LOGINNAGLAKAD-LAKAD si Leina. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Wala rin siyang tutuluyan ngayong gabi. Ubos na ang pera niya, na kahit pangkain ay wala siya.
Pumasok siya sa isang eskinita, umaasang makakakita ng kahit anong puwedeng pagtaguan o maupuan man lang. Madilim na ang paligid at malamig na rin ang simoy ng hangin. Napahigpit siya ng yakap sa sarili habang pinagmamasdan ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada. "Anong gagawin ko ngayon?" mahina niyang tanong sa sarili, halos pabulong. Wala na siyang ibang kakilala sa Maynila. Hindi naman siya palakaibigan noong nagtatrabaho pa siya. Ni hindi rin niya alam kung saan magsisimula. Sa bawat hakbang niya ay parang lalong bumibigat ang dibdib niya. Gutom, pagod, takot at lahat na ay sabay-sabay na bumabalot sa kanya. Hanggang sa napansin niyang may maliit na karinderya sa dulo ng kanto. Sarado na ito, pero may bubong sa labas na may upuang kahoy. Doon siya dahan-dahang naupo, pinikit ang mga mata, at huminga nang malalim. “Bukas na lang ulit ako mag-iisip paano ko makakausap si Ninong Emil,” mahina niyang sabi habang tinatabunan ng antok at pagod ang buong katawan. May nakita siyang mahabang upuan na maari niyang tulugan ngayon gabi. Kahit na kumakalam ang kanyang sikmura sa gutom ay pikit-mata na lang siyang natulog. Gagawa na lang siya ng paraan bukas para makadelehensiya siya ng pagkain. Kahit mamalimos na lang siya ay gagawin niya. Wala na siyang pagpipilian para makaraos sa gutom. "Hoy! Gising! Bawal ang matulog dito, miss!" Nagising si Leina sa malakas na sigaw ng isang lalaki. Pupungas-pungas pa siya ng kanyang mata na bumangon. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mata, tila inaaninag ang lalaki dahil nasisilaw siya sa sikat ng araw. "Bawal matulog sa area na 'to. Kung mamalimos ka roon ka sa may mga tindahan doon." Taboy ng lalaki kay Leina. "Sorry po, manong. Napagod po ako sa paglalakad kaya rito na ako nakatulog. Aalis naman po ako. Hayaan mo muna akong makapagpahinga..." pakiusap ni Leina. Kumunot ang noo ng lalaki. "Bawal nga! Hindi ka ba nakakaintindi. Mamaya niyang maabutan ka ng boss ko rito..." asik nito kay Leina. "Saka, hindi mo ba nakikita na nasa harapan ka ng isang sikat na firm? Kaya umalis ka na bago pa kita ipagtabuyan paalis. Sige na! Layas na!" Napilitan na tumayo si Leina, kahit na nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa pagod at gutom. "Pasensiya na po sa abala," hingi niya ng paumanhin habang nakayuko ng ulo. "Okay na. Sige na umalis ka na at mayamaya ay darating na si boss. Mapapagalitan talaga ako nito, e." Kastigo ng lalaki na napapakamot ng kanyang ulo. Dahan-dahan na tumalikod si Leina. Pero bigla rin siyang napalingon nang mabasa ang nakasulat sa taas ng maliit na opisina. "K-Kuya, kanino po ang opisina na 'yan?" turong tanong niya na nanlalaki ang mata. Nilingon ng lalaki ang itinuturo niya. Napangisi ito. "Hindi mo ba alam kung sino ang may-ari niyan?" Nahihiyang tumango-tango si Leina. Pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya. "Kay Mr. Emil Vergara..." sagot nito na ikinagulat ni Leina. "Pero minsan lang siya pumupunta rito. May malaki kasi siyang kompanya, ang Vergara Holdings." Natigilan si Leina. Napatulala siya sa sign board ng opisina. "V-Vergara... E-Emil Vergara ang may-ari nito?" "Ang kulit mo, babae. Ang mabuti pa umalis ka na. Darating na ang boss ko. Dadaan iyon dito para tignan ang mga sales namin." Nanatiling nakatulala si Leina. "Kuya, puwede mo po ba akong tulungan na makausap siya..." pagsusumamo ni Leina, nakakahabag ang kanyang itsura pero wala na siyang pakialam. "Isang kilalang tao ang gusto mong harapin," sabi nito na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Napahawak siya sa kanyang baba at tila may naglalarong ngisi ang pumaskil sa labi ng lalaki. "Pagbibigyan kita, pero... pagbibigyan mo rin ako. Bibigyan pa kita ng pera para makakain ka at makabili man lang ng damit mo." Napayakap si Leina sa sarili. Kahit na hindi direkta ay parang nahuhulaan na niya ang inaalok ng lalaking kaharap. Napatiim siya at matapang ang anyo ni Leina. "Grabe ka, Kuya. Humihingi ako ng tulong sa'yo para makausap ang Ninong Emil ko. Tapos, sasamantalahin mo ang kalagayan ko. Ang bastos mo pa!" Humalakhak ang lalaki ng malakas. "Kilala mo na ang mga katulad mo. Pera lang tapos magpapaawa ka sa amo kong mayaman. Bakit hinahanap mo pa ang wala? E, andito naman ako, Miss. Kaya kong ibigay ang gusto mo." "Sira ulo ka! Manyakis! Hindi ako kagaya ng mga babaeng nakakaharap mo!" Bulyaw niya. "May problema ang pamilya ko, nakakulong ang Papa ko at Mama ko! Kaya gusto kong makausap si Emil Vergara!" "Kunwari ka pa, Miss. Alam ko na gusto mo ang matandang 'yon. Mas bata naman ako. Kaya ako na lang..." Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Leina sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mata ng lalaking kaharap niya. Mariin itong napatiim at marahas na hinaklit ang braso ng dalaga. "Sino ka para sampalin ako?! Umalis ka na! Bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo at makatikim ka!" Labis ang takot ni Leina. Marahas siyang binitawan ng lalaki at tahimik na napaiyak na lamang. "Kuya, pakisabi po kay Mr. Emil na hinahanap ko po siya. Anak po ako ni Castor Valencia. Kung sakali po na magtanong siya. Hindi nila namalayan, may lalaking ilang metro lang ang layo, tahimik na nakatingin sa kanila at nanonood. Bahagyang kumunot ang noo ni Emil. Isang mahabang segundo ang lumipas bago siya sumagot. “Castor… Valencia?” malamig niyang ulit. “Bakit mo ako hinahanap?” Biglang napaharap si Leina sa nagsalita. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang lalaki. Si Ninong Emil niya. Ang presentable ng suot nitong blue suit. Napatayo naman ng tuwid ang lalaking nambastos kay Leina. Nabanaag ito ng takot sa mukha. Nanginig ang labi ni Leina. “N-Nakakulong po sila, Ninong. Inakusahan po sila ng kasong hindi nila ginawa. Pakiusap… tulungan n’yo po sila. Kayo na lang po ang natitirang pag-asa namin…” Tahimik lang si Emil. Ilang segundo siyang tinitigan si Leina bago siya ngumiti. Isang ngiting hindi maipinta kung mabuti o mapanganib.PUMASOK sa loob ng opisina si Leina ng kanyang asawa. Agad tumayo si Emil mula sa kanyang swivel chair at mabilis na nilapitan ang asawa. Nasa loob din ng opisina si Grace, mukhang hinihintay siya. Hinawakan ni Emil sa magkabilang balikat ang asawa at sinipat ang buong katawan ni Leina. Tinitingnan niya kung may galos, scratch ng kuko sa balat, may sugat o kaya’y may pasa ang kanyang asawa. “Okay ka lang ba, hon? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin, magpapatawag ako ng doktor. Ngayon din…” alalang-alala na mga tanong ni Emil. Napangiti si Leina at saka marahang umiling. “Hindi kailangang magpatawag pa ng doktor dahil okay lang ako. Wala akong sugat dahil hindi naman ako nasaktan. Nag-usap lang kami ni Iris.” Marahas na napabuntong-hininga si Emil. Saka niya niyakap nang mahigpit ang asawa na para bang ngayon lamang siya muling nakahinga nang maayos. "Buti na lang..." mahina niyang bulong. Nagulat si Leina sa higpit ng yakap nito. "Hon..." natatawa niyang sambit. "Hindi nam
“PAANO kung sabihin kong, ayoko? May magagawa ka ba? Matapang na mga tanong ni Leina. Napatiim si Iris. “I will do what I want para makuha ko siya!” Nanatiling kalmado si Leina. Hindi siya galit kay Iris. Naiintidihan niya ang nararamdaman nito, dahil babae rin siya. “Iris, walang mali sa nararamdaman mo. I won’t invalidate your feelings, kung galit ka sa akin. Dahil asawa ko na si Emil. Hind natin kailangan na mag-away. We can be friends.” Napairap si Iris. Nakabusangot pa rin ang mukha ng dalaga. "Friends?" mapakla siyang natawa. "Sa tingin mo, kaya kitang maging kaibigan pagkatapos mong agawin ang lalaking mahal ko?" "Hindi ko siya inagaw." "Pero ikaw ang pinili niya!" Tumango si Leina. "Tama ka. Ako ang pinili niya. Pero hindi ko siya pinilit na mahalin ako." Mariing napakuyom ang kamao ni Iris. "Alam mo ba kung gaano kasakit na araw-araw kong nakikita si Sir Emil? Umaasa ako na balang araw mapapansin niya rin ako. Pero isang araw, nalaman ko na lang na may asawa na si
“JUST leave her alone, hon. Ako na lang ang kakausap Kay Iris. Babae sa babae,” matapang na saad ni Leina. Nagulat si Emil. “Are you sure?” Tumango si Leina. “Oo. Huwag kang mag-alala. Walang gagawing masama sa akin si Iris.” Marahas na napabuga nang hangin si Emil. Ayaw niya sana masangkot sa gulo ang kanyang asawa. Pero alam niyang hindi titigil si Iris sa panggugulo kay Leina. “Alright. Ibibigay ko sayo ang desisyong ito. Pero mag-iingat ka,” sabi niya. Ngumiti si Leina at hinalikan bigla si Emil sa pisngi. “Baka gusto mong samahan kita, Ma’am Leina?” tanong ni Grace. Sabay na napatingin ang mag-asawa sa sekretarya ni Emil. Ngumiti si Leina kay Grace at marahang umiling. "Salamat, Grace. Pero gusto kong kami lang ni Iris ang mag-usap." Bahagyang kumunot ang noo ni Grace. "Sigurado po ba kayo? Alam ninyo naman po kung paano siya magsalita." "Hindi ako makikipag-away," mahinahong tugon ni Leina. "Gusto ko lang siyang kausapin at ipaunawa sa kanya na wala kaming dapat pa
“DID you enjoy our lunch?" Tanong ni Emil Kay Leina. Pagkatapos na silang kumain at nasa loob sila ng kotse, pabalik na sila sa kompanya. Higit dalawang oras silang nasa labas. “Oo. Masarap ang food nila.” Sagot ni Leina. “Babalik na tayo sa kompanya,” sabi ni Emil. Inistart niya ang makina at pinahurorot paalis sa harap ng restaurant. Sandaling nakalimutan ni Leina ang problema sa kanyang Mama. Ang malaking hinaharap na sa kanyang buong pagkatao. Kung sino ba talaga siya? Kung totoo ang sekretong naibunyag ng Mama niya sa kanila ni Emil? Tahimik na napatanaw si Leina sa bintana ng sasakyan. Unti-unting napawi ang ngiti sa kanyang mga labi habang muling bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ng kanyang ina. 'Hindi ikaw ang tunay kong anak...' Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may mabigat na kamay na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Napansin iyon ni Emil. "Hon?" malumanay niyang tawag habang saglit na sinulyapan
TUMUNOG ang intercom, at kinuha ni Emil ang receiver. “Sir, what do you want for your lunch?” tanong ni Grace sa kabilang linya. Napatingin si Emil sa kanyang wristwatch, pagkatapos ay napatingin kay Leina na nakaupo sa sopa at nagbabasa ng libro. “No need. We will go to the restaurant.” Sagot niya. “Okay, Sir.” Pagkasabi niyo ay ibinaba na ni Emil ang call. Ibinaba ni Emil ang receiver at lumapit sa asawa. Nakangiti siyang tumayo sa likuran ni Leina at marahang ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. "Hon," malambing niyang tawag. Hindi agad sumagot si Leina. Abala pa rin ito sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya itinaas ang tingin. "Hmm?" Napangiti si Emil. "Let's have lunch outside." Agad na isinara ni Leina ang librong hawak. "Sa restaurant?" tanong niya. Tumango si Emil. "Oo. Gusto kong makalabas naman tayo kahit sandali." Bahagyang kumunot ang noo ni Leina. "Pero paano ang trabaho mo? Baka marami ka pang aasikasuhin." Marahan niyan
NAPABALING ng tingin si Emil sa kanyang asawa. Hinihintay itong magsalita. Para kasing may iba siyang pakiramdam, parang may nangyari na Hindi nito sinasabi sa kanya. “May ginawa na naman ba si Iris?” Usisa niya, ang may niya ay kay Leina pa rin. Napatingin at ngumiti si Leina kay Grace. Saka muling humarap sa asawa. “I better go, Sir Emil. SA labas na lang po muna ako. Tawagin niyo na lang po kapag may kailangan kayo ni Ma’am Leina,” paalam ni Grace. Napatingin sa kanya ang among babae, hinawakan ang kamay niya na nagpapahiwatig ng pasasalamat. Tumango siya para sa tugon saka lumabas na ng opisina ng kanyang amo. Sinusundan ng mata ni Emil ang kanyang sekretarya na palabas na sa kanyang opisina. Biglang hinawakan ni Leina ang kamay niya ikinalingon niya sa kanyang asawa. “Hon, baka pagod ka. Halika na maupo ka muna…” malambing na alok ni Leina kay Emil. Napabuga ng hangin si Emil. “Hon, hindi ‘yan ang gusto kong marinig. Hindi ako pagod, thirty minutes lang itinagal ang meetin
NATIGILAN si Leina. Hindi siya nakaimik at nanatiling naghihintay sa sasabihin ng asawa. "Anong ginagawa ng lalaki iyon dito? Sinong kailangan niya?" "E, Sir... hinahanap niya po si Ma'am Leina.." sagot ng katulong. Napabaling ang tingin ni Emil sa kanyang asawa. "H-Hindi ko alam.. wala akong
"CASTOR! Castor!" Sigaw na tawag ni Lea sa asawa. Niyuyugyog niya ito. Kanina pa niya ito ginigising pero parang hindi na ito gumagalaw. Humagulhol na ng iyak si Lea. Napatayo na siya at mabilis na lumabas ng kuwarto nilang mag-asawa. Nang matapat siya sa pinto ng kuwarto ng anak ay walang alinla
NAKAHAWAK si Leina sa balikat ni Emil habang hinahayaan nitong dampian ng halik ang kanyang panga. Dahan‑dahang bumaba ang mga halik nito patungo sa kanyang leeg, kung saan marahan nitong kinagat at hinaplos ang malambot na balat doon. Napasinghap siya nang mahina habang marahang sinisipsip ni Emi
SUMAPIT ang gabi, umuwi si Emil na gabing-gabi na. Ayaw niyang muling maalala ang kanyang pagkakasalang nagawa. Nakokonsensiya na nagawa niyang tugunin ang pang-aakit ni Lea sa kanya. Buti na lang hindi pa siya umaabot puntong may mangyayari sa kanila. Napigilan pa niya ang sarili nang makita ang m







![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)