LOGINPUMASOK sa loob ng opisina si Leina ng kanyang asawa. Agad tumayo si Emil mula sa kanyang swivel chair at mabilis na nilapitan ang asawa. Nasa loob din ng opisina si Grace, mukhang hinihintay siya. Hinawakan ni Emil sa magkabilang balikat ang asawa at sinipat ang buong katawan ni Leina. Tinitingnan niya kung may galos, scratch ng kuko sa balat, may sugat o kaya’y may pasa ang kanyang asawa. “Okay ka lang ba, hon? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin, magpapatawag ako ng doktor. Ngayon din…” alalang-alala na mga tanong ni Emil. Napangiti si Leina at saka marahang umiling. “Hindi kailangang magpatawag pa ng doktor dahil okay lang ako. Wala akong sugat dahil hindi naman ako nasaktan. Nag-usap lang kami ni Iris.” Marahas na napabuntong-hininga si Emil. Saka niya niyakap nang mahigpit ang asawa na para bang ngayon lamang siya muling nakahinga nang maayos. "Buti na lang..." mahina niyang bulong. Nagulat si Leina sa higpit ng yakap nito. "Hon..." natatawa niyang sambit. "Hindi nam
“PAANO kung sabihin kong, ayoko? May magagawa ka ba? Matapang na mga tanong ni Leina. Napatiim si Iris. “I will do what I want para makuha ko siya!” Nanatiling kalmado si Leina. Hindi siya galit kay Iris. Naiintidihan niya ang nararamdaman nito, dahil babae rin siya. “Iris, walang mali sa nararamdaman mo. I won’t invalidate your feelings, kung galit ka sa akin. Dahil asawa ko na si Emil. Hind natin kailangan na mag-away. We can be friends.” Napairap si Iris. Nakabusangot pa rin ang mukha ng dalaga. "Friends?" mapakla siyang natawa. "Sa tingin mo, kaya kitang maging kaibigan pagkatapos mong agawin ang lalaking mahal ko?" "Hindi ko siya inagaw." "Pero ikaw ang pinili niya!" Tumango si Leina. "Tama ka. Ako ang pinili niya. Pero hindi ko siya pinilit na mahalin ako." Mariing napakuyom ang kamao ni Iris. "Alam mo ba kung gaano kasakit na araw-araw kong nakikita si Sir Emil? Umaasa ako na balang araw mapapansin niya rin ako. Pero isang araw, nalaman ko na lang na may asawa na si
“JUST leave her alone, hon. Ako na lang ang kakausap Kay Iris. Babae sa babae,” matapang na saad ni Leina. Nagulat si Emil. “Are you sure?” Tumango si Leina. “Oo. Huwag kang mag-alala. Walang gagawing masama sa akin si Iris.” Marahas na napabuga nang hangin si Emil. Ayaw niya sana masangkot sa gulo ang kanyang asawa. Pero alam niyang hindi titigil si Iris sa panggugulo kay Leina. “Alright. Ibibigay ko sayo ang desisyong ito. Pero mag-iingat ka,” sabi niya. Ngumiti si Leina at hinalikan bigla si Emil sa pisngi. “Baka gusto mong samahan kita, Ma’am Leina?” tanong ni Grace. Sabay na napatingin ang mag-asawa sa sekretarya ni Emil. Ngumiti si Leina kay Grace at marahang umiling. "Salamat, Grace. Pero gusto kong kami lang ni Iris ang mag-usap." Bahagyang kumunot ang noo ni Grace. "Sigurado po ba kayo? Alam ninyo naman po kung paano siya magsalita." "Hindi ako makikipag-away," mahinahong tugon ni Leina. "Gusto ko lang siyang kausapin at ipaunawa sa kanya na wala kaming dapat pa
“DID you enjoy our lunch?" Tanong ni Emil Kay Leina. Pagkatapos na silang kumain at nasa loob sila ng kotse, pabalik na sila sa kompanya. Higit dalawang oras silang nasa labas. “Oo. Masarap ang food nila.” Sagot ni Leina. “Babalik na tayo sa kompanya,” sabi ni Emil. Inistart niya ang makina at pinahurorot paalis sa harap ng restaurant. Sandaling nakalimutan ni Leina ang problema sa kanyang Mama. Ang malaking hinaharap na sa kanyang buong pagkatao. Kung sino ba talaga siya? Kung totoo ang sekretong naibunyag ng Mama niya sa kanila ni Emil? Tahimik na napatanaw si Leina sa bintana ng sasakyan. Unti-unting napawi ang ngiti sa kanyang mga labi habang muling bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ng kanyang ina. 'Hindi ikaw ang tunay kong anak...' Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may mabigat na kamay na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Napansin iyon ni Emil. "Hon?" malumanay niyang tawag habang saglit na sinulyapan
TUMUNOG ang intercom, at kinuha ni Emil ang receiver. “Sir, what do you want for your lunch?” tanong ni Grace sa kabilang linya. Napatingin si Emil sa kanyang wristwatch, pagkatapos ay napatingin kay Leina na nakaupo sa sopa at nagbabasa ng libro. “No need. We will go to the restaurant.” Sagot niya. “Okay, Sir.” Pagkasabi niyo ay ibinaba na ni Emil ang call. Ibinaba ni Emil ang receiver at lumapit sa asawa. Nakangiti siyang tumayo sa likuran ni Leina at marahang ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. "Hon," malambing niyang tawag. Hindi agad sumagot si Leina. Abala pa rin ito sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya itinaas ang tingin. "Hmm?" Napangiti si Emil. "Let's have lunch outside." Agad na isinara ni Leina ang librong hawak. "Sa restaurant?" tanong niya. Tumango si Emil. "Oo. Gusto kong makalabas naman tayo kahit sandali." Bahagyang kumunot ang noo ni Leina. "Pero paano ang trabaho mo? Baka marami ka pang aasikasuhin." Marahan niyan
NAPABALING ng tingin si Emil sa kanyang asawa. Hinihintay itong magsalita. Para kasing may iba siyang pakiramdam, parang may nangyari na Hindi nito sinasabi sa kanya. “May ginawa na naman ba si Iris?” Usisa niya, ang may niya ay kay Leina pa rin. Napatingin at ngumiti si Leina kay Grace. Saka muling humarap sa asawa. “I better go, Sir Emil. SA labas na lang po muna ako. Tawagin niyo na lang po kapag may kailangan kayo ni Ma’am Leina,” paalam ni Grace. Napatingin sa kanya ang among babae, hinawakan ang kamay niya na nagpapahiwatig ng pasasalamat. Tumango siya para sa tugon saka lumabas na ng opisina ng kanyang amo. Sinusundan ng mata ni Emil ang kanyang sekretarya na palabas na sa kanyang opisina. Biglang hinawakan ni Leina ang kamay niya ikinalingon niya sa kanyang asawa. “Hon, baka pagod ka. Halika na maupo ka muna…” malambing na alok ni Leina kay Emil. Napabuga ng hangin si Emil. “Hon, hindi ‘yan ang gusto kong marinig. Hindi ako pagod, thirty minutes lang itinagal ang meetin
DUMATING na si Vic, may dala-dala siyang itim na bag at dumiretso siya sa opisina ni Emil. Pinapasok siya ni Manang Nieves, ang matandang matagal ng katiwala ng mga magulang ni Emil. Inaayos niya ang kanyang polo saka huminga ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Emil. "Come in," sagot n
PAGKAUWI ni Leina sa apartment ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto. Hindi na siya kumain dahil sa sobrang pagod. Nagring ang phone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bag at inihagis ang bag sa ibabaw ng kanyang kama. "Ma..." sabi niya nang sinagot ang tawag ng ina. "Leina, kailan ka ba uuwi rit
NAKAHARAP si Emil sa bintana habang panay ang kanyang buga ng usok na lumalabas sa kanyang sigarilyo. "It's just ten years ago... I will get what is mine. And I won't stop until I have her," malumanay niyang bulong sa sarili, habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa dilim sa labas. Napatigil s
TAPOS na maligo si Leina at dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng banyo. Nagulat siya na maraming paper bags ang nasa tabi ng kama. "Para kanino po ang lahat ng mga 'yan?" untag niya, na tinuturo ng tingin ang mga paper bags. "For you... I ask my secretary to buy for you," sagot ni Emil. "Na







