Share

Chapter 5

Author: vienriaz
last update publish date: 2026-05-07 19:34:37

Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik.

Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para akong lantang gulay na naglilinis ng mansyon. Pero sa loob ng mga araw na iyon, nakita ko ang ibang mga Villamor na bihira ko lang masilayan.

Isang hapon habang nagdidilig ako sa garden, may isang pulang sports car na pumarada sa harap. Bumaba doon ang isang babaeng parang galing sa takip ng magazine. Si Cindy Villamor, ang bunsong kapatid ni Sir Lucas. Dumaan siya sa gilid ko nang hindi man lang tumitingin. Wala kaming imikan. Para lang akong isang ornamental plant sa paningin niya, maganda, pero hindi kinakausap.

Future sister-in-law mo kaya ako girl!

Narinig ko lang siyang nagsusungit sa phone habang papasok ng pinto. "I told you, I want the dress in emerald, not mint!"

Hay, buhay mayaman. Problema nila ang kulay ng tela, problema ko kung paano pagkakasyahin ang sahod ko sa mga bayarin sa bahay.

Kinabukasan naman, habang nag-aayos ako ng mga unan sa living room, dumaan si Nathan Villamor. Siya naman ang playboy na kapatid ni Lucas. Naka-gym shorts lang siya at may towel sa leeg, kitang-kita ang abs na parang pandesal na bagong hango sa oven. Pero kahit anong ganda ng katawan niya, hindi tumitibok ang puso ko. Kay Sir Lucas lang ako loyal, 'no! Mas masarap ang pandesal niya!

Dinaanan lang din niya ako na parang invisible. Ni "good morning" o "tabi dyan" ay wala. Sanay na yata silang mga Villamor na ang turing sa amin ay parang bahagi lang ng furniture. Okay lang, kaysa naman mapansin ako at utusan ng kung anu-ano, mas gusto ko nalang maging stalker ni Sir Lucas habang break time ko. Binabasa ko yung mga article tungkol sa kanya.

Naging normal ang mga sumunod na araw. Trabaho, linis, luto, at matinding pag-iisip kung kailan ba babalik ang amo kong nakaka-distract sa katinuan. Iniisip ko na ang next move ko kung paano siya maaakit.

Dumating ang araw ng aking day-off. Plano kong umuwi muna sa amin para bisitahin si Nanay at ibigay ang kaunting sweldo na natanggap ko. Nagbihis ako ng paborito kong floral dress. Baka kasi biglang sumulpot si Sir Lucas at atakihin na naman ang puso sa ganda ko. Kailan kaya siya babalik?

Bitbit ang maliit kong bag, naglakad ako palabas ng subdivision. Ang init ng araw, parang gustong iluto ang balat ko. Habang naglalakad, iniisip ko kung gaano kasarap ang luto ni Nanay na sinigang. Miss ko na rin ang ingay sa kanto namin, malayo sa seryoso at tahimik na buhay sa mansyon ng mga Villamor.

Pagdating ko sa kanto kung saan humihinto ang mga jeep, tumayo ako sa lilim ng isang malaking puno. Pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay, pawis na pawis na ang kili-kili ko, Lord! Bakit ba kasi ang hirap sumakay dito sa pinas?!

"Jeep! Jeep!" kaway ko sa bawat sasakyang dumadaan, pero lahat sila ay puno na kaya napapasimangot ako. Maaga pa naman, bakit puno agad ang mga jeep?

Isang itim at makintab na SUV ang dahan-dahang huminto sa tapat ko. Akala ko ay may magtatanong lang ng direksyon, kaya inayos ko ang sarili ko at nag-ready ng helpful citizen look. Pero nang bumaba ang bintana, muntik nang malaglag ang panga ko.

Ang bango. Yung amoy na kahit nakapikit ako ay kilalang-kilala ko.

"Anya."

Ang boses na parang anghel, yung boses na nagpapalambot sa tuhod ko. Si Sir Lucas! Naka-business suit pa siya, mukhang galing sa airport dahil may mga bag pa sa backseat. Pero kahit mukhang pagod, ang gwapo-gwapo niya pa rin, parang model ng kape na hindi natutulog pero laging fresh.

"S-Sir Lucas?! Bakit po kayo nandito? Akala ko po bukas pa ang uwi niyo?" nauutal kong tanong. Ang puso ko, heto na naman, parang nagpapatakbo ng marathon sa loob ng dibdib ko.

Tumingin siya sa akin, mula ulo hanggang paa. Nanliit ang mga mata niya nang mapansin ang pawis sa noo ko at ang namumulang mukha ko dahil sa init.

Napangiwi ako. Ngayon na nga lang ulit kami magkikita, ngayon pang haggard ako.

"The meeting ended early. I decided to head straight back," sagot niya, tapos ay tumingin siya sa kalsada kung saan nag-aabang ang mga tao ng jeep. "What are you doing here?"

"Ah, day-off ko po ngayon, Sir. Uuuwi po sana ako sa amin, naghihintay lang po ng jeep," sabi ko habang pilit na ngumingiti kahit feeling ko ay malapit na akong matunaw sa init.

Bahagya siyang kumunot ang noo, yung kunot-noo na parang naiinis pero ang gwapo pa rin tingnan. "In this heat? You'll pass out before you even find a seat."

"Sanay po ako, Sir! Strong 'to, 'no!" pagmamayabang ko habang pinapakita ang maliit kong muscle.

Hindi siya natawa. Sa halip, inabot niya ang pinto ng passenger seat at binuksan ito mula sa loob.

"Hop in, Anya. I'll take you home."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po?! Naku, Sir, huwag na po! Nakakahiya naman po sa inyo, kakarating niyo lang. Saka baka madumihan ko po 'tong mamahaling upuan niyo, pawis na pawis po ako!" Pagpapakipot ko ng kaunti kahit gustong-gusto ko na talagang pumasok sa loob dahil nahihilo na ako sa init.

"I don't care about the seat, Anya. Just get inside. It's an order."

Dahil ayaw kong ma-fire at dahil na-miss ko talaga ang presensya niya, dahan-dahan akong pumasok at umupo sa passenger seat. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin

Nang maisara ko ang pinto, saka ko narealize na sobrang lapit namin sa loob ng sasakyan, ramdam ko ang init na nanggagaling sa paligid. Tuwang-tuwa ang puso ko!

"So," simula niya habang binubuhay ang makina. "Where is your home?"

Nagpunas ako ng pawis ko. “Deretso lang Sir. Sa may Poblacion lang po ako.”

Napatingin ako sa kanya nang hindi siya magsalita at nakita ko siyang pinapanood akong magpunas. Hala, nafall nanaman ba siya sa ganda ko?! Kinikilig ako pero kailangan ko nang makauwi at nag-iintay sakin si Nanay. Next time kita lalandiin, Sir pagbalik ko!

"Sir, baka gusto niyo pong mag-drive na? Baka ma-traffic po tayo," pag-iiba ko ng usapan kahit ang totoo ay tuwang-tuwa ako na binibigyan nya ako ng pansin.

"Right. Let's drive you home, Anya."

At habang umaandar ang sasakyan, alam kong hindi lang ang biyahe ang nag-umpisa. Parang may bagong kabanata na namang magbubukas sa amin, at sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong hindi lang natural reaction ang makukuha ko sa kanya. Watch out, Sir Lucas, ang ganda ko ay parang traffic sa Manila, nakaka-stress pero hindi mo matatakasan!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 175

    Sumandal ako nang mas maayos sa gilid ng mesa, ipinagkurus ang aking mga braso habang nakatitig sa likod ni Lucas. Medyo nakakapanibago pa ring makita ang isang Lucas Villamor, ang seryoso, malamig, at tila hindi maabot na tagapagmana na nakatayo sa harap ng lababo at handang sumabak sa sabon at tubig. Nagsimula siyang magbukas ng gripo. Ang tunog ng umaagos na tubig ay bumasag sa katahimikan ng kusina, ngunit hindi ito iyong uri ng katahimikan na nakakabingi. Isa itong komportableng katahimikan, ang uri na nabubuo lang kapag kasama mo ang taong alam mong ligtas ka. Kapag kasama mo ang taong mahal mo. “Tingnan natin kung may natutunan ka nga talaga sa mga sermon ko noon,” hamon ko sa kaniya, may tonong mapang-asar. Lumingon siya nang bahagya, sumulyap sa akin sa ibabaw ng kaniyang balikat. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. “Watch me, Anya. Don't blink, or else you might be too shocked.” Natawa ako nang husto sa kaniyang pagyayabang. Lumapit ako nang kaunti, sapat

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 174

    Dinala namin ang dalawang malalaking mangkok sa kaniyang dining table. Ang hapag-kainan niya ay gawa sa madilim na kahoy na may makikinis na gilid, napapaligiran ng mga modernong upuan na halatang mamahalin. Sa gitna ng ganoong karangyaan, ang dalawang simpleng mangkok ng Sinigang at umuusok na kanin ay nagmukhang mga banyaga, ngunit sa kabilang banda, nagdala ang mga ito ng kakaibang buhay at kulay sa hapag.Umupo si Lucas sa tapat ko, habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng aming mga kubyertos. Bago pa man kami magsimula, hindi ko napigilang mapatitig sa kaniya. Napakaguwapo niya pa rin. Kita ko ang butil ng pawis sa noo niya dahil sa init ng usok ng niluto naming pagkain, pero kahit ganon, ang lakas pa rin ng dating niya.“Eat well, Chef Anya,” nakangiti niyang sabi, bago kumuha ng kutsara at tinidor.“Eat well din, Assistant Lucas,” ganti ko, sabay kuha ng kaunting kanin at ulam.Tiningnan ko si Lucas upang makita ang kaniyang reaksyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa unang hig

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 173

    Inilagay ko ang hawak kong mangkok sa counter at hinarap ang bagong lutong Sinigang. Ang mga dahon ng kangkong ay nananatiling matingkad ang pagkaberde, ang mga talong at labanos ay may sapat na lambot ngunit hindi lasog, at ang karne ng baboy ay halatang natanggalan na ng tigas dahil sa tamang oras ng pagpapakulo. “Ang galing mo, Assistant Lucas,” panunukso ko sabay tapik sa kaniyang balikat. “Puwede ka nang mag-apply na sous chef sa mga karinderya sa amin. May potential ka.” Natawa siya, isang mababa at malat na tunog na palaging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at sumandal muli sa counter, tinititigan ako nang may halo-halong paghanga at lambing. “I had a great teacher, Chef Anya. Although, I think I’d rather be your personal chef than work anywhere else.” Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng init sa aking mga pisngi. Ang lalaking ito talaga, walang palya kung bumanat. Pag ikaw, sinunggaban ko dyan! Upang ita

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 172

    Ang kusina ni Lucas ay parang eksena sa isang high-end interior design magazine, lahat gawa sa makintab na stainless steel, at ang mga appliances ay mukhang digital na baka mas matalino pa sa akin. Pero sa kabila ng karangyaan nito, halatang bihira itong magamit para sa totoong pagluluto. Kulang sa amoy ng bawang, walang bahid ng mantika, at walang buhay. Ngayong araw, babaguhin ko ’yon.“First rule of the kitchen, Assistant Lucas,” sabi ko sabay turo sa sink. “Maghugas ng kamay. At pagkatapos, hugasan mo rin lahat ng gulay na gagamitin natin. Kailangang malinis ang pagkain natin.”“Yes, Chef,” seryoso niyang sagot. Hinubad niya ang kaniyang mamahaling wristwatch at hinugasan ang kamay. Kahit simpleng paghuhugas lang ng kamay, mukha pa rin siyang commercial ng sabon.Habang naghuhugas siya, inihanda ko naman ang malaking cutting board at isang matalas na kutsilyo. Inilabas ko rin ang karne ng baboy na binili namin.“Lucas, pagkatapos mo riyan, kunin mo ’yung labanos at talong. Tuturua

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 171

    "Dapat matuto ka rin, paano kung nagkasakit ako tapos hindi ka masamahan sa grocery?” Sibangot ko sa kanya. “Don't get sick. You need to take care of your body.” Sabi niya sabay akbay sa akin. “Oo, inaalangan ko naman ang sarili ko. Basta, tuturuan kita pumili ng gulay. Making ka.” Napadaan kami sa mga bawang at sibuyas kaya kinuha ko ang isang plastic ng bawang at ipinakita sa kaniya. "O, tingnan mo 'to. Dapat ganito ang pinipiling bawang, matigas pa at buo. Huwag mong kukunin 'yung medyo malambot na, ibig sabihin niyan malapit nang mabulok." Seryoso namang tumango si Lucas, tila ba isa itong napakahalagang business proposal na kailangan niyang kabisaduhin para sa susunod niyang board meeting. Kinuha niya ang bawang sa kamay ko at maingat na inilagay sa cart, na parang isang mamahaling hiyas. "Noted, Chef Anya. What's next on the menu?" tanong niya na may kasamang pilyong ngiti. "Gusto kong ipagluto ka ng Sinigang na Baboy," wika ko habang naglalakad kami patungo sa meat section

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 170

    Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang malalaking palad, pinilit na iharap ang aking mukha sa kaniya. Ang init ng kaniyang balat ay unti-unting nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Hey, look at me, Anya," bulong niya, ang kaniyang mga mata ay puno ng pag-aalala habang nakatitig nang diretso sa akin. "You don't need to stress yourself over this. You don't have to worry much, alright? No one else will know. Only he and I know about this leverage now. It's a closed-door secret between the two of us. He loves his reputation more than anything in this world, so he will stay in line. This secret is safe, and so are we." Hinalikan niya ang aking noo, isang matagal at mariing halik na tila ba sinisiguro sa akin na tapos na talaga ang pinakamahirap na bahagi ng laban. Ngunit kahit na sinasabi niya ang mga salitang iyon, hindi nakaligtas sa aking paningin ang lalim ng kaniyang bawat hininga. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga kamay at sumandal din sa sofa, ang k

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 18

    Nakatulala ako sa labas ng bintana habang humaharurot ang SUV pauwi. Ang mga ilaw ng siyudad ay nagmimistulang mga bahid ng kulay sa paningin ko, parang watercolor na nabasa ng ulan. Kanina lang, ang ingay ko. Kanina lang, pakiramdam ko ang ganda-ganda ko dahil lang sa isang haplos ng daliri at isa

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 11

    Dumating na ang araw ng Sabado, ang araw na itinakda ng tadhana para sa pagtatrabaho ko sa bar.Nagising ako nang mas maaga sa tilaok ng manok. Sakto namang paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Sir Lucas na pababa ng hagdan, bitbit ang kanyang briefcase at suot ang isang charcoal grey na suit na aka

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 7

    Pagkalipas ng dalawang araw, pagbalik ko sa mansyon ng mga Villamor, parang may nakadagan na sako ng bigas sa balikat ko. Wala ang dati kong lundag sa paglalakad. Para akong sinakluban ng langit at lupa dahil sa mga iniisip ko.Nanatiling sariwa sa isip ko ang itsura ni Nanay na nanginginig sa hara

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 4

    Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status