Se connecterAmora Asarie Marie-Grey was trapped in a loveless arranged marriage with the powerful Keizer Rhys Castiglione. After finding out that she was pregnant again, she decided to hide their child, scared to lose them. She makes a life-changing choice-to hide her pregnancy and raise her sons alone. Can she protect her secret and build a life of her own, or will Keizer's relentless pursuit expose her truth?
Voir plusCHAPTER 1: PROLOGUE
Takbo. Takbo. Takbo.
Ramdam ko ang panginginig ng mga paa ko, pero hindi naging hadlang iyon para bagalan ko ang pagtakbo.
Ang tanging manalangin ko lang ay sana pagdating ko ay wala pa siya. Ngunit pagpasok na pagpasok ko pa lang sa tahanan namin, siya agad ang sumalubong sa akin.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay.
"K-Keizer, nasasaktan ako," hirap kong sabi rito. Takot akong tumingin sa galit niyang mga mata. Parang walang awa ang natitira sa kanya habang pinakatititigan namin ang bawat isa.
Mukhang kanina pa siya nakauwi, at kamalas-malasan ko lang dahil minuto siyang nauna sa akin. Dahil dito, nalaman niya na umalis ako ng bahay nang walang paalam.
"Argh!" Napadaing ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa mukha ko; pakiramdam ko ay mababasag ang bungo ko sa sobrang higpit nito.
"K-Keizer, ano ba? N-nasasaktan ako!" daing ko rito, pero para siyang walang narinig. Pilit ko na lang na pinakalma ang sarili ko kahit na nasasaktan na ako.
"Bakit ba ang kulit mo? Ha! Sinabi kong magpapaalam ka kapag aalis ka! Mahirap bang gawin 'yon?" galit na tanong niya at mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak sa mukha ko.
'Kung alam mo ba ang dahilan ng pag-alis ko, papayag ka ba?' tanong ko na lang sa sarili ko.
Tatlong taon na kaming kasal, pero kahit ganito ang ginagawa niya sa akin, hindi umaabot sa punto na malala ang pananakit niya. Pero nakakapagod pa rin.
Sa tatlong taon naming pagsasama, ang pagiging istrikto at ganitong bagay lang ang natatanggap kong pananakit mula sa kanya. Pero kahit ganoon pa man ay nasasaktan pa rin ako.
"Fix yourself and go to your room. Pagbalik ko dito sa bahay at wala ka, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin." May pagbabantang saad niya bago tuluyang lumabas ng bahay.
Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kusina. Nakita ko pa si Manang Nile na naglilinis sa lababo, pero hindi ko siya pinansin.
Agad akong dumeretso sa refrigerator at kumuha ng mga pagkain, gulay, at prutas na nakita ko—lalo na ang saging dahil alam kong paborito niya iyon—at agad na inilagay sa supot.
Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto para manguha ng pera. Pagbaba ko naman ay naabutan ko si Manang sa sala.
"Hija, hindi ka ba natatakot sa asawa mo? Baka maabutan kang wala na naman dito at saktan ka ulit," nag-aalalang saad ng ginang.
"Kailangan ko talagang umalis, Manang. Importante lang ho, pasensya na po sa abala, pero mauuna na po ako," saad ko at dali-daling lumabas ng bahay. Nagtatakbo ako palabas ng village. Paglabas ko ay agad akong pumara ng taxi.
"Manong, sa pharmacy ho," sabi ko sa driver. Napasandal na lang ako sa bintana ng sasakyan, pero bago pa kami makalayo ay may nakita akong isang pamilyar na sasakyan. Hindi ko na ito pinansin dahil nakaramdam na ako ng pagod.
"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ng driver kaya naman agad akong nagbayad at lumabas ng taxi. Pumunta ako sa loob ng pharmacy at bumili ng gamot ko dahil hilong-hilo na ako.
Ilang araw na kasing pabalik-balik ang sakit ko, lalo na at napapadalas ang pananakit sa akin ni Keizer—kasalanan ko rin siguro dahil lagi na lang din akong lumalabas ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kanya.
Balak ko pa sanang pumunta ng grocery para mamili, pero kung dadaan pa ako doon ay mawawalan na ako ng oras. Kaya naman dito na rin ako bumili ng gatas at dali-daling pumunta sa apartment ko.
"Manang Sol, tao po," katok ko rito. Agad namang bumukas ang pinto.
"Oh! Asarie, pasok ka," saad niya kaya naman dali-dali akong pumasok.
Napalingon pa ako sa labas ng pinto dahil pakiramdam ko ay may nakamasid lang sa amin. Pero nang mapansin kong wala namang tao ay agad ko iyong isinara.
"Nasaan po si Keefer?" tanong ko sa ginang.
"Nandoon sa kwarto. Napakakulit nga e, kaya ayun—nakatulog," natatawa niyang kwento.
Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil kahit papaano ay nagiging maayos na ang lagay niya. Nang magkasakit kasi ako ay nilagnat din siya. Hindi ko tuloy alam kung nahawa ba ito sa akin.
"Ito po, Manang Sol, bayad po iyan at may dagdag na rin po. Tapos ito po ang mga pagkain, gulay, at prutas. Pupuntahan ko lang po si Keefer," paalam ko at pumunta sa kwarto.
Halos mapawi lahat ng pagod at hirap na nararamdam ko nang makita ko kung gaano kahimbing ang tulog ng anak ko.
Kaya siguro malakas ang loob ko na sumuway sa utos ng asawa ko ay dahil na rin sa kanya. Walang wala lahat ng hirap na pinagdadaanan ko tuwing nakikita ko siya.
"Ang anak ko, hindi man lang hinintay si Mama," saad ko at maingat na pinunasan ang pawis niya at binuhat siya mula sa pagkakahiga sa crib.
"Bakit natulog ka agad? Minsan na nga lang umuwi si Mama, tutulugan mo pa," kunwaring nagtatampong sabi ko kahit hindi naman niya ako naririnig.
"Huwag kang mag-alala. Kaunting tiis na lang, mahal ko. Makakasama mo na si Mama. Hintay ka lang ha," hinalikan ko siya sa noo.
Ramdam ko naman ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.
Minsan ay naiisip ko na lang na sumuko dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon namin. Hindi ko rin naman alam kung kaya ko pang magtagal ng ganito.
Pero tuwing nakikita ko ang anak ko ay mas lalong lumalakas ang loob ko na huwag sumuko. Lalo na sa ganitong sitwasyon, siya lang ang kakampi ko.
Nang mangawit ang braso ko ay dahan-dahan ko siyang inihigang muli sa crib.
Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang tinititigan siya. Kahit na nabuo siya nang mga panahong magulo ang sitwasyon namin ng ama niya—masaya pa rin ako dahil dumating siya sa buhay ko.
Hindi ko ma-imahe ang buhay ng ng wala siya.
Habang abala ako kay Keefer, ay nagulat na lang ako ng makarinig ng malakas na tunog mula sa labas ng pinto.
Paglingon ko ay para akong nakakita ng isang demonyong galit na galit sa sobrang pula. Parang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko siya.
"K-Keizer," gulat na tawag ko sa kanya.
'Anong ginagawa niya dito?!'
Chapter 291Kinabukasan ay nakalabas din ako ng ospital. Habang si Itay naman ay wala pa ring malay hanggang ngayon, kaya naman napagdesisyunan kong umuwi muna para makapagdala ako ng gamit niya pagbalik ko."Hoy Maria! Lumabas ka diyan! Demonyita ka!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng bahay namin.Napabuga na lang ako sa hangin bago isantabi ang mga ginagawa ko at labasin siya."Magandang umaga po, Aling Myrna," bati ko sa kanya."Anong maganda sa umaga, ha! Pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko, tingin mo ba ay may igaganda pa ang umaga ko!" galit na sigaw niya."Hindi ko na po kasalanan kung nakulong si Wayne. Sarili niya pong kapabayaan iyon, lalo na matapos ang ginawa niya kay Itay," sagot ko rito."Demonyita ka talaga! Kung hindi mo sana nilandi ang anak ko ay hindi 'to mangyayari sa kanya! Kasalanan mo lahat ng 'to!" dagdag niya pa."Si Wayne po ang kusang lumapit sa akin. Sa tingin niyo po ba ay aabot ng dalawang taon ang panliligaw niya sa akin kung nil
Chapter 290Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata.Hindi pamilyar sa akin ang lugar kaya naman kahit masakit ay pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga."Oy! Ano ba? Huwag ka munang masyadong gumalaw," rinig kong sabi ni Hilda."Nasaan ako?" nanghihinang tanong ko sa kanya bago inilibot ang tingin sa paligid."Nasa ospital ka, hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo. Basta tinawagan na lang ako ni Kio," aniya. Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad na bumalik lahat ng alaala ko.Simula nang makausap ko si Wayne hanggang sa ginawa niyang pananakit kay Itay ay muli kong naalala."H-Hilda, si Itay? Nasaan si Itay?""Ang itay mo? Nandito ang itay mo?" takang tanong niya sa akin."Hindi ko maalala ang nangyari pero duguan si Itay, Hilda! Sinaksak siya ni Wayne," kwento ko sa kanya."Ano!" hindi makapaniwalang sabi niya. "Teka, tatawag ako ng doktor," aniya at dali-daling lumabas.Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil hindi k
Chapter 289TW: This chapter contains sensitive scenes. Please skip if you feel uncomfortable.Kinabukasan ay napagdesisyonan kong huwag muna pumasok sa hacienda. Linggo naman at walang masyadong trabahong kailangang gawin.Sa mga ganitong araw ay pumapasok pa rin talaga ako, pero sa ngayon ay kailangan ko ng katahimikan at kapayapaan. Hindi ko makukuha iyon kung papasok ako sa trabaho at makikita si Kio.Sumabay pa si Wayne sa mga iniisip ko. Halos magdamag siyang tumatawag at nagpapadala ng mensahe. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko sinagot o binasa.Masyadong sarado ang isip ko ngayon para makausap siya. At panigurado akong itatanggi at itatanggi niya ang ginawa niyang panloloko sa akin.Napahinto na lang ako sa pagmumuni-muni ko nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng bahay.Tumayo ako mula sa kama para silipin kung sino iyon. At nang makitang si Wayne iyon ay parang lalong nasira ang araw ko."Anong kailangan mo?" walang emosyong tanong ko sa kanya nang pagbuksan
Chapter 288Parang nag-init ang buong katawan ko at nagsimulang mamawis. Gusto kong tumakbo at lumayo sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang gumalaw at takbuhan siya."Hey, silang dalawa ang makakasama mo dito. You better be on your best behavior," saway sa kanya ni Kuya Keefer."What? I'm not doing anything, I'm just greeting her," painosenteng sabi niya pa."I'll take my leave. Kayo na ang bahala sa bahay," muling paalam ni Kuya Keefer.Rinig kong nagsalita si Kio pero para akong nabingi at walang maintindihan sa sinasabi niya.Sumama sina Riya at Kio sa paghatid kay Kuya Keefer sa labas ng mansyon habang ako naman ay tulala pa rin mula sa kinatatayuan ko.Ibig sabihin ay si Kio ang tinutukoy ng senyor na mamahala dito sa hacienda? Ano na ang gagawin ko? Hindi pa ako handa na harapin siya. "Why didn't you come home yesterday? Akala ko pa naman ay makikita na kita," rinig kong sabi ni Riya.Nang lingunin ko ang gawi nila ay nakita kong nakapalupot ang kamay niya sa bewang n


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Notes
commentairesPlus