LOGINDahil sa aksidenteng nangyari kay Luther ay napauwi ito ng probinsya upang doon ay magpagaling. Advise din kasi ng private Doktor nito na mas mabilis itong gumaling kapag nasa tahimik at sariwang lugar ito manatili muna. And then binigyan siya ng personal Maid na siyang mag-aasikaso sa kanya. Si Harmonica o mas kilala sa pangalang Harmie isang certified Maria Clara. Ngunit papaano kung may pagka-syunga at tanga si Harmie? Magkakasundo ba kaya sila ni Luther? Mapapabilis ba kaya ang paggaling ng binata kung ang kasama niya ay parang sa channel lang ng radio na hindi magkaintindihan? Anong gagawin ni Luther kay Harmie upang magka-konek naman sila kahit paminsan-minsan lang?
View More“Huwag ka ngang magpaka martir Cheska! Hindi kana pinapahalagahan ni Nico!” kulang nalang ay alugin na ni Mia ang magka bilaang braso ni Cheska para magising ito sa pagiging manhid.
Kasalukuyan silang magka harap ngayon sa kusina ng mansyon ng bahay nina Cheska at Nico.
“Hinaan mo boses mo. Baka may maka rinig sa’yo” natatarantang sita nito sa kaibigan. Lumingon pa ito sa kanyang likudan upang tignan kung may tao ba na pwedeng maka rinig sa kanilang pinag uusapan. At tila sya nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makitang walang tao. Muli syang bumaling ng tingin sa kaibigan na may bagsak na balikat.
Ngunit para bang wala itong narinig at nagawa pa nitong umirap sa hangin at mas lalo pang suminghal sa galit.
“Anniversary n’yo ngayon asan sya? Wala! Ni hindi nya nga magawang bisitahin anak nyo sa sementeryo” nang gigigil na sabi ni Mia.
Sa hindi malamang dahilan ay para bang may tumutusok sa kanyang puso sa sinabi ng kaibigan. Noong nakaraang taon lang ng nawala ang sana’y panganay na anak nila ni Nico. Habang na sa labor si Cheska ay nalaman nya ang balitang nasangkot ang kanyang ama sa Isang car accident dahilan nang pag panaw nito. Kasabay naman non ang pagka matay ng kanilang anak dahil hindi kinaya ng Bata ang panganganak ni Cheska at kahit kailan ay hindi nya nasilayan ang kanilang anak dahil agad syang nawalan ng malay.
Bahaw na tumawa si Cheska, “Ito naman, baka busy lang sya sa Trabaho”
Kahit ang totoo nyan ay sang ayon sya sa sinasabi ng kaibigan. Kahit kailan ay hindi nya pa nakita ang kanyang asawa na binisita ang puntod ng kanilang anak. May mga araw na kinakausap nya ito na dumalaw ngunit ang lagi lang nitong sagot ay busy sa Trabaho.
“Lintik na palusot yan! Hindi ba pwedeng ipag paliban ang trabaho sa mga importanteng pangyayari ng buhay nyo”
Hindi naka sagot si Cheska sa mga sinasabi ni Mia. Sinasampal sya ngayon ng mga katotohanan at hindi nya mapigilang alalahanin ang dating pag sasama nila ng kanyang asawa.
Kung pwede lang bumalik sa nakaraan ay ginawa nya na. Kung saan matibay at maayos ang kanilang relasyon.
“Syaka isa pa, minsan lang sa Isang taon para ma experience ninyo ang Anniversary. Ilang oras lang naman ang ilalaan nya” dagdag pa nito.
Kinagat ni Cheska ang kanyang pang ibabang labi, pinipigilang maiyak. Nang mapansin ito ng kaibigan ay agad sya nitong dinaluhan upang yakapin.
Hindi mapigilan ni Mia maawa sa kanyang kaibigan pero may parte sa kanya na naiinis dahil hindi ito nakikinig sa kanya.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko” hikbi ni Cheska. Hinahagod naman ni Mia ang likudan ng kaibigan upang ipahiwatig na meron ang kaibigan bilang kaagapay nya sa lahat.
“Ano ba Cheska. Madami pang lalaki jaan na papahalagahan ka, Ibibigay oras sa’yo nang hindi mo hinihingi at mamahalin ka ng lubos”
“Beside, there’s a lot of guys who’s begging for your attention. Stop wasting your time felling miserable-“ hindi natuloy ni Mia ang kanyang sasabihin ng mag salita si Cheska.
“Aanhin ko sila. Kung ang tinitibok ng puso ko ay si Nico. Hindi ko sila kayang mahalin gaya ng pag mamahal ko sa kanya. Martir na kung martir pero gagawin ko ang lahat para bumalik kami sa dati”
Totoong madaming nag hahabol kay Cheska dahil sa angking kagandahan nito. Inaasam din ng iba ang atensyon nito pero kahit kailan ay hindi nya nagawang lumingon sa iba.
May parte pa rin sa kanyang puso at umaasa na babalik sa dati ang kanilang relasyon kung saan maayos at umaapaw ang kanilang pag mamahalan sa isa’t Isa.
Buong maghapong iniwasan ni Cheska na sumagi sa kanyang isipan ang pinag usapan nila kanina ni Mia. Kaya naman inabala nalang nya ang kanyang sarili na ipag luto si Nico ng mga paborito nitong potahe. Alam nyang pagod ito galing sa trabaho at hindi na nila magagawang lumabas para mag celebrate ng kanilang wedding anniversary. Kung kaya’y nag luto nalang ito.
Dati silang high school sweet hearts. Ang akala nila ay tutol ang mga magulang nila sa relasyon nila pero sinuportahan nila ito dahil matalik na mag kaibigan ang kanilang ama.
Sumilay ang malapad na ngiti nya sa labi ng makita ang lahat ng pinag hirapan nyang lutuin. Tiyak na matutuwa si Nico.
Wala pang ilang minuto ay narinig nya ang pag bukas ng bakal na gate ng mansion at ang tunog ng sasakyan ni Nico. Nakaramdam sya ng kaba kasabay ng pagkabog ng kanyang puso na para bang may nagkakarerang mga kabayo sa loob nito.
Agad syang tumungo sa kanilang sala. Napatigil sya sa pag hakbang ng makitang papasok na si Nico. Ngunit napawi agad ang kanyang magaan na ngiti sa labi ng makita nya ang itsura ng asawa. Gulong-gulo ang buhok ni Nico na para bang sinabunutan ito. Hindi din maayos ang pagkaka botones ng kanyang suit at hindi na ‘rin naka tali ng maayos ang kanyang necktie.
Lumipat ang tingin nya sa dala nitong brown envelope. Madalas ay wala itong dala tuwing umuuwi dahil gusto nitong ilayo ang Trabaho kapag naka uwi na sya sa kanilang mansion.
Muli nyang binalik ang tingin sa asawa. Sa tingin na iginawad ng kanyang asawa ay tila ba may humigit sa kanyang hininga. Sa kabila ng namumula nitong mata ay ramdam ni Cheska ang lamig sa mga titig na iyon. Napalunok sya kasabay ng pag kirot ng kanyang puso.
Pilit nyang ibinalik ang ngiti sa kanyang labi. Kailangan nyang maging maayos at magiliw dahil espesyal na araw ito para sa kanila. Gusto nyang yakapin ang asawa para mawala ang mga masasama nyang iniisip. Humakbang sya papalapit sa asawa na ngayon ay blangko ang ekspresyong naka tingin sa kanya.
“Happy Second Anniversary to us-“ naputol ang sasabihin ni Cheska ng mag salita ang lalaki.
“Let’s get divorce” bungad ni Nico sa malamig na boses. Natigilan si Cheska sa narinig at tila ba nabingi. Divorce? Seryoso ba ang asawa nito? Divorce sa mismong anniversary nila?
“Huh?” Hindi makapaniwalang pag uulit ni Cheska.
“You heard it right, Cheska” mas lalong nabasag ang puso ni Cheska ng tawagin sya nito sa pangalan nya.
“Baka pagod kalang maha-l” nauutal na ani ni Cheska. Hindi alam ang gagawin, “Gusto mo bang mag pahing-a muna? Naayos ko na higaan natin sa kwarto”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?”
“I said I’m thinking for a Divorce” pag uulit nito sa matigas at may autoridad na boses.
Tila ba nanlalambot ang tuhod ni Cheska sa narinig. Bakit ngayon pa? Hindi nya alam kung saan sya kukuha ngayon ng lakas sa pinag sasabi ng kanyang asawa at para bang naubusan sya ng mga salita.
Hindi pa nakaka bawi ng huwisyo si Cheska ng mag salita ito muli.
“Sawa na ako”
Nanikip ang puso nya sa mga naririnig ngayon. Ngunit pinilit nyang maging matatag .
“Guto-m kab-a? Nag luto ako ng mga paborito mo” lumapit sya para hawakan ang braso ng asawa na agad naman nitong iwinaksi.
“Don’t make this hard for us Cheska. Hindi na ako masaya sa relasyon natin at nakakasakal na”
Hindi napigilan ni Cheska na mangilid ang kanyang luha sa sinabi ng kanyang asawa. Nanlabo ang kanyang paningin.
“Pagod kana ba?” Hindi nya napigilan ang sariling mag tanong. Tumingin sya sa asawa na ngayon ay hindi maka tingin ng deretsyo sa kanya. Ramdam nito ang mga malalim na pag hinga ni Nico at ang pag galaw ng Adams apple nito.
“Pagod na pagod, Cheska” madiing sagot nya.
“Uso naman ang pahinga eh. Kung pagod kana mag pahinga ka. Hindi yong itatapon mo ang mga pinag samahan natin ng ilang taon dahil lang pagod kan-a” pumiyok ang boses ni Cheska kasabay ng pag buhos ng kanina pang pinipigilang mga luha.
“Think and consider my feelings Cheska! I’m feeling miserable inside of this hell relationship!” tumaas ang tono ng boses nito.
“Mahal inisip mo ba nararamdaman ko ngayon? Mahal minsan lang sa Isang taon kung magkaroon tayo ng Wedding Anniversary. Ito pa ang mga sasabihin mo sa akin” panunumbat ni Cheska sakabila ng parang pinipirasong puso nya.
“Then gawin mong regalo sa akin ang Divorce paper. Sign it”
Iminuhestra sa kanya nito ang envelope na may lamang divorce paper. May bumara sa kanyang lalamunan at hindi nya alam kung saan kukunin ang boses.
“Aanhin natin ang ilang taon na ‘yon Cheska, kung hindi naman na ako nagiging masaya”
“Mahal nasasabi mo lang yan kasi naka inom ka” namamaos at may pag asa sa boses nitong sabi. Hahawakan nya pa sana ang asawa ng umatras ito. Nanikip ang puso ng Cheska sa ginawa nito. Kung dati ay lumalapit ito para sa hawak ni Cheska ngayon ay umiiwas na ito.
“Mahal…” pag tawag nya sa naninikip na lalamunan.
“Naalala mo ba nangako tayo sa simbahan. Mahal nangako tayo na hanggang huli mag kasama tayo. Nangako tayong kahit anong mangyari hindi natin bibitawan isa’t isa”
“Because it’s a mistake to get married to you, Cheska!” matigas na wika nya kasabay ng pag tagi
s ng bagang nito.
Is It a mistake to love her?
Mas maagang nagising si Harmie sa araw na iyon at may therapy session siya at check up. Dati buwan-buwan ang kanyang therapy session at check ups pero mas malala noong bagong labas siya ng hospital. Weekly ang kanyang mga check ups at therapy sessions dumating pa 'yong puntong naging buto't balat na lamang siya. Kaya ganoon na lamang ang saya ng mga magulang ng dalaga nang unti-unti na itong maka-recover."You're so very early today," mahinang saad ni Luther nang mapagbuksan niya ang dalaga."Sorry Senyorito may therapy session kasi ako ngayon at check up sa Doktor ko." Sagot naman ni Harmie sabay lapag sa tray na hawak nito.Mabilis niyang iniabot kay Luther ang mga gamot at inumin nitong tubig plus ang mahiwaga niyang panghimagas."Anong oras ba?" tanong naman ni Luther habang nginunguya ang kanyang panghimagas."Maaga po kailangan ko kasing pumila iyong breakfast niyo po nagawa ko na iinitin na lang. Ibinilin ko na rin kay Aling Digna ang inyong lunch baka kasi hapon na po ako maka
Naglakad-lakad nang hapong iyon si Luther kasama si Harmie sa malawak na bakuran ng Mansyon. Plano din ng binata na maglakad -lakad ito sa labas at sa kabukiran kapag medyo okay na talaga ang pakiramdam niya."Tubig Senyorito?" Alok ni Harmie nang makita nitong humihingal na si Luther.Naupo naman si Luther sa bermuda grass at tahimik nitong inabot ang kanyang tumbler na hawak ni Harmie. Naupo naman si Harmie sa tabi ni Luther at napagmasdan nila pareho ang paglubog ng araw. Medyo mababa na kasi ang bakod ng bakuran sa may bandang dulo dahil may daanan doon papuntang bundok. Kung nasaan naroon ang kanilang mga palaisdaan at mga babuyan maging ang kanilang manukan."Ang ganda talaga ng paglubog ni haring araw, tapos ang ganda din ni Reynang buwan sa gabi." Sabi ni Harmie na nakangiti.Naudlot ang paglunok ni Luther sa last na tubig sa loob ng kanyang bibig."Noong bata ako akala ko palipat-lipat si Reynang buwan akala ko lang pala 'yon!" Natatawa pang wika ulit ng dalaga."Bakit mo si
Maagang nagising si Harmie may iinuming gamot si Luther sa eksaktong alas sais. Naibigay na ni Yaya Gina ang talaan sa kanyang mga pang-araw-araw na routine kay Luther. Idinikit na niya iyon sa dingding para hindi niya makallimutan at para lagi niyang nakikita. Pagkarating ni Harmie sa harap ng pinto ng kwarto ni Luther ay humugot muna ito nang malalim na hininga bago kumatok. Naka-apat yatang katok si Harmie bago ito binuksan ng pupungas-pungas na si Luther."What do you need? Why are you so early today?" Parang ngongo lang na sabi ng binata.Ngumiti naman si Harmie. "May gamot kang iinumin Senyorito kaya maaga ako ayaw mo ba? Siyanga pala Senyorito magandang umaga!"Tuluyan nang napadilat si Luther at nagising bigla ang diwa nito. Aminado siyang mahina pa talaga ang kanyang katawan kaya halos panay tulog siya gawa yata ng nga gamot na iniinom niya."Come in," mahinang yaya niya kay Harmie at niluwangan niya nang awang ang pinto.Sumunod naman si Harmie sa pagpasok at muling isinara
Nagtataka si Harmie sa kilos ng lahat sa Mansion nang makabalik sila ng Mayordomang si Pilar galing sa palengke."Aling Pilar pansin ko parang dumating na ang panganay ng mga Verdadero." Nakalabing sabi ni Harmie habang papasok sa sila sa pinto papuntang malaking kusina."Mabuti naman at nakarating na din siya sa kabila ng kanyang sitwasyon." Sagot naman ni Aling Pilar."Bakit po ba siya naaksidente?" Muling tanong ni Harmie na curious talaga sa nangyari kay Luther.Bumuntonghininga naman si Aling Pilar at sinenyasan nito ang mga may bitbit sa kanilang mga pinamili."Ang sabi may foul play kaya dito muna siya para sa kanyang kaligtasan." Mababa ang boses na sabi ni Aling Pilar at nagsimula na itong ilabas ang kanilang mga pinamili.Tumulong naman si Harmie sa ginagawa ni Aling Pilar."Ang hirap naman pa lang maging mayaman marami kang kalaban." Ani ng dalaga."Tama ka lalo na kung marami ang naiinggit sa'yo kailangan ng ibayong pag- iingat. Sige na ang iba nating binili dalhin mo na s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.