LOGINSinuri uli ako ni Manang Ruchel mula ulo hanggang paa. Napapalunok na ako, iniisip kung namali ba ako sa palusot! Pero mukhang wala naman siyang nakitang dumi o gusot sa damit ko na magpapatunay na galing ako sa kung anong gulo, at dahil na rin siguro backed-up ako ng pahayag ng mismong anak ng amo na si Nathan, dahan-dahan siyang nagpakawala ng isang buntong-hininga "Sige na, magpahinga ka na. Mukha ngang napagod ka sa mga pinagawa ni Sir Nathan. Pero siguraduhin mo lang na bukas ng umaga, maaga kang gigising. Maraming lilinisin sa mansyon dahil sa nangyaring gulo ngayon," saad niya bago tumalikod at tuluyang lumabas ng quarters. Nang marinig ko ang tuluyang pagsasara ng pinto, doon lang ako nagkaripas ng takbo papunta sa kwarto ko at bumagsak sa aking higaan. Salamat sa Diyos! pakiramdam ko ay nakaligtas ako sa bitayan. Agad kong niyakap ang aking unan, ipinikit ko ang aking mga mata habang ang labi ko ay kusang gumuguhit ng isang malawak na ngiti. Lucas baby, ang dami kong pina
“Act normal, Anya. Don't look like you just came back from a romantic getaway," seryosong untag sa akin ni Nathan habang pinapatay ang makina ng sasakyan sa pribadong garahe ng mansyon. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Ang mansyon ay tahimik, tanging ang huni ng mga kuliglig at ang marahang kaluskos ng mga dahon sa malawak na hardin ang naririnig. Habang naglalakad kami papasok sa pintuan ng mansyon ay unti-unti nang bumabalik ang kaba sa dibdib ko. Kulang na lang ay maging parang spy ako sa mga action movie sa dahan-dahan kong paghakbang. Nang makapasok na kami sa loob at makarating sa may hallway, huminto ako at humarap kay Nathan. "Sir Nathan, mauna na po ako sa maid’s quarters. Baka may makakita pa sa atin dito, mahirap na," bulong ko, habang panakaw na sumisilip sa paligid. Bahagyang natawa si Nathan, isang maikling tunog na halatang nangaasar na naman. "Don't worry too much, Anya. You don't have to look like a thief in your own workplace. I already called Manang Ruchel earl
Sabay kaming napalingon ni Lucas sa direksyon ng pinto nang muling umalingawngaw ang tatlong magkakasunod at tila naiinip na katok. Umayos ako ng tayo habang si Lucas naman ay nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga. Lumapit si Lucas sa pinto at dahan-dahan itong binuksan. Iniluwa nito si Nathan. Nakasandal si Nathan sa hamba ng pinto, nakapamulsa, at may bitbit na mapaglarong ngiti na ewan ko ba kung bakit parang laging nang-aasar. "Is she ready?" walang kaba na tanong ni Nathan habang humahakbang siya papasok sa loob ng hotel room. Yung paraan ng pagtingin niya, parang naghahanap ng kung anong butas para asarin kami. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang kasuotan na tila ba galing sa isang business magazine, pero siyempre, mas masarap pa ring yakapin ang aking one and only Lucas baby. Siya lang ang mahal ko. Bago pa man makalapit nang husto si Nathan sa kinaroroonan ko, mabilis na humarang si Lucas sa pagitan naming dalawa. Ang kaniyang malalapad na balikat ay naging in
Habang dahan-dahang lumalapit ang kaniyang mukha sa akin, naramdaman ko ang marahang pagdampi ng kaniyang mainit na hininga sa aking mga labi. Ang puso ko? Ayun, nagwawala na naman na parang nakawala sa kural. Konting-konti na lang talaga, magkakadikit na ang mga labi namin. Isinara ko na ang mga mata ko, handang-handa nang salubungin ang langit nang biglang tumunog ang telepono. Parang binuhusan ng isang timbang yelo ang buong pagkatao ko. Napadilat ako bigla, at nakita ko ang marahas na pagpikit ng mga mata ni Lucas habang humihinga nang malalim. Kung nakakamatay lang ang tingin, paniguradong sumabog na ang kawawang cellphone na nakapatong sa side table. Panira naman ng moment! "Don't mind it," bulong ni Lucas, ang boses ay mas lalong lumalim sa inis Sinubukan niya ulit abutin ang labi ko, pero hindi pa nga dumidikit, tumunog na naman ang demonyong cellphone. "Aba, mukhang may sunog yata, Lucas. O baka naman nananawagan na naman ang mga magulang mo," biro ko sa kaniya para kahi
Nang marinig ko ang pag-click ng pinto, doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Pumasok ako sa banyo ng hotel at agad na namangha sa karangyaan nito. Ang laki ng bathtub, may malaking shower head na mukhang uulanin ka ng ginto, at ang mga salamin ay napakalinaw. Nahiya talaga ang quarters kong timba at tabo lang ang pang-ligo. Binuksan ko ang shower at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. Habang nagpapakasasa ako sa marangyang sabon na amoy lavender, hindi ko mapigilang mapangiti mag-isa. Isang hamak na kasambahay lang ako, pero heto ako ngayon, nilalasap ang karangyaan ng buhay kasama ang pinakagwapo at pinakamayamang lalaki na nakilala ko. At ang pinakamalupit pa roon, baliw na baliw siya sa akin. Grabe, ang nagligtas sa akin sa mga bully noon na akala ko ay mananatiling forever crush ay bigla kong naging boyfriend? Tapos kahit anong pagsubok ang dumaan, nalalagpasan naman namin. Basta talaga mahal mo ang isang tao, lahat posible no? Sobrang saya ko na n
Ang katahimikan na bumalot sa silid pagkatapos ng aming all-out war ay binasag lang ng ingay ng aircon at ng sabay naming paghingal ni Lucas. Pakiramdam ko, ang mga buto ko ay natunaw at naging malagkit na gulaman. Kung mayroon mang marathon para sa pakikipagtagisan ng giting, feeling ko ay nakuha ko na ang gintong medalya, pero kapalit naman nito ang panga kong parang nangalay at mga hita na nanginginig pa rin hanggang ngayon. Nakahiga ako sa kaniyang matitipunong dibdib, habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahang humahaplos sa aking hubad na likod. Ang sarap sa pakiramdam, yung tipong yayakapin ka pagkatapos ka niyang i-drive na parang sports car sa expressway. Ang bango pa rin niya kahit pawisan, habang ako, feeling ko ay amoy tagumpay na may halong konting ewan….mabango pa rin naman siguro ako? Naramdaman ko ang pagka-dry ng aking lalamunan kaya napatingin ako sa paligid. Buti na lang at may nakita ako agad na tubig sa may side table, tamang-tama pampawi ng uhaw ko. Nang aabut
Nakatulala ako sa labas ng bintana habang humaharurot ang SUV pauwi. Ang mga ilaw ng siyudad ay nagmimistulang mga bahid ng kulay sa paningin ko, parang watercolor na nabasa ng ulan. Kanina lang, ang ingay ko. Kanina lang, pakiramdam ko ang ganda-ganda ko dahil lang sa isang haplos ng daliri at isa
Dumating na ang araw ng Sabado, ang araw na itinakda ng tadhana para sa pagtatrabaho ko sa bar.Nagising ako nang mas maaga sa tilaok ng manok. Sakto namang paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Sir Lucas na pababa ng hagdan, bitbit ang kanyang briefcase at suot ang isang charcoal grey na suit na aka
Kinabukasan, nagising ako na mas maga ang mga mata kaysa sa karaniwan, pero hindi bigat ang nararamdaman ko kundi kaba na may halong excitement dahil may raket agad akong natyempuhan. Kaya kahit puyat, mabilis akong bumangon para simulan ang mga gawaing bahay sa mansyon.Habang naglalampaso ako ng
Dahan-dahan akong pumasok sa gate ng mansyon matapos ang day-off ko, parang magnanakaw na umiiwas sa laser lights dahil late ako. Bitbit ko pa ang coat ni Sir Lucas, isang sagradong relikya na balak ko sanang itabi sa ilalim ng unan ko para managinip ako ng dolyar at abs bago ko isauli kay Sir Luca







