Share

Chapter 2: The Student

Author: GuemByoel
last update publish date: 2026-03-05 18:17:33

Maeve Lailani Pascual

"Kakarating mo pa lang anak, aalis ka na naman?" takang tanong ni Mama nang makita niya akong palabas ng aking silid. Wala pa kasi ni kalahating oras mula nang umuwi ako sa bahay mula sa part-time job na pinapasukan ko sa gabi at ngayon ay naghahanda naman ako para sa pagpasok ko sa eskuwela.

"May pasok ako Ma ngayon eh. Nakakuha kasi ako ng scholarship sa malapit na university dito sa atin. Sayang naman po ang oportunidad. Malay niyo naman po pag nakatapos na ako, makahanap ako agad ng magandang trabaho, di mas gagaan na ang buhay natin," nakangiting paliwanag ko naman kay Mama.

"Pero anak, baka naman ang katawan mo ang bumigay niyan. Wala ka na halos pahinga," may pag-aalala sa kanyang boses na wika pa niya.

Mula kasi nang atakihin siya sa puso dalawang taon na ang nakararaan ay napilitan akong pagsabayin ang aking pag-aaral at ang pagtatrabaho. Paminsan nga ay mas inuuna ko pa ang trabaho kaysa sa aking pag-aaral kaya naman noong nakaraang sem lang ay napilitan akong huminto, dahilan para bawiin ng unang university ang scholarship na ibinigay nila sa akin noon. Mabuti na nga lang at dito sa bagong university malapit sa bago naming nilipatang bahay ay muli akong nakakuha ng scholarship, sa ganong paraan ay hindi ko na kakailanganin pang isipin ang pagpapaaral sa aking sarili, iyon nga lang kailangan ko pa ring pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil hindi naman kaya ni Mama ngayon ang magtrabaho dahil na rin sa butas sa kanyang puso.

"Kaya ko pa naman Ma," nakangiting sabi ko naman dito para mabawasan ang kanyang pag-aalala. "Saka malapit lang naman ang school ko ngayon dito sa bahay natin, puwede ako agad makauwi pag wala kaming klase para makapagpahinga ako," patuloy na paliwanag ko pa.

Bakas naman ang lungkot sa kanyang mukha kaya naman marahan ko itong hinaplos.

"Ma, okay lang po ako," paninigurado ko pa rito.

"Hindi ko lang kasi anak mapigilang malungkot at sisihin ang sarili ko. Tungkulin ko ang buhayin at paaralin ka pero heto ako ngayon, walang magawa kung 'di umasa na lang sa iyo," naluluha pang sabi ni Mama.

Isang sinserong ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya bago siya niyakap nang mahigpit, "Ma, hindi mo naman ginusto itong nangyari sa iyo eh. Saka gusto ko naman po itong ginagawa ko. Gusto kong magtrabaho para sa iyo, para sa ating dalawa."

Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Mama at pagkatapos noon ay ipinagbaon niya rin ako ng aking pagkain bago ako tuluyang umalis ng aming bahay.

Dahil alas diyes pa naman ang unang klase ko at hindi rin naman kalayuan sa aming tinutuluyan ang papasukan ko kaya naman mas minabuti ko na lang rin na maglakad na lang.

It took me almost 10 minutes of walking and when I finally arrived at the school I immediately searched for my first class. But on my way to our room a sound of a girl crying instantly caught my attention. Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng tinig at nang makita ko ang isang babaeng nakaupo sa isang sulok habang nakatakip ang magkabilang kamay sa kanyang mukha.

"Are you okay? Do you need any help?" nag-aalinlangan kong tanong sa babae nang makalapit ako sa kanyang pwesto.

Marahan naman nag-angat ng tingin sa akin ang babae at nang mapagtanto kong kaklase ko ito kahapon sa isang subject ko ay wala na akong pag-aalinlangan na tumabi sa kanya.

"Hi, I'm Maeve, classmate tayo sa subject ni Sir Soren kahapon," nahihiyang sabi ko pa sa kanya bago ko inabot ang aking panyo para punasan ang kanyang luha.

"Thank you," pasasalamat naman niya.

"Okay ka lang ba?" muling tanong ko pa sa kanya.

Isang iling naman ang kanyang isinagot sa akin bago muling ituon ang kanyang atensyon sa aming harapan.

"I want to say that I'm okay, but I'm not," nanginginig pa rin ang kanyang boses habang nagsasalita.

"If you want, you can share it with me. I know kakakilala lang natin, but I can lend my ears to you. I will listen," patuloy ko pang ani.

"Thanks, Maeve, I think this is what I really need right now," sabi pa niya.

"If you don't mind, may I know your name? Ang alam ko lang kasi ay classmate tayo kahapon. Wala rin kasi ako masyadong kakilala pa dito, kakalipat ko lang din kasi.

"I'm Jessica," pakilala naman niya.

"Nice to meet you, so is there anything that I can help with?" muling sabi ko.

"Nothing. I'm just kinda sad and frustrated at the same time, that's why I'm crying," ani pa ni Jessica bago marahang pinunasan ang luha na patuloy na kumakawala sa kanyang mga mata.

"I lost my parents a few weeks ago, at ngayon maaaring pati ang bakeshop na pinaghirapan nila ay maaari ring mawala sa akin. I don't know what to do, Maeve," patuloy na kwento pa niya.

"I'm sorry for your loss, Jessica. Pero yung bakeshop niyo, wala na bang ibang way to save it?" tanong ko pa sa kanya.

Isang mapaklang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang mukha, "There is, and that is for me to live with my new guardian, na hindi ko man lang kilala kung sino," patuloy na pahayag pa niya.

Dahil sa aming pag-uusap, ay hindi namin namalayan na oras na pala ng aming klase kung hindi pa namin narinig ang malakas na pagtunog ng bell. Sabay pa kaming napatayo ni Jessica bago nagtakbo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang klase namin kay Sir Soren.

"Sh*t, late na tayo, Maeve. Sana lang wala pa si Prof," mariing mura pa niya habang patuloy ang aming pagtakbo.

"Strick ba siya pag late ang student kahit konting minuto lang?" hindi ko naman maiwasang usisa pa sa kanya at sinamahan pa ng kaba.

"Hindi lang strick, he hates being late, kaya nga walang mga estudyante niya ang nagtatangkang pumasok ng late sa klase n’ya," muling pahayag pa niya.

Sa paghinto namin sa labas ng aming silid, ay kasabay naman noon ang paglingon rin sa amin ni Sir Soren na ngayon ay matalim na nakatingin sa aming dalawa.

"Miss Montecillio and Miss Pascual, you're three minutes late," madiing pahayag pa nito.

"Sorry, Prof…" magkasabay naman naming wika.

"Go now to your seat," muling ani pa ni Sir Soren na mababakas pa rin ang galit sa kanyang boses na agad naman naming sinunod.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa aking upuan, ay muli naman itong nagsalita na siyang nagbigay ng kakaibang kaba sa akin.

"... but I want Miss Pascual to meet me in my office after this class," ani pa nito bago nagsimula sa kanyang pagtuturo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 85: Request

    Maeve Lailani PascualIt’s been three months since we came back to the Philippines. Apat na buwan na rin si Axel kaya naman mas nagiging malikot at kinagigiliwan na rin ito ng karamihan. Maging si Mama at Tita Marife nga ay halos ayaw nang pahawakan sa akin ang aking anak dahil sa sobra nila itong kinagigiliwan.“Ma, ako na po ang magpapaligo kay Axel. Ang mabuti pa po ay kumain na muna kayo sa baba para makainom na rin kayo ng gamot ninyo,” nakangiting sabi ko kay Mama nang pasukin ko silang dalawa ng anak ko sa loob ng nursery room kung saan niya inaalagaan ang kanyang apo. Si Tita Marife kasi ay sumama sa isa sa mga kasambahay namin kanina sa pamimili sa palengke kaya naman solo si Mama ngayon sa pagbabantay kay Axel.“Ayos lang naman ako anak, saka busog pa naman ako. Mamaya na ako kakain pagkatapos maligo ng apo ko,” tugon naman nito bago niya tuluyang tinanggal ang damit ng aking anak. Nilagyan niya rin ng langis ang likod ni Axel bago ito dinala sa banyo para masigurado lang na

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 84: Closure

    “Pangatlong tasang kape mo na 'yan. Baka naman makasama na sa iyo,” napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Maricel.Kasalukuyan kasi akong nasa garden ng aking bahay dito sa America habang malalim na nag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyayari sa akin sa ngayon.Dalawang araw na rin kasi mula nang makalabas sa ospital si Maeve at Maricel, kaya naman habang patuloy pa rin ang kanilang pagpapagaling ay nanatili muna kami rito sa bahay ko bago kami muling bumalik sa Pilipinas. Mas gusto rin kasi ng mag-ina na palakihin si Axel sa Pinas kaysa rito sa America, kaya naman wala rin akong nagawa kundi ang sundin ang nais nila.Kasama rin namin ngayon si Marife matapos nitong magpaalam kay Doctor Harvey na nais na niyang bumalik muli sa Pinas kasama namin. Hindi naman ito pinigilan ng doktor at sinabing anumang oras na nais niyang bumalik muli sa paninilbihan sa kanya ay malaya naman itong makakabalik.Wala na ring pamilya si Marife sa Pilipinas ngunit nais niyang mabisita

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 83: Truth

    Atticus Soren CastilloPuno ng takot at walang tigil ang pag-iyak ni Maeve habang yakap ko silang mag-ina. Hindi na rin mabitiwan nito ang aming anak matapos ang nangyaring muntik na pagkuha sa bata kanina lang.“Soren… Natatakot ako. Baka kunin nila si Axel sa atin,” puno ng takot na sabi niya.Bago pa man ako makasagot sa kanya ay siya namang pagbukas ng pinto ng kanyang silid kasunod noon ang pagpasok ni Maricel na nakasakay sa wheelchair habang tinutulak ni Marife.Bagaman naabutan niya kaming magkayakap na dalawa ni Maeve ay tila hindi naman siya nagulat sa kanyang nasaksihan at sa halip ay isang tipid na ngiti lang ang kanyang ibinigay sa akin.“M-ma…” may panginginig ang boses na tawag ni Maeve sa ina kaya naman mas lalo pang inilapit ni Marife ang wheelchair nito sa kama kung saan kami nakaupong dalawa ni Maeve.“Narinig ko ang tungkol sa nangyari kanina lang. Nag-alala ako kaya nagpumilit akong puntahan ka rito,” simpleng pahayag pa ni Maricel habang marahang hinahaplos ang m

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 82: Unfamiliar

    Maeve Lailani PascualHindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, ngunit ang katawan ko ay nahihilo rin. Sinubukan kong gumalaw ngunit kaunting kilos ko pa lang ay kaagad ko nang nadama ang kirot sa aking kaselanan na tila ba ay may malaki itong sugat.Tila naman napansin ni Soren ang aking pagkilos kaya naman, bitbit ang aming anak, ay marahan itong lumapit sa akin.“Don’t move too much, babe. Ang sabi ng doctor ay makakaramdam ka pa rin ng panghihina at sakit dahil sa pagkapanganak mo kay baby Axel. Huwag mo munang pilitin ang sarili mong kumilos,” banayad na paalala pa niya sa akin habang marahang hinahaplos ang aking buhok gamit ang isa niyang kamay dahil ang isa pa niyang bisig ay nakayakap sa maliit naming anghel.“I want to see our baby,” nahinang ani ko naman kaya si Soren ay bahagyang naupo sa tabi ng aking kama at marahang inilagay sa aking bisig ang aming anak.“Ang daya naman, bakit parang nakuha niya lahat sa iyo? Ako ang nagbuntis sa kanya at naghirap pero wala man

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 81: Axel Maveric Castillo

    I kiss Maeve like my life depends on it. Hindi rin naman nagtagal at naramdaman ko na rin ang kanyang pagtugon kaya naman mas lalo ring nag-init ang aking katawan.I caress her big belly, feeling our son who will soon be part of our growing family.“Soren… I think we should stop… you know I can’t do it with you right now, mahihirapan ka lang,” may pag-aalinlangang sabi ni Maeve, dahil alam kong dama na rin niya ang apoy na unti-unting tumutupok sa aming dalawa sa mga oras na ito.Marahan ko namang hinaplos ang kanyang pisngi at saka pinakatitigang mabuti ang kanyang mukha.“It’s okay. I can handle myself. I just really want to kiss you right now. I’ve been craving this for a long time now,” may pananabik ko namang ani kasunod ng muling paghihinang ng aming mga labi.Maeve threw all her inhibitions and tried her best to respond to all my kisses. Unti-unti ay naglilikot na rin ang kanyang mga kamay na humahaplos na rin sa aking dibdib at iba pang parte ng aking katawan kaya naman mas pi

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 80: Reminisce

    Marahil dahil na rin sa sobrang antok at pagod nitong mga nagdaang araw ay hindi ko na namalayan ang aking sarili na nakatulog na habang nagbabantay kay Maeve sa kanyang silid.Nakaupo lang ako kanina sa kanyang tabi habang hawak ang kanyang kamay hanggang sa unti-unti na akong mapasubsob sa gilid ng kama dahil sa pagdalaw sa akin ng antok. Naalimpungatan na lang ako at muling nagising dahil sa marahang paghaplos ni Maeve sa aking buhok na tila ba imbis na gisingin ay mas lalo pa niyang nais na palalimin ang aking tulog dahil sa banayad niyang paghaplos sa akin.“I’m sorry to wake you up. Pero baka kasi mangawit ka dyan, bakit hindi ka na lang sa couch natulog para mas kumportable ka?” malambing na wika pa niya nang makita ang pagmulat ng aking mga mata.Marahan ko namang iniangat ang aking ulo at bahagya rin iniunat ang aking likod dahil talagang nangawit ako sa pagkakayuko kanina. Hindi ko na rin kasi alam kung gaano na ako katagal na nakatungo marahil kaya ganito ang aking nararamd

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 75: Donor

    Maeve Lailani Pascual Akala ko ay pagpunta na namin ni Mama sa Amerika ay magiging maayos na ang lahat, ngunit nagkamali ako. Dahil hindi pala ganoong kadali ang lahat. Dahil kahit mayroon na kaming pera na pangsuporta sa operasyon ni Mama ay hindi pa rin namin ito magawa dahil hanggang ngayon ay

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 73: The Truth Behind Her Heart

    I didn’t tell Maeve what I learned about her mom’s condition. Pinakiusapan ko rin si Doc. Harvey na ilihim ito sa babae alang-alang na rin sa pagbubuntis nito.“Are you sure you got enough rest last night? Pwede namang ako na muna ang pumunta sa ospital para bantayan si Maricel at ipapasundo na lan

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 69: U.S.

    Right after I woke up, I immediately checked on my men to see if there was anything suspicious that had happened last night. I also confirm to them that they dispose of the body of the man that I killed properly.Wala naman pong kakaiba, boss… Saka naitapon na rin namin ang bangkay. Gaya nga ho ng

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 58: Ultrasound

    Habang tumatagal ang pagbubutis ko ay palala rin nang palala ang mga pagbabagong nararamdaman ko ngayon sa aking katawan. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng pagsusuka pwera na lang kung may mga bagay akong naaamoy na hindi ko gusto, ngayon naman ay halos tuwing umaga ay tila hinahalukay ang aki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status