Mag-log in“H-Hector-”
Hindi na natuloy ni Elena ang sasabihin nang angkinin ng may rahas ni Hector ang labi niya. Nasa dating silid ni Hector sila. Ang mansyon na iyon na pinagdadausan ng event ng mga mafia ay nasa baba lang. May bakas ng iritasyon sa mga galaw ni Hector. Naalala ni Hector ang mga nangyari kanina sa baba. Naalala niya kung papaano hawakan ng ama niya si Farah. Gustong gusto niya nang undayan ng suntok ang ama kanina. Fvck! Hindi niya lubos akalaing naiirita pa rin siya tuwing nakikita niya ang dalawa. “Hector...” hindi napigilan ni Elena ang luha. Nasasaktan na siya pero tila walang naririnig si Hector. Matapos makausap ni Hector si Farah at Antonio kanina, bigla na lang siyang hinablot nito at dinala sa kung saan. Hanggang sa humantong sila sa silid na ito. Hindi na sila nakaabot sa kama dahil inangkin siya nito sa may pintuan pa lang. Kalaunan ay padarag siyang binitiwan ni Hector kaya't sumubsob siya sa sahig. Yumuko ito upang hawakan siya ng mariin sa baba. May luha ang mata na nagsalubong ang mga mata nila ni Hector. “Sounds like you really forgot our golden rule here, Elena. Bawal kang magreklamo, right?” May bigat sa boses ni Hector. Ilang saglit ay namilog ang mata niya nang pinulot nito ang baril sa side table. Kinasa nito iyon at tinutok sa sentido niya. Dahilan para manginig ang buo niyang katawan. “P-Pasensiya na! Pasensiya na! Hindi na mauulit!” Bulalas niya at lumuhod sa harap nito. “Next time you complain I will pull this trigger and put the bullets between your fvcking head,” ani Hector ng may pagtagis ng bagang. Nanlalamig si Elena. Hindi niya na alam kung kulang pa ba ang pagluhod niya para ibaba ni Hector ang baril. “Patawad! Patawad! H-Hindi na mauulit, Hector. Hindi na mauulit!” Nauutal na siya. Pinagpapawisan ng malamig. Kapag may nangyari sa kaniya dito. Paano na ang Papa niya sa hospital? Kapag pinatay siya ni Hector dito hindi niya na makikitang magising ang Papa niya. Kaya kailangan niyang mabuhay kahit na ano pa man ang mangyari. Parang binunotan siya ng tinik sa dibdib nang ibaba ni Hector ang baril. Hawak pa rin nito iyon nang maglakad ito tungo sa kama at nakabuka ang hita na umupo doon. Nanatili ang dilim sa mga mata ni Hector nang tingnan siya. Nanginginig at basa pa rin ng luha ang pisngi niya habang pinagmamasdan si Hector. “Come here...” sa pagkakataong ito ay kalmado na ang boses ni Hector. Tinapik nito ang kandungan nito. Sa kabila ng kalma, takot pa rin siya kay Hector. Mamamatay-tao ito. Para rito, langgam lang sa paningin nito ang mga tao. Papatay ito ng tao sa isang pitik lang. Parang nanlalambot ang tuhod niya pero kinaya niyang makatayo para makalapit kay Hector. Gulo gulo pa ang buhok niya at nasira na ang make-up niya. Ganoon din ang kaniyang damit. Ngali-ngali siyang lumapit dito. Napasinghap na lang siya nang hilahin siya nito sa kamay. Namalayan niya na lang nakaupo na siya sa kandungan nito. Masuyo nitong hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha niya. Galit na galit ito kanina tapos biglang magiging ganito ito ngayon sa kaniya. Hindi niya ito maintindihan. “Next month, ikakasal tayo,” panimula ni Hector. Namilog ang mata niyang luhaan sa narinig kay Hector. Inasahan niyang matatapos na ang serbisyo niya dito kapag nagsawa na ito sa kaniya. Hindi kasama sa usapan ang pagpapakasal niya dito. Kapag naging asawa siya ni Hector, baka mas lalong wala na siyang takas dito. Habang buhay na siyang makukulong sa mga palad nito. Kaya lang sa pagkakataong ito, pakiramdam niya wala siyang karapatang humindi kay Hector. “Act perfectly as my wife, lalo na sa harapan ng ama ko at ng madrasta ko. Baka kapag nagustuhan ko ang performance mo ay bigyan pa kita ng pabor para sa ama mo,” bulong nito sa kaniya. Napakuyom ang kamao niya sa sinabi nito. Binaba nito ang baril sa side table at hinila siya para pareho silang humiga sa kama. Nakatalikod siya kay Hector. Hindi siya makagalaw nang yakapin siya nito mula sa likod at isinubsob nito ang mukha sa batok niya. Gumapang ang maugat at malaki nitong kamay sa braso niya hanggang sa mahanap nito ang kamay niya at pinaglaruan ang mga daliri doon. “Know what? I always enjoyed everytime we fvck. You're way better than Farah.” Gusto niyang bawiin ang kamay niya pero hinigpitan bigla ni Hector ang hawak doon kaya't napangiwi siya. Nasasaktan siya. Para ano pa't sinasabi ni Hector ito ngayon sa kaniya? Anong gusto nito? Na maging proud siya dahil mas okay siya kaysa kay Farah? Sa totoo lang, nandidiri na siya sa sarili niya. Halos di niya na magawang titigan ang itsura sa salamin. Pakiramdam niya hindi niya na kilala ang sarili. Dahil sa pagod at sakit, nakatulog siya sa bisig ni Hector. Nagising siya mga bandang 3 AM. Agad siyang bumangon at inayos ang sarili. Naghanap siya ng mga damit ni Hector doon at sinuot na lamang ang ano mang magkasya sa kaniya. Tulog pa ang binata ng nang makalabas siya ng banyo. Napatingin siya sa baril at sa natutulog na binata. Kumuyom ang kamao niya. Kung sana kaya niyang pumatay, baka kanina pa pinaglalamayan si Hector sa mga kamay niya. Takot siya at nagmamadaling lumabas ng silid. Kaya lang di niya inakalang nasa labas pala ng silid ni Hector si Farah. Namilog ang mata ni Farah nang makita niya. Hindi inakala ng babae na makikita niya itong nakatayo sa labas ng kwarto. Anong ginagawa nito doon sa labas? Napalunok siya at akmang tatalikod nang magsalita ito. “Aalis ka na? Nag-enjoy ka ba kasama si Hector?” may panunuya sa boses ni Farah. Kunot noong nilingon niya ang babae. “Masarap ba ang step-son ko?” Ngumisi si Farah ngunit kapansin pansin ang pagtagis ng bagang. Hindi niya alam kung anong sasabihin, nalilito rin siya at bakit ganito ang mga tanong ni Farah. Idagdag mo pa na tila iritado ito. “You really look like me. But you will never be like me. Pinatulan ka ni Hector dahil magkamukha tayo. Hanggang doon lang iyon.” Nagtagis ang bagang niya. May point ito pero siya ang tepo ng hindi mahilig pumatol sa mga nonsense na usapan. “Okay. Aalis na ako,” aniya at napabuntong hininga. Mas kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang ama niyang naghihintay ngayon sa hospital. Hindi niya alam kung bakit ganito umasta si Farah, ngunit wala na siyang pakialam doon. Nakailang hakbang pa lang siya nang magsalita na naman ito. “Iiwan ka rin ni Hector-” Natigilan si Farah nang lumingon siya. “Hindi ko alam kung bakit mo sinasabi iyan sa'kin. Kung ako sa'yo, pagtuonan mo ng pansin ang asawa mo.” Aniya at tumalikod na agad. Namutla si Farah at hindi na nakapagsalita pa.Nakamasid si Elena sa veranda habang nagtatawanan ang kaniyang ama at si Farah sa labas. Nakikita niyang masaya ang dalawa at nararamdaman niya sa kaibuturan niyang ayos na ang lahat sa kanila at maari na silang mag-umpisa sa pinakasimula kung saan nila iniwan doon ang mga bagay na dapat nilang natapos noon pa. Nasa harapan na ni Elena ang mga kailangan niya. Natupad ang hinihiling niyang sana ay um-okay na ang kaniyang ama. Masaya na ang ama niya at buhay buhay na nasa harapan niya. Ilang saglit ay tumama ang sinag ng araw sa mukha niya dahilan para balingan niya ang silangan at matanaw ang pag-usbong ng haring araw. ‘Bagong umaga, bagong pag-asa’ ika nga ng iba.Kaya lang bakit iba ang nararamdaman niya sa mga oras na yun? Bakit hindi pag-asa ang nararamdaman niya sa mga oras na yun kundi... kalungkutan?Parang may kulang.Parang hindi tama na maging masaya. Parang gusto niyang maiyak.Ilang saglit ay napatakip siya bigla sa bibig nang makaramdam siya ng kakaiba. Namilog ang mga
Kung gaano kalala ang kahungkagan sa puso ni Elena? Hindi rin niya maipaliwanag. Tuwing naalala niya kung papaano sila naghiwalay ni Hector bago sumabog ang buong mansyon ay parang sinasakal siya. Ang huling ang ala-ala niya kay Hector ay nagiging bangungot niya sa araw araw. “M-Malayo pa po ba?” tanong niya sa personal driver ni Hector.Oo, kasama niya ang mismong driver ng lalaki ngunit hindi niya na kasama si Hector. Bago nangyari iyon ay nakahanda na ang lahat, nakaplano na ang lahat na animo nahulaan ni Hector na mangyayari ang bagay na yun. Sinabi nito sa driver nito na ihatid siya sa lugar na iyon oras na may mangyari rito.At heto nga siya. Sakay ng itim na kotse ay binabagtas nila ang malubak na daan. Ang tabi ay mga palayan. Nasa probinsiya na sila at hindi niya alam kung ano ang dadatnan sa lugara na yun. Sabi ng driver ay doon na raw siya titira upang masiguro ang kaligtasan niya. At isa pa'y ang pupuntahan niya ay ang property na binili ni Hector upang gawing taguan niya
Biglang nagkakaputukan ulit. Ang problema ay sa dereksyon nila ni Hector nakatuon ang putok na iyon kaya agad siyang ikinubli ni Hector.Isang malutong na mura ang narinig niya kay Hector habang ikinukubli siya nito sa may sofa. Namimilog ang mga mata niya habang pasimpleng kinakargahan ni Hector ng bala ang dalang baril. “Stay here,” anito habang hawak ng may rahan ang pisngi niya.Kahit siya ay hindi inasahan ang nakitang sinseridad at panlalambot sa mga mata ni Hector habang nakatitig sa mga mata niya. Namamangha na napatango siya at sinunod ang gusto nito. Napatakip siya sa tainga nang marinig ang putok ng mga baril sa paligid. Wala na si Hector sa tabi niya. Kailangan niyang mag-ingat ngayong wala na siyang aasahan sa paligid niya. Ilang saglit ay nagulat na lang siya nang may balang naligaw sa gawi niya. Tumama iyon sa sofa at kamuntikan nang madaplisan ang binti niya mabuti na lang at hindi iyon umabot sa mismong binti niya. Hindi na siya naghintay pang tamaan kaya tumakbo s
Habang pinagmamasdan ni Elena ang paligid tila talon na bumubuhos ang mga ala ala sa isipan ni Elena. Ang mga ala-ala kung kailan nawala ang anak nila ni Hector at napahamak siya. Katulad noong mga panahong iyon, wala ring pakialam si Hector. Hindi na rin siya aasa pa sa lalaki. Ano ba naman kasi siya kay Hector? Hindi niya rin naman alam kung anong mayroon sila maliban sa dati silang naging fvck buddy.“Really? You just came alone?” nanunuya ang boses ni Esmael habang nakaupo sa itim na single sofa.Ang binigay ni Esmael ay ang address ng mismong mansyon nito. Nang dumating siya roon ay si Luigi ang kaagad niyang naisip. Wala roon si Kunred, tanging si Esmael lang ang humarap sa kaniya.“Oo. At nasaan na si Luigi?” aniya sa malamig na boses.Pakakawalan si Luigi kapalit niya. Iyon ang usapan nila ng ama ni Luigi. Nang malaman ng ama nito ang sinapit ni Luigi ay hindi nag-atubili ang ama nito na mag-isip ng hakbang at tawagin ang mga tauhang pwede nitong makuha para sa delikadong re
Hector, Aalis ulit ako. Sa pagkakataong ito ay titiyakin kong hindi mo na ako mahahanap. Inaamin kong ikaw ang sinisisi ko hanggang ngayon kaya nawala ang anak na'tin. Ang galit ko sa'yo ang dahilan kaya kita nilapitan ulit. Umaasa akong sa pagkakataong iyon ay maiganti ko man lang ang anak ko. Iniisip kong oras na nakaganti ako ay matatahimik na ako. Na kapag napabagsak na kita ay mapagbigyan ko na ang sarili ko. Kaya lang parang niloloko ko lang ang sarili ko. Kasi imposibleng mapabagsak kita. Nasa iyo ang lahat ng bagay na hirap akong abutin. Kaya't ang pagpapabagsak sa iyo ay parang suntok sa buwan. Sa pagkakataong ito tinuturuan ko na ang sarili kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa ating dalawa. Tuturuan ko ang sarili kong umusad at mamuhay ng katulad ng dati. Salamat at binasa mo ito at hindi mo itinapon sa basurahan. Nasa mesa ang card na pinahiram mo sa akin isusuli ko na. Malaki ang nagastos mo sa'kin. Pero huwag kang mag-alala. Unti unti kong babayaran ang lahat. Buw
Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp
Nagulat si Elena nang mapagbuksan kinaumagahan si Farah. "Surprise! I bought you a cake-” Natigilan si Farah nang malaman na si Elena pala ang nasa harapan. “Oh.” Hindi na siya nakapagsalita nang humakbang papasok si Farah sa loob. Tahimik ang mansyon. Umingay lang sa pagdating ni Farah. Hind
Mag-lipstick ka nga. Ang putla mo,” puna ni Merridet na inabot pa ang lipstick nito sa kaniya. Ngali-ngaling tinanggap niya ang lipstick sa kaibigan. Unang beses na nag-apply siya ng make -up sa mukha niya ay noong nag-apply siya dito sa pinagtatrabahuan niya ngayon. Kailangan daw kasing maging pre
Hindi inasahan ni Elena na sa isang magarbong event siya dadalhin ni Hector. Bumaba siya sa harap ng malaking mansyon. Napapalibutan iyon ng mala gintong kulay na mga ilaw.Pinarangya pa ng pulang carpet na nilatag mula sa bukana ng mansyon papasok sa mismong bulwagan. High ceilings and chandeliers
“Hindi ka spesyal, kung iyon ang iniisip mo. Wala lang akong maisip na kunin para gawin ang trabahong iyon. Since may utang ang ama mo sa'kin, maybe it's a good idea that you play that part instead,” ani Hector nang matulala siya. Napakurap kurap siya at napalunok. Kung ganoon, iyon ang naisip ni






