LOGINPagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan kanina, pero pagbagsak ng likod ko sa manipis na kutson, tinalo na ako ng antok.
“Mamaya na lang... five minutes lang,” bulong ko sa sarili ko habang yakap-yakap ang unan. Pero ang five minutes, nagtuloy-tuloy. Nakalimutan ko na nang tuluyan ang basket ng mga de-kalidad na tela na nakatambak sa gilid ng higaan ko. Maghahating-gabi na nang magising ako dahil sa isang mahinang kaluskos. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko, iniisip na baka si Gina lang na naiihi o si Tess na nananaginip na naman. Pero kakaiba ang tunog. Mabibigat na hakbang, seryoso, at parang galing sa direksyon ng pintuan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang isang mata. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matangkad na pigura na nakatayo sa gitna ng dilim. Dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana, nakita ko ang anino ng isang lalaki kaya napasigaw ako sa takot. “Shh! Anya, shut up!” Bigla niyang tinapalan ng kamay niya ang bibig ko. Natigilan ako. Kilala ko ang boses na iyon. Baritono, malamig, at medyo naiirita. Agad kong kinapa ang switch ng lamp sa tabi ko. Sa dilaw na liwanag, tumambad sa akin si Sir Lucas. Nakasuot siya ng midnight blue na silk pajamas na mukhang mas mahal pa sa buhay ko. “S-Sir Lucas?” nauutal kong tanong. “Anong ginagawa niyo rito? Akala ko kung sino na!” “I need my clothes. You forgot to deliver them,” diretsong sabi niya, nakakunot ang noo. “I knocked, but you were sleeping like a log.” Bago pa ako makasagot, nakarinig kami ng mga mabilis na yabag mula sa hallway. “Anya?! Anong nangyari?!” boses iyon ni Manang Ruchel. “Anya, bakit ka sumisigaw?!” dagdag pa ni Gina. Nanlamig ang buong katawan ko. Patay. Kapag nakita nila si Sir Lucas sa loob ng kwarto ko sa ganitong oras, kahit wala kaming ginagawa, bukas na bukas din ay nasa kalsada na ako dala ang sako ng mga damit ko. “Sir, tago!” bulong ko, ang mga mata ko ay parang lalabas na sa sobrang taranta. “What? No, I’ll just explain—” “Hindi pwede! Si Manang Ruchel ’yan! Isusumpa ako niyan!” Hindi ko na hinintay ang permiso niya. Hinila ko ang braso ni Sir Lucas, na infairness, ang tigas talaga at sapilitan siyang pinahiga sa kama ko. “Anya, what the hell are you doing?!” reklamo niya, pero dahil sa liit ng kwarto ko, wala siyang choice kundi sumunod bago pa bumukas ang pinto. Mabilis ko siyang binalot ng makapal kong kumot. Dahil matangkad siya, kinailangan kong mamaluktot sa tabi niya para magmukhang isang malaking tumpok lang ng unan at kumot ang lahat. Niyakap ko siya nang mahigpit sa ilalim ng tela, ang mukha niya ay nasa tapat ng dibdib ko habang ang mga braso ko ay nakapulupot sa likod niya. Amoy mamahaling sabon siya, at sa puntong iyon, hindi ko alam kung mamatay ako sa takot o sa kilig. Bumukas ang pinto kaya pumikit agad ako at nagtulog-tulugan. “Anya! Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?” hingal na tanong ni Manang Ruchel. Pinilit kong gawing antok na antok ang boses ko nang umakto akong biglang nagising. Humikab ako nang malakas habang mahigpit pa ring nakayakap sa ‘higanteng unan’ ko sa ilalim ng kumot. Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Sir Lucas nang maramdaman niya ang paggalaw ko. “Ha? Ah... Manang... sorry po,” sabi ko, pikit-mata pa. “Nanaginip lang po ako. May... may malaking daga raw na gustong kainin ang duster ko. Pasensya na po, nagising ko kayo.” Lumapit si Gina at tiningnan ang paligid. “Daga? Grabe naman ang sigaw mo, teh. Akala ko pinapatay ka na.” “Nanaginip lang talaga ako, promise. Sobrang pagod lang siguro sa paglalaba kanina,” dagdag ko pa habang pinakikiramdaman si Sir Lucas na yakap–yakap ko. Lord, sana hindi niya ako sipain palabas ng kama. Nagkatinginan ang tatlo. Mukhang hindi sila kumbinsido, pero dahil hatinggabi na at antok na rin sila, bumuntong-hininga na lang si Manang Ruchel. “Magdasal ka bago matulog para hindi ka binabangungot. O sige na, lumabas na tayo,” utos ni Manang. Nang sa wakas ay sumara ang pinto at narinig naming lumayo na ang mga yabag nila, hindi agad ako gumalaw. Nanatili kaming ganoon sa loob ng ilang minuto. Nakayakap ako sa kanya at halos hindi na humihinga. “Are they gone?” bulong niya. Malapit na malapit ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga dahilan kung bakit ako namula. Dahan-dahan kong inalis ang kumot. Bumungad sa akin ang mukha ni Sir Lucas. Ang buhok niya ay medyo gulo-gulo na, at ang mga mata niya ay parang may halong inis at gulat. “Opo, Sir. Safe na po,” bulong ko rin. Pero hindi ko pa rin binibitawan ang yakap ko. “Sorry po talaga. Hindi ko lang po gustong mapagalitan ni Manang.” Bumitaw siya at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama ko. Napansin ko ang pamumula ng mga tenga niya. Tumingin siya sa basket ng mga damit na hindi ko natupi sa tabi ng mesa. “I’m leaving for a business trip to Singapore in four hours,” panimula niya, ang boses niya ay bumalik sa pagiging seryoso pero mas malumanay na ngayon. “I needed to bring those clothes. I didn't mean to scare you.” Napaayos din ako ng upo, inaayos ang gulo-gulo kong buhok. “Business trip? Ngayon na po? Hala, Sir, sorry po talaga! Ititupi ko na po ngayon din, wait lang!” Patalon na sana ako paalis ng kama pero pinigilan niya ang braso ko. “Stay. Don’t make any more noise. Baka bumalik sila.” Napatitig ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko, daig pa ang washing machine sa turbo mode. “Eh, paano po ’yung mga damit niyo? Baka wala kayong maisuot.” “I’ll just grab them and fold them myself in my room,” sabi niya, sabay tingin sa orasan. “I’ll wait here for ten more minutes just to be sure the hallway is clear.” Katahimikan. Isang awkward pero nakakalunod na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa sa loob ng maliit kong kwarto. “Sir... galit po ba kayo?” tanong ko sa mahinang boses. Tumingin siya sa akin, matagal. “Inis, oo. Because you screamed like the house was on fire. But... I guess I shouldn't have entered your room without warning.” Tumingin muna siya sa pinto bago lumingon ulit sa akin. “Go back to sleep. And Anya?” “Po?” “Nice pillow. But don't hug me too tight next time. I could barely breathe.” Next time? May next time pa?!Sumandal ako nang mas maayos sa gilid ng mesa, ipinagkurus ang aking mga braso habang nakatitig sa likod ni Lucas. Medyo nakakapanibago pa ring makita ang isang Lucas Villamor, ang seryoso, malamig, at tila hindi maabot na tagapagmana na nakatayo sa harap ng lababo at handang sumabak sa sabon at tubig. Nagsimula siyang magbukas ng gripo. Ang tunog ng umaagos na tubig ay bumasag sa katahimikan ng kusina, ngunit hindi ito iyong uri ng katahimikan na nakakabingi. Isa itong komportableng katahimikan, ang uri na nabubuo lang kapag kasama mo ang taong alam mong ligtas ka. Kapag kasama mo ang taong mahal mo. “Tingnan natin kung may natutunan ka nga talaga sa mga sermon ko noon,” hamon ko sa kaniya, may tonong mapang-asar. Lumingon siya nang bahagya, sumulyap sa akin sa ibabaw ng kaniyang balikat. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. “Watch me, Anya. Don't blink, or else you might be too shocked.” Natawa ako nang husto sa kaniyang pagyayabang. Lumapit ako nang kaunti, sapat
Dinala namin ang dalawang malalaking mangkok sa kaniyang dining table. Ang hapag-kainan niya ay gawa sa madilim na kahoy na may makikinis na gilid, napapaligiran ng mga modernong upuan na halatang mamahalin. Sa gitna ng ganoong karangyaan, ang dalawang simpleng mangkok ng Sinigang at umuusok na kanin ay nagmukhang mga banyaga, ngunit sa kabilang banda, nagdala ang mga ito ng kakaibang buhay at kulay sa hapag.Umupo si Lucas sa tapat ko, habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng aming mga kubyertos. Bago pa man kami magsimula, hindi ko napigilang mapatitig sa kaniya. Napakaguwapo niya pa rin. Kita ko ang butil ng pawis sa noo niya dahil sa init ng usok ng niluto naming pagkain, pero kahit ganon, ang lakas pa rin ng dating niya.“Eat well, Chef Anya,” nakangiti niyang sabi, bago kumuha ng kutsara at tinidor.“Eat well din, Assistant Lucas,” ganti ko, sabay kuha ng kaunting kanin at ulam.Tiningnan ko si Lucas upang makita ang kaniyang reaksyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa unang hig
Inilagay ko ang hawak kong mangkok sa counter at hinarap ang bagong lutong Sinigang. Ang mga dahon ng kangkong ay nananatiling matingkad ang pagkaberde, ang mga talong at labanos ay may sapat na lambot ngunit hindi lasog, at ang karne ng baboy ay halatang natanggalan na ng tigas dahil sa tamang oras ng pagpapakulo. “Ang galing mo, Assistant Lucas,” panunukso ko sabay tapik sa kaniyang balikat. “Puwede ka nang mag-apply na sous chef sa mga karinderya sa amin. May potential ka.” Natawa siya, isang mababa at malat na tunog na palaging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at sumandal muli sa counter, tinititigan ako nang may halo-halong paghanga at lambing. “I had a great teacher, Chef Anya. Although, I think I’d rather be your personal chef than work anywhere else.” Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng init sa aking mga pisngi. Ang lalaking ito talaga, walang palya kung bumanat. Pag ikaw, sinunggaban ko dyan! Upang ita
Ang kusina ni Lucas ay parang eksena sa isang high-end interior design magazine, lahat gawa sa makintab na stainless steel, at ang mga appliances ay mukhang digital na baka mas matalino pa sa akin. Pero sa kabila ng karangyaan nito, halatang bihira itong magamit para sa totoong pagluluto. Kulang sa amoy ng bawang, walang bahid ng mantika, at walang buhay. Ngayong araw, babaguhin ko ’yon.“First rule of the kitchen, Assistant Lucas,” sabi ko sabay turo sa sink. “Maghugas ng kamay. At pagkatapos, hugasan mo rin lahat ng gulay na gagamitin natin. Kailangang malinis ang pagkain natin.”“Yes, Chef,” seryoso niyang sagot. Hinubad niya ang kaniyang mamahaling wristwatch at hinugasan ang kamay. Kahit simpleng paghuhugas lang ng kamay, mukha pa rin siyang commercial ng sabon.Habang naghuhugas siya, inihanda ko naman ang malaking cutting board at isang matalas na kutsilyo. Inilabas ko rin ang karne ng baboy na binili namin.“Lucas, pagkatapos mo riyan, kunin mo ’yung labanos at talong. Tuturua
"Dapat matuto ka rin, paano kung nagkasakit ako tapos hindi ka masamahan sa grocery?” Sibangot ko sa kanya. “Don't get sick. You need to take care of your body.” Sabi niya sabay akbay sa akin. “Oo, inaalangan ko naman ang sarili ko. Basta, tuturuan kita pumili ng gulay. Making ka.” Napadaan kami sa mga bawang at sibuyas kaya kinuha ko ang isang plastic ng bawang at ipinakita sa kaniya. "O, tingnan mo 'to. Dapat ganito ang pinipiling bawang, matigas pa at buo. Huwag mong kukunin 'yung medyo malambot na, ibig sabihin niyan malapit nang mabulok." Seryoso namang tumango si Lucas, tila ba isa itong napakahalagang business proposal na kailangan niyang kabisaduhin para sa susunod niyang board meeting. Kinuha niya ang bawang sa kamay ko at maingat na inilagay sa cart, na parang isang mamahaling hiyas. "Noted, Chef Anya. What's next on the menu?" tanong niya na may kasamang pilyong ngiti. "Gusto kong ipagluto ka ng Sinigang na Baboy," wika ko habang naglalakad kami patungo sa meat section
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang malalaking palad, pinilit na iharap ang aking mukha sa kaniya. Ang init ng kaniyang balat ay unti-unting nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Hey, look at me, Anya," bulong niya, ang kaniyang mga mata ay puno ng pag-aalala habang nakatitig nang diretso sa akin. "You don't need to stress yourself over this. You don't have to worry much, alright? No one else will know. Only he and I know about this leverage now. It's a closed-door secret between the two of us. He loves his reputation more than anything in this world, so he will stay in line. This secret is safe, and so are we." Hinalikan niya ang aking noo, isang matagal at mariing halik na tila ba sinisiguro sa akin na tapos na talaga ang pinakamahirap na bahagi ng laban. Ngunit kahit na sinasabi niya ang mga salitang iyon, hindi nakaligtas sa aking paningin ang lalim ng kaniyang bawat hininga. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga kamay at sumandal din sa sofa, ang k
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, at fear of height yata ang naramdaman ko noong makita ko ang layo ng sahig mula sa kutson. Parang kailangan ko pa ng elevator para lang makababa nang ligtas. Ang mga tuhod ko, kung may sarili lang silang boses, malamang ay nagmumura na sa akin ngayon dahil
Sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko, kinailangan kong gumapang palapit sa kanya para lang hindi ako mukhang lumpo na iniwan sa gitna ng mamahaling kama. Ang wild niya! Kung may shock absorber lang ang kaluluwa ko, malamang pudpod na ito ngayon.Humilig ako paitaas at bago pa siya makabanat ng isa
"What? Akala mo lang 'yon! Nakapikit kaya ako!" depensa ko agad, kahit ang totoo ay kulang na lang ay lumuwa na ang mata ko sa tindi ng pagkakatitig ko sa bawat hibla ng tela na bumababa sa katawan niya. Gusto ko sanang panindigan ang pagiging inosenteng Maria Clara, pero paano naman ako magiging
Hapon na nang makarating kami sa mansyon, at kung akala ninyo ay nawala ang init ng katawan ng CEO na ’to dahil sa trapik sa EDSA, nagkakamali kayo. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa sala, hindi man lang ako binitiwan ni Lucas sa kamay. Dire-diretso ang mga hakbang niya paakyat sa engranden







