Beranda / Romance / My Probinsyana Maid / Chapter 3: Busy Yarn?

Share

Chapter 3: Busy Yarn?

Penulis: MR.ROMANTICO
last update Tanggal publikasi: 2026-06-12 19:05:28

Maagang nagising si Harmie may iinuming gamot si Luther sa eksaktong alas sais. Naibigay na ni Yaya Gina ang talaan sa kanyang mga pang-araw-araw na routine kay Luther. Idinikit na niya iyon sa dingding para hindi niya makallimutan at para lagi niyang nakikita. Pagkarating ni Harmie sa harap ng pinto ng kwarto ni Luther ay humugot muna ito nang malalim na hininga bago kumatok. Naka-apat yatang katok si Harmie bago ito binuksan ng pupungas-pungas na si Luther.

"What do you need? Why are you so early today?" Parang ngongo lang na sabi ng binata.

Ngumiti naman si Harmie. "May gamot kang iinumin Senyorito kaya maaga ako ayaw mo ba? Siyanga pala Senyorito magandang umaga!"

Tuluyan nang napadilat si Luther at nagising bigla ang diwa nito. Aminado siyang mahina pa talaga ang kanyang katawan kaya halos panay tulog siya gawa yata ng nga gamot na iniinom niya.

"Come in," mahinang yaya niya kay Harmie at niluwangan niya nang awang ang pinto.

Sumunod naman si Harmie sa pagpasok at muling isinara ng binata ang pinto ng kanyang kwarto.

"Wait me here I need to wash," paalam ni Luther sa dalaga at mabilis itong nagtungo sa banyo.

Napagmasdan naman ni Harmie ang kabuuan ng silid ni Luther. Ma mabango iyon at mas maayos kaysa sa kwarto ng dalawang kapatid nito. Iyon nga lang at mas madilim kasi purpo dim light ang mga ilaw ni hindi man lang binuksan ni Luther ang main light ng kwarto nito.

"Where's my medicine?" Biglang nagsalita si Luther kaya nagulat ang dalaga sa pagmamasid nito sa kabuuan ng kwarto ng binata.

"Ay pepeng kiwal!" Bulalas tuloy ng dalaga pero agad din niyang tinututop ang sariling bibig nang mapagtanto nito ang kanyang malaswang nabigkas.

"Sorry Senyorito makasalanan ang bibig ko kapag nagugulat,"

Bumuntonghininga naman si Luther pero deep inside ay natatawa siya kay Harmie.

"Ang gamot ko," wika na lamang nito sabay lahad ng kanyang kamay.

Mabilis namang ibinigay ni Harmie at dalawang klaseng gamot ni Luther kasabay ang isang basong tubig na maligamgam.

"Bakit medyo mainit ito?" naka-kunot noong tanong ni Luther sa tubig na iinumin niya.

"Hindi mo ba alam Senyorito na ang pinaka- the best way sa pag-inom ng gamot ay sa maligamgam na tubig dapat?" sagot ng dalaga.

Napaawang ang labi ni Luther, narinig na niya iyon pero hindi naman lahat yata ng tao ay sinusunod iyon. How come na sa isang special lady ay alam na alam nito ang pag-inom ng maligamgam kasabay ng gamot.

"Hindi sinabi ng Doktor mo? Naku expired siguro ang lisensya no'n maka-kwarta lang!" Dagdag pang sabi ng dalaga.

Napatikhim na lamang si Luther at dire-diretso na niyang ininom ang maligamgam na tubig. Medyo napangiwi pa siya dahil hindi ito sanay uminom ng maligamgam na tubig lalo na sa umaga para siyang masusuka.

"Nasusuka ka Senyorito? Are itong ginawa kong palaman de leche nguyain mo," mabilis na turan ni Harmie.

Umarko naman ang mga kilay ni Luther at tiningnan nito ang nakabalot sa yema rapper na hawak ni Harmie.

"Anong tawag mo diyan?" tanong nito .

Bumingisngis naman si Harmie.

"Palaman de leche Senyorito. Ako ang nagluto niyan, ang ingredients dalawang can ng condensada, apat na takal ng puting asukal, isang tasang tubig at margarin mga 1/4 lang naman para hindi masyadong mamantika." Paliwanag ng dalaga.

Napanganga na lamang si Luther napaisip ito kung special lady nga ba ang kaharap niya o isang genius na chef?

"Senyorito bakit puro dim light ang nakabukas sa kwarto mo?" Untag ni Harmie sa natulala ng si Luther.

Napakurap-kurap naman si Luther sabay tikhim.

"I hate bright lights hindi ako makakatulog," simpleng tugon nito.

Tumango -tango naman si Harmie at tuluyan na nitong ibinigay kay Luther ang hawak nitong panghimagas.

"Mamaya ulit Senyorito puwede ka na ulit matulog!" Nakangiting sabi ni Harmie at tuluyan na itong lumabas bitbit ang tray na dala-dala nito.

Napagmasdan naman ni Luther ang panghimagas na ibinigay ni Harmie sa kanya. Na-curios siya sa lasa nito kaya tinikman niya ito natawa pa nga ang binata dahil kalasa pala nito ang caramel na nilalagay sa ibabaw ng halo-halo sa probinsiya. Naalala pa niya iyon sarap na sarap siya sa caramel na inilalagay sa ibabaw ng halo-halo kaya nga lang mas chewy ang gawa ni Harmie pero masarap infairness.

"Tapos na bang uminom ng gamot si Senyorito?" tanong ni Mona nang makasalubong niya si Harmie sa may sala.

"Tapos na Inay, mag-aalmusal na lamang ako at lilinisin ko ang kanyang kwarto saka veranda mamaya." Sagot naman ni Harmie.

"O, siya kapag hindi pa siyang magising ulit mamaya tumulong ka na lang muna sa ibang gawain." Bilin ni Mona.

"Ipagluluto ko siya ng almusal niya Inay ano ka ba?"

"Ganoon ba? Akala ko mamaya pa siya kakain," sabi naman ni Mona.

"May ibinigay sa akin na schedule bilang personal maid niya Inay. Kung nasaan siya dapat naroon ako at siya lang ang aasikasuhin ko." Paliwanag ng dalaga.

Tumango -tango naman si Mona. "Hindi ko kasi alam anak hala pagbutihin mo para sa agarang paggaling niya."

Ngumiti naman si Harmie at iniwan na nito ang kanyang Ina. Dumiretso na siya sa may dirty kitchen nadatnan niyang kumakain na ang iba.

"Kain na ganda," sabi ni Yaya Digna nang makita nito si Harmie.

"Sige po salamat!" Kiming tugon nito at naghugas na ng kanyang kamay saka humarap sa hapag-kainan.

"Ako na ang maglagay ng pagkain mo sa iyong plato," maagap na sabi ni Harry kababata ni Harmie kaedad din nito anak ng family driver ng mga Verdadero.

"Hmmm...mukhang iba na 'yan ah!" Kantiyaw ng mga kasama nila.

Namula naman ang mukha ni Harry at hindi makatingin ng diretso kay Harmie.

"Ako na may kamay naman ako salamat." Giit naman ni Harmie na hindi apektado sa kantiyaw ng iba.

"Gusto lang sana kitang pagsilbihan," wika ng binata na waring nahihiya.

Napahagikhik naman si Harmie.

"Binata ka na talaga alam mo ng lumandi at mag-bolero!"

Mas lalong namula sa hiya si Harrry lalo na nang nagkatawanan ang iba nilang kasama. Napakamot na lamang si Harry sa sarili nitong ulo at ipinagpatuloy na nito ang kanyang pagkain. Naiiling na lamang na natatawa si Harmie ewan ba niya hindi talaga siya apektado sa panunukso ng kanilang mga kasama about Harry. Parang kapatid na niya kung ituring ang binata wala ng iba pa.

"Harmie honey!" Tawag ni Lance sa dalaga nang makita nitong pumipitas ng mga bulaklak ng rosas sa may hardin.

Nanulis naman ang nguso ni Harmie na lumingon kay Lance.

"Ano na naman kaya ang trip ng bolero kong Senyorito?" Yamot na sagot ng dalaga.

Natawa naman si Lance at maa lumapit pa sa kinaroroonan ni Harmie. Malaya niya itong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa saka nito pinisil ang makinis na pisngi ng dalaga.

"Buo talaga ang araw ko kapag nakikita kita lalo na sa umaga. Papasok na ako honey ihatid mo naman ako sa may sasakyan ko," masiglang turan ni Lance.

"Ano? Kita mong may ginagawa ako Senyorito," angal naman ng dalaga.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong naman ni Lance.

"Namimitas ako ng mga preskong bulaklak ng mga rosas!"

"Para ba sa akin?"

"Para sa kwarto ni Senyorito Luther kailangan niya ito habang nagpapagaling." Pairap na wika ni Harmie.

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Lance at sumimangot ito kunwari.

"Hindi mo na ako pala lalab niyan may iba ka na," kunwari ay nagtatampo ang binata.

Nahampas naman ni Harmie ang braso ni Lance kaya napangiwi ito.

"Lumakad ka na nga Senyorito ang dami mo na namang pakulo!" Sermon ni Harmie.

Muling natawa si Lance pagkatapos ay hinablot nito ang isang bulaklak ng rosas na hawak ni Harmie.

"Akin na ito bye my honey pie!" Ani nito at mabilis na niyang iniwan ang dalaga.

Hindi na nakapalag pa si Harmie at ni hindi na nito nahabol pa ang sutil niyang Senyorito. Kung kaya't naiwan si Harmie na bubulong-bulong at inis na inis Lance.

"Baby ko, halika nga rito!" Biglang narinig ni Harmie na boses ni Lander.

"Argghhh!" Bulalas ng dalaga sabay tingala at hugot ng kanyang hininga.

Hindi na siya matapos-tapos sa ginagawa nito ng dahil sa dalawang papansin niyang Senyorito.

"Bakit busangot ang mukha ng baby ko na 'yan?" Nakangiting tanong ni Lander.

"Senyorito alam kong katulong ako dito sa bahay niyo pero hindi ako robot ano?" Mataray na sagot ni Harmie.

"Ha?! Teka ano bang nagawa ko wala naman ah!" Depensa ni Lander.

Umingos naman si Harmie at napahalukipkip.

"Una si Senyorito Lance inistorbo ako sa pamimitas ng mga bulaklak at hindi pa nakuntento ninakaw pa niya ang isa. Pagkatapos ikaw Senyorito, itutuloy ko pa lamang ang naudlot kong ginagawa tinatawag mo na naman ako." Reklamo ng dalaga.

"Aba, lokong Lance iyon ah! Tinawag lang naman kita baby para timplahan ako ng aking kape. Hindi ko naman alam na may ginagawa la diyan sa hardin sorry na ako na ang magtitimpla ng aking kape." Saad naman ni Lander.

"Very good Senyorito! Makuha ka sa tingin ha?" tugon ni Harmie na inirapan pa niya ang binata.

"Nakuha mo na ako noon pa," wala sa sariling nasabi ni Lander.

"Ano po?" Naka-kunot noong tanong ni Harmie.

Tumawa naman si Lander.

"Sabi ko nakuha mo na ako sa iyong tingin kaya babalik na ako sa loob para magtimpla ng kape ko." Anito at humakbang na.

"Buti naman mga istorbo baka mamaya magising na ang alaga ko." Bulong naman ni Harmie at bumalik na ito sa hardin upang mamitas ulit ng mga bulaklak.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Probinsyana Maid   Chapter 14: Oh No, Cockroaches!

    Kinaumagahan.Nagkasalubong sina Harmie at Maja sa may hallway. Kapwa sila natigilan subalit agad ding ngumiti si Harmie habang si Maja naman ay umirap. Nakataas pa ang mga kilay nito habang nakaismid na nakatingin kay Harmie."What's that?"mataray na tanong ni Maja sa hawak ni Harmie na maliit na kahon.Nakalagay kasi iyon sa isang maliit na box kagaya sa mga nabibiling jewelry. Ngumiti naman ulit si Harmie na para bang hindi sila magkagalit ni Maja."Box nga po hindi ba?" pabalang na sagot ng dalaga.Naningkit naman ang mga mata ni Maja at pinameywangan niya si Harmie."You know what? Katulong ka lang dito at dapat magalang kang sumagot sa mga amo mo. Hindi pabalang napaghahalataan ka talagang probinsyana!" Mataray na sabi ni Maja."Proud akong Probinsyana ako. At magalang ako sa mga dapat na iginagalang. Ikaw din napaghahalataan kang taga- City dahil sa pag-uugali mo!" Prangka na ding sagot ni Harmie.Nanlaki naman ang mga mata ni Maja dahil sa sinabi ni Harmie sa kanya. Mas lalonh

  • My Probinsyana Maid   Chapter 12: Oh, Lizards!

    Namimilipit nang tawa si Harmie sa loob ng sarili nitong silid nang makapasok siya doon. Kanina pa niya gustong pakawalan ang tinitimpi niyang tawa para kay Maja."Hmmmp! Maldita kasi pati ibang katulong dito tinatarayan niya. Tingnan ko nga kung hanggang kailan siya tatagal dito," sabi ni Harmie sa sarili niya at muli na naman itong natawa.Kapagkuwan ay nahiga ito at natitigan niya ang kisame. Unti-unting sumilay ang pilya niyang ngiti nang may maisip na naman siyang ganti para kay Maja.Humanda ang malditang iyon. Hindi siya magtatagal dito at kusa siyang aalis!Bumangon si Harmie. Palagay niya ay biglang nawala lahat ng pagod ng katawan niya dahil sa naisip na naman nitong kapilyahan. Pero sisiguraduhin niyang hindi siya mabubuko o kaya ay mahuli ng sino man dahil sa gagawin niya ulit."I think, may gusto sa'yo ang maid niyong si Harmie. Kaya niya ako pinag-iinitan," nakabusangot ang mukha ni Maja na sinabi iyon kay Luther.Nasa may swimming pool silang dalawa at balak mag-swimmin

  • My Probinsyana Maid   Chapter 11: Bullfrog

    "Ahhhhh!" Isang malakas na sigaw ni Maja ang bumulabog sa buong Mansyon.Lahat ay nataranta, iisa nilang pinuntahan ang kinaroroonan ni Maja kung saan ito nagsisisigaw at nagtatalon-talon."What happened?" Tarantang tanong ni Luther sa dalaga kahit paika-ika ay napuntahan niya ang dalaga."Frogs! Mga palaka!" Pagsisigaw pa rin ni Maja.Sukat doon ay nakahinga nang maluwag si Luther. Pati na ang iba ay nakahinga din nang maluwag habang sina Lander at Lance pinipigilan nilang matawa kay Maja."It's just a frog. And they didn't bite you anyway!" Nakangising sabi ni Lance."Yeah. So, you're afraid of frogs?" Sabi naman ni Lander."Sinong nagpasok dito ng mga palaka?" Mariing tanong naman ni Luther sabay lingon sa mga katulong na naroon."Wala po kaming alam, Senyorito." Sabay-sabay na sagot ng mga katulong."It's just not a frog okay? It's bullfrog, ewwww!" Maarte namang wika ni Maja sabay talon at sumiksik ito kay Luther."Alisin ang mga iyan," utos naman ni Luther sa mg katulong magkasa

  • My Probinsyana Maid   Chapter 10: Ganti

    "Hoy, chimay linisan mo ang kwarto ko maalikabok na." Tawag ni Maja kay Harmie nang makita nitong mapadaan ang dalaga sa kanyang kinaroroonan.Paismid na tumigil si Harmie sa tapat ni Maja na nakapameywang pa. Hinamig ni Harmie ang sarili nito, ayaw niya munang kasagutan si Maja sa araw na iyon."Ano? Narinig mo ba ang sinabi ko?" Panlalaki pa ng mga matang sabi ni Maja kay Harmie.Napapikit si Harmie pero sa isipan nito ay binibilangan niya si Maja."Naglinis ka sa kwarto ni Luther hindi ba? Puwes, linisan mo din ang kwarto ko as your guest here." Mataray pang sabi ni Maja.Huminga nang malalim si Harmie at nginitian niya si Maja."Sandali lang po at may kukunin lang ako saka ko linisan ang iyong kwatro Ma'am!" Magalang na sagot ni Harmie.Biglang natawa si Maja. "Anong nangyari? Anong nakain mo at bigla kang naging mabait ngayon sa akin? Nasaan na ang tapang at taray mo? Siguro napagalitan ka na dahil diyan sa kamalditahan mo, know your place kasi! Isa kang katulong at ako ang amo,"

  • My Probinsyana Maid   Chapter 9: Maldita vs. Maldita

    Natigilan si Harmie sa paglalakad nito nang makita niyang lumabas ng silid ni Luther si Maja. Nagkagulatan pa silang dalawa dahil oras na ng taking medicine si Luther. Hindi inaasahan ni Harmie na mahuhuli niya si Maja galing sa loob ng kwarto ni Luther."Hoy, wala kang nakita ha?" Pandidilat agad ni Maja kay Harmie na nagtatanong ang tingin nito sa dalaga."Hindi ako bulag at saka hindi ako pipi pero, huwag kang mag-alala sanay na ako." Walang pakialam na sagot ni Harmie.Nanlaki naman ang mga mata ni Maja."What do you mean? You saw other girls who came out from the room of Luther?" Hindi makanipaniwalang bulalas ng dalaga.Napaikot naman ni Harmie ang mga mata nito at napangiwi."Sanay na akong makita na may mga babaeng nanggagaling sa kwarto ng mga Senyorito. Pero kay Senyorito Luther, ikaw pa lang naman ang nakita ko." Sabi ng dalaga.Nakahinga naman nang maluwag si Maja pero inirapan niya si Harmie."Linawin mo kasi ang labo mong kausap," anito."Tumabi ka na marami pa akong gag

  • My Probinsyana Maid   Chapter 8: Bisita o Bwisita?

    Napakunot-noo si Harmie nang may makasalubong siyang babae na kasama ng Butler sa Mansyon. Naka-shoulder bag ito nang maliit makapal ang make up at may maleta itong hawak ng Butler. Matangkad maputi may kulay ang buhok, malalaki ang hikaw nito at higit sa lahat may awra itong maldita."What are you doing at Luther's room huh?" Mataray na tanong na babae na animoy handang makipaglaban sa ano mang sagupaan.Napaatras naman ng konti si Harmie at napatingin siya sa Butler."I didn't know na may pumapasok na tsimay sa loob ng kwarto ni Luther!" Sabi pa nito sabay tingin nang maaalipusta kay Harmie mula ulo hanggang paa.Nakabawi naman agad si Harmie sa pagkabigla nito dahil hindi niya inaasahang mah darating na bisita ang kanyang Senyorito Luther.Tumikhim naman ang Butler. "Personal maid siya ni Senyorito, Ma'am!" Pagbibigay alam nito sa babae.Tumaas naman nang bahagya ang isang kilay ng babae na muling tumingin kay Harmie from head to toe."Harmie si Ma'am Maja girlfriend ni Senyorito L

  • My Probinsyana Maid   Chapter 5: Check Up

    Mas maagang nagising si Harmie sa araw na iyon at may therapy session siya at check up. Dati buwan-buwan ang kanyang therapy session at check ups pero mas malala noong bagong labas siya ng hospital. Weekly ang kanyang mga check ups at therapy sessions dumating pa 'yong puntong naging buto't balat n

  • My Probinsyana Maid   Chapter 4: Harmie strikes again

    Naglakad-lakad nang hapong iyon si Luther kasama si Harmie sa malawak na bakuran ng Mansyon. Plano din ng binata na maglakad -lakad ito sa labas at sa kabukiran kapag medyo okay na talaga ang pakiramdam niya."Tubig Senyorito?" Alok ni Harmie nang makita nitong humihingal na si Luther.Naupo naman

  • My Probinsyana Maid   Chapter 2: First Met

    Nagtataka si Harmie sa kilos ng lahat sa Mansion nang makabalik sila ng Mayordomang si Pilar galing sa palengke."Aling Pilar pansin ko parang dumating na ang panganay ng mga Verdadero." Nakalabing sabi ni Harmie habang papasok sa sila sa pinto papuntang malaking kusina."Mabuti naman at nakarating

  • My Probinsyana Maid   Chapter 1: Harmie's Charm

    Abala ang mga tao sa Mansyon dahil parating ang panganay na anak nina Don Klint at Donya Hillary na si Luther. Doon kasi ito magpagaling mula sa pagkaka-aksidente nito. Iyon din ang advice ng Doktor para sa agaran nitong paggaling."Harmie, halika!" Tawag ni Mona sa anak nito.Doon na lumaki sa Man

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status