"Hoy, chimay linisan mo ang kwarto ko maalikabok na." Tawag ni Maja kay Harmie nang makita nitong mapadaan ang dalaga sa kanyang kinaroroonan.Paismid na tumigil si Harmie sa tapat ni Maja na nakapameywang pa. Hinamig ni Harmie ang sarili nito, ayaw niya munang kasagutan si Maja sa araw na iyon."Ano? Narinig mo ba ang sinabi ko?" Panlalaki pa ng mga matang sabi ni Maja kay Harmie.Napapikit si Harmie pero sa isipan nito ay binibilangan niya si Maja."Naglinis ka sa kwarto ni Luther hindi ba? Puwes, linisan mo din ang kwarto ko as your guest here." Mataray pang sabi ni Maja.Huminga nang malalim si Harmie at nginitian niya si Maja."Sandali lang po at may kukunin lang ako saka ko linisan ang iyong kwatro Ma'am!" Magalang na sagot ni Harmie.Biglang natawa si Maja. "Anong nangyari? Anong nakain mo at bigla kang naging mabait ngayon sa akin? Nasaan na ang tapang at taray mo? Siguro napagalitan ka na dahil diyan sa kamalditahan mo, know your place kasi! Isa kang katulong at ako ang amo,"
Baca selengkapnya