LOGIN3 YEARS AGO
Sarie's POV
"What did you eat this morning and you kept vomiting?!" inis na tanong ni Keizer habang nakahawak sa likod ko habang ako naman ay nasa harap ako ng bowl at sumusuka.
"Hindi ko rin alam, may sira na ata ang pagkain kanina. K-kasi iba ang panlasa ko," pagsisinungaling ko at lumabas ng banyo mula sa kusina.
"Oh. Magmumog ka, uminom ka rin ng gamot." Aniya. Napasiil ako ng labi nang maalala ang kabilin-bilinan ng doktor ko.
"H-ha? Hindi na kailangan ng gamot. Ayos na ako. Iinom na lang ako ng tubig para mawala ang sakit ng tiyan ko," pilit na sagot ko at pumunta sa lababo para magmumog.
"Ipapa-check ko na lang kay Manang Nile 'yung pagkain para hindi na maulit," mahinahong saad niya at lumabas ng kusina.
Nakahinga naman ako nang maluwag at napahawak sa tiyan ko. Hindi man lang siya naalarma samantalang isa siyang doktor. Tss.
Agad akong pumunta sa kwarto namin nang makaramdam ako ng antok. Nahiga ako sa kama ko. Oo, kama ko. Dalawa ang kama namin dito sa kwarto namin—magkahiwalay kami. Dalawang buwan pa lang kaming kasal at dahil doon, mailap pa kami sa isa't isa. Noong kinasal kami, siyempre pinilit nila kaming mag-honeymoon kahit labag sa kalooban naming dalawa.
"Sarie, andiyan ka ba?" Rinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.
"Gumising ka diyan. Parating na sila Mommy at Daddy, kasama rin ang parents mo," saad niya at lumabas rin kaagad ng kwarto. Kahit na tinatamad, wala akong nagawa kundi mag-ayos ng sarili.
Minuto ang nagdaan nang makarating sa bahay ang biyenan at magulang ko. Agad na lumapit sa akin ang mommy ni Keizer at yumakap.
"Ano, kumusta hija? Wala ka bang ibang nararamdam?" excited na tanong ng Mommy ni Keizer. Pilit naman akong ngumiti sa kanya kahit nasasaktan ako sa higpit ng braso niya.
"H-ho?" takang tanong ko. Baka sinabi na ni Keizer.
"I mean, hindi ka ba nakakaramdam ng pagkahilo o pagsusuka o iba pa?" tanong pa nito.
"Kakasuka niya lang kanina, Mom—" singit ni Keizer.
"Oh! My! God—"
"Huwag ka hong OA. May sira lang 'yung pagkain kaya ganoon," pigil niya sa ina niya kaya naman napalingon ako sa kanya.
"M-may sira 'yung pagkain kanina?" kinakabahang tanong ko.
"Hmm... may sira na kaya siguro sumakit 'yung tiyan mo," ani niya. Nakaramdam naman ako ng kaba.
"May problema ba, anak?" biglang tanong ni Mama. Pilit akong ngumiti sa kanya at yumakap.
"Wala po, Ma," sagot ko bago sila ayain sa hapagkainan para kumain kahit wala akong gana. Minuto lang rin ang itinagal nu'ng matapos sila. Mukhang nag-interview lang talaga sila sa aming mag-asawa dahil nagpaalam na rin silang umuwi matapos kumain.
As usual, ay mabait sa akin ang mama niya pero panigurado akong masama ang loob niyan sa akin ngayon.
"Mag-iingat kayo, Ma, Pa. Kayo rin po, Tita, Tito," paalala ko sa kanila nang matapos kaming magtanghalian.
"Kayo rin, hija. Babalik kami 'pag may time," nakangiting sabi ni Tita Kairen at umakap kay Tito Zeimor.
"Kung may problema ka, tawagan mo lang kami ng Papa mo," paalala ni Mama.
"Opo," sagot ko at humalik sa pisngi nila. Ganoon din ang ginawa ko sa parents ni Keizer. Kahit si Keizer ay humalik rin sa pisngi nila bago sila umalis.
"Puno ang duty ko kaya baka sa opisina na ako matutulog. Kung aalis ka, mag-text ka sa akin o kaya magpaalam ka kay Manang Nile," mahinahong saad niya, pero damdam ko pa rin ang panglalamig ng boses niya.
"S-sige, mag-iingat ka," sagot ko at inabot ang lab coat niya. Hindi na siya nagsalita at tuluyan nang umalis ng bahay.
Nagmadali rin akong magbihis at pupunta akong ospital. Natatakot ako baka kung ano ang mangyari sa batang nasa sinapupunan ko.
...
"D-doktora, kumusta po ang baby ko?" Nanginginig ang mga kamay ko matapos magtanong sa doktor.
"Well, ayos naman siya. Wala namang naging epekto sa kanya ang nakain mong pagkain. I'll just give a prescription for your vitamins for daily use and make sure you drink them on time, okay? And also make sure that the food you're eating is still edible. Alam mo namang nakakasama sa bata ang mga unhealthy food. And mas maganda, iwasan mo ang magkasakit dahil mahirap na. Pero reresetahan pa rin kita ng ibang gamot for that in case you got sick, which is a medicine for pregnant women. Mas maganda kung maiinom mo nang maaga," paliwanag ni Doktora Hiraya.
"Doktora, pwedeng favor?" naiilang na tanong ko sa kanya. Baka kasi hindi siya pumayag.
"Ah, sure. Ano ba iyon?"
"Pwede po bang...h-huwag nang makarating kay Keizer na pumunta ako rito? Pwede po bang huwag niyo nang sabihin?" alinlangang pabor ko sa kanya.
"Okay... sure. Kung ayaw mong makarating ito kay Doc. Keizer, mag-ingat ka lang paglabas mo dahil kakapunta lang niya dito sa OB. Nanguha siya ng mga pangalan ng pasyente. Baka nasa tabi lang siya na kwarto, malapit dito sa OB," paalala niya. Kaya naman nagpasalamat ako bago umalis.
Para tuloy akong holdaper. Inilabas ko muna ang ulo ko sa pinto at tiningnan ang paligid baka kasi makita niya ako. Nang malinaw na wala akong nakitang Keizer, nagmamadali akong lumabas ng OB at pumunta sa pharmacy ng ospital. Best friend ko na ata 'tong pharmacy—napapadalas na ang dalaw ko dito.
"Ito, miss," abot ko sa reseta ko. Habang naghihintay, hindi ako mapakali baka makita niya ako dito. Kaya naman nang iabot sa akin ng babae dito sa pharmacy ang binili ko, dali-dali akong lumabas at pumara ng taxi.
...
9:30 PM na pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya naman nag-movie marathon na lang ako at kumain ng vegetable salad. Habang patagal nang patagal, hindi ko na napansin na lumalakas ang tawa ko dahil sa pinapanood ko.
Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Keizer. Hindi ko narinig ang pagpasok ng sasakyan niya dahil siguro sa kakatawa ko.
Agad siyang dumeretso sa gawi ko kaya naman nakaramdam ako ng kaba dahil salubong ang mga kilay niya. Nagulat ako nang hablutin niya ang braso ko at pilit akong pinapatayo.
"Anong ginawa mo sa ospital kanina?" tanong niya. Halatang nagpipigil lang siya ng galit.
"N-nagpa-check up lang ako kasi sumakit 'yung tiyan ko," kabadong sagot ko.
"At bakit naman sa OB ka pumunta, ha?!" sigaw niya kaya naman napapikit ako. Ipit kong kinagat ang labi ko dahil hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko sa kanya.
"A-ano kasi... a-ano... ahmm na-ano kasi nung nagtatanong ako sa ibang n-nurse, ang s-sama ng tingin nila sa akin. Kaya a-ano n-natakot ako tapos napunta ako sa O-OB kaya doon ako nagtanong," humihikbing saad ko.
Sa totoo lang ay totoo talaga ang sinabi ko, kaya nagkandaligaw-ligaw ako kakahanap ng OB. Mas maganda na rin na hindi ako nagtanong kung saan ang OB baka makarating kay Keizer na pumunta ako roon.
"A-alam ko naman k-kung bakit ganoon s-sila makatingin sa akin. K-kasi maraming may ayaw sa akin na ikasal sa iyo. Buti na lang at mabait si Dra. Hiraya," dagdag ko pa.
Napaupo ako sa sofa nang bitawan niya ako sa braso, walang sabing dumeretso siya sa hagdan paakyat ng kwarto. Napayakap na lang ako sa sarili ko.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto at huminto na ako sa pag-iyak, kaya naman napagdesisyunan kong matulog dahil masama ang magpuyat.
Nang makarating ako sa kwarto ay wala siya sa kama niya. Panigurado akong nasa CR siya at naliligo. Sumampa ako sa kama ko at nahiga, at saka nagtalukbong sa kumot.
Sa totoo lang ay gusto kong tumabi matulog kay Keizer. Malapit na akong matapos sa first trimester ng pagbubuntis ko kaya naman halo-halo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may dinadala akong mabigat. Minsan ay pinipigilan ko lang talagang magpalambing sa kanya. Marami akong pinipigilan, mahirap nang mahalata niya.
31 pa lang siya habang ako 22 pa lang. Marami pa siyang gustong gawin kaya hangga't maaari, ayaw niya pa, samantalang ang dahilan nga ng pagpapakasal naming dalawa ay ang magkaroon ng anak.
May balak naman akong sabihin sa kanya... hindi ko lang talaga alam kung paano.
Chapter 279"Sigurado ka ba sa nakita mo? Baka naman namamalikmata ka lang?" paniniguradong tanong ko sa kanya.Nandito kami ngayon malapit sa hacienda at pilit naming tinatanaw ang mansyon, pero masyado iyong malayo sa amin kaya hindi namin mamataan ang mga tao sa labas.Parang ang imposible naman kasi na bigla na lang siyang uuwi. Wala naman kaming naririnig na kahit anong problema sa hacienda, kaya bakit siya uuwi? O baka naman trip niya lang?"Oo nga! Hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita ko na kasama niya si Drey!" pilit niya pa."Teka, nag-uusap na naman ba kayo?" taas-kilay na tanong ko."Hindi no!" depensa niya. "Sadyang namukhaan ko lang talaga sila kaya nalaman ko na umuwi na sila.""Psh, ano naman kung umuwi na sila? Parang may pwede naman akong gawin para muli siyang makausap.""Ano? Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang nangyayari sa iyo pagkatapos niyang umalis? Tingin ko naman ay karapatan niyang malaman.""Para saan pa? Matagal ko nang binaon sa limot kung ano man
Chapter 278Isa, dalawa, tatlo, apat... lima? Hindi ko alam! Bakit ba kasi hilig kong bilangin kung ilang taon na ang nagdaan? Kahit ilang bilang ko ata, hindi na talaga siya babalik.Inis kong kinuskos ng brush ang panty ko. Nakailang kusot at brush na ako pero hindi pa rin natatanggal ang mantsa ng dugo! Bakit ba kasi puting panty pa ang sinuot ko kagabi? Nakakainis!"Oh? Bakit nakasibangot ang maganda kong girlfriend? Ang aga-aga, wala ka na sa mood," rinig kong sabi ni Wayne bago ako halikan sa pisngi."Kasi naman! Kung kailan puti na panty yung sinuot ko kagabi, saka pa ako nagkaroon ng buwanang dalaw! Nakakainis!" inis na sabi ko sa kanya."Gusto mo ba ako na ang magkusot ng panty mo?" nakangising sabi niya. Agad ko naman siyang tinulak palayo."Heh! Kadiri! Ang dumi-dumi nito tapos hahawakan mo?" hasik ko."Ano naman? Hindi ko naman ikakamatay kung ipaglaba ko ang girlfriend ko," aniya kaya lihim akong napangiti."Ayos lang, malapit na rin naman itong matanggal at saka isang pan
Chapter 277"Hmm, mauuna muna ako. May kailangan pa akong gawin," paalam ni Hilda at dali-daling umalis, kaya naman kaming dalawa na lang ni Kio ang natira."So, what's the plan?" muling tanong sa akin ni Kio nang tuluyang makaalis si Hilda."A-ano...""Did you just use me?" tanong niya pa, kaya hindi na ako nakasagot. "Fuck.""K-Kio, please. Hindi ko naman dapat--""Hindi? Anong hindi? Sayo ko mismo narinig. Don't make me look stupid here, Chelsea," seryosong sabi niya. Sunod-sunod na lang ang naging pagtulo ng luha ko. "I came back here because I was worried about you. Tapos you're telling me that you've been using me the whole time?""K-Kio--""Stop talking, please. I don't want to hear any excuses from you," aniya bago ako talikuran."Kio!" habol ko sa kanya pero hindi na niya ako muling nilingon. Napaluhod na lang ako mula sa kinatatayuan ko.Gusto ko siyang sundan at habulin pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya matapos niyang malaman ang totoo.'Patawarin mo ako, Kio...'
Chapter 276Ilang oras na akong nakatitig sa telepono ko. Pero kahit anong tingin ko doon ay walang naging tugon si Kio sa mga mensaheng ipinadala ko.Ilang araw na ang nakalipas nang umalis sila. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi nagriring ang cellphone niya.Nakiusap ako kay Hilda kung magagawa niya bang itanong kay Drey kung nasaan si Kio, pero mismong kaibigan niya ay hindi alam kung saan sila nagpunta.Bukas ay magsisimula na ang pasukan pero hindi ko man lang magawang ayusin ang mga gamit ko dahil nag-aalala ako kay Kio.Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa hacienda para magtanong sa mga kasambahay pero hindi rin nila alam kung nasaan sila.Kahit si Senyor ay wala sa mansiyon kaya hindi rin ako makapagtanong.Tamad akong lumabas ng bahay, makikipagkita kasi ako kay Hilda. Ang sabi niya ay nakausap niya daw si Drey kanina at mukhang may balita siya."Oh? Bakit namumutla ka? Para kang namatayan," ani ni Hilda
Chapter 275Walang sinayang na oras ang pamilya ni Kio. Agad nilang pinaalis sa bahay ang dalawang magkapatid na sina Darren at Darla.Matapos rin ng insidenteng ginawa sa akin ni Darren ay nalaman rin ng pamilya ni Kio ang tungkol doon at binalaan ang dalawang magkapatid na hindi na sila muling makakalapit pa sa amin at sa pamilya nila.Gumawa pa ng eksena si Darla pero hindi na siya pinaniwalaan ng mga magulang ni Kio at galit silang pinaalis sa mansyon."Thank you. Kung hindi dahil sa iyo ay baka maulit lang ulit ang ginagawa ni Darla," saad ni Kio. "Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Dapat nga ay humingi ako ng tawad sa iyo dahil hinusgahan kita. Pasensya ka na..." malungkot na sabi ko rito."You've been apologizing since earlier. Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na wala kang kasalanan? So stop apologizing," aniya na ikinanguso ko. Pero ganoon pa man ay masaya ako dahil wala nang gugulo sa buhay niya. Panigurado akong ilang taon kinimkim ni Kio lahat ng iyon nang mag-isa. Kay
Chapter 274"K-Kio? Ano ba! Bitawan mo nga ako! Baka may makakita sa atin!" Pigil ko sa kanya pero patuloy pa rin ang paghatak niya sa akin hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. "Uuwi na ako! Ano ba ang kailangan mo?" inis na tanong ko sa kanya.Rinig ko ang pagsara niya ng pinto bago ako harapin. "Ask me. Ask me everything you want and I will answer you honestly," aniya na lalong nagpainis sa akin."Para saan pa? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Maghiwalay na tayo—""Did I agree? No. So we're not breaking up," pagmamatigas niya. "Kung ano man ang nakita mo sa amin ni Darla kagabi ay ginawa ko lang iyon para lubayan ka nila," paliwanag niya.Lubayan?"Hindi mo kailangang magpaliwanag—""Of course, I need to. You're my girlfriend and I'm not gonna let you misunderstand what you saw last night," aniya pa. "Darla is a crazy girl who's been obsessed with me since we were kids." Panimulang kwento niya. "Nakatakas lang ako mula sa kanya nang lumayo kami mula sa Manila. But I didn't e







