로그인Carmelle grew up carrying nothing but unanswered questions—sino siya talaga, bakit siya iniwan, at bakit ang pagmamahal na dapat ay para sa kanya ay palaging malayo, parang hindi niya kailanman maaabot. Abandoned by her family’s nanny right after she was born, kinuha siya at itinago, para si Morgana—ang anak ng yaya—ang mabigyan ng mas magandang buhay. Buhay na dapat sana ay kay Carmelle. Labing-walong taon ang lumipas, natagpuan siya ng tunay niyang pamilya. Pero imbes na yakap at pag-asa, malamig na tingin, paghahambing, at walang katapusang paboritismo ang sumalubong sa kaniya. Sa mata nila, she was never the daughter they lost—she was an intruder. Isang estranghero sa sarili niyang dugo. Si Morgana, ang adopted daughter na pinalaki nila, ang naging golden child. Palaging tama. Palaging pinaniniwalaan kahit walang ebidensya. Palaging pinipili, kahit mali na. At si Carmelle? Kahit anong gawin niya, palagi siyang mali. Laging siya ang sisi. Mga kasalanang hindi niya ginawa, sa kanya isinisi. Mga gulong hindi niya sinimulan, sa kanya ibinato. Hanggang pati si Anton—ang fiancé niya, ang taong akala niya kakampi niya ay unti-unting lumayo at naniwala sa kasinungalingan. Hanggang isang araw, unti-unting lumabas ang katotohanan. Lahat ng sakit, paninira, at paratang na ibinato kay Carmelle… si Morgana pala ang nasa likod. Hanggang kailan niya kakayanin ang mundong paulit-ulit siyang sinasaktan? Kakayanin pa ba niyang magpatawad kung ang puso niya ay unti-unti nang nagiging bato?
더 보기Kabanata 1
“Ang ganda-ganda niyo po, Ma’am! Bagay na bagay sa inyo ang wedding gown!”
Halos paulit-ulit na lumalabas sa bibig ng shop manager habang tinitingnan si Carmelle na nakasuot ng wedding gown. Ang puting gown ay sakto sa kanya, yakap ang manipis niyang baywang, habang bumabagsak ang malambot na tela hanggang sa sahig na parang eksena sa isang fairytale. Kahit minimal lang ang makeup niya, hindi nawala ang natural na ganda ng mukha niya. Mas lalo pa nga itong naging matingkad, parang hindi na kailangan ng kahit anong dagdag.
Sa paligid ng fitting room, ilang staff ang tahimik ding napapatingin sa kanya.
“Ma’am, bagay na bagay po sa inyo. Parang hindi na kailangan ipa-alter,” sabi ng isang assistant habang inayos ang laylayan ng gown.
Ngumiti lang si Carmelle sa mga staff. “Thank you.”
Sandaling katahimikan bago muling nagsalita ang shop manager na tila may iniisip.
“Ma’am Carmelle, bakit po si Sir Anton hindi sumama sa fitting? Usually kasi, magkaiba ang taste ng lalaki at babae sa wedding dress.”
Bahagyang ngumiti si Carmelle, pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti. “Busy siya sa company. Hindi siya makaalis. Ayos lang naman sa akin.”
“Ah, okay po.”
Hindi na sana dapat lumalim ang usapan, pero biglang nag-vibrate ang phone niya sa gilid ng upuan. Kinuha niya ito at tiningnan ang caller ID.
“Kim,” mahinang sabi niya bago sinagot ang tawag. “Hello?”
Sa kabilang linya, halatang hingal at emosyonal ang boses ni Kim.
“Girl, I saw Morgana and Anton!”
Sandaling natahimik si Carmelle.
‘Yung kaninang malambo na ekspresyon niya, unti-unting nanigas. Parang may pumitik sa loob niya, pero hindi niya agad ipinahalata.
Ang shop assistants, napatingin sa kanya nang mapansin ang biglang pagbabago ng aura niya.
“Where?” kalmado niyang tanong, pero ramdam na ang lamig.
“Sa hospital. Sa OB-GYN department, Carmelle.”
Doon na bahagyang umangat ang kilay niya. Parang may nakakatawang ideya sa isip niya.
“OB-GYN…” ulit niya. “Interesting place.”
Sa isip niya, alam na agad niya kung anong ibig sabihin ng ganoong eksena. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi maintindihan ang ganitong sitwasyon.
Sa kabilang linya, mas lalo pang nag-init si Kim.
“Carmelle, that Morgana is a bitch, and Anton is a jerk! Don’t marry him anymore!” halos sigaw na ni Kim sa kaibigan. “Seriously, you deserve better than this! Maghanap ka na lang ng ibang lalaki!”
Ngunit sa kabila ng galit ng kaibigan niya, nanatiling kalmado si Carmelle.
Kinuha niya ang baso ng tubig sa tabi, dahan-dahang uminom, parang walang nangyayari.
“Bakit ka mas galit pa kaysa sa akin?” tanong ni Carmelle.
Tumahimik sandali si Kim, pero halatang hindi pa rin humuhupa ang emosyon.
“Because this is not normal anymore. Two years ka niyang ginawang priority, Carmelle. Tapos ngayon, ilang araw na lang bago wedding niyo, lalabas siya ulit?”
Dahan-dahang lumamig ang tingin ni Carmelle.
“Choosing this timing… obvious na hindi lang coincidence ‘yan,” dagdag pa ni Kim.
Huminga nang malalim si Carmelle. “I’m hanging up now.”
“Wait, Carmelle, where are you going?”
Sandaling tumigil siya bago sumagot.
“Someone’s selling tea. I’ll go buy it myself.”
Pagkasabi niya no’n, pinatay niya ang tawag.
Natahimik ang buong dressing room.
Nakaharap siya sa salamin, suot pa rin ang wedding gown. Ilang segundo niya itong tinitigan, parang sinusukat hindi lang ang damit kundi pati ang sarili niya.
Pagkatapos, marahan niyang hinawakan ang strapless bodice.
Isang malakas na tunog ng pagkapunit ang pumunit sa katahimikan ng kwarto.
Hinila niya pababa ang gown, walang pag-aalinlangan, hanggang sa tuluyang mapunit ang buong damit. Bumagsak ito sa sahig na parang basahan na lang.
Nagkatinginan ang mga staff, gulat, pero walang nagsalita. Natatakot sila kay Carmelle.
Kahit sino sa kanila ramdam na hindi ito simpleng tantrum lang.
Hindi na sila nagtanong.
Nagpalit si Carmelle ng sarili niyang damit sa loob ng ilang minuto. Paglabas niya, iba na ang aura niya. Mas malamig. Mas matigas.
At muli, nag-vibrate ang phone niya.
Nakita niya ang pangalan ni Anton sa screen.
Saglit niyang tinitigan bago sinagot.
“Come to the company after you’ve tried on the wedding dress,” malamig na boses nito sa kabilang linya.
Parang walang nangyari. Parang normal lang ang lahat.
For two years, Anton was gentle. Consistent. Careful. Pero ngayon, ibang-iba na.
May kung anong kumirot sa dibdib niya, pero hindi niya pinakita. Hindi siya sumagot. Pinatay niya ang tawag.
•••
Half an hour later.
Pagpasok ni Carmelle sa office ni Anton, nakita niya itong nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window, may kausap sa phone. Nakatagos ang liwanag ng araw sa kanya, ginagawa siyang mas lalo pang imposing tingnan.
Perfect ang profile niya. Clean. Expensive. Controlled.
Pagkalipas ng ilang segundo, ibinaba niya ang phone at umupo sa sofa.
“Come here,” sabi niya kay Carmelle.
Hindi siya umupo agad sa tabi nito. Umupo siya sa opposite sofa, diretso ang tingin.
Napansin agad ni Anton ang distansiya na ginawa niya. Mas lumamig ang ekspresyon niya.
“Where’s the dress?” tanong niya.
Hindi sumagot si Carmelle.
May narinig siyang click ng lighter. Sumunod ang amoy ng sigarilyo at kaunting gasolina sa hangin.
Napangiwi si Carmelle at bahagyang pinaypayan ang sarili.
Alam ni Anton na ayaw niya ng ganoon, pero wala siyang pakialam.
“Morgana is back,” diretsong sabi nito.
Sandaling katahimikan.
“The wedding will have to be postponed.”
Parang inaasahan na ni Carmelle, pero iba pa rin pala kapag narinig mo na mismo.
“So that’s it?” malamig niyang tanong.
“She’s sick,” dagdag ni Anton, parang walang pakialam sa nararamdaman ni Carmelle.
Kumuha siya ng envelope at iniabot kay Carmelle.
“Acceptance letter from Harvard. Go study there first.”
Parang utos iyon.
Hindi niya kinuha ang envelope
Ngumiti siya nang bahagya, pero may halong panlalamig.
“Send me abroad?” mabagal niyang tanong. “So I’ll make space for her? Para malaya na kayong magsama?”
Nagbago ang ekspresyon ni Anton.
“Isn’t this the school you always wanted? Now you have the chance, Carmelle”
“Anton.”
Putol niya agad.
Isang segundo lang, lumapit siya sa kanya, kinuha ang envelope, at walang sabi-sabing pinunit iyon sa harap niya.
Hanggang naging maliliit na piraso na lang na lumipad sa sahig ng opisina.
May isa pang piraso na dumikit sa kamay niya. Tinanggal niya iyon at ibinato mismo sa mukha ni Anton.
“Don’t look at me like that,” malamig na sabi na sabi ni Anton.
Huminga si Carmelle nang dahan-dahan. “The wedding doesn’t need to be postponed,” sabi niya, diretso ang tingin. “Cancel it.”
Saglit na natigilan si Anton.
Parang hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging sagot niya.
Pero si Carmelle, hindi na naghintay.
“Cancel it. Easier that way.”
Kabanata 100Nang makita ni Luisa si Anton sa dulo ng corridor, agad siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib.Sa loob ng ilang araw, halos wala na siyang ibang iniisip kundi si Morgana.Araw-araw niya itong nakikitang nahihirapan.Araw-araw niya itong nakikitang lumalaban sa sakit.At sa bawat pagkakataong iyon, pakiramdam niya ay unti-unti ring nadudurog ang puso niya bilang isang ina.Hindi na niya napigilan ang sarili.“Anton...” mahina niyang tawag.Paglapit ng lalaki ay agad siyang nagsalita.“Anton, sobrang nahihirapan si Morgana.”Namumula ang mga mata niya habang sinasabi iyon.Matagal na ring pinalitan ng mga taong ipinadala ni Anton ang dating medical team ni Morgana. Ang mga doktor na ngayon ang humahawak sa kaso nito ay ilan sa pinakamahuhusay na espesyalista sa bansa.Alam iyon ni Luisa.Alam din niyang ginagawa ng mga ito ang lahat ng makakaya nila.Pero hindi pa rin sapat para mapawi ang pangamba niya.Marahil ay dahil sa reputasyon nina Jing at Janle.Napakarami niyan
Kabanata 99“Pagalingin mo muna siya. Magkano ba ang utang ko sa’yo? Babayaran ka ni Mommy kapag maayos na ang lahat, okay? Please?”Halos manginig ang boses ni Luisa habang nagsasalita. Bawat salita ay puno ng pagmamakaawa at pag-iingat, na para bang natatakot siyang mas lalong magalit ang kausap niya kapag nagkamali siya ng sasabihin.Tahimik na nakinig si Carmelle sa kabilang linya.Napakaironikong pakinggan.Unahin daw na pagalingin si Morgana, saka na pag-usapan ang anumang utang o sama ng loob.Parang napakadali.Parang walang nangyari sa pagitan nila.Mahinang natawa si Carmelle.“Mrs. Claveria, nakalimutan n’yo na ba?” malamig niyang tanong. “Kayo mismo ang nagsabi noon na binigyan n’yo ako ng buhay. Kung ganoon, paano ako magkakaroon ng utang sa inyo?”Biglang nanigas si Luisa.Naalala niya.Iyon mismo ang mga salitang sinabi niya kay Carmelle noon.Noong panahong desperado siyang protektahan si Morgana.Noong panahong wala siyang pakialam kung gaano kasakit ang mararamdaman
Kabanata 98Plano sana ni Carmelle na matulog muna nang kaunti matapos ang tanghalian. Pero mukhang hindi siya pagbibigyan ng mundo.Sunod-sunod ang tawag mula sa studio. May mga kliyente, may mga kailangang aprubahan, may mga contract na kailangang tingnan. Hindi niya puwedeng i-silent ang cellphone niya buong araw gaya ng ginagawa niya tuwing gabi.Pagkatapos ng tawag ni Toni, isa na namang hindi pamilyar na numero ang lumitaw sa screen.Nang sagutin niya iyon, agad niyang nakilala ang boses sa kabilang linya.“Carmelle...”Humihikbi si Luisa.“Please... please, anak. Pakiusap. Pakiusap lang. Hayaan mong pumunta sina Professor Jing at Professor Janle sa ospital. Please...”Nanigas ang ekspresyon ni Carmelle. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Tahimik lang siyang nakikinig habang umiiyak ang babae sa kabilang linya.“Kasalanan ko lahat,” patuloy ni Luisa. “Huwag mong kamuhian ang kapatid mo. Gusto lang naman kitang mapalaki nang maayos noon, pero sobrang matigas ng ulo mo. Ikaw ka
Kabanata 97Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nag-ipon siya ng lakas ng loob."Um... pwede ba akong umupo nang mag-isa?"Bahagyang napataas ang kilay ni Roco. "Why?"Simple lang ang tanong. Pero para kay Carmelle, para iyong isang napakahirap sagutin na exam.Napayuko siya. Hindi niya kayang sabihin ang totoo.Hindi niya kayang amining sa tuwing nilalapit siya nito sa sarili nito, lalo lamang lumalalim ang damdaming ilang taon na niyang itinatago.Kung kapatid lang talaga ang tingin nito sa kanya, kailangan niyang matutong maglagay ng distansya.Habang maaga pa. Habang kaya pa niyang pigilan ang sarili. Dahil paano kung dumating ang araw na may mahal nang ibang babae si Roco?Sa simpleng pag-iisip pa lang noon, may kung anong mabigat na pakiramdam na agad na sumiksik sa dibdib niya.Masakit.At ayaw niyang maranasan iyon."Hmm?" Bahagyang yumuko si Roco upang masilip ang mukha niya. Parang hindi nito nauunawaan ang gusto niyang sabihin. O baka naman naiintindihan nito pero s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
리뷰더 하기