MasukChapter 6
“Mommy, dinala ni Argus si Elara…” mahinahong paliwanag ni Caleb habang detalyado niyang ikinuwento ang buong nangyari.
Sandaling natahimik si Amara. Para bang natigilan ang buong mundo sa paligid niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig—tila ba may mali lang sa kanyang pandinig.
Sampung segundo ng katahimikan.
At saka lang siya nag-react, para bang gumuho ang langit sa kanyang ulunan.
“Anong… si Elara… ako…” putol-putol ang kanyang mga salita, wasak sa kaba at pagkataranta. Sa huli, tanging isang tanong lang ang lumabas sa kanyang bibig:
“Na-recognize ba niya kayo?”
“Hindi po,” sagot ni Caleb, mariin at kalmado.
Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Amara.
Huminga siya nang malalim at pilit na isinopresa ang kaba sa kanyang tinig. “Bumalik muna kayo. Si Mommy na ang bahala rito.”
“Okay po.”
Pagkababa ng tawag, bigla namang nag-ring muli ang kanyang cellphone.
Isang hindi pamilyar na numero.Muling bumilis ang tibok ng puso ni Amara. Nanginig ang kanyang kamay habang sinasagot ang tawag.
Isang malamig at kalmadong tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya.
“Ikaw ba ang ina ng bata?”
“Ako nga,” mabilis at may pangambang sagot ni Amara.
“Nasa akin ang anak mo.”
Sa isang iglap, nakilala niya ang boses.
Si Argus.
Nanlamig ang katawan ni Amara.
“Ano bang gusto mo?” tanong niya agad, may halong kaba at takot.
“Solaire Hotel. Puntahan mo ako rito.”
Sa kabilang linya, narinig ni Amara ang umiiyak na tinig ni Elara. Nanlambot ang tuhod niya sa matinding pag-aalala.
“Naiintindihan ko na… Pag-usapan natin. Magbabayad ako kung kailangan. Huwag mo lang sasaktan ang anak ko, please…”
Napakunot ang noo ni Argus.
May kung anong pamilyar sa boses ng babaeng ito… Narinig na niya ito noon pa.
Habang iniisip niya kung saan at kailan niya ito narinig ay mas lalong lumakas ang iyak ng batang babae sa tabi niya. Halatang emosyonal si Elara dahil mas umiyak ito ng malakas tas titigil sandali pero kapag tila naalala ang isang bagay ay muling hahagulhol.
Napailing si Argus at pinisil ang sentido.
“Wala akong interes na saktan ang bata,” matigas ngunit mahinahon niyang sabi.
“Pero kailangan mong pumunta rito. Ipakita mo ang sarili mo at ipaliwanag mo nang malinaw ang lahat.”Hindi siya naniniwala na ang isang bata ay kusang mag-iisip o magsasabi ng linyang tulad ng “iniwan ang asawa’t anak.”
Malamang ay narinig ng bata iyon mula sa nakatatanda sa kaniya.
At bago pa muling makapagsalita si Amara, ibinaba na ni Argus ang tawag.
Pagkarinig niya ng malakas na pag-iyak ni Elara mula sa kabilang linya ay halos mabiyak ang puso ni Amara. Para siyang sinakal ng matinding takot at pag-aalala. Wala siyang inaksayang oras at agad siyang nagtangkang umalis patungo sa hotel na sinabi ni Argus.
Ngunit pagkalakad pa lang ng ilang hakbang, bigla siyang huminto.
Hindi puwede.
Naalala niya bigla na nakita na siya ni Argus noon minsan sa isang auction.
At kung muling magkrus ang kanilang landas ngayon ay masyado nang mataas ang posibilidad na makilala si ni Argus.
At kapag nalaman ni Argus kung sino talaga siya y hindi malabong matuklasan ni Argus na si Elara ay anak niya.
Hindi siya maaaring magpakita. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong sitwasyon at hindi kailanman.
Pagkalabas mula sa opisina ay ilang ulit na nagpaikot-ikot si Amara sa paligid habang hawak ang kanyang cellphone tila ba hinahanap ang lakas ng loob para gawin ang susunod na hakbang.
Makalipas ang dalawang ikot ay huminto siya at humugot ng malalim na hininga. Saka niya tinawagan ang matalik niyang kaibigan—si Celine. Siya lang ang kilala niyang makakatulong sa kaniya ngayon.
Makalipas ang kalahating oras ay nagkitang silang magkaibigan at nagmaneho papunta sa Solaire Hotel—ang parehong hotel na binanggit ni Argus.
Habang nasa biyahe, ipinaliwanag na ni Amara ang buong sitwasyon. Lahat ng dapat malaman, sinabi na niya kay Celine mula sa pagkakabunyag ng pangalan ni Elara hanggang sa pananakot ni Argus.
Ang kailangan niya ngayon ay tulong ni Celine, simple lang gagawin pero mabigat dahil si Celine ang kailangang kumuha kay Elara. Kailangan nitong magpanggap na ina ni Elara.
“Sigurado ka ba dito, Amara?” tanong ni Celine, sabay hawak sa kamay ng kaibigan.
“Sigurado na ako dahil hindi ako pwedeng makita ni Argus or else malalaman niya ang totoo at hindi pwede iyon kaya please help me with this one, okay?” sagot ni Amara, puno ng determinasyon ang tinig.
Napatingin si Celine sa mga mata ni Amara… mga matang puno ng takot, pag-aalala, at ina na handang gawin ang lahat para sa anak.
“Celine, ikaw na muna ang bahala kay Elara. Alam kong ligtas siya sa ‘yo.”
Tumango siya, saka marahang tinapik ang sariling dibdib.“Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala. Ibabalik ko si Elara sa’yo ng buo.”
Pagkababa ng sasakyan, diretsong naglakad si Celine papasok ng hotel—matikas, tahimik, parang isang sundalong handang harangin ang sampung libong kalaban para sa kapakanan ng isang bata.
Samantala, naiwan sina Amara, Caleb, at Levi sa labas ng gusali.
Tahimik lang sila na naghihintay at taimtim na nananalangin na sana—sana maging maayos ang lahat.
Sa loob ng hotel suite...
“Waahhh…”
Umiiyak si Elara habang nakaupo sa sofa, tinatakpan ang kanyang mukha ng maliliit na kamay. Nakatingala siya habang humahagulgol, ang bawat hikbi’y tagos sa pandinig.
Nasa gilid lang si Argus, nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang drama ng batatah, imik pero halatang naiinis.
Maya-maya, dumating si Carmela dala ang isang bungkos ng kendi. Halatang naglakad-lakad pa ito kung saan-saan para lang makahanap.
“Eto, may dala akong kendi. Ibigay mo muna,” alok niya, sabay abot.
Tiningnan lang ni Argus ang kendi at agad napataas ang kilay.
“Ito ba ang sinasabi mong solusyon?”
Matigas ang tono niya.
Napangiwi si Carmela, pilit ang ngiti. “Eh… lahat naman ng bata gusto ng candy. Ipaamo mo muna.”
“Ipapaamo ko?” ulit ni Argus, hindi makapaniwala. “Ako?”
“Eh ikaw ang nag-uwi sa batang ’yan, ’di ba?” sagot ni Carmela. “Kung hindi ikaw ang magpapakalma sa kanya, sino?”
Napabuntong-hininga si Argus. Muli siyang tumingin kay Elara na patuloy pa rin sa pag-iyak, halos mawalan ng hininga sa paghikbi.
Wala na siyang nagawa kundi tumayo, lumapit, at buhatin ang bata sa kanyang bisig.
Magaan si Elara, kayang-kaya niya itong buhatin kahit isang kamay lang ang gamitin. Umupo siya sa sofa habang karga ang bata na nakapatong sa kanyang braso.
Tiningnan siya ni Elara. Nangingilid pa rin ang luha sa kanyang namumulang mga mata.
“Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na ang pag-iyak ay walang naitutulong sa problema?” malamig ngunit kalmadong tanong ni Argus.
Suminghot si Elara. Sa kabila ng pag-iyak ay sumagot siya, mahinang-mahina ang tinig:
“Kung titigil ako sa pag-iyak... papayagan mo na ba akong umuwi kay Mommy?”
“Hindi pa rin,” mariin ang sagot ni Argus.
Napangiwi si Elara. Bahagyang tumalikod at muling tumulo ang luha sa kanyang pisngi.
Napatingin si Argus sa mukha ng bata na nakakaawang mahigpit ang pagkakakapit, tila pinipilit pigilan ang sariling sumigaw.
Sa wakas, kinuha niya ang isang piraso ng kendi at iniabot ito.
“Gusto mo ba nito?”
Lumingon si Elara.
Isang lollipop.
“Lollipop lang? Eh hindi mo naman ako dadalhin kay Mommy…”
Muli siyang tumalikod, umiiyak pa rin pero ngayon ay tahimik, parang naghihinagpis.
Napataas ulit ang kilay ni Argus.
“Dalawa?” alok niya.
Tahimik pa rin si Elara.
“Tatlo?”
Wala pa ring sagot.
Napabuntong-hininga siya, may bahid ng pagkatalo sa tinig.
“Sige na nga. Limang piraso.Lahat na ang ibibigay ko sa’yo. Okay ba?”
Chapter 708Nakatayo lang doon si Amara, habang ang kanyang mga kuko ay baon na baon sa kanyang mga palad, pero wala siyang nararamdamang sakit. Nang marinig ang panunumbat ni Tomas, nakaramdam siya ng biglang pag-alab ng galit, pero sa sobrang panghihina ay wala man lang siyang lakas para magalit.Gusto lang niyang tumalikod at umalis, pero pagktalikod na pagktalikod niya, muling hinawakan ni Tomas ang kanyang pulso."Amara, anong nangyayari sa 'yo? Gusto mo ba talagang panooring mamatay si Bianca?" pilit na tanong ni Tomas."Bitawan mo ako!" banta ni Amara habang nagngingitngit ang mga ngipin at nanginginig ang katawan."Sinabi nang bitawan mo ako!" sigaw niya ulit."Bitawan mo ako!" galit na sigaw ni Amara sa huling pagkakataon.Ginamit ni Amara ang lahat ng kanyang lakas para ipagpag ang kamay ni Tomas."Ayaw kong magbigay ng dugo, kaya bakit mo ako pinatumba para mawalan ng malay at dinala rito para kunan ng dugo?" matapang na hinarap ni Amara si Tomas. "Ayaw kong iligtas si Bian
Chapter 707Wala nang lakas si Amara kahit para iangat man lang ang kanyang kamay. Sobrang hilo na siya, at malabo ang kanyang paningin. Masamang-masama ang pakiramdam niya, at kinailangan niya ang lahat ng kanyang lakas para lang imulat ang kanyang mga mata."Hindi ako pumayag na magbigay ng dugo," pag-uulit ni Amara habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Sa pagkakataong ito ay narinig nang malinaw ng nurse na sinabi ni Amara na hindi siya pumayag na magbigay ng dugo."Pero ang lalaking nagdala sa 'yo rito, sabi niya pumayag ka raw magbigay ng dugo," naguguluhang paliwanag ng nurse."Nasaan siya?" pilit na ngumiti si Amara habang maputla ang kanyang mga labi."Nandito lang sila kanina, pero papunta na siguro sila sa emergency room ngayon," sagot ng nurse. "Napakaseryoso po ng sitwasyon ng pasyente doon.""Mamamatay ba ako?" tanong ni Amara sa mahinang boses."Hindi ko masasabi nang sigurado, depende sa sitwasyon sa operating room," tugon ng nurse. "Wala akong masyadong alam tu
Chapter 706Nagtikom ng labi si Tomas, binuhat si Amara at naglakad advances, nang hindi sinasagot ang tanong ni Briana.Hindi tumabi si Briana. Nakakunot ang kanyang noo, galit na galit na nakatitig kay Tomas, at inulit ang sinabi niya kanina. "Pinatumba mo siya!""Padaanin mo ako!""Pinatumba mo siya hanggang sa mawalan ng malay! Ayaw na ayaw niyang magdonasyon ng dugo. Paano mo nagawa 'to?""Mas mahalaga ang buhay ni Bianca."Ibinuka ni Briana ang kanyang bibig, mabilis na nagsalita. "Pero dapat mong malaman na kapag ginawa mo 'to, kagagalitan ka niya, gagalitin ka niya hanggang sa mamatay siya, Tito, anak mo rin siya!""Alam ko." Mababa at napakamalamig ng boses ni Tomas, walang anumang init. Halos hindi na siya nakakatagal, nasa bingit na ng pagbagsak ang kanyang emosyon.Alam niya, syempre, na kagagalitan siya ni Amara.Mas mabuti nang kagalitan kaysa mawalan ng buhay si Bianca."Umalis ka sa daan."Hindi siya pinadaan ni Briana, pero humakbang si Asher Formento at hinawakan ang
Chapter 705"Amara, parang awa mo na! Baka pwede mong kalimutan muna ang galit mo kahit sandali lang?" pakiusap ulit ni Tomas habang pumapatak ang mga luha. "Buhay ng anak ko ang nakataya rito!""Layas! Umalis ka rito!" sigaw ni Amara habang itinuturo ang pintuan. "Huwag mo akong piliting kalkalin muli ang mga lumang galit sa inyo, dahil ang mayroon lang sa pagitan natin ay mga hindi matapos-tapos na usapin. Ang pagpapakita lang ng mga 'to ay lalo lang magpapatibay sa loob ko at hindi magpapabago ng isip ko kahit kaunti.""Marami sa mga bagay na 'yon ay ginawa ni Tessa, at walang kinalaman si Bianca..." depensa ni Tomas sa mahinang boses."Hindi ba siya ang gumawa ng lason?" galit na putol ni Amara sa kanya. "Hindi ba siya ang nagtago ng gamot? Hindi ba siya ang nagpadala ng killer? Hindi ba siya ang nagbintang sa akin para siraan ako sa publiko at atakehin ako sa internet?""Hindi niya gustong umabot sa ganito..." pilit pa ring pagtatanggol ni Tomas."Tigilan mo na ang pagtatanggol s
Chapter 704Kung hindi pa iyon nabanggit ni Tomas, halos malimutan na iyon ni Amara.Hayaan mong alalahanin niya kung bakit nga ba nagdonasyon ng dugo si Bianca sa kanya noong una...Nagpadala sila ni Tessa ng tao para saksakin siya at lasunin, dahilan upang hindi huminto sa pagdurugo ang kanyang sugat. Sa oras na iyon, lumitaw si Bianca. May gusto ito kay Argus at gustong magpalakas sa kanya, at gusto rin nitong gamitin ang epekto ng lason para pahirapan pa siya nang matagal, kaya lumitaw ito para kunwari ay iligtas siya.Tumingin si Amara kay Tomas na may malamig na ngiti. "So alam mo ba kung bakit niya ako iniligtas noon? At kung bakit kailangan ko ang tulong niya para mailigtas ako?"Halatang walang kaalam-alam si Tomas tungkol dito, at nalaman lang niya kamakailan na nagbigay pala ng dugo si Bianca para iligtas si Amara.Nang makitang yumuko ang mga mata ni Tomas at hindi ito nagsalita, nalaman niyang walang ideya si Tomas kung bakit siya iniligtas ni Bianca noong una.Baka nga i
Chapter 703Ipinikit nang madiin ni Tomas ang kanyang mga mata."Tumigil ka!"Dalawang hakbang pa lang ang naisagawa ni Asher Formento nang huminto siya, habang nakatalikod kay Tomas.Taratantang nakatayo si Briana sa pagitan ng dalawa, nang makita niyang tumayo si Tomas na may matinding pakiramdam ng kawalan ng pag-asa, at mahirap na binigkas ang dalawang salita. "Ako na."Walang silbi kung si Asher Formento ang pupunta; mas maiipit lang si Amara sa sulok. Kung ganoon din lang, mas pipiliin pa ni Tomas na siya na lang mismo ang pumunta."Tito?" tanong ni Briana.Sa huli, hindi pa rin kayang tiisin ni Tomas na panoorin na lang si Bianca habang nakahiga sa loob at naghihintay ng kamatayan.Hindi niya kaya, talagang hindi niya kaya!Pinagmasdan ni Asher Formento si Tomas habang dumadaan ito sa tabi niya. Nanatili siyang nakatayo nang hindi gumagalaw, pero ilang mabibigat na buntong-hininga ang lumabas sa kanyang lalamunan. Sa huli, iniyuko niya ang kanyang ulo, tuluyang nawalan ng lakas
Chapter 249Sa ilalim ng rumaragasang ulan, isang matangkad at matikas na lalaki ang mabilis na lumapit. Halos hindi alintana ang lakas ng patak nang lumuhod siya at marahang pinulot ang nawalan ng malay na si Amara. Walang alinlangan, wala ring isang tingin man lamang sa paligid, agad niya itong k
Chapter 251Nagmadaling lumapit si Ysabel. Bigla na lang siyang dinala pabalik ng Pilipinas ni Carmela.Hindi sinabi ni Carmela kung bakit kailangan siyang pauwiin, ni hindi rin nagbigay ng kahit anong pahiwatig, kaya walang kaalam-alam si Ysabel na alam na ni Argus ang ginawa niyang “kabutihan.”P
Chapter 224“Ikaw!” halos mapasigaw si Ysabel sa kaba. “Nasiraan ka na ba ng ulo? Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamilya De Luca! Gusto mo na bang mamatay?”“Ipapadala ko sa’yo ang address mamaya. Kapag hindi ka dumating, pupunta ulit ako sa bahay ng mga De Luca.”“Hoy, hoy—!”Pero ibinaba na ng
Chapter 230Sa sandaling iyon, inabot ni Fely ang laylayan ng pantalon ni Argus at mahina itong hinawakan.“Daddy… huwag kang umalis, huwag mong iwan ako, pwede ba? Natatakot po ako…”“Ligtas ka na. Ano pa ang kinatatakutan mo?” malamig na tanong ni Argus.“Takot lang po talaga ako. Akala ko po mam







