LOGIN“N-Nandito ka pala, Aviannah…” marahang usal ni Khyline kay Aviannah na halatang nagulat sa nadatnan nitong eksena nila ni Andrei.“Uhh…” Hindi naman malaman ni Aviannah ang sasabihin.“Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo ngayon?” singit na tanong ni Andrei.“Nagsabi kami sa’yo kagabi pero busy ka yata.” Ang kaibigan ni Andrei na si Chris ang sumagot.“Ako? Busy? Hindi ah. Hindi naman ako busy.”“Hindi mo rin sinasagot ang tawag namin sa’yo kanina,” dagdag pa ni Chris na marahang ikinatikhim ni Khyline.“Ang ibig kong sabihin… baka masyado pang maaga ‘yon kaya hindi mo nasagot,” pagtutuloy ni Chris.“Baka nga,” ani Andrei.“Nga pala, may dala kaming breakfast. Tamang-tama at nandito si Aviannah, tara kain tayo sa loob,” sabi pa ni Chris kasabay nang pagpapakita nito ng mga pagkaing dala.“Pero nakapag-breakfast na kami,” mabilis na sagot naman ni Andrei sabay balin ng tingin kay Alfred na naroon pa rin.“Huh? Nag-breakfast na kayong dalawa?” tanong ni Chris “Oo—” natigilan s
“Ano naman ba kasi sa’yo kung magkasama kami? Isa pa, nasisiraan ka na ba? Baka nakakalimutan mong kaya kami nandito ay para sa trabaho. Kaya malamang madalas at halos araw-araw kaming magkakasamang dalawa,” inis na sabi ni Aviannah kay Andrei.“That’s why I’m here.”“Ano?”“Kumain ka na.”Napasinghap si Aviannah sa inis. “Wow. Ang bilis mo naman mag-change topic ah.”“Huwag mong sabihing nag-dinner ka na rin kasama niya?”Napahigit ng malalim na paghinga si Aviannah. Hindi niya lubos maunawaan si Andrei sa mga inaasal nito sa kanya. Naguguluhan siya sa kung paano at sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.“Kung nag-dinner nga ako kasama siya, ano naman ba sa’yo?”“So, kumain ka na nga?”“Oo—” Natigilan si Aviannah sa pagsagot niya sana nang biglang kumalam ang sikmura niya. “Uhm…” napalunok siya na ikinangisi naman ni Andrei.“Maupo ka. Ipagluluto kita,” wika nito sa kanya.“Hindi na,” mabilis na sagot naman niya rito. “Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. May sarili akong pag
“Ayaw ko,” simpleng sagot ni Aviannah kay Andrei.“Ano?” kunot-noong tanong naman ni Andrei kay Aviannah.“Bakit naman kita susundin? Isa pa, sinabi ko ba sa’yong ipaghanda mo ako ng lunch? At saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba kasi nandito?” Kahit na nagulat si Aviannah na makita at malaman na nasa katabing unit niya lamang si Andrei, ay hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki. Suot niya pa rin ang mataray na awra niya para dito.Marahang humigit ng malalim na paghinga si Andrei habang seryosong nakatingin kay Aviannah. At pagkuwan ay humalukipkip ito.“Okay sige, isa-isahin natin. Una, bakit mo ako susundin? Kasi kuya mo ako.”Kaagad na kumunot ang noo ni Aviannah sa sinabing iyon ni Andrei. “Ano?” Napasinghap siya. “Talagang feel na feel mo ang pagiging kuya ko?”“Hindi naman sa ganoon. Pero… ano mo ba kasi ako gusto?” tila mapang-asar na tanong ni Andrei kay Aviannah.“Ano?”“Pangalawa, hindi mo nga naman sinabi na ipaghanda kita ng lunch, pero ipinaghanda pa rin kita. Hin
“Kung gusto mong ipagluto kita, pritong itlog lang ang maihahain ko sa’yo,” mapang-asar na sabi ni Aviannah kay Andrei nang makabalik sila sa unit ni Aviannah.“Samahan mo na rin ng hotdog, may binili ako rito,” tanging tugon naman ni Andrei kay Aviannah saka nito inayos at itinabi ang mga pinamili nila.Ang akala ni Aviannah ay maaasar ang lalaki sa kanya, pero parang ayos lang pala rito kahit na pritong itlog lang ang lutuin niya para dito.“Seryoso ka ba?” tila si Aviannah pa ang naasar sa huli.“Huh?” lingon ni Andrei kay Aviannah.“Kung aalis ka na ngayon dito at sa labas ka kakain, mas masarap ang makakain mo kaysa sa pritong itlog at hotdog.”“At least luto mo. Kaya mas pipiliin ko pa rin ang pritong itlog at hotdog,” tanging tugon naman ni Andrei saka ito matamis na ngumiti sa dalaga.“Ano bang trip mo?” inis na tanong ni Aviannah.“Huh? Hindi ako nangti-trip. Seryoso ako.”“Ah talaga ba? Seryoso ka pala.”“Palagi akong seryoso pagdating sa’yo,” tugon pa ni Andrei na siyang ba
Wala talaga sa intensyon ni Aviannah na ma-lock si Andrei sa loob ng unit niya. Kaya naman agad niyang tiningnan ang smart lock feature ng unit niya, at nakita niyang naka-activate ang child lock kaya naman nag-automatic itong mag-lock pagkasara niya rito mula sa labas kanina.“Bakit ba naka-activate kasi ito,” mahinang bulong ni Aviannah sa sarili saka niya pinindot ang deactivate button ng child lock settings.“See? I’m not lying. Na-lock ako rito sa loob,” sabi pa ni Andrei.Napatikhim si Aviannah. “H-Hindi ko naman sinasadyang ma-lock ka rito. Ikaw naman kasi. Bakit ka ba bigla-bigla na lang sumusulpot? Tapos bigla ka na lang pumasok dito sa loob kanina. Ayan tuloy.”“Alam mo, bakit hindi ka na lang kaya mag-sorry kaysa ang dami-dami mo pa ring sinasabi dyan.”“Bakit naman ako magso-sorry? Eh hindi ko nga sinasadya.”“Pero ikaw pa rin ang responsible sa pagkaka-lock ko rito sa loob,” sagot ni Andrei kay Aviannah.“Pero kasalanan mo pa rin dahil in the first place, hindi ka malo-lo
“What are you doing here?!” gulat na tanong ni Aviannah kay Andrei na prenteng nakatayo lamang sa harapan niya.“it’s time for dinner,” tanging saad lamang ng lalaki sa kanya.“What?” kunot ang noong tanong niya rito saka siya napasinghap. “Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito. Bakit ka nandito?”“Bakit? Bawal ba ako rito?” balik na tanong ni Andrei sa kanya na hindi niya malaman kung bakit parang iniinis siya nito.“Kung hindi ka sasagot ng ayos, get lost,” inis na sabi niya rito kasabay ng akmang pagsara niya ng pinto rito. Pero agad iyong pinigilan ng lalaki.“Fine. Nandito ako para bantayan ka,” sagot ni Andrei sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.“What?” kunot-noong tanong niya.“Iyon ang gusto ni tito.”“Really?” tila hindi niya makapaniwalang ulit na tanong sa lalaki.“Yes,” simpleng sagot naman ni Andrei sa kanya saka ito biglang humakbang palapit sa kanya na agad naman niyang ikinaatras. At ang sumunod na lamang na alam niya ay dere-deretsyo na itong nakapasok sa loo
“Ito, ija. Humigop ka na muna ng mainit na sabaw,” wika ni Mang Gener kay Aviannah saka siya nito inabutan ng tasa na may lamang mainit na sabaw ng tinolang manok na niluto ng matanda.“S-Salamat po, lolo,” marahang tugon naman niya saka niya dahan-daha na hinigop ang sabaw. Kaagad na gumuhit ang m
“P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga
Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya
Napanganga si Aviannah nang makita niya ang peryahan na sinasabi ni Tonya. Hindi niya alam na peryahan pala ang tawag sa ganitong lugar. It was like an amusement park na paboritong puntahan nila ng mga kaibigan niya. Na-miss niya tuloy bigla ang dalawa niyang kaibigan, sina Sandra at Jamie. Napaisi







