LOGINHindi inasahan ni Elena na sa isang magarbong event siya dadalhin ni Hector. Bumaba siya sa harap ng malaking mansyon. Napapalibutan iyon ng mala gintong kulay na mga ilaw.
Pinarangya pa ng pulang carpet na nilatag mula sa bukana ng mansyon papasok sa mismong bulwagan. High ceilings and chandeliers are screaming of luxury. Nanunuot sa kalamnan ang tunog mula sa orchestra. Lumilibot ang mga waiter na nagse-serve ng wines and champagne. “The fvck,” mahinang mura ni Hector nang maispatan ang babaerong kaibigan slash pinsan sa event. Si Janous. With the high cheek bones, prominent jawline and dark stares hindi maipagkakailang kadugo nga ito ni Hector. Sumilay ang mapaglarong ngisi ni Janous nang makita si Hector na may kasamang babae sa malaking event na iyon. Dala ang champagne glass nang lumapit sa pinsang si Hector. Natigilan lang si Janous nang makita si Elena. “Damn,” napamura si Janous ng wala sa oras. “She's not Farah. She's Elena.” Pagkaklaro ni Hector sa nagulat na si Janous. Saka lang tila nabunutan ng tinik nito sa dibdib si Janous. Alam ni Janous kung gaano kahibang si Hector kay Farah noon. Ang ama ni Hector ang pinakabigating Mafia. Hindi dapat ito kinakanti ng kahit na sino. Kahit ang anak na si Hector ay hindi sasantuhin ng taong iyon. Kulang na lang ay tawaging kapatid ng demonyo ang ama ni Hector dahil sa lubhang napakadelikado nito. Kaya nga ang ama ni Hector ang pinili ni Farah kaysa kay Hector. Dahil mas makapangyarihan ang ama kaysa sa anak. ...... Naiwan si Elena sa table ng mga cupcakes nang may ipakilala si Janous kay Hector. Bigating tao iyon na kakilala ng ama ni Hector. Napapalunok si Elena habang pinagmamasdan ang mga nagagagandahang cupcakes sa table na iyon. May chocolate fountain pa na paniguradong sisira sa diet ng sino mang mayayamang nandoon. Kung sinu-sinong bigating tao ang nandoon. Politiko, negosyante, kilala sa showbiz, lalo na ang mga kasapi ng mafia. Engrande ang ginawang pagtitipon na iyon. Nagkalat sa labas ang mga high-end assassins na inarkila ng mga mafia. Habang abala ang lahat sa mga malalaking bagay. Abala naman si Elena sa pagtingin tingin sa mga cupcakes sa table. Hindi niya na nakayanan at dumampot na siya ng plato para kumuha ng isang pirasong cupcake. Ang saya saya niya nang mailagay na iyon sa platito niya. Akmang kakainin niya na iyon nang may magbawi ng cupcake sa kamay niya. “Hindi ito ang pinunta mo dito,” isang matigas na boses mula sa likuran ang pumukaw ng atensyon niya. Si Hector na naman. Nilapag nito ng walang pag-alinlangan ang pagkain na kakainin niya sana. Nanlulumo na sumunod siya kay Hector nang hilahin na siya nito palayo. Ilang babae ang umangat ang kilay nang tingnan si Elena mula ulo hanggang paa. Ang mga babaeng iyon ay matagal nang may pagnanasa kay Hector. Hindi inasahan ng mga iyon na hawak ng binata sa harap nila ang katulad ni Elena. Nagtungo sila sa garden upang puntahan ng personal ang ama ni Hector. May kausap pa ang ama nang makarating sila sa garden. Agad na umalis ang kausap ng ama ng makita nitong parating si Hector. Katulad ng awra ni Hector may kakaibang lamig din sa awra ng ama ni Hector na nagbibigay ng kilabot sa kahit na sinong titingnan nito. May common denominator ang mga may dugong Falcon. Lalo na itong si Antonio Falcon. Natigilan si Elena nang tumama sa kaniya ang tingin ni Antonio Falcon. Ang ama ni Hector. Agad siyang napayuko. “Good evening.” Hindi na in-address ni Hector na Papa o ama si Antonio. Tila kung ituring ng dalawa ang isa't-isa ay para lamang magkakilala at hindi mag-ama. “So ito na ang sinasabi mong fiancee mo, Hector?” Binaba ni Antonio ang hawak na baso na naglalaman ng vodka. “Yes,” matabang na sabi ni Hector. Isang babaeng matangkad na nakasuot ng pulang night gown ang tila modelo na naglakad palapit. Namamangha si Elena nang makita ang babaeng dati sa larawan lang nakikita. Si Farah, ang ex ni Hector. Kamukhang kamukha ito ni Elena pero mas matangkad si Farah. Hindi makapaniwala si Elena sa nakikita. Kamukhang kamukha niya talaga si Farah. Napalingon siya kay Hector. Kita niya ang pagtagis ng bagang ni Hector. Kita ang iritasyon sa mga mata ng binata nang makita ulit ang ex. Napalunok siya. Hindi niya alam kung anong mangyayari ngayong gabi. Lumapit si Farah sa ama ni Hector na si Antonio at yumakap sa braso ng asawa bago bumaling sa kanila ni Hector. Kita niya ang bahagyang pagkagulat ni Farah nang makita siya. “Look what my son bought us. Hindi ko inasahan na kamukhang kamukha mo ang babaeng magiging fiancee niya. Hindi ko tuloy sigurado kung naka-move on na ba talaga itong anak ko sa'yo, Honey.” May panunuya sa boses ni Antonio nang sabihin iyon bago halikan si Farah sa labi. Sa mismong harap nila hinalikan ni Antonio ang babae. Ni hindi inisip ni Antonio ang mararamdaman ni Hector. Gulat si Elena sa nakikita. Hindi niya lubos akalaing may ganitong uring ama na nag-e-exist sa mundo. Napasinghap sa gulat si Elena nang haklitin ni Hector ang baywang niya upang mapalapit dito. “Naka moved on na ako, Antonio. Hindi ako haharap dito kung hindi pa. Huwag kang mag-alala. Nakalimutan ko na ang nakaraan.” Matigas na sabi ni Hector. Ramdam ni Elena ang palihim na pagkuyom ng kamao ni Hector. Alam niyang nagsisinungaling lang ito. Pero ang totoo mahal pa ni Hector si Farah. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa tensyon na lumukob sa paligid. Ramdam niya ang galit ni Hector na kanina pa pinipigilan. “That's a good start, Darling.” nakangisi na sabi ni Farah at bumaling kay Hector. Kung umakto si Farah ay parang walang namamagitan sa kanila ni Hector noon. Tila hindi nito nasasaktan ang binata ngayon. At bumaling din si Farah sa kaniya matapos kay Hector at nginitian. Hindi niya magawang suklian ang ngiti ni Farah sa kaniya. Hindi niya alam kung anong iaakto sa harapan ng tatlong ito. “I am here to tell you that, I'm gonna marry my Fiancee soon.” Biglang anunsyo ni Hector. Gulat na napalingon siya kay Hector. Hindi ito kasama sa usapan nila. Hindi sinabi sa kaniya ni Hector na balak siya nitong pakasalan. Pumayag siya dahil inasahan niyang hanggang Fiancee lang. Hindi ganito. “As my father and... Ex...” Tsaka binalingan ni Hector si Farah matapos ang ama. Nakakapagtataka ang gulat na nakapaskil sa mukha ni Farah. Tila hindi masaya sa balita ni Hector. “I want you to attend on my wedding day soon. Iyon ang pinakarason kaya ako pumunta dito.” patuloy ni Hector. Bumaling si Hector sa kaniya. Nanatili siyang nakatulala at hindi alam kung anong sasabihin nang hawakan ni Hector ang kamay niya. “Here's Elena Avila, someday will become my mafia queen.” Hinalikan ni Hector ang kamay niya. May ngiting tagumpay na nakapaskil sa mukha ni Hector habang hindi pa rin magawang iproseso ni Elena ang mga pangyayari. Siya? Magiging asawa si... Hector Falcon?Nakamasid si Elena sa veranda habang nagtatawanan ang kaniyang ama at si Farah sa labas. Nakikita niyang masaya ang dalawa at nararamdaman niya sa kaibuturan niyang ayos na ang lahat sa kanila at maari na silang mag-umpisa sa pinakasimula kung saan nila iniwan doon ang mga bagay na dapat nilang natapos noon pa. Nasa harapan na ni Elena ang mga kailangan niya. Natupad ang hinihiling niyang sana ay um-okay na ang kaniyang ama. Masaya na ang ama niya at buhay buhay na nasa harapan niya. Ilang saglit ay tumama ang sinag ng araw sa mukha niya dahilan para balingan niya ang silangan at matanaw ang pag-usbong ng haring araw. ‘Bagong umaga, bagong pag-asa’ ika nga ng iba.Kaya lang bakit iba ang nararamdaman niya sa mga oras na yun? Bakit hindi pag-asa ang nararamdaman niya sa mga oras na yun kundi... kalungkutan?Parang may kulang.Parang hindi tama na maging masaya. Parang gusto niyang maiyak.Ilang saglit ay napatakip siya bigla sa bibig nang makaramdam siya ng kakaiba. Namilog ang mga
Kung gaano kalala ang kahungkagan sa puso ni Elena? Hindi rin niya maipaliwanag. Tuwing naalala niya kung papaano sila naghiwalay ni Hector bago sumabog ang buong mansyon ay parang sinasakal siya. Ang huling ang ala-ala niya kay Hector ay nagiging bangungot niya sa araw araw. “M-Malayo pa po ba?” tanong niya sa personal driver ni Hector.Oo, kasama niya ang mismong driver ng lalaki ngunit hindi niya na kasama si Hector. Bago nangyari iyon ay nakahanda na ang lahat, nakaplano na ang lahat na animo nahulaan ni Hector na mangyayari ang bagay na yun. Sinabi nito sa driver nito na ihatid siya sa lugar na iyon oras na may mangyari rito.At heto nga siya. Sakay ng itim na kotse ay binabagtas nila ang malubak na daan. Ang tabi ay mga palayan. Nasa probinsiya na sila at hindi niya alam kung ano ang dadatnan sa lugara na yun. Sabi ng driver ay doon na raw siya titira upang masiguro ang kaligtasan niya. At isa pa'y ang pupuntahan niya ay ang property na binili ni Hector upang gawing taguan niya
Biglang nagkakaputukan ulit. Ang problema ay sa dereksyon nila ni Hector nakatuon ang putok na iyon kaya agad siyang ikinubli ni Hector.Isang malutong na mura ang narinig niya kay Hector habang ikinukubli siya nito sa may sofa. Namimilog ang mga mata niya habang pasimpleng kinakargahan ni Hector ng bala ang dalang baril. “Stay here,” anito habang hawak ng may rahan ang pisngi niya.Kahit siya ay hindi inasahan ang nakitang sinseridad at panlalambot sa mga mata ni Hector habang nakatitig sa mga mata niya. Namamangha na napatango siya at sinunod ang gusto nito. Napatakip siya sa tainga nang marinig ang putok ng mga baril sa paligid. Wala na si Hector sa tabi niya. Kailangan niyang mag-ingat ngayong wala na siyang aasahan sa paligid niya. Ilang saglit ay nagulat na lang siya nang may balang naligaw sa gawi niya. Tumama iyon sa sofa at kamuntikan nang madaplisan ang binti niya mabuti na lang at hindi iyon umabot sa mismong binti niya. Hindi na siya naghintay pang tamaan kaya tumakbo s
Habang pinagmamasdan ni Elena ang paligid tila talon na bumubuhos ang mga ala ala sa isipan ni Elena. Ang mga ala-ala kung kailan nawala ang anak nila ni Hector at napahamak siya. Katulad noong mga panahong iyon, wala ring pakialam si Hector. Hindi na rin siya aasa pa sa lalaki. Ano ba naman kasi siya kay Hector? Hindi niya rin naman alam kung anong mayroon sila maliban sa dati silang naging fvck buddy.“Really? You just came alone?” nanunuya ang boses ni Esmael habang nakaupo sa itim na single sofa.Ang binigay ni Esmael ay ang address ng mismong mansyon nito. Nang dumating siya roon ay si Luigi ang kaagad niyang naisip. Wala roon si Kunred, tanging si Esmael lang ang humarap sa kaniya.“Oo. At nasaan na si Luigi?” aniya sa malamig na boses.Pakakawalan si Luigi kapalit niya. Iyon ang usapan nila ng ama ni Luigi. Nang malaman ng ama nito ang sinapit ni Luigi ay hindi nag-atubili ang ama nito na mag-isip ng hakbang at tawagin ang mga tauhang pwede nitong makuha para sa delikadong re
Hector, Aalis ulit ako. Sa pagkakataong ito ay titiyakin kong hindi mo na ako mahahanap. Inaamin kong ikaw ang sinisisi ko hanggang ngayon kaya nawala ang anak na'tin. Ang galit ko sa'yo ang dahilan kaya kita nilapitan ulit. Umaasa akong sa pagkakataong iyon ay maiganti ko man lang ang anak ko. Iniisip kong oras na nakaganti ako ay matatahimik na ako. Na kapag napabagsak na kita ay mapagbigyan ko na ang sarili ko. Kaya lang parang niloloko ko lang ang sarili ko. Kasi imposibleng mapabagsak kita. Nasa iyo ang lahat ng bagay na hirap akong abutin. Kaya't ang pagpapabagsak sa iyo ay parang suntok sa buwan. Sa pagkakataong ito tinuturuan ko na ang sarili kong kalimutan ang lahat ng nangyari sa ating dalawa. Tuturuan ko ang sarili kong umusad at mamuhay ng katulad ng dati. Salamat at binasa mo ito at hindi mo itinapon sa basurahan. Nasa mesa ang card na pinahiram mo sa akin isusuli ko na. Malaki ang nagastos mo sa'kin. Pero huwag kang mag-alala. Unti unti kong babayaran ang lahat. Buw
Napadapa si Luigi nang dumapo ang malakas na suntok mula kay Kunred. Balak niyang umalis sa condo niya kinaumagahan. Inagahan niya at bandang 3 AM siya nagbalot bago nagtungo sa pinto ng kaniyang condo. Iniisip niyang hindi malalaman nina Esmael na nandoon si Elena oras na umalis siya sa condo. Balak niyang lumayo at hindi na magpapakita pa. Napagsabihan niya na si Elena. Nalaman na nito ang lahat tungkol kina Kunred at sa kapatid nitong si Esmael. Ikinuwento niya ang lahat sa babae sa pamamagitan ng sulat na iniwan niya. Kaya lang saktong paglabas niya ng condo niya at nai-lock ang pinto niya'y sumalubong sa paningin niya si Kunred. Mala demonyo ang ngiti nito at bigla na lang siyang binatukan. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at na-lock niya ang condo bago siya binatukan ni Kunred. Nandoon kay Elena ang key card, iniwan niya kaya ayos lang. Masubuksan nito ang pinto at makakauwi ng ligtas.At nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa isang madilim na silid. Ang lamp
Nagulat si Elena nang mapagbuksan kinaumagahan si Farah. "Surprise! I bought you a cake-” Natigilan si Farah nang malaman na si Elena pala ang nasa harapan. “Oh.” Hindi na siya nakapagsalita nang humakbang papasok si Farah sa loob. Tahimik ang mansyon. Umingay lang sa pagdating ni Farah. Hind
Mag-lipstick ka nga. Ang putla mo,” puna ni Merridet na inabot pa ang lipstick nito sa kaniya. Ngali-ngaling tinanggap niya ang lipstick sa kaibigan. Unang beses na nag-apply siya ng make -up sa mukha niya ay noong nag-apply siya dito sa pinagtatrabahuan niya ngayon. Kailangan daw kasing maging pre
“H-Hector-”Hindi na natuloy ni Elena ang sasabihin nang angkinin ng may rahas ni Hector ang labi niya. Nasa dating silid ni Hector sila. Ang mansyon na iyon na pinagdadausan ng event ng mga mafia ay nasa baba lang. May bakas ng iritasyon sa mga galaw ni Hector. Naalala ni Hector ang mga nangyari
“Hindi ka spesyal, kung iyon ang iniisip mo. Wala lang akong maisip na kunin para gawin ang trabahong iyon. Since may utang ang ama mo sa'kin, maybe it's a good idea that you play that part instead,” ani Hector nang matulala siya. Napakurap kurap siya at napalunok. Kung ganoon, iyon ang naisip ni







