LOGIN“READY ka na, hon? We’re going home,” nakangiting sabi ni Emil sa asawa. Hinawakan ni Leina ang kamay ni Emil. “I'm ready. Gusto ko na ring makauwi at makalanghap ng sariwang hangin sa labas.” sagot niya. Ngumiti si Emil at marahang inalalayan ang asawa na makabangon mula sa kama. "Dahan-dahan lang," paalala niya. "Ayokong mapagod ka." Napatawa si Leina. "Hon, buntis lang ako. Hindi ako babasaging kristal." "Tama ka," natatawang sagot ni Emil. "Pero pagkatapos ng nangyari, wala na akong balak isugal ang kaligtasan ninyong mag-ina." Napailing na lang si Leina. Kitang-kita niya ang labis na pag-aalala ng asawa. Maya-maya ay pumasok ang nurse na may hawak na discharge papers. "Ma'am Leina, kumpleto na po ang mga papeles ninyo. Maaari na po kayong umuwi. Huwag lang po ninyong kalimutan ang mga gamot at ang schedule ninyo sa follow-up check-up." "Opo. Maraming salamat," nakangiting tugon ni Leina. Tinulungan ni Emil ang asawa na maupo sa wheelchair na inihanda ng ospital. "Hon,
MALAWAK na napangiti si Lea. Kauuwi lang niya sa mansyon dumalaw sa kanyang anak sa ospital. “Ang akala nila siguro ay mahuhuli nila ako. Hindi ako pahuhuli hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko,” usal niya. Bago pa mangyari ang imbestigasyon ay nabayaran na niya ang lahat ng kanyang koneksyon para maging malinis ang naging kalat noong gabing iyon. Marahan siyang naupo sa sofa habang iniikot ang hawak na baso ng alak. "Hindi sapat ang isang pagkakamali para bumagsak ako," mahina niyang sambit sa sarili. Napangisi siya nang maalala ang naging pagdalaw niya kay Leina sa ospital. "Napaniwala ko naman sila. Kahit si Emil, wala siyang magagawa kung wala silang ebidensiya." Humigop siya ng alak bago ipinatong ang baso sa mesa. "Mag-imbestiga sila hangga't gusto nila." Bahagya siyang natawa. "Kapag walang mahanap na ebidensiya, wala rin silang mapapatunayan." Ngunit unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi nang maalala niyang buhay pa rin si Leina at ang dinadala nitong anak
TAHIMIK na tumingin si Leina sa ina. Hindi niya inaasahang dadalawin siya nito. "Nalulungkot ako sa nangyari," sabi ni Lea habang inilalapag ang basket ng prutas at bouquet ng bulaklak sa mesa. "Andito ako nung gabi na naisugod Ka sa ospital. Pasensiya na kung ngayon lang ako nakadalaw sayo, anak." "Salamat po. Hindi na sana kayo nag-abala pa," walang ngiting tugon ni Leina. Napatingin si Emil kay Lea. Halata sa mukha nito na hindi ito natutuwa sa pagdating ng babae, ngunit nanatili siyang kalmado dahil ayaw niyang ma-stress ang asawa. "Okay na po ako. Makakalabas na rin kami rito sa loob ng isa o dalawang araw," sabi ni Leina. "That's good." Ngumiti si Lea. "Mag-ingat ka na lang palagi. Buntis ka, dapat iniingatan mo ang sarili mo. At iyong magnanakaw na ‘yon, humanda siya sa akin kapag nahuli siya." Tumango si Leina. Napabaling ang tingin niya kay Emil. "Ginagawa ni Emil ang lahat para mahuli ang gumawa nun sa akin. Kaya wala na kayong kailangan pa na gawin.” Natahimik si Lea
PANGATLONG araw ni Leina sa ospital, nagkamalay na ito at ligtas na sila ng kaniyang anak sa sinapupunan nito. “Kinabahan ako sayo, hon. Akala ko ay iiwan mo na ako…” sabi ni Emil. Napakunot ang noo ni Leina. “At bakit naman Kita iiwan?” Napabuntong-hininga si Emil bago marahang hinawakan ang kamay ng asawa. "Dahil muntik na kitang mawala sa buhay ko," paos niyang sagot. "Noong dinala ka rito, wala akong ibang ginawa kundi magdasal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyari sa'yo o sa baby natin." Napalambot ang ekspresyon ni Leina. Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak bago muling tumingin kay Emil. "Sorry..." mahina niyang sabi. "Hindi ko sinasadyang ipag-alala ka." Umiling agad si Emil. "Huwag kang humingi ng sorry. Ang mahalaga, ligtas kayong dalawa." Marahan nitong inilapit ang palad sa tiyan ni Leina. "Salamat..." bulong niya. "Salamat dahil lumaban kayong dalawa." Kusang napangiti si Leina. "Buhay na buhay ang baby natin. Nararamdaman ko pa ng
NAPABUNTONG-HININGA si Emil bago marahang tumango. "Kung ganoon, simula sa araw na ito, lahat kayo ay suspendido sa trabaho habang nagpapatuloy ang imbestigasyon." Nagkagulo ang mga kasambahay. "Sir!" "Sir, huwag naman po!" "Please, Sir! Wala po talaga kaming kasalanan!" Sabay-sabay silang nakiusap, ngunit nanatiling matigas ang ekspresyon ni Emil. "Hindi ko sinasabing kayo ang may kasalanan. Pero hindi ko na kayang isugal ang kaligtasan ng asawa at anak ko. Hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan, wala akong mapagkakatiwalaan." Tahimik na napaluha si Minda. Nauunawaan niya ang galit at pag-aalala ng kanyang amo. "Pasensya na po, Sir... Nabigo po namin kayong maprotektahan si Ma'am." Mariing ipinikit ni Emil ang kanyang mga mata. Muling sumagi sa isip niya ang maputlang mukha ni Leina na nakahiga sa kama ng ospital. "Ang tanging gusto ko lang ay makitang ligtas ang asawa at anak ko." Paos niyang Saad Ilang sandali siyang natahimik bago muling tumingin sa head of
UMUWI muna si Emil sa mansyon para makausap si Minda. Gusto niyang malaman kung paano nakapasok ang magnanakaw sa mansyon. Gayong napakahigpit ng security sa buong subdivision. Kumuha ng upuan ang tauhan ni Emil at naupo siya sa harapan ng kanyang mga kasambahay. Gumala ang tingin niya sa dapat na kasambahay ng mansyon. “Ngayon palang umamin na kayo, kung may nalalaman kayo. Ayoko na Hindi pa maging maganda ang kahihinatnan ng pag-uusap nating lahat. All of you are supposed to look after my wife. Protect her and serve her. Pero, anong nangyari? My wife is at the hospital, lying on her bed fighting for her life and our baby.” Tahimik na nagkatinginan ang mga kasambahay. Halatang kinakabahan ang lahat sa seryosong anyo ni Emil. Walang sinuman ang nangahas na magsalita. "Sir... wala po talaga kaming alam," nanginginig na sabi ni Minda. "Hindi po namin pababayaan si Ma'am Leina. Mahal na mahal po namin siya." Mariing tumango si Emil ngunit nanatiling matalim ang kanyang tingin. "Ku
PAGKALIPAS ng dalawang araw, mabilis na inihanda ang mga kailangan na papel nina Emil at Leina para sa kanilang kasal. Nasa loob ng opisina sina Leina, Emil, Vic at si Castro, ang driver ni Emil para maging witness sa kasal. May mga kasambahay ng mansyon at guwardiya. Si Vic lamang ang magkakas
“LEINA…” Umupo siyang mas malapit nang kaunti, pero hindi nakikisiksik. “May isang taong kumontak sa abogado. 'Yong mga taong nagkaso sa mga magulang mo.” Nanlamig ang batok ni Leina. “P-Po? Sino po sila?” Tumango si Emil nang marahan. “Gusto ka nilang makausap. Iyong mga taong naloko raw
PAGLABAS ni Vic at pagsara ng pintuan, bigla pakiramdam ni Leina ay lumamig ang paligid. Kasunod niyon, napahawak siya sa laylayan ng suot niyang palda, hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Hindi siya makatingin ng diretso kay Emil. Takot, naiipit sa sitwasyon niya at nalilito. Unti-unting
DUMATING na si Vic, may dala-dala siyang itim na bag at dumiretso siya sa opisina ni Emil. Pinapasok siya ni Manang Nieves, ang matandang matagal ng katiwala ng mga magulang ni Emil. Inaayos niya ang kanyang polo saka huminga ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Emil. "Come in," sagot n







