Share

Chapter 4

Author: vienriaz
last update publish date: 2026-05-01 00:13:45

Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba ko, feeling ko pati kaluluwa ko nakikita na ni Sir Lucas.

Nanatili kaming nakaupo sa maliit kong kama. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya pati yung init na nanggagaling sa katawan niya, parang oven na nakabukas. Ang bango-bango niya talaga, amoy mayaman na may halong mamahaling fabric softener. Lord, ganito ba talaga amoy ng mga lalaki? Bakit yung mga tambay sa kanto namin amoy kalsada at menthol lang?

“Sir, bakit kailangan niyo pang bumaba rito?” tanong ko para lang mabura ang awkward na katahimikan. “Pwede niyo naman po akong ipatawag sa intercom o kaya i-text.”

Pumunta kaya siya dito kasi nahulog na siya sa ganda ko at di na nakatiis na puntahan ako kahit dis oras na ng gabi? Kinikilig ako sa mga naiisip ko! What if nakita niyang chance to para bisitahin ako? Charot!

“I left my phone in the study, and I didn't want to wake the whole household,” sagot niya habang nakatingin sa mga poster ng K-drama sa dingding ko. Parang sinusuri niya kung anong klaseng nilalang ako base sa mga lalakeng nakadikit sa pader. “I thought you’d be awake. I didn’t expect you to be... like this.”

“Like what po? Mukhang haggard?” Hala, baka amoy laway ako!

Tumingin siya sa akin, mula ulo hanggang... sa gitnang bahagi ng katawan ko. Nanliit ang mga mata niya. Umiwas siya ng tingin pero binalik niya rin agad nang may halong pagtataka.

“Anya,” tawag niya. Yung boses niya, pang-voiceover ng commercial ng kape sa lalim.

“Po?”

“Why aren’t you wearing a bra?”

Parang may sumabog ang isang dosenang confetti sa utak ko. Awtomatikong napatingin ako sa dibdib ko at doon ko lang narealize. Dahil sa nipis ng t-shirt ko at sa pagkakayakap ko sa kanya kanina, parang may dalawang pasas na gustong magpakita sa kanya. Sino ba namang matutulog na naka-bra? Masakit kaya sa ribs 'yun, parang nakakulong sa rehas ang mga alaga ko!

“S-Sir!” Agad kong niyakap ang mga tuhod ko. “G-Gabi na po kasi! Alangan namang matulog ako nang naka-armor! Nakakahinga po ba ang balat 'pag ganoon?!” Natataranta kong paliwanag. Teka lang, ang landi landi ko sa isip ko pero ayoko muna ipakita sa kanya ang tinatago ko. Kahit pa naramdaman niya ang mga ito kanina, iba pa rin kapag nakita niya ng walang saplot!

Bahagyang natawa si Lucas, isang maikling tawa na nakaka-fall. Sa tawa niyang iyon, parang gusto ko agad i-surrender sa kanya ang virginity ko.

“I’m not complaining. I was just... surprised. It’s a bit distracting.”

Distracting?! Ano’ng ibig mong sabihin?! Na-distract ka sa view? Gusto ko na lang maging alikabok pero part of me, yung malanding part, ay biglang nag-cheer.

“Pasensya na po, hindi ko naman po alam na may VIP guest ang kwarto ko,” bulong ko. Gustong-gusto ko na talagang magtatalon sa tuwa pero pinigilan ko. Gusto ko siya pero pa-hard to get muna ako.

“It’s fine. Let’s just... talk about something else,” mabilis niyang bawi. Siguro naramdaman niyang magha-hyperventilate na ako. “So, these guys on your wall. Is that your type? Lean, pale, and looking like they’ve never seen the sun?”

Nakahinga ako nang maluwag. “Uy, Sir, huwag niyo silang i-judge! Magaling silang umarte. At tsaka, tingnan niyo naman yung jawline, pwedeng pang-hiwa ng sibuyas!”

“They look high-maintenance,” puna niya, sabay sandal sa sandalan ng kama ko. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya. “Do you actually think life is like those dramas? Where a rich guy falls for a clumsy maid?”

Napa-sibangot ako. “Hindi naman po ako ilusyunada, Sir. Alam ko namang sa totoong buhay, ang mayamang amo, strikto at mahilig mambulyaw ng labandera.”

Tumingin siya sa akin nang malalim. “I don’t shout at you.”

“Kasi po sinusunod ko lahat ng utos niyo,” sagot ko naman. “Kahit nakalimutan kong tiklupin 'yung mga polo shirt niyo.”

Natawa siya ulit, pero sa pagkakataong ito, mas matagal. Mukhang gumaan ang loob niya. Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa kung anu-anong bagay. Tungkol sa paborito niyang kape, tungkol sa kung gaano kahirap mag-manage ng kumpanya, at kung paano ang ginawa ko kanina. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko na Amo ko siya at katulong lang ako. Para lang kaming dalawang tao na nagtataguan sa gitna ng gabi. Pero habang nagkukwento ako, napansin kong medyo malikot siya. Inilipat niya ang posisyon ng upo niya. Kanina pa siya ganyan kaya tinanong ko na siya.

“Sir, okay lang po ba kayo? Masikip po ba? Gusto niyo po sa lapag na lang ako?” tanong ko, kunwari concerned pero ang totoo, gusto ko lang siyang titigan.

Tumingin siya sa akin, pero may kakaiba sa mga mata niya. Hindi siya sumagot agad. Napansin kong humigpit ang hawak niya sa gilid ng kama. Dahil sa lapit namin, hindi ko maiwasang mapatingin sa gitna ng mga binti niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa ilalim ng manipis na silk pajamas niya, may napansin akong kakaibang umbok na tila tumitigas at bumabakat.

Hala. Hindi ako tanga. Alam ko kung ano 'yun. Hindi 'yun cellphone dahil sabi niya naiwan niya sa study. Hindi rin 'yun wallet.

Napalunok ako. Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong nakatingin din siya sa akin, ang mga mata niya ay madilim at parang may kung anong apoy na nagniningas doon. Ang hininga niya ay naging mas mabigat.

“Anya...” tawag niya sa boses na mas malalim pa sa dati.

“S-Sir?” nauutal kong sagot. Ang puso ko, parang gustong tumalon palabas ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumakbo o manatili lang doon. Hahalikan na ba niya ako?

Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ko, ang hinlalaki niya ay dumaan sa ibabang labi ko. “You really shouldn't have hugged me that tight under the blanket.”

Hindi ako makapagsalita. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang mahinang pag-ikot ng electric fan sa sulok. Ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanya, isang init na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin, at sa bawat segundo na lumilipas, mas lalong nagiging tensyonado ang hangin sa loob ng kwarto.

“I think... the hallway is clear now,” sabi niya, at bumitaw siya. Huminga siya nang malalim, pilit na kumakalma. Tumingin siya sa orasan at pagkatapos ay tumayo na, dala ang basket ng mga damit niya. Ang umbok sa pajama niya ay nandoon pa rin, bakas na bakas, kaya mabilis akong umiwas ng tingin at tumingin sa sahig.

“Go to sleep. Just forget about what you saw. It was just a natural reaction since you hugged me too tight earlier.”

Mabilis siyang lumabas ng pinto nang hindi na lumingon pa. Naiwan akong tulala sa kama, hawak-hawak ang dibdib kong parang sasabog na. Nasasayangan ako na hindi man lang kami nag-kiss pero okay lang, pwede ko namang ibigay sa kanya ang first kiss ko anytime. Nararamdaman kong may epekto ang ganda ko sa kanya!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 167

    Sabi nila, time is gold. Pero sa mga sandaling iyon, habang nakaupo ako sa isang mamahaling swivel chair sa loob ng kwarto ni Nathan, pakiramdam ko ang oras ay gawa sa mabagal at natutunaw na semento. Isang oras. Isang buong oras kaming nagbabad sa loob ng silid na iyon habang naghihintay ng pagkakataon na lumabas ng hindi kahina-hinala. Sa bawat patak ng segundo, hindi ko mapigilang hindi mag-overthink. Nakatitig lang ako sa kisame, pero ang utak ko, gumagawa na ng buong teleserye. Ano kayang ginagawa ni Lucas ngayon? Nasaktan kaya siya ng dad niya? May pasa kaya ang napakaguwapo at napakatikas niyang mukha? Naku, kapag may galos ang panga ng lalaking iyon, handa akong mag-welga sa tapat ng mansyong ito! Ang mukhang iyon ay pambansang kayamanan, hindi dapat sinasaktan! "Anya, stop fidgeting. Lumulubog na 'yang upuan sa sobrang panginginig ng binti mo," basag ni Nathan sa katahimikan habang hindi man lang inaalis ang tingin sa cellphone niya. "Sir Nathan naman, isang oras na o! Is

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 166

    Sumunod ako sa kaniya pabalik sa silid niya. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Nathan at maingat na ibinaba ang tray sa ibabaw ng side table malapit sa kaniyang kama. Kahit anong pilit kong magmukhang kalmado, naramdaman ko ang kakaibang panginginig ng mga kamay ko. Ang kaba sa dibdib ko ay daig pa ang nakalunok ng isang buong alarm clock na walang tigil sa pagtunog. Paano kung saktan siya ng ama niya? Hindi naman siguro? Edi makadadagdag pa sa eskandalo yun? Pero paano kung itakwil siya? O paano kung... paano kung bigla na lang siyang ipakasal ulit sa iba sa loob ng study room na 'yon bilang parusa?! Ay, hindi maaari! Ang lalaking iyon ay para sa akin lang! Sa sobrang halo-halong emosyon na nararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humarap ako kay Nathan na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. "Sir Nathan! Bakit ba ang tagal-tagal nilang mag-usap doon? Ilang oras ba bago matapos ang sermon ng tatay niyo? Isang buong lecture ba ng kasaysayan ng pamilya niy

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 165

    Sinuri uli ako ni Manang Ruchel mula ulo hanggang paa. Napapalunok na ako, iniisip kung namali ba ako sa palusot! Pero mukhang wala naman siyang nakitang dumi o gusot sa damit ko na magpapatunay na galing ako sa kung anong gulo, at dahil na rin siguro backed-up ako ng pahayag ng mismong anak ng amo na si Nathan, dahan-dahan siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga "Sige na, magpahinga ka na. Mukha ngang napagod ka sa mga pinagawa ni Sir Nathan. Pero siguraduhin mo lang na bukas ng umaga, maaga kang gigising. Maraming lilinisin sa mansyon dahil sa nangyaring gulo ngayon," saad niya bago tumalikod at tuluyang lumabas ng quarters. Nang marinig ko ang tuluyang pagsasara ng pinto, doon lang ako nagkaripas ng takbo papunta sa kwarto ko at bumagsak sa aking higaan. Salamat sa Diyos! pakiramdam ko ay nakaligtas ako sa bitayan. Agad kong niyakap ang aking unan, ipinikit ko ang aking mga mata habang ang labi ko ay kusang gumuguhit ng isang malawak na ngiti. Lucas baby, ang dami kong pina

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 164

    “Act normal, Anya. Don't look like you just came back from a romantic getaway," seryosong untag sa akin ni Nathan habang pinapatay ang makina ng sasakyan sa pribadong garahe ng mansyon. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Ang mansyon ay tahimik, tanging ang huni ng mga kuliglig at ang marahang kaluskos ng mga dahon sa malawak na hardin ang naririnig. Habang naglalakad kami papasok sa pintuan ng mansyon ay unti-unti nang bumabalik ang kaba sa dibdib ko. Kulang na lang ay maging parang spy ako sa mga action movie sa dahan-dahan kong paghakbang. Nang makapasok na kami sa loob at makarating sa may hallway, huminto ako at humarap kay Nathan. "Sir Nathan, mauna na po ako sa maid’s quarters. Baka may makakita pa sa atin dito, mahirap na," bulong ko, habang panakaw na sumisilip sa paligid. Bahagyang natawa si Nathan, isang maikling tunog na halatang nangaasar na naman. "Don't worry too much, Anya. You don't have to look like a thief in your own workplace. I already called Manang Ruchel earl

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 163

    Sabay kaming napalingon ni Lucas sa direksyon ng pinto nang muling umalingawngaw ang tatlong magkakasunod at tila naiinip na katok. Umayos ako ng tayo habang si Lucas naman ay nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga. Lumapit si Lucas sa pinto at dahan-dahan itong binuksan. Iniluwa nito si Nathan. Nakasandal si Nathan sa hamba ng pinto, nakapamulsa, at may bitbit na mapaglarong ngiti na ewan ko ba kung bakit parang laging nang-aasar. "Is she ready?" walang kaba na tanong ni Nathan habang humahakbang siya papasok sa loob ng hotel room. Yung paraan ng pagtingin niya, parang naghahanap ng kung anong butas para asarin kami. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang kasuotan na tila ba galing sa isang business magazine, pero siyempre, mas masarap pa ring yakapin ang aking one and only Lucas baby. Siya lang ang mahal ko. Bago pa man makalapit nang husto si Nathan sa kinaroroonan ko, mabilis na humarang si Lucas sa pagitan naming dalawa. Ang kaniyang malalapad na balikat ay naging in

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 162

    Habang dahan-dahang lumalapit ang kaniyang mukha sa akin, naramdaman ko ang marahang pagdampi ng kaniyang mainit na hininga sa aking mga labi. Ang puso ko? Ayun, nagwawala na naman na parang nakawala sa kural. Konting-konti na lang talaga, magkakadikit na ang mga labi namin. Isinara ko na ang mga mata ko, handang-handa nang salubungin ang langit nang biglang tumunog ang telepono. Parang binuhusan ng isang timbang yelo ang buong pagkatao ko. Napadilat ako bigla, at nakita ko ang marahas na pagpikit ng mga mata ni Lucas habang humihinga nang malalim. Kung nakakamatay lang ang tingin, paniguradong sumabog na ang kawawang cellphone na nakapatong sa side table. Panira naman ng moment! "Don't mind it," bulong ni Lucas, ang boses ay mas lalong lumalim sa inis Sinubukan niya ulit abutin ang labi ko, pero hindi pa nga dumidikit, tumunog na naman ang demonyong cellphone. "Aba, mukhang may sunog yata, Lucas. O baka naman nananawagan na naman ang mga magulang mo," biro ko sa kaniya para kahi

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 73

    “Anya! Sabel!” Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo sa sahig nang marinig ko ang pamilyar at medyo nakabulabog na boses ni Ma’am Cindy mula sa itaas ng grand staircase. Agad kaming nagkatinginan ni Sabel, sabay na tumayo at nag-ayos ng sarili na parang mga sundalong tinawag sa flag ceremony. “An

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 70

    Kinabukasan, nagising ako na mas mabigat pa sa refrigerator ang pakiramdam ko. Pagdilat pa lang ng mga mata ko sa kisame ng kuwarto ng mga kasambahay, pumasok na agad sa utak ko ang malupit na katotohanan na ngayon na ang alis ni Lucas papuntang Tagaytay. “Lord naman, bakit kasi naimbento pa ’yang

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 68

    Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mukha, at ramdam ko na ang init ng kanyang hininga na humahaplos sa aking labi. Napapikit na ako, nag-aabang sa susunod na kabanata ng aming personal teleserye. Ang mga kamay ko ay nakahawak na sa kanyang matitigas na balikat, handang-handa nang sumabog ang fi

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 61

    Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, at fear of height yata ang naramdaman ko noong makita ko ang layo ng sahig mula sa kutson. Parang kailangan ko pa ng elevator para lang makababa nang ligtas. Ang mga tuhod ko, kung may sarili lang silang boses, malamang ay nagmumura na sa akin ngayon dahil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status