Share

Chapter 2

Author: vienriaz
last update publish date: 2026-05-01 00:12:43

Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.

“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’.

“Si Sir Lucas ba ang nakatoka sa’yo? Good luck, gurl. Suwerte mo sa view, pero malas mo sa kuskos.”

Lumapit ako sa malaking washing machine at dahan-dahang inilapag ang basket. “Bakit naman malas sa kuskos, Ate Gina? Mukha namang malinis si Sir, ah? Amoy baby powder na mamahalin pa nga,” sabi ko sabay singhot nang palihim sa isang itim na polo shirt.

Lord, patawad, kailangan ko lang ng oxygen.

Nagtawanan silang tatlo. “Naku, Anya, akala mo lang ’yan,” sabat naman ni Tess, ’yung isa pang maid.

“Si Sir Lucas, sobrang pihikan niyan. Isang mantsa lang na kasingliit ng tuldok, ipapaulit niya sa’yo ang buong batch. At huwag na huwag mong gagamitan ng matapang na fabcon, sumasakit ang ulo n’yan. Gusto niya, amoy ‘fresh air’ lang.”

“Saka ingat ka rin sa mood niya,” bulong ni Gina habang lumilingon-lingon, tinitiyak na wala si Manang Ruchel, takot sigurong mapagalitan. “Mabait naman si Sir, galante ’yan mag-bonus. Pero kapag puyat sa trabaho o stressed sa kumpanya, daig pa ang Bulkang Mayon na sasabog. Tahimik pero nakakamatay ang tingin.”

“Ganoon ba?” sagot ko habang sinisimulang paghiwalayin ang de-kolor sa puti. Kahit maging bulkang Mayon pa siya, handa kong tanggapin ang lava niya. Charot!

“Eh, may girlfriend ba siya? O baka naman... asawa?” Pasimple kong tanong.

Halos mabilaukan si Tess sa iniinom niyang tubig. “Asawa? Wala pa sa bokabularyo niyan ang kasal. Girlfriend? Maraming umaaligid na model at sosyal na babae, pero wala kaming nakikitang seryoso. Parang robot ’yang si Sir, trabaho at gym lang ang alam. Minsan nga iniisip namin kung tao ba talaga ’yan o display sa museum sa sobrang perpekto.”

Walang girlfriend? Yes! Clear path! Tuwang-tuwa na ang malandi kong puso. Ibig sabihin, may pag-asa pa ang duster ko at ang ganda kong pang-barangay pageant!

Lumipas ang dalawang oras sa paglalaba. Pinagbuti ko talaga ang pagkuskos sa mga kuwelyo niya. Bawat kuskos, iniisip ko na parang minamasahe ko na rin ang balikat ni Lucas para dagdag motivation.

Nang matapos na, bitbit ko ang planggana palabas sa garden area kung saan naroon ang mga sampayan. Tirik ang araw, perpekto para matuyo agad ang mga underwear ni Sir—este, ang mga polo niya. Habang isa-isa kong isinasampay ang mga tela, ninanamnam ko ang hangin. Ang sarap maging mahirap na may mayamang inspirasyon!

“You’re doing it wrong.”

Muntik ko nang mabitawan ang sipit ng damit nang marinig ang baritono at malamig na boses na iyon mula sa likuran ko. Paglingon ko, nandoon si Lucas. Nakasuot na siya ngayon ng puting t-shirt at shorts, pero kahit balot na ang katawan, bakas pa rin ang hulma ng mga muscles niya.

“S-Sir! Nagulat naman ako sa inyo. Akala ko po multo, “ biro ko pero agad akong napatakip ng bibig. Hindi naman siguro ako matatanggal sa trabaho, no?

Tumaas ang isang kilay niya. Lumapit siya sa sampayan, ang bango niya ay humahalo sa amoy ng sabon. “The hangers. Huwag mong gagamitan ng clip ang balikat ng mga polo shirt ko, it leaves marks. Ibutones mo nalang.”

“Ah, opo! Sorry po, Sir. Akala ko kasi baka tangayin ng hangin, sayang naman kung madudumihan ulit ang kagandahan... ng damit niyo,” mabilis kong sabi habang mabilis na tinatanggal ang mga sipit.

Pinanood niya lang ako. Nararamdaman ko ang titig niya sa likod ko kaya lalo akong naging clumsy. Nahulog ang isang panyo sa damuhan. Sabay kaming yumuko para kunin iyon, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagdampi ang mga daliri namin.

Para akong nakuryente! Napatingin ako sa mga mata niya. Malalim, parang dagat na masarap lundagan kahit hindi ako marunong lumangoy.

“You’re very energetic for someone who started at 6:00 AM,” puna niya, sabay bawi ng panyo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang may dumaang konting ngiti sa labi niya. “Anong pangalan mo ulit?”

“Anya po, Sir! Anya na laging handang mag-serbisyo sa inyo, 24/7, with a smile and extra rice!”

Bahagyang gumaan ang mukha niya. “Anya. Okay. Just make sure you follow Manang Ruchel’s instructions. Ayaw ko ng palpak sa bahay na ’to.”

“Promise, Sir! Kahit itanong niyo pa sa mga bituin, ako ang pinakamasipag na maid sa balat ng lupa,” sagot ko habang nag-pa-pacute. Sana tablan siya ng ganda ko.

Tumango lang siya at nagsimulang maglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin at hindi maiwasang mahumaling. Pati ba naman paglalakad, nakakaakit? ’Yung pag-galaw ng balakang niya, parang may sariling soundtrack. Sana maging exercise mat na lang ako para araw-araw mo akong apakan, Sir!

“Ahem.”

Biglang nawala ang pantasya ko nang sumulpot sa gilid ko si Manang Ruchel. Nakapamewang siya at ang hitsura niya ay parang nakakita ng krimen.

“Tapos ka na bang makipag-landian sa hangin, Anya?” matalim niyang tanong.

“Ay, Manang! Hindi po, nag-uusap lang po kami ni Sir tungkol sa... sa hangers! Opo, napaka-educational po ng usapan namin tungkol sa hanger,” palusot ko.

Lumapit sa akin si Manang Ruchel, ang mukha niya ay seryosong-seryoso. Hinawakan niya ang braso ko, hindi naman masakit pero ramdam ko ang babala.

“Makinig ka sa akin, bata ka. Nakikita ko ang mga tingin mo kay Sir Lucas. Bago ka pa lang dito, kaya sasabihan na kita. Huwag kang masyadong umasa. Marami nang dumaang katulong dito na akala nila ay magiging Cinderella sila. Ang ending? Sinisante dahil naging sagabal sa trabaho.”

Napakurap ako. “Manang, nagagandahan lang naman po ako sa view—”

“Sir Lucas is a Villamor,” putol niya sa akin. “Langit siya, Anya. At kahit anong kuskos mo sa mga damit niya, ang amoy ng sabon ay hindi kailanman magiging amoy ng ginto. Huwag kang lumapit nang lumapit sa kanya kung ayaw mong mapaso. Trabaho ang pinunta mo rito, hindi pag-ibig. Maliwanag?”

Tumango ako nang dahan-dahan, pero sa loob-loob ko, gusto kong sumagot ng kahit mapaso ako, basta si Sir Lucas ang apoy, okay lang! Pero pinigilan ko dahil baka hadlangan ako ni Manang na makita si Lucas.

“Opo, Manang. Copy po. Trabaho lang, walang personalan,” sabi ko na lang para matigil na ang sermon.

Umalis si Manang Ruchel na tila isang itim na ulap na dumaan sa gitna ng maaraw kong araw. Napabuntong-hininga ako at tumingin ulit sa direksyong pinuntahan ni Lucas. Nawala ako sa mood.

Langit siya, lupa ako?

Malulungkot na sana ako ngunit bigla akong napangiti nang nakakaloko habang kinukuha ang hangers dahil sa naisip. Edi gagawa ako ng hagdan! O kaya, hihiling ako ng lindol para mag-collapse ang langit sa lupa.

Ipinagpatuloy ko ang pagsasampay habang kumakanta ng ‘Stupid Love’. Hindi ako magpapadala sa mga banta ni Manang, gustong gusto ko talaga si Lucas, noon pa man. Hindi naman mapipigil ang nararamdaman, basta itutuloy ko pa rin ang pantasya ko. Basta masilayan ko lang ang mukha niya, okay na ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alona Aspa Bermido
i love reading this...so nice....nkakadala ng damdamin...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 175

    Sumandal ako nang mas maayos sa gilid ng mesa, ipinagkurus ang aking mga braso habang nakatitig sa likod ni Lucas. Medyo nakakapanibago pa ring makita ang isang Lucas Villamor, ang seryoso, malamig, at tila hindi maabot na tagapagmana na nakatayo sa harap ng lababo at handang sumabak sa sabon at tubig. Nagsimula siyang magbukas ng gripo. Ang tunog ng umaagos na tubig ay bumasag sa katahimikan ng kusina, ngunit hindi ito iyong uri ng katahimikan na nakakabingi. Isa itong komportableng katahimikan, ang uri na nabubuo lang kapag kasama mo ang taong alam mong ligtas ka. Kapag kasama mo ang taong mahal mo. “Tingnan natin kung may natutunan ka nga talaga sa mga sermon ko noon,” hamon ko sa kaniya, may tonong mapang-asar. Lumingon siya nang bahagya, sumulyap sa akin sa ibabaw ng kaniyang balikat. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. “Watch me, Anya. Don't blink, or else you might be too shocked.” Natawa ako nang husto sa kaniyang pagyayabang. Lumapit ako nang kaunti, sapat

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 174

    Dinala namin ang dalawang malalaking mangkok sa kaniyang dining table. Ang hapag-kainan niya ay gawa sa madilim na kahoy na may makikinis na gilid, napapaligiran ng mga modernong upuan na halatang mamahalin. Sa gitna ng ganoong karangyaan, ang dalawang simpleng mangkok ng Sinigang at umuusok na kanin ay nagmukhang mga banyaga, ngunit sa kabilang banda, nagdala ang mga ito ng kakaibang buhay at kulay sa hapag.Umupo si Lucas sa tapat ko, habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng aming mga kubyertos. Bago pa man kami magsimula, hindi ko napigilang mapatitig sa kaniya. Napakaguwapo niya pa rin. Kita ko ang butil ng pawis sa noo niya dahil sa init ng usok ng niluto naming pagkain, pero kahit ganon, ang lakas pa rin ng dating niya.“Eat well, Chef Anya,” nakangiti niyang sabi, bago kumuha ng kutsara at tinidor.“Eat well din, Assistant Lucas,” ganti ko, sabay kuha ng kaunting kanin at ulam.Tiningnan ko si Lucas upang makita ang kaniyang reaksyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa unang hig

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 173

    Inilagay ko ang hawak kong mangkok sa counter at hinarap ang bagong lutong Sinigang. Ang mga dahon ng kangkong ay nananatiling matingkad ang pagkaberde, ang mga talong at labanos ay may sapat na lambot ngunit hindi lasog, at ang karne ng baboy ay halatang natanggalan na ng tigas dahil sa tamang oras ng pagpapakulo. “Ang galing mo, Assistant Lucas,” panunukso ko sabay tapik sa kaniyang balikat. “Puwede ka nang mag-apply na sous chef sa mga karinderya sa amin. May potential ka.” Natawa siya, isang mababa at malat na tunog na palaging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at sumandal muli sa counter, tinititigan ako nang may halo-halong paghanga at lambing. “I had a great teacher, Chef Anya. Although, I think I’d rather be your personal chef than work anywhere else.” Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng init sa aking mga pisngi. Ang lalaking ito talaga, walang palya kung bumanat. Pag ikaw, sinunggaban ko dyan! Upang ita

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 172

    Ang kusina ni Lucas ay parang eksena sa isang high-end interior design magazine, lahat gawa sa makintab na stainless steel, at ang mga appliances ay mukhang digital na baka mas matalino pa sa akin. Pero sa kabila ng karangyaan nito, halatang bihira itong magamit para sa totoong pagluluto. Kulang sa amoy ng bawang, walang bahid ng mantika, at walang buhay. Ngayong araw, babaguhin ko ’yon.“First rule of the kitchen, Assistant Lucas,” sabi ko sabay turo sa sink. “Maghugas ng kamay. At pagkatapos, hugasan mo rin lahat ng gulay na gagamitin natin. Kailangang malinis ang pagkain natin.”“Yes, Chef,” seryoso niyang sagot. Hinubad niya ang kaniyang mamahaling wristwatch at hinugasan ang kamay. Kahit simpleng paghuhugas lang ng kamay, mukha pa rin siyang commercial ng sabon.Habang naghuhugas siya, inihanda ko naman ang malaking cutting board at isang matalas na kutsilyo. Inilabas ko rin ang karne ng baboy na binili namin.“Lucas, pagkatapos mo riyan, kunin mo ’yung labanos at talong. Tuturua

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 171

    "Dapat matuto ka rin, paano kung nagkasakit ako tapos hindi ka masamahan sa grocery?” Sibangot ko sa kanya. “Don't get sick. You need to take care of your body.” Sabi niya sabay akbay sa akin. “Oo, inaalangan ko naman ang sarili ko. Basta, tuturuan kita pumili ng gulay. Making ka.” Napadaan kami sa mga bawang at sibuyas kaya kinuha ko ang isang plastic ng bawang at ipinakita sa kaniya. "O, tingnan mo 'to. Dapat ganito ang pinipiling bawang, matigas pa at buo. Huwag mong kukunin 'yung medyo malambot na, ibig sabihin niyan malapit nang mabulok." Seryoso namang tumango si Lucas, tila ba isa itong napakahalagang business proposal na kailangan niyang kabisaduhin para sa susunod niyang board meeting. Kinuha niya ang bawang sa kamay ko at maingat na inilagay sa cart, na parang isang mamahaling hiyas. "Noted, Chef Anya. What's next on the menu?" tanong niya na may kasamang pilyong ngiti. "Gusto kong ipagluto ka ng Sinigang na Baboy," wika ko habang naglalakad kami patungo sa meat section

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 170

    Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi gamit ang kaniyang malalaking palad, pinilit na iharap ang aking mukha sa kaniya. Ang init ng kaniyang balat ay unti-unting nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Hey, look at me, Anya," bulong niya, ang kaniyang mga mata ay puno ng pag-aalala habang nakatitig nang diretso sa akin. "You don't need to stress yourself over this. You don't have to worry much, alright? No one else will know. Only he and I know about this leverage now. It's a closed-door secret between the two of us. He loves his reputation more than anything in this world, so he will stay in line. This secret is safe, and so are we." Hinalikan niya ang aking noo, isang matagal at mariing halik na tila ba sinisiguro sa akin na tapos na talaga ang pinakamahirap na bahagi ng laban. Ngunit kahit na sinasabi niya ang mga salitang iyon, hindi nakaligtas sa aking paningin ang lalim ng kaniyang bawat hininga. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga kamay at sumandal din sa sofa, ang k

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 120

    Bahagya ko pang hinawakan ang sarili kong baywang habang tinatahak ang pasilyo patungo sa quarters ng mga katulong. Loka-loka ka talaga, Anya, bulong ko sa sarili ko habang abot-langit ang ngiti ko na daig pa ang nanalo sa lotto. Ang bango-bango pa rin ng uniporme ko, amoy Lucas Villamor! Kung pwed

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 115(SPG)

    Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko habang nilalasap ang bawat pulgada ng pagpasok niya. Grabe, feeling ko talaga umabot hanggang sa lalamunan ko ang dulo ng dragon niya! Napakapit ako sa matitigas niyang balikat, ang mga kuko ko ay pilit na ibinabaon sa makinis at mainit niyang likod. Kung may

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 95

    Hawak ko pa rin ang tray, pero pakiramdam ko, mas makapal pa sa mukha ni Yanna ang kapal ng mukhang mayroon si Don Alejandro para gawin ’to. Iyong luha na pumatak mula sa mata ko? Agad kong pinunasan gamit ang dulo ng daliri ko. Hustisya naman sa mascara ko, mamahalin ’to, binili pa ni Lucas para s

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 82

    Pagkatapos ng aming mala-teleseryeng moment sa shower, kung saan literal na pinatunayan kong kayang-kaya kong pasunurin ang isang bilyonaryo sa pamamagitan ng simpleng pag-satisfy sa kanya, ay kailangan ko nang harapin ang reyalidad. At ang reyalidad na ‘yon? Kailangan kong makabalik sa kwarto ko n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status