LOGINPAANO ba humantong sa ganito ang lahat? Apat na buwan bago maganap ang kasal…
Napaigtad si Kalina sa gulat. Malakas na binagsak ni Sir Cain sa lamesa ang folder na inabot niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Tsk. Mali na naman ba? “What’s this? A trash?” pang-iinsulto ng Boss niya. “Ang tagal mo nang ginagawa ang trabahong ‘to hanggang ngayon mali-mali ka pa rin. And you are my best employee? Really? Kahit baguhang intern kaya ‘tong gawin. Pinapatunayan mo lang na hindi bagay sa ‘yo ang parangal na nakuha mo.” “Sinunod ko lang naman po ang instruction ninyo.” “Sumasagot ka pa?” “Sorry, sir.” Tinikom niya ang bibig at hindi na nagreklamo. “Uulitin ko na lang po.” “As you should. Kailangan ko ‘yan ngayong araw.” “Yes, sir.” Tumango si Kalina sabay kuha pabalik ng pinasa niyang dokumento. Kailangan niya na namang mag-overtime sa trabaho. Kahit dismayado, taas noo siyang lumabas sa opisina ng kanilang COO. Maayos ang kaniyang tindig at napaka presentable niyang tignan sa suot na puting long sleeve blouse, black pencil skirt, at pinarisan ng itim ding heels. Habang ang kaniyang mahabang wavy hair ay maayos na nakabuhaghag. Siya ang best employee sa kumpanya, titulong matagal na niyang inaalagaan. Magaling si Kalina at malinis kung magtrabaho. Ang mga katrabaho niya ay tinitingala siya. Pero sa hindi malamang dahilan, iba si Cain Valvares. Ito ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Valvares Cuisine. Sa ngayon, siya ang COO habang nasa posisyon pa ng CEO ang ama nito. Sa maraming taon ni Kalina na nagtatrabaho sa corporate headquarters ng Valvares Cuisine, puro pagmamalupit ang naranasan niya sa lalaki. Lahat naman ata. Sobrang seryoso kasi ni Cain sa trabaho, allergic siya sa kamalian. Laging walang emosyon ang mukha, kung meron man, galit naman. Lahat ng empleyado natatakot sa kaniya. Si Kalina? Hindi siya takot. Eh kaso sa lalaking ‘yon nakasalalay ang magiging promotion niya. Wala siyang choice kundi sumunod sa ipag-uutos nito. Habang nagtitipa sa computer, umilaw ang kaniyang cellphone. May nagtext. Hindi niya ‘yon pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Mabilis tumakbo ang oras. Patuloy sa pag-revise ng kaniyang gawa si Kalina samantalang ang mga katrabaho niya ay isa-isa nang nagsiuwian. Katulad ng inaasahan, lagpas out time niya na nang matapos niya ang gawain. Iniwan niya na lang ito sa lamesa ni Sir Cain dahil maski ito ay tila umuwi na rin. Nagliligpit siya ng mga gamit sa sarili niyang lamesa at naalala ang mensaheng natanggap kanina. Binasa niya ‘yon habang naglalakad palabas ng gusali. Pero nang makitang galing iyon sa Papa niya, napahinto siya. [Are you busy tonight? Pumunta ka sa mansyon. Dito ka na magdinner. May mahalaga tayong pag-uusapan.] Madalas naman siyang kumustahin ng ama sa pamamagitan ng telepono pero hindi pa rin niya maiwasang magulat minsan. Hindi sila close mag-ama. Bata pa lang siya, mga nasa limang taong gulang, noong pumanaw ang kaniyang ina. Mabilis nag-asawa ng bago ang Papa niya. Wala pang isang taon, may bago na itong babae at nagkaroon ng bagong anak. Pagkatungtong ni Kalina sa tamang edad, umalis na siya sa puder nito at namuhay mag-isa. Natutunan niyang maging independent at hindi umasa sa kahit sino, kahit pa sa Papa niya na mayaman. CEO ng De Vera Corporation o mas kilalang DV Corp. ang kaniyang ama. Isa itong kilalang kumpanya dahil sa kanilang bigating mga hotels at resorts. Sa kabila ng bigating pangalan ng kaniyang ama, gayon din ng kaniyang stepmother at half sister, nagmistulang anino lamang siya ng mga ito. Siya ang panganay pero hindi siya kilala ng publiko. Ang alam lang nila, may unang anak si Alfred De Vera sa yumao nitong asawa. Iyon lang. Wala na silang alam sa itsura niya o pangalan. Pabor naman ito sa kaniya kaya hinayaan niya na lang magpatuloy. Si Kalina na rin mismo ang humiling no’n kay Mr. Alfred. Bago siya umalis sa kanila, kinausap niya ang kaniyang ama. Pinatago niya ang anumang background niya na may kinalaman sa pamilya para malaya siyang makapaghanap ng trabaho sa ibang kumpanya. Naging working student siya. Pinagsabay niya ang pagkukulehiyo at paghahanap-buhay. Sa kaniyang tyaga at determinasyon, napagtapos niya ang sarili. At maswerte na siya dahil tumagal siya sa Valvares Cuisine. Kaya nga mahal na mahal niya ang trabahong mayroon siya ngayon—dahil ito ang tumanggap at bumuhay sa kaniya noong mga panahong nangangailangan siya. Nakapagpundar siya ng sariling bahay na kahit maliit ay pwede na sapagkat mag-isa lang siyang tumitira. May kotse na rin siya at kahit papaano ay kaunting ipon. Simula noon, hindi na siya pumupunta sa dating bahay maliban na lang kung may mahalagang dahilan… “Pupunta ba ‘ko?” Pinakatitigan niya ang text message ng ama. Ano naman kaya ang sasabihin ng Papa niya? Sa huli, natagpuan niya ang sarili na nagmamaneho sa pamilyar na daan. Halos isang oras na byahe ang kaniyang nilulan bago makarating sa tapat ng malaking gate. Kusa itong bumukas, nagpatuloy siyang magmaneho hanggang sa tapat ng mansion. Bumaba siya pagka-park ng kotse saka pinagmasdan ang bahay na minsan na niyang tinirhan. Traditional house ang style nito. Magarbo at kalidad ang bawat disenyo. Tatlong palapag, malawak, at malaki. Puti at natural na mga kulay ang nangingibabaw. Mas lalong gumanda tignan dahil gabi na at nakabukas ang mga ilaw. “Ang tagal na nang huling punta ko rito. Wala masyadong nagbago,” ngiti ni Kalina sa sarili. Pagdating niya sa pintuan, pinagbuksan siya ng mga katulong. Nakahelera ang mga itong binati siya. “Maligayang pagbabalik, Miss Kalina.” Tumango siya at naglakad sa entrada. Ang ilan ay pamilyar pa ang mukha, karamihan ay hindi na. “Nasa hapagkainan na po ang inyong ama,” sambit ng isa. “Hinihintay na po kayo.” Sinundan niya ito hanggang makarating sa dining area. Nandoon nga ang kaniyang ama. Nakaupo sa gitna ng lamesa. Samantalang sa kanan nito magkatabi si Selena na stepmom niya, at anak nitong si Natasha. “Kalina. Buti nakarating ka,” malugod na bati ni Mr. Alfred sa anak. Maliwanag ang mukha niya, masaya na makita ulit si Kalina makalipas ang matagal na panahon. “Please seat down.” Bahagyang yumuko si Kalina bilang pagbati sa ama. Lumapit siya sa lamesa, ngunit imbis na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Natasha o di kaya’y sa kaliwa ng kaniyang ama, sa gitna katapat ng ama niya napiling umupo. Nakita niya ang matalim na tingin sa kaniya ni Selena dahil doon. Palihim naman ang pag-irap ni Natasha. Ikinangiti niya ‘yon. Ito nga ang mansyon na iniwanan niya. “Ang sabi mo ay may mahalaga tayong pag-uusapan. Tungkol saan ba ito?” Walang paligoy-ligoy na tanong niya. “Wala ka talagang galang bata ka!” pang gagalaiti ng stepmother niya. “Ni hindi mo man lang kamustahin ang lagay ng Papa mo! Wala kang respeto!” “Selena, nasa hapag tayo,” sita ni Mr. Alfred at bumaling kay Kalina. “Sasabihin ko sa ‘yo. Sa ngayon, kumain na muna tayo. Hindi ka pa naghahapunan, tama ba?” Tinawag niya pagkatapos ang mga kasambahay at ipinahain ang mga pagkain.Gulat na napasandal si Ginette sa sofa. Pinundot niya ang remote para i-off ang TV. Cain actually said the truth. Isa iyon sa mga inaasaan niyang mangyari. It’s either Cain will confirm or deny all. But he did the former.Of course she knew the character of her only son. And this? His actions are so out of his character.Hindi iyon magpapadalos-dalos sa mga desisyon niya. Kung walang pake si Cain sa babaeng iyon na biglang pinakilala sa kanila out of nowhere at pakitang gilas lang lahat, hindi ‘to mangyayari. Hindi papayag si Cain na madawit siya sa kahit anong eskandalo. Lalo na kapag usapang babae.She’s testing the couple. Cain did not respond as she wanted. Could that mean that her son really cares for that woman? Talaga bang mahal nila ang isa’t isa?“How about that woman… that Kalina?” tanong ng ginang sa personal niyang sekretarya. “Wala po siyang ginawa. Wala siyang reaksyon. Parang hindi po siya apektado sa pinakalat mong impormasyon nilang mag-asawa.”“Alam na ba niya ang
“Bakit boss? Para saan ba?”“Just do it, Theo. ‘Wag ka na magtanong.”Binaba ni Cain ang tawag pagkatapos sabihin ang mahahalagang detalye na nais niyang ipaimbestiga sa kaibigan. Mabilis umaksyon si Theo, nang makarating siya sa penthouse niya tumawag na ulit ito.“Anong nalaman mo?” bungad ni Cain.“Sorry boss. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang i-background check si Kalina.”“What do you mean?” kumunot ang noo ni Cain. “Expert ka sa ganitong larangan.”“Yes, yes. I know right. Thank you,” puno ng galak at confidence ang boses sa kabilang linya. “Kung ang gusto mo lang kumpirmahin ay kung si Dave Gomez nga ba ang dapat groom ni Kalina noon, tama ka.”“Source?” ani Cain.“Trust me bro.”“Binabawi ko na pala.” Napatampal siya sa noo. “Hindi dapat ikaw ang nilapitan ko. Maghi-hire na lang ako ng private investigator.”“Ito naman! Although hindi ko makumpirma, feel ko talaga ‘yon, malakas talaga ang kutob ko. Pero may problema nga kasi, kaya baka kahit sa ibang investigator
Nang marating ang isang mini garden malayo sa pinagdarausan ng selebrasyon, nalukot ang mukha ni Kalina dahil dumating din ang lalaking sumunod sa kaniya.Hinarap siya ni Dave. “Anong ginagawa mo rito?” gulat at inis ang nangunguna sa boses niya.“Ikaw pala,” umay na sambit ni Kalina.“Noong araw ng kasal natin, ‘di mo ako sinipot. Ngayon, nandito ka sa engagement party ko.” Bakas ang galit kay Dave. Humakbang siya palapit, “Ano bang gusto mo?” “Kahit ano maliban ang maikasal sa ‘yo,” taas noong sagot ni Kalina. “Pero ikaw mukhang nakuha mo na ang gusto mo. Dapat sa una pa lang sinabi mo nang si Natasha ang tipo mo. Pinahirapan mo lang ang mga sarili ninyo, dinamay n’yo pa ‘ko.”“Ano? Kalina, I willingly accepted you as my fiancée before. Kahit arrange marriage lang tayo, sinaalang-alang ko ang lagay ng kumpanya ng mga pamilya natin. It’s you who ruined everything.” “Nasa isip mo rin ba ang kalalagyan ng mga kumanya, ang magiging resulta, noong makipagrelasyon ka sa kapatid ko sa gi
Tinanggihan ni Kalina ang imbitasyon ng ama niya. Hindi rin niya tinaggap ang pag-anyaya ni Natasha. And she still ended up attending this engagement party anyway.Bumukas ang pinto ng kotse at nilahad ni Cain ang palad sa harap niya. Sandaling napatingin doon si Kalina bago iyon tinanggap. Nilagay ni Cain ang kamay ni Kalina sa braso niya saka sila sabay naglakad papasok.“We are not on an official business agenda but we needed to be here. This is important for my network and project I’m currently working on,” bulong ni Cain.Agad naintindihan ni Kalina ang ibig sabihin nito. Basically, this is work. May responsibilidad siya bilang secretary na kailangan kahit wala pa man ay uwing-uwi na siya.Ayaw niya sanang makaharap kahit sino sa pamilya niya at sa mga Gomez. Mas naging alerto siya sa paligid.“Mr. Valvares! I’m glad you’re here.” Lumapit ang grupo ng mga middle age businessman sa kanila at nagsimulang makipag-usap kay Cain.Nahiwalay siya sa bisig ng lalaki at napunta sa likura
“Hindi ko alam na magkikita tayo rito.” Si Natasha. “Siguro nagtataka ka kung bakit kami engage ngayon ni Dave. Maraming nangyari noong tinakasan mo ang responsibilidad mo… ate.”Unti-unting humarap si Kalina kay Natasha.“Ang daming nangyari. Sa kagustuhan kong tulungan si Daddy at ikaw, ako na ngayon ang ikakasal sa Gomez.” Akala mo ay sobra itong nagdaramdam sa tono ng kaniyang boses. “Alam mo ba kung gaano nag-alala ang lahat sa bahay sa lagay mo ate? Bigla ka na lang umalis nang araw na ‘yon. Wala kang pasabi. Pagkatapos ay ‘di ka rin bumalik. Hindi mo man lang ba kami naisip?”“Tama na ang pagpapanggap. Alam kong natuwa ka sa ginawa ko at hinding-hindi mo gugustuhing bumalik ako, Natasha.”“A-Ate?”Napangisi si Kalina. Talagang pinaninindigan niya ang pagpapangggap. Laging ganito si Natasha. Simula noong mga bata pa sila. Nagpapanggap na mabait at inosenteng nakababatang kapatid para makuha ang simpantiya ng iba.“Ito naman talaga ang plano mo. Kaya ka nga nagbigay ng sobreng p
Natapos ang lunch break nang hindi na enjoy ni Kalina ang pagkain. Panay ba naman ang pakikiramdam niya sa mga kasama. Dismayado tuloy silang nag-watak ng landas ng mga kaibigan. Kasama niya pa rin si Cain at Theo hanggang sa pagbalik sa opisina.“Maganda ata ang mood natin ngayon ah. Bakit mo naisipang kumain sa cafeteria?” si Theo.“For the change,” simpleng balik ni Cain.“Na touch naman ako, naisipan mo pa akong isama.” Madrama itong humawak sa puso niya at bumaling sa kasabay niyang maglakad. “Buti naaya mo, Kalina.”Umiling si Kalina kay Theo. “Hindi ako nag-aya. Siya ang nagpresenta.”“Totoo?” gulat na lumingon si Theo sa kaibigan. Sinabayan niya ito ng paglakad dahil nasa unahan nila ito. “Talaga boss? Aba tumata—”“I heard the legal department is busy right now. Ang dami mo yatang time? Mas marami ang magiging oras mo kapag sinisante na kita,” malamig na babala ni Cain.Napasimangot si Theo. “Hirap mo ka bonding.” Alam niyang biro lang ‘yon pero mas pinili niya na lang manah
Nakabibinging katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa sa loob ng kotse. Ang awkward talaga! Nang ma-bored si Kalina sa katitingin sa labas ng bintana, tumingin siya kay Cain. Seryoso itong nagmamaneho. Naglibot pa siya ng tingin sa nasa harap niya. Huminto ang tingin niya sa radio, pini
“Uhh…” Napansin si Mr. Valvares na hindi sigurado si Kalina. Napakagat si Kalina sa ibabang labi. Lumingon siya sa boss niya para humingi ng tulong. Mabuti mabilis ang isip ni Cain. Before his father could raise any suspicion, he already provided a reasoning. “Import
KINABUKASAN. Maagang nagising si Kalina ngunit hindi agad siya lumabas sa guest room kung saan siya natulog. Guest room lang ba talaga ‘to? Kasing laki na yata ito ng sarili niyang kwarto sa bahay niya. Malawak at may sariling banyo pa ang room. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Maayos at kumport
Bago pumasok sa opisina, nagkita muna si Cain at Kalina sa isang local court house para magpakasal. Nandoon si Theo para maging witness nila. Silang tatlo lang habang nakasuot pa ng usual business attire. Mabilisang seremonya ang nangyari na pinangunahan ng judge. Sa tulong ni Theo, mabilis na n







