LOGINNatagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hindi lamang siya inabutan ng closing time. Halos apat na oras siyang naghintay doon, umaasang darating si Preston, umaasang sa pagkakataong ito ay pipiliin naman siya nito kaysa trabaho. Pero tulad ng dati… naiwan na naman siyang mag-isa. Naghintay na naman siya sa wala. Marami rin siyang nainom na alak kaya hindi na maayos ang mga hakbang niya habang naglalakad. Pasuray-suray. Walang pakialam kung napapatingin na sa kanya ang mga taong nadaraanan niya. She was crying out loud habang naglalakad sa madilim na sidewalk, tila wala nang pakialam kung mukha man siyang baliw sa paningin ng iba. Masakit, sobrang sakit ng nararamdaman niya. Paano ba naman, matapos ang apat na oras na paghihintay ay isang simpleng text lang ang natanggap niya mula sa nobyo. 'Sorry, babe. I won't be able to make it. Nagkaroon kami ng emergency meeting and I'm still at the company. I hope you understand. I love you.' Napatawa siya nang mapait habang pinapahid ang walang tigil na pag-agos ng luha sa pisngi niya. Understand. Palagi na lang bang ganoon? Palagi na lang siyang kailangang umintindi? May nobyo nga siya pero hindi naman niya maramdaman ang presensya nito bilang boyfriend. Ang gusto lang naman niya ay simpleng oras. Simpleng atensyon. Kahit kaunting pagmamahal lang. Pero bakit pakiramdam niya… sobra-sobra na agad iyong hinihingi niya? Napahinto siya sa paglalakad at napatingala sa madilim na langit. Kung sana madali lang hiwalayan si Preston… Kung sana kayang-kaya lang niyang bumitaw. Pero paano? Paano niya gagawing madali iyon kung mahal na mahal niya ang lalaki? Ito ang unang lalaking minahal niya nang totoo. At sa loob ng ilang taon, ginawa niya ang lahat para manatiling maayos ang relasyon nila. Pero paano kung si Preston mismo ang dahilan kung bakit unti-unti iyong nasisira? Napapikit siya. What should I do? Paano niya maibabalik ang dating Preston? Iyong lalaking sweet, maalaga, thoughtful… Iyong lalaking dati ay hindi kayang lumipas ang isang araw nang hindi siya kinakamusta at hindi siya nakikita. Hindi siya papayag na basta na lamang mawala ang relasyon nila dahil lang sa trabaho. Kailangan niyang gumawa ng paraan para maisalba ang apat na taong relasyon nila. Bigla niyang naalala ang usapan nila ni Gigi kahapon. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. The host club… Iyon lang yata ang natitirang paraan. Kung nagawa ni Gigi na ibalik ang atensyon ng nobyo nito gamit ang isang male host… baka gumana rin iyon para sa kanya. “Yeah… that’s it,” mahina niyang bulong sa sarili. Gagamit siya ng lalaki para pagselosin si Preston. At ayon kay Gigi, sobrang effective daw niyon. Nakita rin naman niya ang naging resulta niyon. Nagbago si Calvin. Naging mas sweet, maalaga at mapagmahal nito. Bakit hindi niya subukan? Para sa relasyon nila. Para sa pagmamahal na unti-unti nang nanlalamig. Para kay Preston. Kahit ano… gagawin niya."Kung gusto mo siyang makalimutan agad... I'm willing to be your male host again." patuloy na sabi ni Drake. "And my mission is to make you happy." Mas naging malambot ang boses nito. "Kung... kung gusto mo lang." Natigilan si Kianna sa paglalakad ng marinig ang sinabi ng binata. Napapikit siya. Gusto niyang sumagot at sabihin na... I want you to be my host again but there's no end of service. I want you to be my host forever... ngunit agad niyang itinapon ang ideyang iyon. Ayaw na niyang masaktan pa. "Stop it, Drake." matigas na sabi niya. "Kung ginagawa mo lang iyan dahil iniligtas ko ang buhay mo at nakipagtulungan ako para mahuli si Preston... Huwag mo nang gawin." "No. This is not for payback. I want to help you because—" Pinutol niya ang sasabihin nito. "Because what? Wala ka nang dahilan para tulungan ako. Wala na si Preston para magpanggap kang gusto mo akong tulungan." sabi niya, may hinanakit sa tinig niya. "Nahuli na siya. Wala ka nang dahilan para lumapit pa sa
"Kianna..." A familiar voice called from behind her. Bahagyang napalingon si Kianna kay Kira at napangiti nang mapait. "Kira... lasing na yata talaga ako," mahina niyang sabi. "Hindi lang mukha niya ang nakikita ko... pati boses niya, naririnig ko na rin ngayon." "Kianna." Muli niyang narinig ang pagtawag sa pangalan niya. Napalingon si Kira sa likuran nila bago siya muling binalingan. "You're not dreaming," mahinahon nitong saad. Kunot-noong sinundan niya ang direksyong tinitingnan nito. At doon, parang tumigil ang mga oras. Kianna's heart began racing the moment her eyes met the familiar figure standing a few steps away from her. He was looking straight at her. Seriously and silently. Her breathing hitched. She hoped she still looked normal while staring back at him. But the tears rolling endlessly down her cheeks betrayed her. Kahit anong pigil niya sa mga iyon ay kusa pa ring dumadaloy. Stop it, Kianna... Huwag mong ipakita sa kanya na apektado ka pero Diyos lang
Hindi nagtagal ay tuluyan nang naglakad palabas ng Vampire Host Club si Hideo. Tahimik na lamang sinundan ng tingin ni Kianna ang lalaki hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Pagkaalis ni Hideo ay agad siyang binalingan ni Kira. "Magkakilala kayo ni Boss Hideo?" puno ng pagtatakang tanong nito. Tumango siya. "Oo." Bahagyang napangiti si Kira. "Talaga? Boss Hideo is a really nice guy." Ngunit wala roon ang isip niya. Nandoon din kaya siya? Nandoon din kaya si Drake? Namimiss rin kaya niya ako? Katulad ng labis kong pangungulila sa kanya? Hindi niya namalayang may mga luhang tahimik nang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Napansin iyon ni Kira. "Marami ka nang nainom," mahinahon nitong saad. "Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?" Napatingin siya rito. "Hindi ba bawal kayong lumabas kapag oras ng trabaho?" Napangiti ito. "Not really. Sasabihin ko lang na ihahatid kita palabas." Hindi niya napigilang mapangiti. Tama nga si Gigi. Mabait at gentleman si
That night, Kianna made a desperate decision. Kailangan niyang kalimutan si Drake. The more she stayed inside the house, the more she thought about him. Hindi siya makaka-move on kung magmumukmok lang siya buong araw. Kaya napadpad siya sa isang host club pero hindi iyon ang Happiness Bar. Nakatayo siya ngayon sa loob ng Vampire Host Club. Ilang bloke lamang ang layo nito sa Happiness Bar. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka noon pa lang ay tadhana na ang may pakana kung bakit mali ang napasukan niyang host club. Agad niyang napansin ang malaking pagkakaiba ng dalawang lugar. Mas maraming female customers sa Vampire Host Club. Mas maingay, mas mausok at halos umiikot ang paningin niya sa dami ng naglalarong disco lights na nagpapalit-palit ng kulay sa buong paligid. Halos lahat ng host ay abala sa pag-entertain ng kanilang mga guests. Napansin din niyang napakamahal ng presyo ng bawat host na nagte-table. But to be fair... Gwapo rin naman ang mga lalaki roon, mas bata pero
"Best, kumain ka muna. Ilang araw ka nang halos walang kinakain," malungkot na sabi ni Raine. Hindi man lang natinag si Kianna sa pagkakahiga niya sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame, tila wala nang siglang bumangon. "Wala akong ganang kumain," mahina niyang sagot. Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng kaibigan. Maya-maya ay naramdaman niya ang paglundo ng kama nang maupo ito sa tabi niya. "Nahuli na si Preston... pati ang iba niyang kasabwat," balita ni Rain. Marahan nitong hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry, Best. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari. Hindi ko rin akalaing magagawa ni Preston ang lahat ng iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang siya pala ang mastermind sa corruption sa Jawkins Corporation." Limang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat, ang gabing tuluyang nagpabago sa buhay niya. Tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa nobyo niyang si Preston. Siya rin mismo
Naglalakad na si Kianna sa gilid ng kalsada, malayo na rin siya sa abandonadong warehouse. "I hate him..." "I hate him..." Paulit-ulit niyang bulong. Maya-maya ay napatigil siya. May mahinang tunog siyang narinig. Parang tunog ng cellphone. Nagmumula iyon sa may matataas na damuhan sa gilid ng kalsada. Sa una ay wala sana siyang balak pansinin iyon ngunit nang akma na siyang maglalakad muli ay may napansin siyang kakaiba. May bakas ng dugo. Sunod-sunod. Mistulang may taong sugatang dumaan sa lugar na iyon. Bigla ay naalala niya si Drake. Hindi niya maintindihan kung bakit sa isang iglap ay napawi ang lahat ng galit at hinanakit niya rito. Sa halip, matinding pag-aalala ang pumalit. Halos patakbo niyang sinundan ang bakas ng dugo hanggang marating niya ang pinanggagalingan ng tunog ng cellphone. At doon, natagpuan niya ang isang lalaking nakahandusay sa lupa. Kianna felt numb and horrified. She suppressed an insane desire to scream. She wasn't a screamer by nature. In fact
"Hey, are you okay?" May pag-aalala sa boses ng lalaki habang marahang niyuyugyog siya. Hindi kasi siya nagsasalita. Hindi maintindihan ni Kianna kung bakit biglang lumundag ang puso niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng lalaki. 'Hinahanap ko lang naman kay Preston ang ganitong klaseng
“Hey.” Muli niyang narinig ang boses ng lalaki sa likuran niya. “Nakaharang ka sa daraanan ko. Puwede bang tumabi-tabi ka?” Halatang kinukuha nito ang atensyon niya ngunit sa halip na sumagot ay mariin niya itong siniko sa tagiliran. “Huwag ka ngang magulo,” asik niya. “Ugh!” Napangiwi
Nasa daan na pauwi sina Kianna at ang lalaki nang muling nabasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan. “If you don’t mind… why do you need help from one of the hosts?” tanong nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. Sinulyapan niya ito ngunit agad ding umiwas ng tingin. “Kung s
“What's going on here?” Isang malamig at mababang boses ang biglang umalingawngaw mula sa likuran niya. Hindi alam ni Kianna kung bakit tila may kakaibang epekto sa kanya ang boses na iyon. Parang sa isang iglap, bahagyang gumaan ang mabigat niyang pakiramdam. His voice sounded dangerously





![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

