LOGIN“CASTOR Valencia…” bulong niya. “Matagal ko na siyang hindi nakakausap. Kilala mo siya, Ineng?"
Marahang napatango si Leina at binalingan na muna ni Emil ang kanyang tauhan na nakayuko ang ulo. "Starting from today, you are fire! Binabastos mo ang dalagang ito. Hindi mo alam, anak siya ng best friend ko!" Madiing sabi niya. Napaangat bigla ng ulo ang lalaki dahil sa pagkabigla. "S-Sorry po, Sir. Huwag n'yo po ako tanggalin sa trabaho. Manganganak po ang asawa ko ngayong buwan..." Matalim na tinignan ni Emil ang kanyang tauhan. "Sana magtanda ka na ngayon. Dinig na dinig ko at nakita ko ang lahat ng ginawa mong pambabastos!" Tila nahiya naman na napatingin ang lalaki kay Leina. Parang nangungusap ang mga mata nito. "H-Hindi na po mauulit, Sir... huwag n'yo po akong tanggalin sa trabaho," sabi ng lalaki na hindi na makatingin ng diretso kay Emil. "Hindi na talaga mauulit dahil last day mo na 'to sa trabaho! Ngayon walang awa-awa sa akin. You are fired!" Lumapit si Emil kay Leina na bahagyang yumuko. “Sige na, hija. Pumasok ka sa loob ng opisina ko at doon natin pag-usapan ang tungkol sa Papa mo." Hindi alam ni Leina kung bakit biglang kinilabutan siya sa titig ng Ninong niya. Pero kahit may kakaibang pakiramdam siyang hindi niya maipaliwanag ay sumunod pa rin siya. Kahit nag-aalangan ang dalaga ay pumasok pa rin siya sa loob ng opisina ng kanyang Ninong Emil. Nahihiya siya na madumihan niya ang malinis na tiles sa loob. Pagpasok niya, agad niyang naamoy ang mabangong halimuyak ng opisina. Amoy kahoy at mamahaling pabango na hindi niya maipaliwanag kung bakit lalo siyang ninerbiyos. Maayos ang lahat, mula sa mga papeles na naka-file hanggang sa malaking mesa ni Emil na parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok. Maingat siyang humakbang, pilit na inaalis sa isip ang kakaibang tensyon na kanina pa kumakapit sa balat niya. “Huwag kang mag-alala kung madumihan mo ang sahig, hija,” mahinahong sabi ni Emil habang dahan-dahang sinasara ang pinto. “Mas importante ka kaysa sa sahig na ‘yan.” Napalunok si Leina. Hindi niya alam kung bakit parang may bigat ang bawat salitang binibitawan nito. Umupo si Emil sa swivel chair niya, saka marahang itinaas ang tingin sa dalaga. Iba ang titig na parang sinusukat siya mula ulo hanggang paa. Napayakap tuloy si Leina sa sarili niyang mga braso, para bang bigla siyang nanlamig. “Hija… ilang taon ka na ngayon?” tanong ni Emil, mababa ang boses at may kakaibang lalim. “T-Twenty five po, Ninong,” sagot niya ni Leina na halos paos. “Dalaga ka na pala. Hindi ka na ‘yong batang nakasampay sa braso ng Papa mo noon.” Umiling si Emil na may bahagyang ngiti. “Si Castor matagal ko siyang hinintay na tawagan ako. Akala ko… pati ikaw ay hindi ko na makikita.” Umupo si Leina sa silyang bahagyang itinuro nito. Nanginginig pa ang tuhod niya. “Ninong… kumusta na po kayo? Andito pp ako dahil kina Papa at Mama. K-kailangan ko po talaga ang tulong ninyo.” Tumigil si Emil. Natahimik saglit. Bakas niya ang takot sa mukha ng dalagang kaharap. Bumaba ang tingin niya sa braso nito. Nagulat siya nang makitang suot pa nito ang bracelet na ibinigay niya, sampong taon na ang nakalipas. “Hija, anong nangyari sa Papa at Mama mo? Bakit ka takot na takot? At ang itsura mo, para kang pulubi sa kalsada." Saglit siyang napatitig sa dalagang kaharap. Sinuyod ni Leina ng tingin ang kanyang kabuuan. Tama naman ang Ninong Emil niya. Para siyang basura sa kanyang itsura. "N-Nakakulong po sina Mama at Papa. Kasalanan po ang lahat... tulungan mo po sila na makalabas sa kulungan..." pakiusap niya na halos mangiyak-ngiyak. Humagulhol ng iyak si Leina. Napayuko siya na itinatago ang pag-iyak. Dahan-dahang tumayo si Emil mula sa kinauupuan niya. Hindi siya agad lumapit—parang pinag-aaralan muna ang bawat pag-iyak ng dalaga, bawat pag-uga ng balikat nito. Ilang segundo ang lumipas bago siya tuluyang lumapit, mabibigat ang hakbang. “Leina…” tawag niya, ngayon ay mas mababa at mas kontrolado ang boses. “Tumingin ka sa akin, hija.” Pero hindi makatingin si Leina. Mahigpit ang kapit niya sa laylayan ng damit niya, nanginginig ang mga kamay habang tuloy-tuloy ang hikbi. Unti-unting lumuhod si Emil sa harap niya. Hindi niya hinawakan si Leina; inilapit niya lang ang sarili sa antas nito. “Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari,” mahinahon pero matatag niyang sabi. “Anong kaso? Paano sila nakulong? At bakit mag-isa kang pumunta rito?” Lalong napahikbi si Leina. Pinunasan niya ang pisngi, pero agad ding napalitan ng panibagong luha. “N-Ninong… wala na po kaming pera. Wala na pong natira sa amin.” Huminto siya, suminghap ng hangin. Para siyang kinakapos ng paghinga dahil sa labis na pag-iyak. “May ipinapirma po kay Papa na papeles. Hindi po namin alam na ang pagpirma ni Papa ay mawawala sa amin ang lahat. “At pumirma naman si Castor?” Umigting ang panga ni Emil. “Anong dokumento ‘yon?” Umiling si Leina, desperado. “Hindi ko po alam na magagawa ito ng taong sobrang pinagkatiwalaan ni Papa at ako. Ninong, naloko po kami ni Papa. Kinuha ng bangko ang bahay at ang hacienda. Tapos… kami pa po ang nakulong…” Napapikit si Emil, halatang pinipigilan ang galit. Nang muli siyang tumingin kay Leina, mas seryoso na ang mga mata, mas matalim. “May kinalaman ba ‘to sa nobyo mo?” Tanong niya mababa ang tono, pero halatang nanginginig ang galit. Nanlaki ang mata ni Leina. “P-Paano n’yo po—” Napakuyom ng kanyang palad si Emil. Sobrang nadudurog ang puso niya ngayong nakikita ang inaanak na umiiyak. “Alam mo, hija, mahirap talaga ang magmahal ng isang tao. Mahirap magtiwala. Ayoko sana na may mangyari sa'yo dahil iningatan kita noong bata ka pa. At iningatan ka ng mga magulang mo." Tumigil siya at bumuntong-hininga, saka tumayo muli. “Hija, hindi ito simpleng kaso. At hindi ka dapat mag-isa na humaharap dito. Wala ba kayong abogado na kinuha?" Seryoso ang mukha ni Emil nang tuluyan siyang tumingin kay Leina. Umiling ang dalaga. "Wala po. Wala nga pong natira sa akin, pinagkasya ko lang po ang natitirang pera ko para lamang makausap ko kayo. Hindi pa rin po ako kumakain simula kagabi." Napasinghap si Emil. Nabalutan siya ng awa para sa kanyang inaanak. “Simula ngayon, ako na ang bahala sa'yo at sa inyong pamilya. Gagawin ko ang lahat para makalabas ng kulungan sina Castor at Lea." Napasinghot si Leina, may takot pa rin sa kanyang dibdib. Pero may kaunting pag-asa. Ang gusto lang niya ay makalabas ang kanyang magulang mula sa kulungan. Pero nadagdagan ang kaba niya nang dahan-dahang lumapit ulit si Emil, ngayon ay nakaharap nang diretso at halos maramdaman niya ang hininga nito. “Leina, pero bago ko iligtas ang pamilya mo…” Bumaba ang tingin nito sandali, saka muling tumingin sa kanya. "Gusto kong makinig ka sa aking mabuti, Leina. Lahat ng sasabihin ko intindihin mong maigi..." Marahang tumango si Leina saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Opo, Ninong Emil. Anuman po ang sabihin n'yo ay intindihin ko. Gusto ko lang po ay mabawi namin ang lahat ng nawala sa amin."NAPABUNTONG-HININGA si Emil bago marahang tumango. "Kung ganoon, simula sa araw na ito, lahat kayo ay suspendido sa trabaho habang nagpapatuloy ang imbestigasyon." Nagkagulo ang mga kasambahay. "Sir!" "Sir, huwag naman po!" "Please, Sir! Wala po talaga kaming kasalanan!" Sabay-sabay silang nakiusap, ngunit nanatiling matigas ang ekspresyon ni Emil. "Hindi ko sinasabing kayo ang may kasalanan. Pero hindi ko na kayang isugal ang kaligtasan ng asawa at anak ko. Hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan, wala akong mapagkakatiwalaan." Tahimik na napaluha si Minda. Nauunawaan niya ang galit at pag-aalala ng kanyang amo. "Pasensya na po, Sir... Nabigo po namin kayong maprotektahan si Ma'am." Mariing ipinikit ni Emil ang kanyang mga mata. Muling sumagi sa isip niya ang maputlang mukha ni Leina na nakahiga sa kama ng ospital. "Ang tanging gusto ko lang ay makitang ligtas ang asawa at anak ko." Paos niyang Saad Ilang sandali siyang natahimik bago muling tumingin sa head of
UMUWI muna si Emil sa mansyon para makausap si Minda. Gusto niyang malaman kung paano nakapasok ang magnanakaw sa mansyon. Gayong napakahigpit ng security sa buong subdivision. Kumuha ng upuan ang tauhan ni Emil at naupo siya sa harapan ng kanyang mga kasambahay. Gumala ang tingin niya sa dapat na kasambahay ng mansyon. “Ngayon palang umamin na kayo, kung may nalalaman kayo. Ayoko na Hindi pa maging maganda ang kahihinatnan ng pag-uusap nating lahat. All of you are supposed to look after my wife. Protect her and serve her. Pero, anong nangyari? My wife is at the hospital, lying on her bed fighting for her life and our baby.” Tahimik na nagkatinginan ang mga kasambahay. Halatang kinakabahan ang lahat sa seryosong anyo ni Emil. Walang sinuman ang nangahas na magsalita. "Sir... wala po talaga kaming alam," nanginginig na sabi ni Minda. "Hindi po namin pababayaan si Ma'am Leina. Mahal na mahal po namin siya." Mariing tumango si Emil ngunit nanatiling matalim ang kanyang tingin. "Ku
MABILIS na pinunasan ni Lea ang kanyang mga luha bago siya tumayo. "Kailangan kong maunahan ang lahat," kinakabahan niyang bulong. Agad siyang bumaba para pumunta sa maid’s quarter. "Hindi puwedeng malaman ni Emil na ako ang nagpalabas sa mga kasambahay. Kapag nagsalita sina Minda, tapos na ako." Mariin siyang napakuyom ng kanyang kamao. "Kailangan kong mapaniwala ang mga iyon na wala silang dapat sabihin." Makalipas ang ilang minuto ay nakarating siya sa kuwarto kung saan pansamantalang namamalagi sina Minda at ang iba pang kasambahay matapos silang pagdesisyunan ni Emil na pauwiin lahat dahil sa nangyari kay Leina. Pagkabukas pa lamang ng pinto ni Minda ay nagulat na ito nang makita si Lea. "M-Ma'am Lea?" "Huwag mo muna akong tanungin. Kailangan kitang makausap." Napansin ni Minda ang namumugto nitong mga mata at ang halatang pagkabalisa. "Pumasok po muna kayo." Pagkapasok ni Lea ay nakita niya ang iba pang kasambahay. Lahat sila ay tahimik at mabibigat ang mukha dahil
NANATILI si Emil sa tabi ni Leina. Hindi niya iniwan ang kanyang asawa. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya parang takot na takot, hindi para sa kanyang buhay kundi para sa buhay ng kanyang mag-ina. Hinawakan niya ang kamay ni Leina at dinala sa kanyang labi, marahan niyang hinalikan ang kamay nito. “I will not forgive anyone by hurting you so much and our little baby in your tummy. Nangangako ako sayo, Leina, ihaharap ko siya sayo. Biglang may kumatok sa pinto. Nilingon iyon ni Emil. “Come in, Grace.” Tumalima agad ang kanyang sekretarya. May dala itong paper bag. “Sir, iniutos po ito ni Sir Victor. Dalhan ko raw po kayo Ng pagkain. Tiyak na Hindi kayo makalabas para bumili ng sarili ninyong food.” Pilit na ngumiti si Emil. “Thanks, Gracw. Pakisabi rin kay Victor, salamat.” Marahang tumango si Grace at napatingin kay Leina. “Kumusta na po si Ma’am Leina?” Napabuntong-hininga si Emil bago siya napatingin sa asawa. "Wala pa rin siyang malay." Nalungkot ang mukha ni Grace
HINDI agad nakapagsalita si Emil. Para bang nawala ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Si Lea ay nanatiling nakatayo at nakikinig lamang sa sinasabi ng doktor. "Doc... ibig sabihin po ba, may pag-asa pa silang dalawa?" halos pabulong niyang tanong. Tumango ang doktor. "Oo. May tibok pa ang puso ng baby at nakontrol na namin ang pagdurugo ni Mrs. Leina. Pero kailangan pa rin naming obserbahan silang mabuti. Hindi pa kami maaaring magbigay ng kasiguraduhan hangga't hindi lumilipas ang susunod na dalawampu't apat na oras." Napapikit si Emil habang tahimik na tumulo ang kanyang mga luha. "Salamat, Doc... Maraming salamat po." "Maaari na ninyo siyang makita sandali, pero huwag ninyo siyang pagurin. Wala pa siyang malay dahil sa gamot." Agad na tumango si Emil at sumunod sa doktor. Pagpasok niya sa silid, bumungad sa kanya si Leina na maputla ang mukha. May nakakabit na dextrose at iba't ibang monitor sa katawan nito. Dahan-dahan niyang nilapitan ang asawa at marahang hinawakan
SA loob ng ambulance, hawak ni Emil ang kamay ng kanyang walang malay na asawa. Naka-dextrose na ito at may oxygen mask na nakakabit. “Please, hon. Huwag niyo akong iiwan ni baby. Lumaban kayo para sa akin…ayokong maiwan mag-isa,” sabi ni Emil na lumuluha ang mata. Mahigpit niyang hinawakan ang malamig na kamay ni Leina habang walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Please, Hon... huwag mo akong iwan." Marahan niyang hinaplos ang likod ng palad nito. "Hindi pa tayo tapos sa mga pangarap natin." Nanginginig ang boses niya. "Hindi pa natin nakikita ang baby natin. Hindi pa natin siya nayayakap." Napatingin siya sa tiyan ng asawa. "Baby... lumaban ka rin, ha? Hinihintay ka na namin ng mommy mo." Tahimik na nagpalitan ng tingin ang mga paramedic habang mabilis na inaasikaso si Leina. Patuloy nilang mino-monitor ang blood pressure at pulso nito. "Sir, please calm down. Ginagawa po namin ang lahat," sabi ng isa sa mga paramedic. Pilit na tumango si Emil, ng
DUMANTAY ang isang kamay ni Leina sa dibdib ni Emil. Napatingin siya sa kanyang asawa. Payapa pa rin ang inosenteng mukha nito habang mahimbing ang tulog. Bumilis ang tibok ng puso niya. May kakaibang init ang dumapo kay Emil. Napahigpit ang paghinga ni Emil. Dahan-dahan siyang napatingin sa kama
SA mansyon, halos madaling araw na nakauwi si Emil galing sa kompanya. Dumiretso siya sa kuwarto nilang mag-asawa. Pagkapasok niya sa loob mg kuwarto ay nadatnan niyang mahimbing na ang tulog ni Leina. Napangiti si Emil. Napakahabang panahon na ang nagdaan, hindi man lang nagbago ang kanyang in
"VIC, ano nang balita sa pinapaasikaso ko sayo? Kailan makakalaya ang mag-asawang Valencia?" Mga tanong ni Emil. Napahinga ng malalim si Vic. Saka seryosong tumingin sa pinsan niya. "Emil, ano ba talaga ang gusto mo at tutulungan mo ang dati mong best friend?" Napatigil si Emil. "Kaibigan ko pa r
KABADO si Leina. Magkakaharap silang dalawa ni Julian. Hindi niya alam kung anong magagawa niya sa dating nobyo dahil sa galit at poot niya. Minahal niyang totoo ang dating nobyo, pero sakit ang naging sukli sa kanya. Sobrang nakakadurog ng ginawa nito sa kanya. Kinuha na ng binata ang kanilang mg







