LOGINMag-lipstick ka nga. Ang putla mo,” puna ni Merridet na inabot pa ang lipstick nito sa kaniya.
Ngali-ngaling tinanggap niya ang lipstick sa kaibigan. Unang beses na nag-apply siya ng make -up sa mukha niya ay noong nag-apply siya dito sa pinagtatrabahuan niya ngayon. Kailangan daw kasing maging presentable para matanggap sa trabaho. “Ay naku! Hindi ka ba marunong mag-make up? Ako na nga!” Binawi ni Merridet sa kaniya ang lipstick at ito na ang naglagay sa kaniya. “Huwag mong ingudngod ng ganiyan. Lagyan mo lang ng kaunti para 'di ka magmukhang GRO na inumaga sa daan.” Napangiti siya sa naging biro ng kaibigan. “Huwag mo akong tinatawanan diyan,” sita ni Merridet. Tapos nagulat na lang siya nang biglang umiyak si Merridet. “Alam kong nahihirapan ka na, Elena. Kung may pera lang sana ako. Pero…” At di na natapos ng kaibigan ang sasabihin dahil umiyak na naman ito. Agad niyang niyakap si Merridet. “Ayos lang ako. Ano ka ba?” aniya at nagbitiw ng tawa. “Nag-aaral din kasi ako. Malaki ang bayarin sa school. Sana may masobra sa susunod na sahod ko. Magbibigay ako sa'yo para sa ama mo. Comatose pa rin ang Papa mo at paniguradong malaki ang nagagastos mo.” Umiling siya. “Ayos lang. Huwag na. May kinikita naman ako at tumutulong naman si Tiya sa gastos namin sa hospital. Itabi mo na lang iyan para sa projects mo.” Hindi pa alam ni Hector na nagtatrabaho siya sa fastfood. Hindi naman talaga dapat malaman ni Hector ang trabaho niya. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan ng lalaking iyon kaya dapat wala itong masiyadong malaman sa mga activities niya. Delikado. Hindi naman siya parating kailangan ni Hector. Tatawag ang kapag may ipapagawa sa kaniya. Isa sa bagay na pinagdarasal niyang huwag mangyari. Kaya lang apat na araw mula noong huling tawagin siya ng binata, nasa duty pa siya. Nagulat na lang siya nang dumating ang lalaking kinakatakutan niyang dumating. Si Hector. May dilim sa mukha nang pumasok sa kainan. Derektang tumama ang mga mata nito sa dereksyon niya. Napasinghap at agad siyang napakapit ng mahigpit sa tray na hawak. “Kilala mo? Hala! Ang pogi...” Nagbulungan ang mga babaeng dinalhan niya ng drinks. “Hindi, pero my gosh! He's so hot, girl. Di ko na keri 'to.” Napalunok siya at napayuko. Hindi niya alam kung saan nito nalaman na nandito siya. Kung pwede lang sanang tumakbo ay baka kanina niya pa nagawa. “Gosh, girl! Mukhang papunta rito!” namimilog ang mga matang bulalas ng isang babae nang mapansin na patungo si Hector dito banda. “Ayos lang ba ayos ko? Iyong lipstick ko, okay lang ba?” Natataranta na nag-ayos kaagad ang mga babae sa harapan niya. Iniisip pa rin ng mga babaeng iyon na ang mga ito ang lalapitan ni Hector. Walang kamalay malay ang mga babaeng iyon. Napalunok si Elena at mas lalong diniinan ang hawak sa food tray. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Nagwawala ang puso niya dahil sa takot. “We have to go,” may lamig sa boses ni Hector. Nananatili ang mata sa kaniya. Namilog ang mga mata ng mga babae nang balingan siya. Saka lang napagtanto ng mga babaeng ito na siya ang pinunta ni Hector doon. Nagulat siya nang hawakan siya ni Hector sa kamay. “Uy! Ano 'yan?” Aalma pa dapat si Merridet nang makitang hinihila siya palabas ni Hector. Pero maging ang kaibigan niya ay hindi na nakalapag nang tingnan ni Hector. Isang tingin lang, tiklop si Merridet. Imbes na tulungan siya ay namula pa ang mukha ni Merridet na parang nahihiya. Hindi niya lubos akalaing ganito kalala ang epekto ni Hector sa mga babae. Marahas na binuksan ni Hector ang pinto sa front seat at patulak na sinakay siya doon. Saan kami pupunta? Bulalas niya sa isipan. Sumakay si Hector sa driver's seat at agad bumaling sa kaniya. Napaurong siya sa takot. Baka saktan siya kaya agad niyang pinansalag ang braso sa ulo niya. Natawa si Hector. Tawa na nakakainsulto. Nanatili pa rin ang dilim sa mga mata ng binata. Inangat ni Hector ang kamay upang hawakan si Elena sa ulo. Aaminin ni Hector na gustong gusto niya nang saktan ang dalaga. Naiirita siyang malaman na nagtatrabaho pa rin ito gayong may pinag-usapan na sila. Pero kahit papaano'y nagustuhan niya ang resulta ng pagpapanggap nila ni Elena. Nitong umaga, nagpunta si Farah sa silid niya para dalhan siya ng pagkain. Nakakagulat na inaasikaso siya ni Farah na dati namang hindi ginagawa ng babae sa kaniya. “That girl. She's not good for you, Hector. She looks like a gold digger. Peperahan ka lang niya.” Naalala niyang iyon ang eksaktong sinabi ni Farah matapos siyang dalhan ng pagkain sa silid niya. “Why do you care, Farah? Hindi mo na ako boyfriend ngayon. You have my father now. Bakit nag-aalala ka pa rin sa akin?” ngumisi siya sa babae kalakip ng nanunudyong tingin. Bigla na lang itong humakbang palapit at hinalikan siya. Yes. Farah did kiss him. At nasasabik si Hector dahil lang sa isang halik na yun at sa huli ay pinatulan niya ito at pinalalim pa ang halik. At tumugon siya sa halik ni Farah at... may nangyari nga sa kanila ni Farah. Three a.m. agad na lumipat si Farah sa kabilang silid. Sa silid ng ama niya. Sa silid ng asawa nito. Tila wala lang dito, matapos nitong makipaglaro ng apoy sa kaniya kagabi. He just fvcked his step-mother, Farah last night... Niloloko ni Farah ang ama niya. Nagulat si Elena nang malaman na tutungo sila sa mall ngayon. “What do you think?” nilingon siya ni Hector matapos ipakita ng sale's lady ang mga alahas na may matataas na kalidad. Napalunok siya. Kahit kailan hindi pa aiya nakakahawak ng alahas na ganito kamahal. Atsaka, wala siyang hilig sa alahas. “H-Hindi ko po alam. Ano... puros magaganda lahat.” Agad siyang napayuko. Natatakot siyang baka mali ang maisagot niya kay Hector. Baka malagot na naman siya. “Isuot mo sa kaniya. Will try kung magustuhan ko.” Nagulat siya sa sinabi ni Hector. Bakit siya ang magsusuot? Panigurado naman na hindi para sa kaniya ang alahas na iyon. “Ma'am, can you try this?” aning sale's lasy at binalingan siya. Napalunok at nanginginig na hinawakan ang mamahaling alahas. Paniguradong mas mahal pa ang bagay na iyon kaysa sa buhay niya. Kaya ingat na ingat siya sa kilos niya. Nang maisukat niya lahat ng gustong ipasukat ni Hector sa kaniya ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. “Kukunin ko lahat ng sinukat niya.” Sa hulu ay sinabi ni Hector. Namilog ang mga mata niya. Puros matataas na kalidad ng alahas ang sinukat niya kanina. At sobrang mamahal ng mga iyon. Ganoon ba kayaman si Hector para ma-afford ang lahat ng iyon? Halos hindi na makapagsalita si Elena. Kaya lang pambabae ang mga alahas na pinili ni Hector. Walang ideya si Elena kung kanino ni Hector ibibigay iyon. ..... “Oh my goodness, Hector. You make me happy! I didn't expect that magpapadala ka ng ganito!” excited na bulalas ni Farah sa kabilang linya. “Up until now. Alam ko pa rin ang mga gusto mo. You like them?” “Of course!” tuwang tuwa na sambit ni Farah. Gabi na at kilig na kilig pa rin si Farah sa mga dumating na regalo mula kay Hector. Ibinigay ni Hector ang halos lahat ng alahas na nabili sa jewelry shop. Mahilig sa mga alahas si Farah. Kaya alam ni Hector na matutuwa ang babae doon. Sa tabi ni Hector ay ang mahimbing na natutulog na si Elena. May isang alahas na hindi niya ibinigay kay Farah. Iyon ay ang ‘sing-sing’. Sa lahat, iyon ang mas mahal at mas mataas ang kalidad. Walang saplot si Elena sa ilalim ng kumot. Ramdam ni Hector ang init na nagmula sa katawan ni dalaga. Dahan-dahan na kinuha ni Hector ang kamay ni Elen at dahan-dahan na sinuot doon ang sing-sing habang wala itong kamalay malay at mahimbing sa pagkakatulog dahil sa pagod. “Mababaliw ulit sa akin si Farah. Kapag nangyari iyon, saka ko siya wawasakin. You play it well, my Elena. You play it very well,” ani Hector at hinawi ang buhok sa tainga ng dalaga.Nakamasid si Elena sa veranda habang nagtatawanan ang kaniyang ama at si Farah sa labas. Nakikita niyang masaya ang dalawa at nararamdaman niya sa kaibuturan niyang ayos na ang lahat sa kanila at maari na silang mag-umpisa sa pinakasimula kung saan nila iniwan doon ang mga bagay na dapat nilang natapos noon pa. Nasa harapan na ni Elena ang mga kailangan niya. Natupad ang hinihiling niyang sana ay um-okay na ang kaniyang ama. Masaya na ang ama niya at buhay buhay na nasa harapan niya. Ilang saglit ay tumama ang sinag ng araw sa mukha niya dahilan para balingan niya ang silangan at matanaw ang pag-usbong ng haring araw. ‘Bagong umaga, bagong pag-asa’ ika nga ng iba.Kaya lang bakit iba ang nararamdaman niya sa mga oras na yun? Bakit hindi pag-asa ang nararamdaman niya sa mga oras na yun kundi... kalungkutan?Parang may kulang.Parang hindi tama na maging masaya. Parang gusto niyang maiyak.Ilang saglit ay napatakip siya bigla sa bibig nang makaramdam siya ng kakaiba. Namilog ang mga
Kung gaano kalala ang kahungkagan sa puso ni Elena? Hindi rin niya maipaliwanag. Tuwing naalala niya kung papaano sila naghiwalay ni Hector bago sumabog ang buong mansyon ay parang sinasakal siya. Ang huling ang ala-ala niya kay Hector ay nagiging bangungot niya sa araw araw. “M-Malayo pa po ba?” tanong niya sa personal driver ni Hector.Oo, kasama niya ang mismong driver ng lalaki ngunit hindi niya na kasama si Hector. Bago nangyari iyon ay nakahanda na ang lahat, nakaplano na ang lahat na animo nahulaan ni Hector na mangyayari ang bagay na yun. Sinabi nito sa driver nito na ihatid siya sa lugar na iyon oras na may mangyari rito.At heto nga siya. Sakay ng itim na kotse ay binabagtas nila ang malubak na daan. Ang tabi ay mga palayan. Nasa probinsiya na sila at hindi niya alam kung ano ang dadatnan sa lugara na yun. Sabi ng driver ay doon na raw siya titira upang masiguro ang kaligtasan niya. At isa pa'y ang pupuntahan niya ay ang property na binili ni Hector upang gawing taguan niya
Biglang nagkakaputukan ulit. Ang problema ay sa dereksyon nila ni Hector nakatuon ang putok na iyon kaya agad siyang ikinubli ni Hector.Isang malutong na mura ang narinig niya kay Hector habang ikinukubli siya nito sa may sofa. Namimilog ang mga mata niya habang pasimpleng kinakargahan ni Hector ng bala ang dalang baril. “Stay here,” anito habang hawak ng may rahan ang pisngi niya.Kahit siya ay hindi inasahan ang nakitang sinseridad at panlalambot sa mga mata ni Hector habang nakatitig sa mga mata niya. Namamangha na napatango siya at sinunod ang gusto nito. Napatakip siya sa tainga nang marinig ang putok ng mga baril sa paligid. Wala na si Hector sa tabi niya. Kailangan niyang mag-ingat ngayong wala na siyang aasahan sa paligid niya. Ilang saglit ay nagulat na lang siya nang may balang naligaw sa gawi niya. Tumama iyon sa sofa at kamuntikan nang madaplisan ang binti niya mabuti na lang at hindi iyon umabot sa mismong binti niya. Hindi na siya naghintay pang tamaan kaya tumakbo s
Habang pinagmamasdan ni Elena ang paligid tila talon na bumubuhos ang mga ala ala sa isipan ni Elena. Ang mga ala-ala kung kailan nawala ang anak nila ni Hector at napahamak siya. Katulad noong mga panahong iyon, wala ring pakialam si Hector. Hindi na rin siya aasa pa sa lalaki. Ano ba naman kasi siya kay Hector? Hindi niya rin naman alam kung anong mayroon sila maliban sa dati silang naging fvck buddy.“Really? You just came alone?” nanunuya ang boses ni Esmael habang nakaupo sa itim na single sofa.Ang binigay ni Esmael ay ang address ng mismong mansyon nito. Nang dumating siya roon ay si Luigi ang kaagad niyang naisip. Wala roon si Kunred, tanging si Esmael lang ang humarap sa kaniya.“Oo. At nasaan na si Luigi?” aniya sa malamig na boses.Pakakawalan si Luigi kapalit niya. Iyon ang usapan nila ng ama ni Luigi. Nang malaman ng ama nito ang sinapit ni Luigi ay hindi nag-atubili ang ama nito na mag-isip ng hakbang at tawagin ang mga tauhang pwede nitong makuha para sa delikadong re
Hector, Aalis ulit ako. Sa pagkakataong ito ay titiyakin kong hindi mo na ako mahahanap. Inaamin kong ikaw ang sinisisi ko hanggang ngayon kaya nawala ang anak na'tin. Ang galit ko sa'yo ang dahilan kaya kita nilapitan ulit. Umaasa akong sa pagkakataong iyon ay maiganti ko man lang ang anak ko. Iniisip kong oras na nakaganti ako ay matatahimik na ako. Na kapag napabagsak na kita ay mapagbigyan ko na ang sarili ko. Kaya lang parang niloloko ko lang ang sarili ko. Kasi imposibleng mapabagsak kita. Nasa iyo ang lahat ng bagay na hirap akong abutin. Kaya't ang pagpapabagsak sa iyo ay parang suntok sa buwan. Sa pagkakataong ito tinuturuan ko na ang sarili kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa ating dalawa. Tuturuan ko ang sarili kong umusad at mamuhay ng katulad ng dati. Salamat at binasa mo ito at hindi mo itinapon sa basurahan. Nasa mesa ang card na pinahiram mo sa akin isusuli ko na. Malaki ang nagastos mo sa'kin. Pero huwag kang mag-alala. Unti unti kong babayaran ang lahat. Buw
Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp
Nagising si Elena sa hindi pamilyar na amoy mula sa paligid. Amoy rosas iyon. Kaya lang ang silid niya sa penthouse ni Luigi ay hindi naman ganun ang amoy.Ngunit nang mapagtanto niya ang huling nangyari bago siya nakatulog kagabi ay saka lang siya inatake ng kaba. Nakatulog siya sa sasakyan ng Hec
Nakaupo lamang si Elena sa couch habang naririnig niya ang mga pagtipa ni Luigi sa laptop nito. Nagtanong si Luigi kanina kung hindi ba siya nabuburyo sa pent house ngunit sinabi niyang nabuburyo na rin siya. Balak niyang bisitahin sina Ate Fely sa lugar na pinag-iwanan niya sa mga ito.Kaya lang w
"Hector," ani Luigi sabay hawak sa kamay ni Hector at pilit inaalis ang kamay kay Elena. Hindi makagalaw si Elena. Tila pamilyar sa kaniya ang paraan ng paghawak ng lalaking nagngangalang Hector. Kaya lang ay hindi niya alam kung bakit. Napasinghap si Elena nang mapansin na mas humigpit pa ang h
Pagkatapos ng panonood nila sa theater ay hindi mapakali si Elena. Tinatawag siya ng kalikasan kaya lang nahihiya siyang magpaalam kay Luigi dahil tiyak niyang maaabala niya ito. Bulag siya at hindi niya alam kung saan tutungo. Hindi niya gamay ang daanan tungo sa banyo.“Are you okay?” napansin n







