Home / Romance / My Probinsyana Maid / Chapter 12: Oh, Lizards!

Share

Chapter 12: Oh, Lizards!

Author: MR.ROMANTICO
last update publish date: 2026-07-21 12:06:47

Namimilipit nang tawa si Harmie sa loob ng sarili nitong silid nang makapasok siya doon. Kanina pa niya gustong pakawalan ang tinitimpi niyang tawa para kay Maja.

"Hmmmp! Maldita kasi pati ibang katulong dito tinatarayan niya. Tingnan ko nga kung hanggang kailan siya tatagal dito," sabi ni Harmie sa sarili niya at muli na naman itong natawa.

Kapagkuwan ay nahiga ito at natitigan niya ang kisame. Unti-unting sumilay ang pilya niyang ngiti nang may maisip na naman siyang ganti para kay Maja.

Huma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rose Ann Castro
bkt?po putol Ang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Probinsyana Maid   Chapter 14: Oh No, Cockroaches!

    Kinaumagahan.Nagkasalubong sina Harmie at Maja sa may hallway. Kapwa sila natigilan subalit agad ding ngumiti si Harmie habang si Maja naman ay umirap. Nakataas pa ang mga kilay nito habang nakaismid na nakatingin kay Harmie."What's that?"mataray na tanong ni Maja sa hawak ni Harmie na maliit na kahon.Nakalagay kasi iyon sa isang maliit na box kagaya sa mga nabibiling jewelry. Ngumiti naman ulit si Harmie na para bang hindi sila magkagalit ni Maja."Box nga po hindi ba?" pabalang na sagot ng dalaga.Naningkit naman ang mga mata ni Maja at pinameywangan niya si Harmie."You know what? Katulong ka lang dito at dapat magalang kang sumagot sa mga amo mo. Hindi pabalang napaghahalataan ka talagang probinsyana!" Mataray na sabi ni Maja."Proud akong Probinsyana ako. At magalang ako sa mga dapat na iginagalang. Ikaw din napaghahalataan kang taga- City dahil sa pag-uugali mo!" Prangka na ding sagot ni Harmie.Nanlaki naman ang mga mata ni Maja dahil sa sinabi ni Harmie sa kanya. Mas lalonh

  • My Probinsyana Maid   Chapter 12: Oh, Lizards!

    Namimilipit nang tawa si Harmie sa loob ng sarili nitong silid nang makapasok siya doon. Kanina pa niya gustong pakawalan ang tinitimpi niyang tawa para kay Maja."Hmmmp! Maldita kasi pati ibang katulong dito tinatarayan niya. Tingnan ko nga kung hanggang kailan siya tatagal dito," sabi ni Harmie sa sarili niya at muli na naman itong natawa.Kapagkuwan ay nahiga ito at natitigan niya ang kisame. Unti-unting sumilay ang pilya niyang ngiti nang may maisip na naman siyang ganti para kay Maja.Humanda ang malditang iyon. Hindi siya magtatagal dito at kusa siyang aalis!Bumangon si Harmie. Palagay niya ay biglang nawala lahat ng pagod ng katawan niya dahil sa naisip na naman nitong kapilyahan. Pero sisiguraduhin niyang hindi siya mabubuko o kaya ay mahuli ng sino man dahil sa gagawin niya ulit."I think, may gusto sa'yo ang maid niyong si Harmie. Kaya niya ako pinag-iinitan," nakabusangot ang mukha ni Maja na sinabi iyon kay Luther.Nasa may swimming pool silang dalawa at balak mag-swimmin

  • My Probinsyana Maid   Chapter 11: Bullfrog

    "Ahhhhh!" Isang malakas na sigaw ni Maja ang bumulabog sa buong Mansyon.Lahat ay nataranta, iisa nilang pinuntahan ang kinaroroonan ni Maja kung saan ito nagsisisigaw at nagtatalon-talon."What happened?" Tarantang tanong ni Luther sa dalaga kahit paika-ika ay napuntahan niya ang dalaga."Frogs! Mga palaka!" Pagsisigaw pa rin ni Maja.Sukat doon ay nakahinga nang maluwag si Luther. Pati na ang iba ay nakahinga din nang maluwag habang sina Lander at Lance pinipigilan nilang matawa kay Maja."It's just a frog. And they didn't bite you anyway!" Nakangising sabi ni Lance."Yeah. So, you're afraid of frogs?" Sabi naman ni Lander."Sinong nagpasok dito ng mga palaka?" Mariing tanong naman ni Luther sabay lingon sa mga katulong na naroon."Wala po kaming alam, Senyorito." Sabay-sabay na sagot ng mga katulong."It's just not a frog okay? It's bullfrog, ewwww!" Maarte namang wika ni Maja sabay talon at sumiksik ito kay Luther."Alisin ang mga iyan," utos naman ni Luther sa mg katulong magkasa

  • My Probinsyana Maid   Chapter 10: Ganti

    "Hoy, chimay linisan mo ang kwarto ko maalikabok na." Tawag ni Maja kay Harmie nang makita nitong mapadaan ang dalaga sa kanyang kinaroroonan.Paismid na tumigil si Harmie sa tapat ni Maja na nakapameywang pa. Hinamig ni Harmie ang sarili nito, ayaw niya munang kasagutan si Maja sa araw na iyon."Ano? Narinig mo ba ang sinabi ko?" Panlalaki pa ng mga matang sabi ni Maja kay Harmie.Napapikit si Harmie pero sa isipan nito ay binibilangan niya si Maja."Naglinis ka sa kwarto ni Luther hindi ba? Puwes, linisan mo din ang kwarto ko as your guest here." Mataray pang sabi ni Maja.Huminga nang malalim si Harmie at nginitian niya si Maja."Sandali lang po at may kukunin lang ako saka ko linisan ang iyong kwatro Ma'am!" Magalang na sagot ni Harmie.Biglang natawa si Maja. "Anong nangyari? Anong nakain mo at bigla kang naging mabait ngayon sa akin? Nasaan na ang tapang at taray mo? Siguro napagalitan ka na dahil diyan sa kamalditahan mo, know your place kasi! Isa kang katulong at ako ang amo,"

  • My Probinsyana Maid   Chapter 9: Maldita vs. Maldita

    Natigilan si Harmie sa paglalakad nito nang makita niyang lumabas ng silid ni Luther si Maja. Nagkagulatan pa silang dalawa dahil oras na ng taking medicine si Luther. Hindi inaasahan ni Harmie na mahuhuli niya si Maja galing sa loob ng kwarto ni Luther."Hoy, wala kang nakita ha?" Pandidilat agad ni Maja kay Harmie na nagtatanong ang tingin nito sa dalaga."Hindi ako bulag at saka hindi ako pipi pero, huwag kang mag-alala sanay na ako." Walang pakialam na sagot ni Harmie.Nanlaki naman ang mga mata ni Maja."What do you mean? You saw other girls who came out from the room of Luther?" Hindi makanipaniwalang bulalas ng dalaga.Napaikot naman ni Harmie ang mga mata nito at napangiwi."Sanay na akong makita na may mga babaeng nanggagaling sa kwarto ng mga Senyorito. Pero kay Senyorito Luther, ikaw pa lang naman ang nakita ko." Sabi ng dalaga.Nakahinga naman nang maluwag si Maja pero inirapan niya si Harmie."Linawin mo kasi ang labo mong kausap," anito."Tumabi ka na marami pa akong gag

  • My Probinsyana Maid   Chapter 8: Bisita o Bwisita?

    Napakunot-noo si Harmie nang may makasalubong siyang babae na kasama ng Butler sa Mansyon. Naka-shoulder bag ito nang maliit makapal ang make up at may maleta itong hawak ng Butler. Matangkad maputi may kulay ang buhok, malalaki ang hikaw nito at higit sa lahat may awra itong maldita."What are you doing at Luther's room huh?" Mataray na tanong na babae na animoy handang makipaglaban sa ano mang sagupaan.Napaatras naman ng konti si Harmie at napatingin siya sa Butler."I didn't know na may pumapasok na tsimay sa loob ng kwarto ni Luther!" Sabi pa nito sabay tingin nang maaalipusta kay Harmie mula ulo hanggang paa.Nakabawi naman agad si Harmie sa pagkabigla nito dahil hindi niya inaasahang mah darating na bisita ang kanyang Senyorito Luther.Tumikhim naman ang Butler. "Personal maid siya ni Senyorito, Ma'am!" Pagbibigay alam nito sa babae.Tumaas naman nang bahagya ang isang kilay ng babae na muling tumingin kay Harmie from head to toe."Harmie si Ma'am Maja girlfriend ni Senyorito L

  • My Probinsyana Maid   Chapter 5: Check Up

    Mas maagang nagising si Harmie sa araw na iyon at may therapy session siya at check up. Dati buwan-buwan ang kanyang therapy session at check ups pero mas malala noong bagong labas siya ng hospital. Weekly ang kanyang mga check ups at therapy sessions dumating pa 'yong puntong naging buto't balat n

  • My Probinsyana Maid   Chapter 4: Harmie strikes again

    Naglakad-lakad nang hapong iyon si Luther kasama si Harmie sa malawak na bakuran ng Mansyon. Plano din ng binata na maglakad -lakad ito sa labas at sa kabukiran kapag medyo okay na talaga ang pakiramdam niya."Tubig Senyorito?" Alok ni Harmie nang makita nitong humihingal na si Luther.Naupo naman

  • My Probinsyana Maid   Chapter 3: Busy Yarn?

    Maagang nagising si Harmie may iinuming gamot si Luther sa eksaktong alas sais. Naibigay na ni Yaya Gina ang talaan sa kanyang mga pang-araw-araw na routine kay Luther. Idinikit na niya iyon sa dingding para hindi niya makallimutan at para lagi niyang nakikita. Pagkarating ni Harmie sa harap ng pin

  • My Probinsyana Maid   Chapter 2: First Met

    Nagtataka si Harmie sa kilos ng lahat sa Mansion nang makabalik sila ng Mayordomang si Pilar galing sa palengke."Aling Pilar pansin ko parang dumating na ang panganay ng mga Verdadero." Nakalabing sabi ni Harmie habang papasok sa sila sa pinto papuntang malaking kusina."Mabuti naman at nakarating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status