Share

Chapter 6: BRACELET

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2025-11-18 18:18:05

HINAWAKAN ni Emil si Leina sa braso at inalalayan na tumayo.

"Ang maigi pa ay dalhin kita sa mansyon. Nang makapaligo ka at makapagbihis ng maayos. Tignan mo nga ang sarili mo," sabi ni Emil at utos sa dalaga.

Napatingin nga si Leina sa kanyang damit habang tumatayo. "Pasensiya na po. Kahit mga damit ko po ay hindi ko naisalba."

"Ang baho mo nga, hija..." sabi ni Emil na natatawa at tinakpan ang ilong. Hindi rin napigilan ni Leina ang matawa. Pero nahiya rin para sa sarili.

“Sobrang gutom ka na siguro…” dagdag ni Emil, pero kahit nakangiti, ramdam ni Leina ang pagsusuri sa bawat galaw niya.

Tumikhim si Emil, saka siya marahang itinulak palabas ng opisina. Hinawakan pa nito ang likod niya. Ramdam ni Leina ang lambot ng kamay ng kanyang Ninong Emil sa kanyang likod, para ba siyang isang mamahaling hiyas na dapat ingatan.

“Halika na. Ayoko nang may makita akong nambabastos sa'yo,” aniya habang binubuksan ang pinto.

Paglabas nila sa hallway, agad na tumahimik ang mga tauhan, halatang ramdam ang tensyon at paggalang kay Emil. Si Leina naman ay yumuko, nahihiya sa mga tingin nilang puno ng pagtataka.

Isang CEO at sikat na bilyonaryo, kasama ang isang pulubing babae.

Naglakad silang dalawa palabas ng gusali, papunta sa sasakyan ni Emil na nakahimpil lamang sa labas.

Lumapit si Emil sa itim na SUV, binuksan niya ang pinto sa passenger seat at tiningnan si Leina mula ulo hanggang paa.

“Sumakay ka na, hija. Doon na tayo mag-usap sa mansyon. Hindi kita matutulungan kung himatayin ka rito sa gutom at pagod.”

Napayuko si Leina. “S-Salamat po, Ninong…”

Pero bago siya tuluyang pumasok, hinawakan ulit ni Emil ang braso niya. Mas mariin na ito ngayon. Napatingin siya dito at nagulat.

Seryosong nakatingin si Emil sa kanya at may halong pag-aalala.

“Leina, simula ngayon, wala ka nang ibang aasahan kundi ako. Lahat nang ginawa ng tao 'yon sa pamilya mo ay hindi ko palalampasin.” aniya sa mababang tono ng boses.

Kinabahan si Leina, pero may kakaibang init sa dibdib niya. Parang may halong takot at pag-asa.

““I’ll make sure you and your family are safe," dagdag pa ni Emil.

“Dadalhin kita sa mansyon… dahil doon ka na titira habang inaayos ko ang kaso ng Papa at Mama mo.”

Nanlaki ang mata ni Leina. “D-doon po ako titira? Sa mansyon n’yo?”

“Bakit? May plano ka bang bumalik sa lansangan?” sagot nito na may bahagyang ngisi.

Natahimik si Leina, nahiya.

“Sumakay ka na,” utos ni Emil, malumanay pero hindi puwedeng tanggihan.

Sumunod si Leina. Pagpasok niya, naamoy niya ang linis ng sasakyan at halos matulala sa lambot ng upuan. Umikot si Emil sa kabilang side, sumakay.

"Ariston, sa mansyon tayo," utos na sabi ni Emil. Tumango lamang ang driver bilang sagot.

Habang umaandar na ang sasakyan palabas ng compound, napatingin si Leina kay Emil. Sa matigas nitong panga, seryosong mukha, at matalim na mga mata.

Napalunok siya.

Parang doon niya lang tunay na naisip. Hindi lang siya basta pino-protektahan ng Ninong niya. Kundi dinala pa siya nito sa mundo niya.

Hindi niya alam kung may asawa na ito. At kung may asawa na ito ay baka magkaproblema pa ang Ninong Emil niya.

Pagtingin niya sa kamay ni Emil na nakarelaks sa ibabaw ng tuhod nito ay bigla siyang nahiya. Para bang hindi siya karapat-dapat maupo roon. Sa tabi ng isang taong kilala sa buong lungsod, iginagalang, at takot lapitan ng iba. Pero ngayon, mag-isa lang silang dalawa sa loob ng mamahaling sasakyan.

Nakita niya kung paano nito siya ipinagtanggol sa taong bumastos sa kanya. Tinanggal pa sa trabaho.

Kumapit si Leina sa laylayan ng damit niya. “N-Ninong… hindi po ba kayo, may asawa na?” tanong niya na halos pabulong.

Bahagyang lumingon si Emil, mabagal, parang pinag-iisipan kung sasagutin ba niya o hindi. Nagtama ang mga mata nila. Napakabigat ng tingin nito, pero hindi galit. May tinatago.

“Wala,” sagot niya, diretso pero mababa ang boses. “Matagal na akong walang asawa.”

Nanginig ang balikat ni Leina. Hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa tono. Parang may ibig sabihin pa iyon, pero hindi niya alam kung ano.

“Bakit mo natanong?” dagdag pa ni Emil.

“Ka-kasi po…” Napayuko si Leina. “Baka po may magalit sa inyo kung uuwi po kayo na may kasama. Tapos, nakita n'yo naman po ang itsura ko. Baka po kung anong isipin niya."

“Kung may asawa ako, hindi kita dadalhin sa opisina ko. At hindi kita dadalhin sa mansyon ko. Hindi rin kita ipagtatanggol nang ganitong klaseng paraan. Naalala mo ba noon ang sinabi ko sa'yo, kasabay ng pagsuot ko ng bracelet sa kamay mo?" sagot ni Emil, nakatingin na sa unahan habang bahagyang napapailing.

Napasinghap si Leina. Malinaw pa sa alala niya ang bracelet na bigay ng kanyang ninong. Napadapo ang tingin niya sa kanyang kamay, suot niya at iniingatan ang bracelet na bigay nito.

Nanatiling tahimik si Leina. Hindi pa rin niya lubos maisip na makikita at makakausap ang kanyang Ninong Emil. Parang kahapon lamang ay halos ipagtabuyan siya sa kompanya nito.

“Leina,” tawag ni Emil, na agad niyang ikinalingon. Tumingin ito saglit sa kanya. Hindi niya alam parang may kung anong hindi niya maipaliwanag sa mga mata nito.

“I’m responsible for you now,” seryoso nitong sabi. “At hindi ko hahayaang ulitin ng kahit sino ang nangyari sa pamilya mo. Tutulungan kitang mabawi ang lahat ng nawala sa'yo."

Napakagat-labi si Leina. Biglang uminit ang mga mata niya, at mabilis niya itong pinahid bago pa mapansin ni Emil.

Pero napansin pa rin. Bumuntong-hininga ito nang mahina.

“Hindi mo kasalanan ang nangyari sa inyo. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo,” dagdag ni Emil. “Hindi mo dapat dinidibdib ang lahat. Dahil wala kang kasalanan. Tandaan mo 'yan, Leina.”

Hindi nakasagot si Leina. Sa unang pagkakataon matapos ang trahedyang sinapit nila, may naramdaman siyang kakaiba. Parang may ligtas na lugar para sa kanya.

Parang nagsisimula nang umalingawngaw sa isip niya ang sinabi nito…

I’ll make sure you and your family are safe." Paninigurado ni Emil.

Pagdating nila sa main gate ng mansyon, kusang bumukas ang malalaking bakal na pinto. Bumungad ang napakalawak na hardin, ilaw, at katahimikang hindi niya akalaing mararanasan pa niya.

Pinagmasdan ni Emil ang reaksyon niya. Iyoung pag-iikot ng mga mata, paghawak niya sa dibdib niya at 'yong bahagyang pagngiti na hindi niya maitatago.

“Welcome to my home, Leina,” masayang sabi ni Emil. Kita ang kasiyahan sa mukha niya dahil sa kanyang matamis na ngiti.

Tila mula nang masira ang mundo niya, parang may bumubuo ulit niyon.

"Ibang-iba po rito sa hacienda namin, Ninong..." humahangang sabi ni Leina habang iniikot ang mga mata sa paligid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 92: BUSOG

    PUMASOK sa loob ng opisina si Leina ng kanyang asawa. Agad tumayo si Emil mula sa kanyang swivel chair at mabilis na nilapitan ang asawa. Nasa loob din ng opisina si Grace, mukhang hinihintay siya. Hinawakan ni Emil sa magkabilang balikat ang asawa at sinipat ang buong katawan ni Leina. Tinitingnan niya kung may galos, scratch ng kuko sa balat, may sugat o kaya’y may pasa ang kanyang asawa. “Okay ka lang ba, hon? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin, magpapatawag ako ng doktor. Ngayon din…” alalang-alala na mga tanong ni Emil. Napangiti si Leina at saka marahang umiling. “Hindi kailangang magpatawag pa ng doktor dahil okay lang ako. Wala akong sugat dahil hindi naman ako nasaktan. Nag-usap lang kami ni Iris.” Marahas na napabuntong-hininga si Emil. Saka niya niyakap nang mahigpit ang asawa na para bang ngayon lamang siya muling nakahinga nang maayos. "Buti na lang..." mahina niyang bulong. Nagulat si Leina sa higpit ng yakap nito. "Hon..." natatawa niyang sambit. "Hindi nam

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 91: KABAITAN

    “PAANO kung sabihin kong, ayoko? May magagawa ka ba? Matapang na mga tanong ni Leina. Napatiim si Iris. “I will do what I want para makuha ko siya!” Nanatiling kalmado si Leina. Hindi siya galit kay Iris. Naiintidihan niya ang nararamdaman nito, dahil babae rin siya. “Iris, walang mali sa nararamdaman mo. I won’t invalidate your feelings, kung galit ka sa akin. Dahil asawa ko na si Emil. Hind natin kailangan na mag-away. We can be friends.” Napairap si Iris. Nakabusangot pa rin ang mukha ng dalaga. "Friends?" mapakla siyang natawa. "Sa tingin mo, kaya kitang maging kaibigan pagkatapos mong agawin ang lalaking mahal ko?" "Hindi ko siya inagaw." "Pero ikaw ang pinili niya!" Tumango si Leina. "Tama ka. Ako ang pinili niya. Pero hindi ko siya pinilit na mahalin ako." Mariing napakuyom ang kamao ni Iris. "Alam mo ba kung gaano kasakit na araw-araw kong nakikita si Sir Emil? Umaasa ako na balang araw mapapansin niya rin ako. Pero isang araw, nalaman ko na lang na may asawa na si

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 90: LAYUAN

    “JUST leave her alone, hon. Ako na lang ang kakausap Kay Iris. Babae sa babae,” matapang na saad ni Leina. Nagulat si Emil. “Are you sure?” Tumango si Leina. “Oo. Huwag kang mag-alala. Walang gagawing masama sa akin si Iris.” Marahas na napabuga nang hangin si Emil. Ayaw niya sana masangkot sa gulo ang kanyang asawa. Pero alam niyang hindi titigil si Iris sa panggugulo kay Leina. “Alright. Ibibigay ko sayo ang desisyong ito. Pero mag-iingat ka,” sabi niya. Ngumiti si Leina at hinalikan bigla si Emil sa pisngi. “Baka gusto mong samahan kita, Ma’am Leina?” tanong ni Grace. Sabay na napatingin ang mag-asawa sa sekretarya ni Emil. Ngumiti si Leina kay Grace at marahang umiling. "Salamat, Grace. Pero gusto kong kami lang ni Iris ang mag-usap." Bahagyang kumunot ang noo ni Grace. "Sigurado po ba kayo? Alam ninyo naman po kung paano siya magsalita." "Hindi ako makikipag-away," mahinahong tugon ni Leina. "Gusto ko lang siyang kausapin at ipaunawa sa kanya na wala kaming dapat pa

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 89: HINDI PAPAYAG

    “DID you enjoy our lunch?" Tanong ni Emil Kay Leina. Pagkatapos na silang kumain at nasa loob sila ng kotse, pabalik na sila sa kompanya. Higit dalawang oras silang nasa labas. “Oo. Masarap ang food nila.” Sagot ni Leina. “Babalik na tayo sa kompanya,” sabi ni Emil. Inistart niya ang makina at pinahurorot paalis sa harap ng restaurant. Sandaling nakalimutan ni Leina ang problema sa kanyang Mama. Ang malaking hinaharap na sa kanyang buong pagkatao. Kung sino ba talaga siya? Kung totoo ang sekretong naibunyag ng Mama niya sa kanila ni Emil? Tahimik na napatanaw si Leina sa bintana ng sasakyan. Unti-unting napawi ang ngiti sa kanyang mga labi habang muling bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ng kanyang ina. 'Hindi ikaw ang tunay kong anak...' Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may mabigat na kamay na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Napansin iyon ni Emil. "Hon?" malumanay niyang tawag habang saglit na sinulyapan

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 88: HABANG NABUBUHAY

    TUMUNOG ang intercom, at kinuha ni Emil ang receiver. “Sir, what do you want for your lunch?” tanong ni Grace sa kabilang linya. Napatingin si Emil sa kanyang wristwatch, pagkatapos ay napatingin kay Leina na nakaupo sa sopa at nagbabasa ng libro. “No need. We will go to the restaurant.” Sagot niya. “Okay, Sir.” Pagkasabi niyo ay ibinaba na ni Emil ang call. Ibinaba ni Emil ang receiver at lumapit sa asawa. Nakangiti siyang tumayo sa likuran ni Leina at marahang ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. "Hon," malambing niyang tawag. Hindi agad sumagot si Leina. Abala pa rin ito sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya itinaas ang tingin. "Hmm?" Napangiti si Emil. "Let's have lunch outside." Agad na isinara ni Leina ang librong hawak. "Sa restaurant?" tanong niya. Tumango si Emil. "Oo. Gusto kong makalabas naman tayo kahit sandali." Bahagyang kumunot ang noo ni Leina. "Pero paano ang trabaho mo? Baka marami ka pang aasikasuhin." Marahan niyan

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 87: HULING PAGKAKATAON

    NAPABALING ng tingin si Emil sa kanyang asawa. Hinihintay itong magsalita. Para kasing may iba siyang pakiramdam, parang may nangyari na Hindi nito sinasabi sa kanya. “May ginawa na naman ba si Iris?” Usisa niya, ang may niya ay kay Leina pa rin. Napatingin at ngumiti si Leina kay Grace. Saka muling humarap sa asawa. “I better go, Sir Emil. SA labas na lang po muna ako. Tawagin niyo na lang po kapag may kailangan kayo ni Ma’am Leina,” paalam ni Grace. Napatingin sa kanya ang among babae, hinawakan ang kamay niya na nagpapahiwatig ng pasasalamat. Tumango siya para sa tugon saka lumabas na ng opisina ng kanyang amo. Sinusundan ng mata ni Emil ang kanyang sekretarya na palabas na sa kanyang opisina. Biglang hinawakan ni Leina ang kamay niya ikinalingon niya sa kanyang asawa. “Hon, baka pagod ka. Halika na maupo ka muna…” malambing na alok ni Leina kay Emil. Napabuga ng hangin si Emil. “Hon, hindi ‘yan ang gusto kong marinig. Hindi ako pagod, thirty minutes lang itinagal ang meetin

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 68: PAALAM

    “IBINABALIK ko na ang lahat ng nakuhang ari arian SA inyo…” Nanlaki ang mga mata ni Lea habang si Leina ay hindi makapaniwala. Mabilis niyang nilapitan ang ina. “Totoo ba ito, Ma?” tanong niya na nagugulat. Napabaling ang tingin ni Lea kay Julian. “Seryoso ba ito? Ibinabalik mo na sa amin ang a

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 67: FOLDER

    NATIGILAN si Leina. Hindi siya nakaimik at nanatiling naghihintay sa sasabihin ng asawa. "Anong ginagawa ng lalaki iyon dito? Sinong kailangan niya?" "E, Sir... hinahanap niya po si Ma'am Leina.." sagot ng katulong. Napabaling ang tingin ni Emil sa kanyang asawa. "H-Hindi ko alam.. wala akong

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 62: CASTOR, PAPA

    "CASTOR! Castor!" Sigaw na tawag ni Lea sa asawa. Niyuyugyog niya ito. Kanina pa niya ito ginigising pero parang hindi na ito gumagalaw. Humagulhol na ng iyak si Lea. Napatayo na siya at mabilis na lumabas ng kuwarto nilang mag-asawa. Nang matapat siya sa pinto ng kuwarto ng anak ay walang alinla

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 1: SIMULA

    WARNING: R-18 Ang story po na ito ay hindi akma sa mga batang mambabasa. Kung medyo maselan po kayo, hindi po akma ang istorya para sa inyo. Maraming salamat po. Ten Years Ago "LEINA, halika rito. May gusto akong ipakilala sa’yo," tawag ng Papa niya. Nakangiting nakatingin lang ang lalaking t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status