LOGINHiiiii :)
Chapter 288Parang nag-init ang buong katawan ko at nagsimulang mamawis. Gusto kong tumakbo at lumayo sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang gumalaw at takbuhan siya."Hey, silang dalawa ang makakasama mo dito. You better be on your best behavior," saway sa kanya ni Kuya Keefer."What? I'm not doing anything, I'm just greeting her," painosenteng sabi niya pa."I'll take my leave. Kayo na ang bahala sa bahay," muling paalam ni Kuya Keefer.Rinig kong nagsalita si Kio pero para akong nabingi at walang maintindihan sa sinasabi niya.Sumama sina Riya at Kio sa paghatid kay Kuya Keefer sa labas ng mansyon habang ako naman ay tulala pa rin mula sa kinatatayuan ko.Ibig sabihin ay si Kio ang tinutukoy ng senyor na mamahala dito sa hacienda? Ano na ang gagawin ko? Hindi pa ako handa na harapin siya. "Why didn't you come home yesterday? Akala ko pa naman ay makikita na kita," rinig kong sabi ni Riya.Nang lingunin ko ang gawi nila ay nakita kong nakapalupot ang kamay niya sa bewang
Chapter 287"Hey? Are you good?"Agad na napunta ang tingin ko kay Riya nang marinig siya."A-Ayos lang," pilit-ngiting sagot ko sa kanya."Hmm? Do you know that guy? I thought you were gonna approach him," tanong niya sa akin habang nakatingin sa gawi ni Wayne.Agad naman akong umiling. "Hindi, napagkamalan ko lang," tanggi ko sa kanya."Okay, then. Let's start our shopping, it's already night. Baka sarahan na tayo nila," patawang sabi niya at hinatak ako.Kung saan-saang store napadpad si Riya, habang ako naman ay tahimik na sumunod sa kanya.Buong oras na namimili kami ay tahimik lang ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina.'Talaga bang si Wayne iyon? Baka naman namalikmata lang ako? Pero imposible, nakita ko ang tattoo niya sa braso kaya imposible magkamali ako sa nakita ko.'Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nasasaktan ako sa nakita ko. Lahat ng mga alaala na magkasama kami ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.Totoo ba lahat ng iyon? Yung mga pinakita niya, yung
Chapter 286"How are you?" rinig kong tanong niya kay Riya.Hindi ko naman narinig ang sagot ni Riya dahil masyadong malayo ako sa gawi nila. Kita ko pang may pinag-uusapan sila, pero hindi ko rin iyon narinig."Maria? Is that you?" biglang tawag niya sa akin, kaya naman dali-dali kong inayos ang tayo ko at lumapit sa gawi nila."Magandang hapon po, Kuya Keefer," bati ko sa kanya."Good afternoon! Happy to see that you still work here," aniya sa akin nang nakangiti."Kinagagalak ko pong makita kayo ulit pagkatapos ng ilang taon," saad ko sa kanya."Wait, you two know each other?" biglang tanong sa amin ni Riya."Oh, yes. Maria has been working here for many years. Almost 5 years ago na nung huli ko siyang nakita dahil ngayon lang ulit ako nakabalik dito," sagot ni Kuya Keefer sa kanya."Wow! That's amazing!" tuwang sabi ni Riya."Let's go inside, marami pa tayong dapat pag-usapan," aya sa amin ni Keefer...."How's business? Balita ko pinagsasabay mo ang study at company niyo?" tanong
Chapter 285Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong tiningnan ang telepono ko. Tulad ng inaasahan ko ay mayroong ipinadalang mensahe si Wayne dahil ilang beses tumunog ang telepono ko.Hindi ko lang agad iyon nabuksan kanina dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni John Loid.Wayne:'Love, dito muna ako mag-stay sa apartment ng tropa ko. Magkagroupmates kasi kami kaya mas mapapabilis yung gagawin naming project kung dito muna ako.''Huwag kang magpapagutom, okay? Kumain ka sa tamang oras. Alam kong may trabaho ka pang kailangan gawin sa hacienda kaya huwag mong pababayaan ang sarili mo.' huling sabi niya sa mensahe.Maghihinala na sana ako sa unang mensaheng ipinadala niya dahil minsan, kahit abala siya sa pag-aaral, ay umuuwi siya para makita ako.Pero matapos kong mabasa ang huling mensahe niya ay nabura lahat ng haka-haka ko na sinabi ni John Lloyd.Napailing na lang ako.Panigurado akong hindi naman magagawa sa akin ni Wayne ang bagay na iyon. At saka, sisiguraduhin ko muna na sarili
Chapter 284Matapos ang ilang araw ay dumating na ang oras ng pag-alis ng Senyor sa Pilipinas. Kaya naman naging abala kami bago ang pag-alis niya.Bumisita pa kasi ang ilang kapamilya nila para magpaalam kay Senyor. Ang ipinagtaka ko lang ay hindi dumalo ang mga pamilyar na mukha sa akin tulad nina Ate Agatha, Ate Navia, o kahit si Kuya Keefer. Ang mga bata lang ang pumunta dito na sina Ruby, Amara, Kheimer at Kian.Hindi rin dumating si Kio na ipinagpasalamat ko naman dahil halos buong araw akong nasa hacienda nagtatrabaho.Dahan-dahan kong ibinaba ang maleta sa sala. Ngayong araw na kasi ang alis ng Senyor at isa ako sa mga naatasan na ayusin ang gamit niya."I'll be fine, hija. You should enjoy your stay here, okay?" rinig kong sabi ni Senyor kay Riya nang maabutan ko sila sa labas ng mansiyon.Para naman siyang bata na ngumuso. "Okay, Grandpa. But don't forget to take pictures and send them to us, okay? Huwag mo kaming kalimutan," aniya pa."Of course not," patawang sabi ng Senyo
Chapter 283Tahimik kong pinanood si Riya habang binibigyan niya ng pagkain ang kabayo. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya dahil takot na takot siyang iabot ang damo sa kabayo pero nagpupumilit pa rin siya na gawin ang trabaho.Napailing na lang ako nang makita siyang tumatakbo sa gawi ko."Did you see that! He almost bit me!" sumbong niya sa akin na para bang may magagawa ako."Sabi ko naman sa'yo ay hindi mo kailangang gawin ang trabahong iyan," pigil-tawang sabi ko sa kanya."But I want to help you. Panigurado ako, mahirap ang trabaho na ito," aniya."Hindi ko naman trabaho ang magpakain ng kabayo. Nandito lang tayo dahil sabi mo ay gusto mong makakita ng kabayo," saad ko pa rito."Oh? Really? Kung ganoon, ano ang work mo dito?" muling tanong niya bago umupo sa tabi ko."Doon sa kusina o kaya sa labahan. Pero ngayon, nilipat nila ako sa pag-aalaga sa senyor," kwento ko sa kanya.Sa totoo lang ay parang siya ang inaalagaan ko dahil lagi niyang kinakausap ang senyor na hiramin





![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

