Mag-log inAng hirap mabuhay kapag palagi nalang nag-iisip tungkol sa pera. Mahirap bumangon sa araw-araw kung lagi mong poproblemahin ang pangtustos sa araw-araw. Iyan ang buhay ni Anya, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagtrabaho na kaagad siya pagkatapos ng high school para tumulong sa pangtustos nila sa araw-araw. Nabiyayaan siya ng pagkakataon na magtrabaho bilang kasambahay sa mga Villamor, ang pamilya ng crush niyang si Lucas Villamor noong high school. Nanumbalik ang kilig at pananabik niya nang makita ulit ang lalaking pinapangarap niya. Maayos naman ang lahat, ngunit napapadalas ang engkwentro nila ng kanyang boss na si Sir Lucas. Umabot sa punto na, hindi na sapat ang ginagawa niyang 'admiring from afar' lamang. Alam niyang hindi magbubunga ang nararamdaman niya, sa estado palang ng buhay, alam niyang ang buhay na mayroon siya ay hindi kakumpa-kumpara kay Lucas. Mapigilan niya kaya ang nararamdaman niya para sa amo niya? Paano kung may nararamdaman din ito para sa kanya? Ano kaya ang gagawin niya lalo na’t alam niyang bawal na makipag-relasyon sa amo niya?
view more“Anya, aalis ka na ba?”
Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla iyong itanong ni Lola. Nakaupo siya sa gilid ng aming papag, hawak ang isang basong tubig at ang huling piraso ng kanyang gamot. Ilang araw na rin siyang nagrereklamo sa sakit ng puso niya kaya naman kahit gustuhin kong mag-inarte sa pagod, pinipilit kong huwag na lang para hindi siya mag-alala. “Opo, Lola. Maghahanap lang ng himala... este, trabaho,” sagot ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Suot ko ang polo blouse kong puti na medyo naninilaw na, pero plantsadong-plantsado kaya mukhang disente. “May extra ka ba dyan, apo?” marahang tanong ni Lola. Alam kong nahihiya siya, pero kailangan niya ang maintenance niya. “Meron po, Lola. Huwag niyo na po alalahanin,” pagsisinungaling ko. Pagbukas ko ng wallet, muntik na akong himatayin. Limang daang piso na lang ang nasa loob. Paglabas ko ng bahay, tila nakikipag-away ang sikat ng araw sa balat ko. Habang naglalakad sa bayan, bitbit ang envelope ng resume kong mukhang pagod na rin sa buhay, biglang may nakapukaw ng atensyon ko sa isang bulletin board. Isang hiring post. WANTED: STAY-IN HOUSEMAID Location: Villamor Manor Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Villamor? Iisa lang ang kilala kong Villamor na may kakayahang magmay-ari ng mansion. “Lucas?” bulong ko. Biglang bumalik ang alaala ng high school. Ang matangkad, suplado, pero napakagwapong si Lucas Villamor. Crush ko nung high school. Noong hindi pa kasi kami iniiwan ng tatay ko, pinag-aral niya ako sa isang private school ng isang taon. Na-bully ako non kasi kahit tinapay lang sa canteen hindi ko afford, si Lucas lang ang umaawat sa kanila kaya naging crush ko siya. Lord, sign na ba ‘to? Ito ba yung killing two birds with one stone?! Makakatulong na ako kay Lola, makaka-score pa ako ng view sa mukha ng long-time crush ko! Agad kong tiningnan ang address. Malapit lang! Wait for me, baby! Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, lutang ang isip ko. Iniisip ko na kung anong klaseng outfit ang isusuot ko bilang katulong. Ayoko naman magmukhang nanay sa harap ng crush ko! Siguro yung medyo fit na duster? O baka naman pwedeng bikini? Maganda naman ang katawan ko. Syempre joke lang, baka mapatalsik ako agad. Sa lalim ng pagpapantasya ko, hindi ko napansin na tumatawid na pala ako sa kalsada. Isang matinis na tunog ng preno ang bumasag sa katahimikan. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo. Nanigas ako sa gitna ng kalsada nang maaninag ang isang makintab at itim na SUV na muntik nang gawing sapin sa kalsada ang katawan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig. Bumukas ang pinto ng driver’s seat. Lumabas ang isang lalaking matangkad, nakasuot ng mamahaling polo shirt. Nang tumingala ako, tila nag-slow motion ang paligid. Ang panga niyang kayang makahiwa ng papel, ang ilong niyang mas matuwid pa sa landas ko, at ang mga mata niyang tila nag-aapoy sa galit. Si Lucas ito….hindi ako pwedeng magkamali. “Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” sigaw niya. Ang boses niya ay malalim pero puno ng awtoridad. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko para patayuin ako. Kahit na nakita ko na siya ulit, hindi agad ako nakapag-celebrate dahil muntik na akong mamatay! Kasalanan ko rin dahil hindi ako tumitingin sa daan at baka nakaabala pa sa kanya. Sobrang na-guguilty ako. “P-pasensya na po, Sir… Hindi ko po sinasadya,” panginginig kong sabi. “Nataranta lang po ako… kailangan ko lang pong mabilhan ng gamot ang lola ko, tapos wala pa akong mahanap na trabaho…” Natigilan siya. Binitawan niya ang braso ko at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. May kung anong dumaan sa mata niya na para bang may napagtanto siya. “Sa susunod, huwag kang nag-iisip nang kung ano-ano habang nasa kalsada,” masungit niyang sabi. “Sorry po, desperada na po kasi ako…” “Anong alam mong gawin?” tanong niya nang biglaan. “Po?” “Trabaho. Sabi mo naghahanap ka ng trabaho. Anong alam mong gawin?” “K-kahit ano po! Marunong po akong maglinis, maglaba, magluto…” kahit mag-alaga sa'yo, Sir, kayang-kaya ko! “I’m looking for a stay-in maid for my mansion. My current staff is… incompetent. 12,000 a month, free food, and board. If you’re as desperate as you look, take it.” Nanlaki ang mga mata ko. 12,000? Plus free board and lodging? Plus free view ng face niya araw-araw? Jackpot! “T-totoo po ba?” “I don’t joke. Sumakay ka sa kotse. I’ll bring you to the estate. If you can clean the library to my satisfaction within two hours, the job is yours,” sabi niya sabay talikod. Pagdating sa Villamor Manor, halos malaglag ang panga ko. Mansion kung mansion! Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko mapigilang mapatingin sa likod niya. Ang lapad ng balikat. Sarap yakapin mula sa likod habang nagluluto siya ng…. ah, teka, ako nga pala ang magluluto. “I’m Lucas Villamor,” pakilala niya. I know, baby. I’ve known you for ten years. “Simple lang ang rules ko. Huwag kang makikialam sa mga gamit ko, huwag kang maingay, at huwag kang magdadala ng kung sino rito.” Dinala niya ako sa isang silid na puno ng mga libro. Grabe, ang alikabok! Mukhang dito nag-meeting ang lahat ng mga alikabok sa Pilipinas. “Clean this. I’ll be back in two hours,” utos niya bago ako iniwan. Agad akong kumilos. Kinuha ko ang basahan at nagsimulang makipag-gyera. Isang oras mahigit din akong nagpunas, nag-ayos, at nag-wax ng sahig. Patapos na sana ako nang may makaharap akong problema. Ang itaas na bahagi ng shelf. Pinilit ko itong abutin, tumitingkayad pa ako. “Kaunti na lang... konti pa... ayan!” Pero sa sobrang pilit ko, nabitawan ko ang hawak kong makapal na libro at dahil sa gulat, nawalan ako ng balanse. Napapikit ako, handa nang makipaghalikan ang puwet ko sa sahig. Ngunit sa halip na matigas na tiles, isang matigas na dibdib ang sumalubong sa akin. Isang pares ng malalakas na braso ang sumalo sa akin, habang ang kabilang kamay niya ay mabilis na sinalo ang librong babagsak sana sa ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inangat ko ang tingin sa likod ko. Nang makita siya, naramdaman ko ang init ng mukha ko. Ang lapit namin! Ramdam ko ang hininga niya sa labi ko. Lord, kung panaginip ‘to, pakisakal na lang ako para ‘wag na akong magising. “You’re so clumsy,” masungit na bulong niya, pero hindi niya agad ako binitawan. Nakatingin siya sa mga mata ko, tila naghahanap ng sagot sa isang tanong na hindi niya mabuo. Ano, Lucas? Naaalala mo na ba yung babaeng niligtas mo sa mga bully noong grade 10? Umatras siya agad at napa-ubo. “Not bad,” sabi niya, tinutukoy ang linis ng kwarto. Kumuha siya ng wallet at naglabas ng limang libong piso. “Advance salary. Start tomorrow, 6 AM. Don't be late.” Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap ang pera. May pambili na ng gamot si Lola! “Salamat po, Sir Lucas! Promise, gagalingan ko po! Kahit pati bubong niyo, didilaan ko para kuminang!” Tiningnan niya lang ako na parang nababaliw na ako, pero may konting kurba sa labi niya bago siya tumalikod. “Don’t thank me yet,” malamig niyang sagot. “Being a maid in this house isn't as easy as it looks. You’ll see.”Tumingin ako sa malaking ceramic na plato na nasa aking harapan. Puno ito ng iba't ibang klase ng pastry, mga croissant na ginintuan ang kulay at kitang-kita ang malutong na layers, mga pranses na tart na may makikinang na prutas sa ibabaw, at kumpol ng makukulay na macaron na tila mga mamahaling hiyas sa ilalim ng ilaw ng kusina. Napakaganda ng pagkakaayos ng mga ito, ngunit mas lalo akong nalingat sa dami nito."Lucas," panimula ko, habang nakaturo ang aking hintuturo sa gitna ng mesa. "Sigurado ka bang para sa akin lang ang lahat ng ito? Parang pambuong pamilya naman itong binili mo. O baka naman may darating kang bisita?"Natawa si Lucas nang mahina, ang kaniyang balikat ay bahagyang yumugyog habang sumasandal siya sa gilid ng marble counter. "No, Anya. That’s all for you. I wasn’t sure which ones you’d like, so I decided to buy a variety of everything that looked good. I wanted to make sure you have choices.""Napakagastos mo talaga," bulong ko, bagaman may halong pasasalamat ang
Habang tumatakbo ang sasakyan sa malawak na kahabaan ng expressway, unti-unting binalot ng katahimikan ang buong loob ng kotse. Ang marahang ugong ng makina at ang malamig na hangin mula sa air conditioner ay tila isang lullaby na unti-unting humihila sa aking mga talukap. Tumingin ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga naglalakihang puno, mga poste, at mga ilaw sa kalsada na mabilis na lumilipas sa aking paningin.Kasabay ng paglayo namin sa aming baranggay ang unti-unting pagbabalik ng mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Ang lahat ng emosyong pinagdaanan ko ngayong araw, ang takot nang harapin ako ng ina ni Lucas, ang sakit ng kaniyang mga salita, ang biglang pagkawala ng aking trabaho, at ang labis na kagalakan nang makasama ko ang aking pamilya, ay tila sabay-sabay na sumingil sa aking katawan. Naramdaman ko ang pagod, hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi ang matinding pagod ng aking isip at puso na kay tagal ding nagtiis at nagkunwaring matatag.Bahagya kong naramdaman
Habang nakatingin ako kay Nanay at kay Lola na parehong abot-langit ang ngiti sa amin ni Lucas, tila ba lumutang ang buong pagkatao ko sa labis na kaligayahan. Ang init ng tag-init na pumapasok sa aming bintana ay tila napalitan ng isang malambot at nakagiginhawang simoy ng hangin. Binalingan ko si Lucas na kasalukuyang masayang nakikipag-usap kay Lola, at kahit gaano ko kagustong patagalin ang oras na ito, alam kong oras na para magpaalam."Ah, Nay, Lola..." marahan kong pagtawag sa kanilang atensyon habang dahan-dahang tumayo mula sa aking kinauupuan. Lumapit ako sa gilid ng aming maliit na papag kung saan nakalagay ang aking lumang backpack na naglalaman ng aking mga personal na gamit at ilang piraso ng damit na dadalhin ko pabalik sa trabaho. "Kailangan ko na pong mag-ayos ng mga gamit ko. Medyo humahaba na rin po ang oras at kailangan ko na pong bumalik sa trabaho para hindi ako mahuli sa shift ko bukas."Mabilis kong inayos ang zipper ng aking bag at isinukbit ito sa aking bali
Napatikom ang aking bibig sa direktang tanong ni Nanay. Biglang natuyo ang aking lalamunan, at ang mga salitang kanina lang ay naglalaro sa aking isipan ay tila naglahong parang bula. Napatingin ako kay Nanay, pagkatapos ay mabilis na binalingan si Lucas na kasalukuyang hawak pa rin ang baso ng malamig na tubig. Pumintig nang mabilis ang aking puso sa tindi ng kaba. Ano nga ba ang isasagot ko? Sasabihin ko ba ang totoo? Pero bago kami makarating dito, wala naman kaming napag-usapan kung paano ko siya ipakikilala sa pamilya ko. Oo, sinabi niyang gusto niyang makilala ang pamilya ng girlfriend niya, pero ang ipakilala siya nang pormal at harap-harapan kay Nanay bilang opisyal kong kasintahan ay ibang usapan na. Paano kung nabigla lang siya kanina sa daan? Paano kung hindi pa siya handa sa mga posibleng itanong ni Nanay? O kaya naman, paano kung maging dahilan lang ito para mas lalo siyang maipit sa sitwasyon nila ng pamilya niya? Bumukas ang aking bibig, tangkang mag-imbento ng kung a
Matapos naming simutin ang huling butil ng sinangag at ang natitirang piraso ng crispy bacon, sabay kaming napa-unat ni Lucas. Pakiramdam ko ay nabuhay muli ang bawat selula sa aking katawan. Busog sa pagkain, busog din sa pagmamahal. Perfect combination! "Ako na magdadala niyan sa kusina," bolunt
Pagkalipas ng dalawang araw, pagbalik ko sa mansyon ng mga Villamor, parang may nakadagan na sako ng bigas sa balikat ko. Wala ang dati kong lundag sa paglalakad. Para akong sinakluban ng langit at lupa dahil sa mga iniisip ko.Nanatiling sariwa sa isip ko ang itsura ni Nanay na nanginginig sa hara
Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, at fear of height yata ang naramdaman ko noong makita ko ang layo ng sahig mula sa kutson. Parang kailangan ko pa ng elevator para lang makababa nang ligtas. Ang mga tuhod ko, kung may sarili lang silang boses, malamang ay nagmumura na sa akin ngayon dahil












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore