LOGINSarie POV
"Ma'am Sarie, ito na po ang pinapabili mo," katok ni Manang Sol mula sa labas ng kwarto ko. Kinakabahan man ako, agad akong tumayo sa pagkaka-upo sa kama at binuksan ang pinto. "Ito na hija... sigurado ka ba dito?" "Opo, eh, Gusto ko ring malaman." "O sige, hihintayin na lang kita dito," saad niya. Tumango naman ako at pumasok sa CR. Hawak ko ang iba't ibang klase ng pregnancy test. Gusto kong malaman kung iisa lang ang ilalabas nitong resulta. Para bang may parte sa akin na natatakot sa sagot, pero ang mas malaking parte ay nagnanais malaman ang katotohanan. Gusto ko na ring malaman kung ano ang nangyari sa akin noon. Nang matapos ay agad akong lumabas at naabutan ko si Manang Sol na naghihintay. Agad kong nilapag ang limang pregnancy test sa bedside table at umupo sa kama dahil kinakabahan talaga ako. "H-hija," si Manang Sol at tumingin sa akin. "B-bakit po?" Kinakabahang tanong ko. Kakaiba kasi ang tingin sa akin, e. Nang hindi siya nagsalita, napilitan akong tumayo at lumapit sa kanya. Tinignan ko ang resulta na hawak niya. Iisa lang ang mga resulta nito, at kung hindi ako nagkakamali... Positive! Kinuha ko ang dalawang pregnancy test na nakalapag at tinignan rin kung ano ang nakalagay. Positive rin. Iisa lang ang ibinigay nitong resulta sa akin. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sobrang tuwa at takot. "Diyos ko. Napaka-gandang biyaya nito hija," tuwang-tuwang sabi ni Manang. Napayakap na lang ako sa kanya at sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. Ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina ay nawala ng parang bula. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng babae sa mundo upang bigyan ng ganitong ligaya. Hindi ko ito inaakala. Akala ko yung nangyari sa amin ay wala lang. Hindi ko akalain na may mabubuo. Ang pakiramdam ko ay halo-halo: tuwa, takot, at pananabik. "Mas maganda siguro kung sasabihin mo na iyan sa iyong asawa. Panigurado akong matutuwa iyon," suwesyon sa akin ni Manang. Kaya naman natigilan ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Paano kung hindi siya matuwa? Paano kung hindi niya tanggapin ang bata? "Hello, Ma," sagot ko sa kabilang linya. "Anak, handa ka na ba? Susunduin ka na namin ngayon. Iyan na ang flight mo pabalik ng Manila," saad nito sa kabilang linya. "Ma? Pwede bang wag muna akong tumuloy?" May pag-aalinlangang saad ko rito, hindi ko pa kasi alam kung handa na bako. "Ha? Bakit? May problema ba anak?" Nagaalalang tanong nito sa akin. "Ma? Gusto ko pong mapag-isa. Medyo hindi pa po kasi ako okay... Ayos lang ba Ma?" "Hmm, sure, sweetie." "Pwede rin ba Ma, pag hinanap ako ni Keizer, wag niyo nang sabihin kung nasaan ako?" Saad ko, ngunit natahimik agad ang kabilang linya. "Ha anak, bakit naman?" Takang tanong ng aking ina, alam kong maraming katanungan ang bumabagabag sa kanya, pero hindi pako handang sagutin kung ano man ang mga iyon. "I have my reason, Ma." Pagdadahilan ko sa kanya. "Okay. Mag-iingat ka diyan. Call me kung may problema." Kahit may pagaalinlangan ay agad rin naman siyang pumayag sa kagustuhan ko. "Okay po Ma, maraming salamat po. Bye Bye." Saad ko at binaba ang tawag. Ilang araw kong pinag-iisipan kung ipapaalam ko talaga kay Keezer. Pero mas pinili ko na lang na wag sabihin sa kanya. Bawal judgemental a! Natatakot lang talaga ako. Alam kong medyo nagbago na siya, pero still, natatakot parin ako. Ayoko nang maulit 'yon. Ayoko nang mawalan ng anak. Mahirap. Sobrang hirap. Keizer POV "Hoy! Tangina tama na yan! Nakakarami kana ah!" pigil sakin ni Luige pero hindi ko siya pinansin at patuloy parin sa paginom ng alak. "Taingina! Sabi niya ilang linggo lang siyang mawawala pero kalahating taon na ang lumipas at hanggang ngayon wala pa rin siyang paramdam!" inis kong saad at binato ang boteng hawak ko. "Even her parents won't tell me where she is. Siguro kinalimutan niya na ako! Fuck!" "Malay mo naman may ibang nangyari sa asawa mo?!" ika ni Kaido. "O baka naman nakahanap na ng iba? Gago! dapat hinanap mo na, kesa naman naglalasing ka dito!" "You know how many times I've looked for her, right?" inis na tanong ko pabalik sa kanya. "Kung mahal mo, edi hanapin mo!" biglang sabat ni Luige na nagpakunot ng noo ko. "Stupid! I don't love her," sigaw ko pero nagtawan lang sila. "Kung ganon bakit ka nagpapakalasing dito? At bakit affected na affected ka sa pagkawala niya?" tawang tanong ni Kaido. "And you're drinking almost every day. Ganyan ka pa rin kahit hindi mo siya mahal? Sinong ginagago mo? Sarili mo?" Luige laughed too, banging his fist on the table. Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi ko rin alam kung bakit ba sobrang apektado ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto kong maiyak dahil ang tagal na ng huli ko siyang nakita. Sobra akong naiinis sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko! KINABUKASAN nang magising ako ay ramdam ko agad ang sakit ng ulo ko. Tinignan ko naman ang isang bote ng alak na walang laman. Halos mapuno na ng bote ng alak ang kwarto namin dahil wala akong ginawa kung hindi maginom―umaga man o gabi. Sinubukan kong kalimutan lahat, pero parang ginagago ko lang ang sarili ko. Ilang beses lang pumasok sa isip ko kung nasaan na ba siya, kung anong ginawa niya, at kung ayos lang ba siya. "Manang, tawagan mo nga si tita. Tanungin mo kung nasaan si Sarie," utos ko kay manang bago pumunta sa living room. My friends were right. If I want to see her, I should do something. I can't just stay like this and wait for her while doing nothing. (FUN FACT ABOUT KEIZER: KEIZER USES TO BE A LOVING MAN WITH HIS PREVIOUS LOVER, BUT HE WAS CHEATED MULTIPLE TIME. THATS WHY HIS HATRED TO WOMAN GROWS. AUTHOR TO CHARACTER: BUT YOU KNOW KEIZER, THAT ISN'T AN EXCUSE TO BE A WALKING RED FLAG! HMP!)Chapter 279"Sigurado ka ba sa nakita mo? Baka naman namamalikmata ka lang?" paniniguradong tanong ko sa kanya.Nandito kami ngayon malapit sa hacienda at pilit naming tinatanaw ang mansyon, pero masyado iyong malayo sa amin kaya hindi namin mamataan ang mga tao sa labas.Parang ang imposible naman kasi na bigla na lang siyang uuwi. Wala naman kaming naririnig na kahit anong problema sa hacienda, kaya bakit siya uuwi? O baka naman trip niya lang?"Oo nga! Hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita ko na kasama niya si Drey!" pilit niya pa."Teka, nag-uusap na naman ba kayo?" taas-kilay na tanong ko."Hindi no!" depensa niya. "Sadyang namukhaan ko lang talaga sila kaya nalaman ko na umuwi na sila.""Psh, ano naman kung umuwi na sila? Parang may pwede naman akong gawin para muli siyang makausap.""Ano? Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang nangyayari sa iyo pagkatapos niyang umalis? Tingin ko naman ay karapatan niyang malaman.""Para saan pa? Matagal ko nang binaon sa limot kung ano man
Chapter 278Isa, dalawa, tatlo, apat... lima? Hindi ko alam! Bakit ba kasi hilig kong bilangin kung ilang taon na ang nagdaan? Kahit ilang bilang ko ata, hindi na talaga siya babalik.Inis kong kinuskos ng brush ang panty ko. Nakailang kusot at brush na ako pero hindi pa rin natatanggal ang mantsa ng dugo! Bakit ba kasi puting panty pa ang sinuot ko kagabi? Nakakainis!"Oh? Bakit nakasibangot ang maganda kong girlfriend? Ang aga-aga, wala ka na sa mood," rinig kong sabi ni Wayne bago ako halikan sa pisngi."Kasi naman! Kung kailan puti na panty yung sinuot ko kagabi, saka pa ako nagkaroon ng buwanang dalaw! Nakakainis!" inis na sabi ko sa kanya."Gusto mo ba ako na ang magkusot ng panty mo?" nakangising sabi niya. Agad ko naman siyang tinulak palayo."Heh! Kadiri! Ang dumi-dumi nito tapos hahawakan mo?" hasik ko."Ano naman? Hindi ko naman ikakamatay kung ipaglaba ko ang girlfriend ko," aniya kaya lihim akong napangiti."Ayos lang, malapit na rin naman itong matanggal at saka isang pan
Chapter 277"Hmm, mauuna muna ako. May kailangan pa akong gawin," paalam ni Hilda at dali-daling umalis, kaya naman kaming dalawa na lang ni Kio ang natira."So, what's the plan?" muling tanong sa akin ni Kio nang tuluyang makaalis si Hilda."A-ano...""Did you just use me?" tanong niya pa, kaya hindi na ako nakasagot. "Fuck.""K-Kio, please. Hindi ko naman dapat--""Hindi? Anong hindi? Sayo ko mismo narinig. Don't make me look stupid here, Chelsea," seryosong sabi niya. Sunod-sunod na lang ang naging pagtulo ng luha ko. "I came back here because I was worried about you. Tapos you're telling me that you've been using me the whole time?""K-Kio--""Stop talking, please. I don't want to hear any excuses from you," aniya bago ako talikuran."Kio!" habol ko sa kanya pero hindi na niya ako muling nilingon. Napaluhod na lang ako mula sa kinatatayuan ko.Gusto ko siyang sundan at habulin pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya matapos niyang malaman ang totoo.'Patawarin mo ako, Kio...'
Chapter 276Ilang oras na akong nakatitig sa telepono ko. Pero kahit anong tingin ko doon ay walang naging tugon si Kio sa mga mensaheng ipinadala ko.Ilang araw na ang nakalipas nang umalis sila. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi nagriring ang cellphone niya.Nakiusap ako kay Hilda kung magagawa niya bang itanong kay Drey kung nasaan si Kio, pero mismong kaibigan niya ay hindi alam kung saan sila nagpunta.Bukas ay magsisimula na ang pasukan pero hindi ko man lang magawang ayusin ang mga gamit ko dahil nag-aalala ako kay Kio.Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa hacienda para magtanong sa mga kasambahay pero hindi rin nila alam kung nasaan sila.Kahit si Senyor ay wala sa mansiyon kaya hindi rin ako makapagtanong.Tamad akong lumabas ng bahay, makikipagkita kasi ako kay Hilda. Ang sabi niya ay nakausap niya daw si Drey kanina at mukhang may balita siya."Oh? Bakit namumutla ka? Para kang namatayan," ani ni Hilda
Chapter 275Walang sinayang na oras ang pamilya ni Kio. Agad nilang pinaalis sa bahay ang dalawang magkapatid na sina Darren at Darla.Matapos rin ng insidenteng ginawa sa akin ni Darren ay nalaman rin ng pamilya ni Kio ang tungkol doon at binalaan ang dalawang magkapatid na hindi na sila muling makakalapit pa sa amin at sa pamilya nila.Gumawa pa ng eksena si Darla pero hindi na siya pinaniwalaan ng mga magulang ni Kio at galit silang pinaalis sa mansyon."Thank you. Kung hindi dahil sa iyo ay baka maulit lang ulit ang ginagawa ni Darla," saad ni Kio. "Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Dapat nga ay humingi ako ng tawad sa iyo dahil hinusgahan kita. Pasensya ka na..." malungkot na sabi ko rito."You've been apologizing since earlier. Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na wala kang kasalanan? So stop apologizing," aniya na ikinanguso ko. Pero ganoon pa man ay masaya ako dahil wala nang gugulo sa buhay niya. Panigurado akong ilang taon kinimkim ni Kio lahat ng iyon nang mag-isa. Kay
Chapter 274"K-Kio? Ano ba! Bitawan mo nga ako! Baka may makakita sa atin!" Pigil ko sa kanya pero patuloy pa rin ang paghatak niya sa akin hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. "Uuwi na ako! Ano ba ang kailangan mo?" inis na tanong ko sa kanya.Rinig ko ang pagsara niya ng pinto bago ako harapin. "Ask me. Ask me everything you want and I will answer you honestly," aniya na lalong nagpainis sa akin."Para saan pa? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Maghiwalay na tayo—""Did I agree? No. So we're not breaking up," pagmamatigas niya. "Kung ano man ang nakita mo sa amin ni Darla kagabi ay ginawa ko lang iyon para lubayan ka nila," paliwanag niya.Lubayan?"Hindi mo kailangang magpaliwanag—""Of course, I need to. You're my girlfriend and I'm not gonna let you misunderstand what you saw last night," aniya pa. "Darla is a crazy girl who's been obsessed with me since we were kids." Panimulang kwento niya. "Nakatakas lang ako mula sa kanya nang lumayo kami mula sa Manila. But I didn't e







