindi tao kundi isang karakter na lumabas mula sa mamahaling magazine o international runway show. Kaya naman hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig dito. Ah, Kianna… seryoso ka ba? Sa gitna talaga ng kamalasan mo, nagagawa mo pang mag-daydream? “Finished fantasizing about me?” Natigilan siya. May halong sarkasmo ang boses nito dahilan para agad siyang mamula sa kahihiyan. “I-I’m sorry…” nahiyang sabi niya. Lalong kumunot ang noo ng lalaki. “Stop saying sorry. I don’t need your apology.” Bahagyang nainis si Kianna. Kanina lamang ay halos mabighani siya rito, pero ngayon ay gusto na niya itong sapakin. Akala mo naman kung sino. Oo na, gwapo na siya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay pwede na siyang maging suplado. “Okay. Fine. Kung gusto mo, papalitan ko na lang,” mataray niyang sagot. Tila walang pakialam itong tumingin sa kanya bago malamig na nagsalita. “Forget it. It’s too pricey.” Awtomatikong napaawang ang labi niya. Napakuyom siya ng kamao habang pilit pinipigilan ang sariling sumabog. Ano’ng ibig sabihin no’n? Mukha ba siyang walang pambayad? “Sabihin mo lang kung magkano. Babayaran ko,” madiin niyang saad. Ngunit imbes na sagutin siya, basta na lamang itong tumalikod at naglakad palayo. “Grabe… hari yata ng kayabangan ’yon,” gigil niyang bulong habang pinagmamasdan ang papalayong matangkad na pigura. Sa dami ng naging kamalasan niya ngayong araw, mukhang nadagdagan pa iyon. At oo, aminado siyang gwapo ito pero hanggang doon lang. Gwapo lang siya. Wala nang ibang redeeming factor. Nang marinig niya ang buzzer mula sa construction site sa tapat, saka lamang niya naalalang late na late na talaga siya. Akma na sana siyang maglalakad muli nang maalala ang nabaling takong ng sapatos niya. “Ay, kainis…” inis na bulong niya."Kung gusto mo siyang makalimutan agad... I'm willing to be your male host again." patuloy na sabi ni Drake. "And my mission is to make you happy." Mas naging malambot ang boses nito. "Kung... kung gusto mo lang." Natigilan si Kianna sa paglalakad ng marinig ang sinabi ng binata. Napapikit siya. Gusto niyang sumagot at sabihin na... I want you to be my host again but there's no end of service. I want you to be my host forever... ngunit agad niyang itinapon ang ideyang iyon. Ayaw na niyang masaktan pa. "Stop it, Drake." matigas na sabi niya. "Kung ginagawa mo lang iyan dahil iniligtas ko ang buhay mo at nakipagtulungan ako para mahuli si Preston... Huwag mo nang gawin." "No. This is not for payback. I want to help you because—" Pinutol niya ang sasabihin nito. "Because what? Wala ka nang dahilan para tulungan ako. Wala na si Preston para magpanggap kang gusto mo akong tulungan." sabi niya, may hinanakit sa tinig niya. "Nahuli na siya. Wala ka nang dahilan para lumapit pa sa
"Kianna..." A familiar voice called from behind her. Bahagyang napalingon si Kianna kay Kira at napangiti nang mapait. "Kira... lasing na yata talaga ako," mahina niyang sabi. "Hindi lang mukha niya ang nakikita ko... pati boses niya, naririnig ko na rin ngayon." "Kianna." Muli niyang narinig ang pagtawag sa pangalan niya. Napalingon si Kira sa likuran nila bago siya muling binalingan. "You're not dreaming," mahinahon nitong saad. Kunot-noong sinundan niya ang direksyong tinitingnan nito. At doon, parang tumigil ang mga oras. Kianna's heart began racing the moment her eyes met the familiar figure standing a few steps away from her. He was looking straight at her. Seriously and silently. Her breathing hitched. She hoped she still looked normal while staring back at him. But the tears rolling endlessly down her cheeks betrayed her. Kahit anong pigil niya sa mga iyon ay kusa pa ring dumadaloy. Stop it, Kianna... Huwag mong ipakita sa kanya na apektado ka pero Diyos lang
Hindi nagtagal ay tuluyan nang naglakad palabas ng Vampire Host Club si Hideo. Tahimik na lamang sinundan ng tingin ni Kianna ang lalaki hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Pagkaalis ni Hideo ay agad siyang binalingan ni Kira. "Magkakilala kayo ni Boss Hideo?" puno ng pagtatakang tanong nito. Tumango siya. "Oo." Bahagyang napangiti si Kira. "Talaga? Boss Hideo is a really nice guy." Ngunit wala roon ang isip niya. Nandoon din kaya siya? Nandoon din kaya si Drake? Namimiss rin kaya niya ako? Katulad ng labis kong pangungulila sa kanya? Hindi niya namalayang may mga luhang tahimik nang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Napansin iyon ni Kira. "Marami ka nang nainom," mahinahon nitong saad. "Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?" Napatingin siya rito. "Hindi ba bawal kayong lumabas kapag oras ng trabaho?" Napangiti ito. "Not really. Sasabihin ko lang na ihahatid kita palabas." Hindi niya napigilang mapangiti. Tama nga si Gigi. Mabait at gentleman si
That night, Kianna made a desperate decision. Kailangan niyang kalimutan si Drake. The more she stayed inside the house, the more she thought about him. Hindi siya makaka-move on kung magmumukmok lang siya buong araw. Kaya napadpad siya sa isang host club pero hindi iyon ang Happiness Bar. Nakatayo siya ngayon sa loob ng Vampire Host Club. Ilang bloke lamang ang layo nito sa Happiness Bar. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka noon pa lang ay tadhana na ang may pakana kung bakit mali ang napasukan niyang host club. Agad niyang napansin ang malaking pagkakaiba ng dalawang lugar. Mas maraming female customers sa Vampire Host Club. Mas maingay, mas mausok at halos umiikot ang paningin niya sa dami ng naglalarong disco lights na nagpapalit-palit ng kulay sa buong paligid. Halos lahat ng host ay abala sa pag-entertain ng kanilang mga guests. Napansin din niyang napakamahal ng presyo ng bawat host na nagte-table. But to be fair... Gwapo rin naman ang mga lalaki roon, mas bata pero
"Hindi ba talaga tayo pwedeng mag usap, Preston? Kahit sandali lang." giit ni Kianna. Nagulat siya nang bigla na lamang siyang hilahin nito palayo sa babaeng naghihintay sa di kalayuan. Mabilis at mariin ang pagkakahawak nito sa kanyang pulsuhan dahilan para bahagya siyang mapangiwi. “Stop it, K
“Hey.” Muli niyang narinig ang boses ng lalaki sa likuran niya. “Nakaharang ka sa daraanan ko. Puwede bang tumabi-tabi ka?” Halatang kinukuha nito ang atensyon niya ngunit sa halip na sumagot ay mariin niya itong siniko sa tagiliran. “Huwag ka ngang magulo,” asik niya. “Ugh!” Napangiwi
Saturday night. Sa harap ng isa sa pinakamamahaling restaurant sa siyudad, mag-isang naglalakad si Kianna habang mahigpit na hawak ang maliit niyang handbag. Hindi nakasama si Rain dahil inatake ito ng matinding dysmenorrhea, pero kahit ganoon ay tumuloy pa rin siya. Tutal, may invitation naman
"Hey, are you okay?" May pag-aalala sa boses ng lalaki habang marahang niyuyugyog siya. Hindi kasi siya nagsasalita. Hindi maintindihan ni Kianna kung bakit biglang lumundag ang puso niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng lalaki. 'Hinahanap ko lang naman kay Preston ang ganitong klaseng







![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews