ログイン“Anong gusto mong flavor ng cake? They have chocolate, caramel, or you can say and request anything you prefer.”
“Ikaw na lang mamili. Hindi ako kumakain ng cake.” Araw ng linggo. Walang pasok sa trabaho si Kalina. Magkasama sila ngayon ni Dave dahil may appointment sila para mamili ng mga putaheng ihahanda sa kanilang reception. Tumango si Dave sa naging sagot ni Kalina. Katulad ng nasabi, ang lalaki na nga ang nagdesisyon kung ano ang pipiliing mga handa. Mula main dishes, desserts, drinks, at iba pa ay siya na rin ang nagdesisyon. Minsan nagsu-suggest si Kalina kapag nagtatanong si Dave. “Nasubukan mo nang kumain o pumunta sa restaurants namin?” tanong ni Dave habang nagmamaneho. Tapos na sila sa kanilang schedule. Maglu-lunch naman sila. Umiling si Kalina. Ang mga Gomez, katunggali sila ng mga Valvares. Kapwa kilala ang dalawang apelyido sa kanilang ipinagmamalaking five star restaurants. Masyadong loyal si Kalina para sumubok ng ibang produkto at serbisyo ng kalabang negosyo. “Then today will be your first time. With me.” Ngumiti si Dave kay Kalina na siyang pilit ngumiti sa kaniya pabalik. Dumating sila at agad pinagsilbihan ng mga staff. Nilibot ni Kalina ang paningin sa paligid. Modern and classy interior. Not bad but not very great as well, in her opinion. But—oh, well. Probably she’s just being biased. “Valvares Cuisine is still better,” bulong niya sa sarili. “Ano ‘yon? Sorry, were you talking to me?” tanong ni Dave na nasa harap niya. Hindi nito narinig ang kaniyang inusal. Buti na lang. “Ah. No. I’m talking about the place. Sabi ko maganda. Masarap din ang mga pagkain dito, for sure.” “Glad you like it,” sagot nito at inabot ang menu sa waitress. “I ordered our famous and best dishes here. Alam kong magugustuhan mo iyon.” Sumang-ayon si Kalina. Umiwas siya ng tingin at pasimpleng napakagat sa ibabang labi. Pakiramdam niya ang sama niya. Ang peke niya masyado at ang tipid makitungo sa lalaki. Samantalang ito, talagang nagbibigay effort para mapalapit sila. “Teka, kapatid mo ‘yon ‘di ba? What’s her name again?” Natasha? Lumingon si Kalina sa tinitignan ni Dave. Si Natasha nga! Nagtama ang paningin nila. Ngumiti sa kaniya si Natasha at nagsimulang maglakad papunta sa pwesto nila. “Oh, my gosh! What a coincidence.” Tumayo si Dave at nilahad ang kamay para makipag-shake hands. “Hi, I’m Dave Gomez. Fiance ng ate mo.” “Of course I remember! I am Natasha De Vera. Nagkita na tayo sa family gathering noong nakaraan.” Matamis ang ngiti ni Natasha nang tanggapin ang kamay ni Dave. Tumagal ng ilang segundo na magkahawak ang kamay nila bago kumalas sa isa’t isa. Nanatiling nakaupo si Kalina, mabusising pinagmamasdan ang kilos ni Natasha. Nagdududa siya sa biglang pagsulpot nito. “Why are you here?” “H-Ha?” Mukhang hindi inaasahan ni Natasha ang naging diretsong tanong niya na agad napansin ni Kalina. Pero mabilis nitong nabawi ang pustura. “Gusto ko lang kumain sa labas. I heard this restaurant is the best in this area so I have to try.” “Mag-isa ka lang? You can join us,” alok ni Dave. “Really? I’d love to!” “Okay lang ba sa ‘yo, Kalina?” paghingi ng permiso ng lalaki. Alam niyang siya ang magmumukhang masama kung hindi siya papayag. Ano pa nga ba. “Sure.” Iyon nga ang nangyari. Tatlo silang sabay kumain. Magkatabi si Dave at Natasha sa harap niya. Mukhang close na agad sila. Masayang nakikipag-usap si Natasha kay Dave at tumutugon naman ang huli. Para silang may sariling mundo at nakalimutan siyang tahimik lang kumakain, kasama pa nila. Noong matapos silang kumain, nagpresenta si Dave na ihatid ang kapatid niya pero tumanggi si Natasha. “Nag-enjoy ako today. Thank you so much, Dave. Nice meeting you.” Nakita niya kung paano paglandasin ni Natasha ang kamay nito sa braso ni Dave bago umalis. Hindi man lang nakuhang magpaalam sa kaniya. ISANG buwan bago ang kasal. Patuloy ang pagkikita ni Kalina at Dave sa nagdaang buwan pero ngayon ay madalang na lang. Pareho silang busy sa pag-aasikaso sa kanilang nalalapit na kasal. Private wedding ang naging plano. Limitado lang ang iimbitahang mga guest. Pabor ‘to kay Kalina. Ayaw niya ng sobrang daming tao at engradeng selebrasyon. Bukod pa ro’n, abala rin siya sa pag-aasikaso sa kaniyang trabaho. “Grabe ka, Kalina. Goal mo ba na maging employee of the month? Na naman?” Biro ng officemate niyang si Julius. “Talagang mapo-promote ka na niyan.” Promote? Baka kamo magre-resign. “Nga pala, nag-email sa akin si Sir Cain tungkol sa proposal na pinagawa niya. Hinihingi na. Nabigay mo ba? Baka uminit ang ulo kapag pinaghintay.” “Yes. Don’t worry. Nabigay ko na kanina—huh?” Lumandas ang mga mata niya sa isang bagay. Nasa lamesa niya pa ang proposal! Paanong—ano ang naibigay niya kanina? Hinalughog niya ang iba pang papeles sa ibabaw ng desk niya at isa lang ang nawawala. Napatampal siya sa noo. Aksidente niyang napagpalit ang proposal na gawa niya at mga papel na tungkol sa kasal. Iyon ang binigay niya kay Cain! “Oh, bakit—” “Nagkamali ako.” Dinampot ni Kalina ang tamang dokumento at tumayo sa upuan. “Lagot…” nag-aalala siyang tinignan ng katrabaho. “Good luck!” Tatlong beses siyang kumatok sa opisina ng kaniyang boss. Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Come in.” “Sir.” “What brought you here?” “Tungkol po sa marketing proposal…” maingat na ini-slide ni Kalina ang itim na folder sa lamesa ni Cain. “Ito po ‘yon.” Nag-angat ng tingin ang lalaki mula sa binabasang mga papeles saka kinuha ang folder. Saglit niyang binuklat ang mga pahina bago itabi sa gilid kasama ang iba. May kinuha ito sa drawer na inabot niya kay Kalina. Nakakunot ang noo ng lalaki. “You gave me the wrong documents earlier. Paano kung iyon ang na present ko sa mga investor? Sa susunod, siguraduhin mo muna.” “Understood. Hindi na mauulit.” Niyakap ni Kalina ang folder. Iyon na ‘yon? Himala ata hindi sobrang nagalit. Maganda ang gising? At hindi ba nito nabasa ang laman ng folder? ‘Di siguro. Wala naman itong sinabi. Kung nabasa niya… eh ano naman. “Mauna na po ako.” Nakatalikod na si Kalina nang tawagin muli siya ni Cain. “Is someone—I mean, are you… you’re getting married?” Nabasa niya. Nakita niya ang loob ng folder. Nandoon kasi ang mga gowns na pinagpipilian niya. Pati decorations, designs, wedding venues, at iba pang essential sa kasal. Humarap muli si Kalina sa kaniyang boss at tipid na ngumiti. “Opo,” pag-amin niya. Itatanggi niya pa ba kung nakita na lahat ng ebidensya. Ayaw niya sanang ipaalam sa kahit sino sa opisina. Wala siyang inimbita ni isa rito… pero ngayong nalaman na ng boss niya, nakakahiya naman kung hindi niya ito sasabihang pumunta. Lumapit siya para magsulat sa sticky note na nakita niya. Doon niya sinulat ang date, address, at ilang importanteng detalye ng kasal. Muli siyang tumayo ng tuwid pagkatapos. “Sorry po, wala akong dalang invitation at this moment. But if you have time please feel free to come.” “Congratulations on your upcoming wedding,” matamang saad nito. Mula sa sinulat niya, umangat ang tingin sa kaniya. Tumango si Kalina. “Thank you.”Gulat na napasandal si Ginette sa sofa. Pinundot niya ang remote para i-off ang TV. Cain actually said the truth. Isa iyon sa mga inaasaan niyang mangyari. It’s either Cain will confirm or deny all. But he did the former.Of course she knew the character of her only son. And this? His actions are so out of his character.Hindi iyon magpapadalos-dalos sa mga desisyon niya. Kung walang pake si Cain sa babaeng iyon na biglang pinakilala sa kanila out of nowhere at pakitang gilas lang lahat, hindi ‘to mangyayari. Hindi papayag si Cain na madawit siya sa kahit anong eskandalo. Lalo na kapag usapang babae.She’s testing the couple. Cain did not respond as she wanted. Could that mean that her son really cares for that woman? Talaga bang mahal nila ang isa’t isa?“How about that woman… that Kalina?” tanong ng ginang sa personal niyang sekretarya. “Wala po siyang ginawa. Wala siyang reaksyon. Parang hindi po siya apektado sa pinakalat mong impormasyon nilang mag-asawa.”“Alam na ba niya ang
“Bakit boss? Para saan ba?”“Just do it, Theo. ‘Wag ka na magtanong.”Binaba ni Cain ang tawag pagkatapos sabihin ang mahahalagang detalye na nais niyang ipaimbestiga sa kaibigan. Mabilis umaksyon si Theo, nang makarating siya sa penthouse niya tumawag na ulit ito.“Anong nalaman mo?” bungad ni Cain.“Sorry boss. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang i-background check si Kalina.”“What do you mean?” kumunot ang noo ni Cain. “Expert ka sa ganitong larangan.”“Yes, yes. I know right. Thank you,” puno ng galak at confidence ang boses sa kabilang linya. “Kung ang gusto mo lang kumpirmahin ay kung si Dave Gomez nga ba ang dapat groom ni Kalina noon, tama ka.”“Source?” ani Cain.“Trust me bro.”“Binabawi ko na pala.” Napatampal siya sa noo. “Hindi dapat ikaw ang nilapitan ko. Maghi-hire na lang ako ng private investigator.”“Ito naman! Although hindi ko makumpirma, feel ko talaga ‘yon, malakas talaga ang kutob ko. Pero may problema nga kasi, kaya baka kahit sa ibang investigator
Nang marating ang isang mini garden malayo sa pinagdarausan ng selebrasyon, nalukot ang mukha ni Kalina dahil dumating din ang lalaking sumunod sa kaniya.Hinarap siya ni Dave. “Anong ginagawa mo rito?” gulat at inis ang nangunguna sa boses niya.“Ikaw pala,” umay na sambit ni Kalina.“Noong araw ng kasal natin, ‘di mo ako sinipot. Ngayon, nandito ka sa engagement party ko.” Bakas ang galit kay Dave. Humakbang siya palapit, “Ano bang gusto mo?” “Kahit ano maliban ang maikasal sa ‘yo,” taas noong sagot ni Kalina. “Pero ikaw mukhang nakuha mo na ang gusto mo. Dapat sa una pa lang sinabi mo nang si Natasha ang tipo mo. Pinahirapan mo lang ang mga sarili ninyo, dinamay n’yo pa ‘ko.”“Ano? Kalina, I willingly accepted you as my fiancée before. Kahit arrange marriage lang tayo, sinaalang-alang ko ang lagay ng kumpanya ng mga pamilya natin. It’s you who ruined everything.” “Nasa isip mo rin ba ang kalalagyan ng mga kumanya, ang magiging resulta, noong makipagrelasyon ka sa kapatid ko sa gi
Tinanggihan ni Kalina ang imbitasyon ng ama niya. Hindi rin niya tinaggap ang pag-anyaya ni Natasha. And she still ended up attending this engagement party anyway.Bumukas ang pinto ng kotse at nilahad ni Cain ang palad sa harap niya. Sandaling napatingin doon si Kalina bago iyon tinanggap. Nilagay ni Cain ang kamay ni Kalina sa braso niya saka sila sabay naglakad papasok.“We are not on an official business agenda but we needed to be here. This is important for my network and project I’m currently working on,” bulong ni Cain.Agad naintindihan ni Kalina ang ibig sabihin nito. Basically, this is work. May responsibilidad siya bilang secretary na kailangan kahit wala pa man ay uwing-uwi na siya.Ayaw niya sanang makaharap kahit sino sa pamilya niya at sa mga Gomez. Mas naging alerto siya sa paligid.“Mr. Valvares! I’m glad you’re here.” Lumapit ang grupo ng mga middle age businessman sa kanila at nagsimulang makipag-usap kay Cain.Nahiwalay siya sa bisig ng lalaki at napunta sa likura
“Hindi ko alam na magkikita tayo rito.” Si Natasha. “Siguro nagtataka ka kung bakit kami engage ngayon ni Dave. Maraming nangyari noong tinakasan mo ang responsibilidad mo… ate.”Unti-unting humarap si Kalina kay Natasha.“Ang daming nangyari. Sa kagustuhan kong tulungan si Daddy at ikaw, ako na ngayon ang ikakasal sa Gomez.” Akala mo ay sobra itong nagdaramdam sa tono ng kaniyang boses. “Alam mo ba kung gaano nag-alala ang lahat sa bahay sa lagay mo ate? Bigla ka na lang umalis nang araw na ‘yon. Wala kang pasabi. Pagkatapos ay ‘di ka rin bumalik. Hindi mo man lang ba kami naisip?”“Tama na ang pagpapanggap. Alam kong natuwa ka sa ginawa ko at hinding-hindi mo gugustuhing bumalik ako, Natasha.”“A-Ate?”Napangisi si Kalina. Talagang pinaninindigan niya ang pagpapangggap. Laging ganito si Natasha. Simula noong mga bata pa sila. Nagpapanggap na mabait at inosenteng nakababatang kapatid para makuha ang simpantiya ng iba.“Ito naman talaga ang plano mo. Kaya ka nga nagbigay ng sobreng p
Natapos ang lunch break nang hindi na enjoy ni Kalina ang pagkain. Panay ba naman ang pakikiramdam niya sa mga kasama. Dismayado tuloy silang nag-watak ng landas ng mga kaibigan. Kasama niya pa rin si Cain at Theo hanggang sa pagbalik sa opisina.“Maganda ata ang mood natin ngayon ah. Bakit mo naisipang kumain sa cafeteria?” si Theo.“For the change,” simpleng balik ni Cain.“Na touch naman ako, naisipan mo pa akong isama.” Madrama itong humawak sa puso niya at bumaling sa kasabay niyang maglakad. “Buti naaya mo, Kalina.”Umiling si Kalina kay Theo. “Hindi ako nag-aya. Siya ang nagpresenta.”“Totoo?” gulat na lumingon si Theo sa kaibigan. Sinabayan niya ito ng paglakad dahil nasa unahan nila ito. “Talaga boss? Aba tumata—”“I heard the legal department is busy right now. Ang dami mo yatang time? Mas marami ang magiging oras mo kapag sinisante na kita,” malamig na babala ni Cain.Napasimangot si Theo. “Hirap mo ka bonding.” Alam niyang biro lang ‘yon pero mas pinili niya na lang manah
Inaasahan na ni Kalina na gagabihin na siya sa pag-uwi kaya hindi na siya nagtaka nang lumabas siya ng building at madilim na langit ang sumalubong sa kaniya. Nag-overtime siya para makabawi. Nasa office ang CEO simula noong pumasok ito hanggang ngayon. Hindi na siya nag-abalang magpaalam. Halos la
Natapos ang lunch break na walang ibang naririnig si Kalina kundi tungkol sa relasyon ni Cain at ng ‘di kilalang babae. Pumasok siya sa elevator at may pumasok din kasunod niya. “Theo,” pagbati niya sa katabing tumindig sa kaliwang gilid.“Hey! Long time no see. Kumusta naman ang naging honeymoon
Natapos ang meeting at lumabas na ng hall si Kalina. Aasikasuhin niya na ang mga gamit niya para sa paglipat sa Executive Department. Pagkapasok niya sa marketing office, bumungad agad sa kaniya ang grupo ni Suzy na mukhang kanina pa siya inaabangan. “Excuse me,” kalmadong ani Kalina. “Nakaharan
Makalipas lang ang ilang araw, nagpatawag ng company meeting si Mr. Valvares. Ngayon ang araw na ‘yon. Narito sa malawak na main conference hall ang mga kinatawan ng Valvares Cuisine. Kumpleto ang board of directors, ang mga department heads, managers. Gayundin ang mga empleyado. Tahimik ang laha







