Share

Chapter 3: Manila

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2025-11-18 16:56:21

PAGDATING ni Leina sa Manila ay sinalubong siya ng init at ingay ng siyudad. Hindi na siya sanay. Sanay siya sa tahimik na probinsya, sa amoy ng lupa at sa tunog ng hangin sa mga taniman nila. Pero ngayon, puro busina at usok ang paligid.

Sa totoo lang hindi niya alam kung saan siya matutulog mamayang gabi. Wala nang natira sa pera niya. Hindi pa nga siya nakakapagpalit ng kanyang damit. Para na siyang pulubi sa kanyang itsura. Ang libag ng kanyang damit. Halos ilagan nga siya ng makakasabay sa paglalakad.

Huminto siya sandali sa tapat ng terminal, napalinga sa paligid.

Emil Vergara, 17th Floor, Vergara Holdings, Makati City. Iyon ang tanda niyang sinabi ng Papa niya.

Napalunok siya. Hindi man siya sigurado pero sana ay matulungan sila ni Ninong Emil…

Kahit hindi siya sigurado ay sumakay siya ng jeep, papuntang Makati. At nang makarating sa Makati ay doon na siya nagsimulang magtanong-tanong kung saan niya makikita ang Vergara Holdings.

Bumaba na agad si Leina nang jeep ng makarating siya sa Makati. Kahit paano ay tanda pa niya.

Tumigil siya sa harap ng napakataas na gusali ng Vergara Holdings.malaki, makintab.

Nakakahiya ang ayos nita. Naka-sandals lang siya at lumang dress, ngunit pinilit niyang lakasan ang loob.

Pagpasok niya sa lobby, agad siyang hinarang ng guard.

“Miss, saan ka pupunta?” tanong nito.

“K-Kay Mr. Emil Vergara po. Ninong ko po siya,” sagot niya, medyo garalgal ang boses.

Tiningnan siya ng guard mula ulo hanggang paa, halatang nagdududa. “May appointment ka ba, miss?”

Umiling siya. “W-Wala po. Pero importante po ito. Kailangan ko po siyang makausap, please…”

"Lumabas ka na, Miss. Bawal magsolicit dito." Taboy ng guwardiya kay Leina. Nilapitan nito ang dalaga at hinawakan sa braso.

Napaatras naman si Leina. Takot ang namayani sa kanya habang nakatingin ng masama sa kanya ang guwardiya.

"H-Hindi po ako magsosolicit. Kailangan ko lang po makausap si Ninong Emil..."

Napatiim ang lalaki at hinila palabas si Leina. Marahas niya itong binitawan na kamuntikan pang ikinasubsob ni Leina sa semento.

"Sinabi ko na, Miss, kailangan mo ng appointment bago mo makausap ang boss ko! Ako ang pagagalitan sa ginagawa mo..." reklamo ng guwardiya.

Nangingilid ang luha ni Leina. Pinagtitiningan na siya ng mga tao sa labas.

"S-Sorry po..."

"Sige na, umalis ka na!" Asik ng guwardiya.

Nakayukong tumalikod si Leina at dahan-dahang naglakad paalis sa gusali ng Vergara Holdings.

Biglang bumukas ang elevator at lumabas ang isang lalaki matangkad, naka-itim na suit, at may malamig na titig. Napatigil ang lahat. Lumingon ito sa direksyon ng guwardiya.

“Anong nangyayari rito?” tanong ng lalaki, malamig ang boses.

“Sir Emil, sabi po nitong babae, Ninong daw po kayo,” sabi ng guard.

Biglang nanigas si Emil. "Ninong? Nasaan ang babaeng sinasabi mo?" Mga tanong niya, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Hinanap ng kanyang mga mata ang babaeng sinasabi ng guwardiya.

"Sir, the client is on the way now. Baka po malate tayo..." singit na sabat ng sekretarya ni Emil.

Napatigil si Emil at bumaling ng tingin sa kanyang sekretarya.

"Let's go, Sir Vergara..." sabi pa ng sekretarya niya.

Napabuntong-hininga siya saka naunang lumabas ng building.

Si Emil Vergara ay isang kilalang bilyonaryo na may matatag na pangalan sa larangan ng negosyo. Sa edad na apatnapu’t lima, nananatili siyang binata. Hindi dahil sa kakulangan ng oportunidad, kundi dahil sa sariling kagustuhan. Mas gusto niyang ituon ang kanyang isip sa kanyang negosyo kaya siguro napaglipasan na siya ng panahon.

Pero ang totoo ay may isang babae siyang hinihintay.

Habang si Leina nagtatago sa isang gilid. "Siya… siya si Ninong Emil ko?" Nasambit niyang tanong. Hindi siya makapaniwalang makakadaupang-palad niya agad ang kanyang hinahanap.

Dahan-dahan siyang lumapit. Pero pilit naman itong inilalayo ng guard.

“N-Ninong Emil… ako po si Leina Valencia. Anak po nina Castor at Lea Valencia.”

Ngunit hindi siya narinig ni Emil. Nakalabas na ito ng pinto at nagmamadali nang sumakay sa itim na sasakyang naghihintay sa tapat ng gusali.

“Ninong Emil!” sigaw ni Leina, sabay takbo ng mabilis palabas. Tumalon pa siya sa kalsada, halos masagasaan ng paparating na kotse. Ngunit huli na, paalis na ang kotseng sinasakyan ng kanyang Ninong.

Hinabol niya ito, hawak ang laylayan ng lumang dress niya. “Ninong! Ako po si Leina!” muli niyang sigaw, halos punit na ang boses.

Hindi na siya pinansin ng mga guwardiya na ngayon ay pinagtatawanan pa rin siya.

“Miss, hindi ka ba talaga titigil? Gusto mo na naman atang ipatapon kita.. o baka naman gusto mo na ipaaresto kita! Sige, tatawa ako ng pulis!"

Pero hindi tumigil si Leina. Kahit tumitirik ang araw at nanlilimahid na siya sa pawis, tumatakbo pa rin siya sa kalsada, sinusundan ng tingin ang sasakyang papalayo. Hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya.

Huminto siya, hingal na hingal. Napaupo sa gilid ng bangketa, pinunasan ang pawis at luha gamit ang maruming palad.

“Ninong Emil…” mahinang bulong niya, halos wala nang lakas ang boses. "Kailangan ko po ang tulong ninyo."

Naisandal ni Leina ang likod sa pader at napadako ang tingin ni Leina sa kanyang bracelet. Hinawakan niya iyon.

“Hindi ako susuko. Babalik ako, sa susunod titiyakin kong makakausap ko na si Ninong. Para kina Mama at Papa…”

Tumayo siya, pilit na pinatatag ang loob. Muli niyang sinulyapan ang mataas na gusali ng Vergara Holdings.

May pangako siya sa Mama at Papa niya na uuwi siya sa probinsya na kasama si Ninong Emil niya para ilabas sila sa kulungan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 92: BUSOG

    PUMASOK sa loob ng opisina si Leina ng kanyang asawa. Agad tumayo si Emil mula sa kanyang swivel chair at mabilis na nilapitan ang asawa. Nasa loob din ng opisina si Grace, mukhang hinihintay siya. Hinawakan ni Emil sa magkabilang balikat ang asawa at sinipat ang buong katawan ni Leina. Tinitingnan niya kung may galos, scratch ng kuko sa balat, may sugat o kaya’y may pasa ang kanyang asawa. “Okay ka lang ba, hon? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin, magpapatawag ako ng doktor. Ngayon din…” alalang-alala na mga tanong ni Emil. Napangiti si Leina at saka marahang umiling. “Hindi kailangang magpatawag pa ng doktor dahil okay lang ako. Wala akong sugat dahil hindi naman ako nasaktan. Nag-usap lang kami ni Iris.” Marahas na napabuntong-hininga si Emil. Saka niya niyakap nang mahigpit ang asawa na para bang ngayon lamang siya muling nakahinga nang maayos. "Buti na lang..." mahina niyang bulong. Nagulat si Leina sa higpit ng yakap nito. "Hon..." natatawa niyang sambit. "Hindi nam

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 91: KABAITAN

    “PAANO kung sabihin kong, ayoko? May magagawa ka ba? Matapang na mga tanong ni Leina. Napatiim si Iris. “I will do what I want para makuha ko siya!” Nanatiling kalmado si Leina. Hindi siya galit kay Iris. Naiintidihan niya ang nararamdaman nito, dahil babae rin siya. “Iris, walang mali sa nararamdaman mo. I won’t invalidate your feelings, kung galit ka sa akin. Dahil asawa ko na si Emil. Hind natin kailangan na mag-away. We can be friends.” Napairap si Iris. Nakabusangot pa rin ang mukha ng dalaga. "Friends?" mapakla siyang natawa. "Sa tingin mo, kaya kitang maging kaibigan pagkatapos mong agawin ang lalaking mahal ko?" "Hindi ko siya inagaw." "Pero ikaw ang pinili niya!" Tumango si Leina. "Tama ka. Ako ang pinili niya. Pero hindi ko siya pinilit na mahalin ako." Mariing napakuyom ang kamao ni Iris. "Alam mo ba kung gaano kasakit na araw-araw kong nakikita si Sir Emil? Umaasa ako na balang araw mapapansin niya rin ako. Pero isang araw, nalaman ko na lang na may asawa na si

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 90: LAYUAN

    “JUST leave her alone, hon. Ako na lang ang kakausap Kay Iris. Babae sa babae,” matapang na saad ni Leina. Nagulat si Emil. “Are you sure?” Tumango si Leina. “Oo. Huwag kang mag-alala. Walang gagawing masama sa akin si Iris.” Marahas na napabuga nang hangin si Emil. Ayaw niya sana masangkot sa gulo ang kanyang asawa. Pero alam niyang hindi titigil si Iris sa panggugulo kay Leina. “Alright. Ibibigay ko sayo ang desisyong ito. Pero mag-iingat ka,” sabi niya. Ngumiti si Leina at hinalikan bigla si Emil sa pisngi. “Baka gusto mong samahan kita, Ma’am Leina?” tanong ni Grace. Sabay na napatingin ang mag-asawa sa sekretarya ni Emil. Ngumiti si Leina kay Grace at marahang umiling. "Salamat, Grace. Pero gusto kong kami lang ni Iris ang mag-usap." Bahagyang kumunot ang noo ni Grace. "Sigurado po ba kayo? Alam ninyo naman po kung paano siya magsalita." "Hindi ako makikipag-away," mahinahong tugon ni Leina. "Gusto ko lang siyang kausapin at ipaunawa sa kanya na wala kaming dapat pa

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 89: HINDI PAPAYAG

    “DID you enjoy our lunch?" Tanong ni Emil Kay Leina. Pagkatapos na silang kumain at nasa loob sila ng kotse, pabalik na sila sa kompanya. Higit dalawang oras silang nasa labas. “Oo. Masarap ang food nila.” Sagot ni Leina. “Babalik na tayo sa kompanya,” sabi ni Emil. Inistart niya ang makina at pinahurorot paalis sa harap ng restaurant. Sandaling nakalimutan ni Leina ang problema sa kanyang Mama. Ang malaking hinaharap na sa kanyang buong pagkatao. Kung sino ba talaga siya? Kung totoo ang sekretong naibunyag ng Mama niya sa kanila ni Emil? Tahimik na napatanaw si Leina sa bintana ng sasakyan. Unti-unting napawi ang ngiti sa kanyang mga labi habang muling bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ng kanyang ina. 'Hindi ikaw ang tunay kong anak...' Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may mabigat na kamay na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Napansin iyon ni Emil. "Hon?" malumanay niyang tawag habang saglit na sinulyapan

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 88: HABANG NABUBUHAY

    TUMUNOG ang intercom, at kinuha ni Emil ang receiver. “Sir, what do you want for your lunch?” tanong ni Grace sa kabilang linya. Napatingin si Emil sa kanyang wristwatch, pagkatapos ay napatingin kay Leina na nakaupo sa sopa at nagbabasa ng libro. “No need. We will go to the restaurant.” Sagot niya. “Okay, Sir.” Pagkasabi niyo ay ibinaba na ni Emil ang call. Ibinaba ni Emil ang receiver at lumapit sa asawa. Nakangiti siyang tumayo sa likuran ni Leina at marahang ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. "Hon," malambing niyang tawag. Hindi agad sumagot si Leina. Abala pa rin ito sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya itinaas ang tingin. "Hmm?" Napangiti si Emil. "Let's have lunch outside." Agad na isinara ni Leina ang librong hawak. "Sa restaurant?" tanong niya. Tumango si Emil. "Oo. Gusto kong makalabas naman tayo kahit sandali." Bahagyang kumunot ang noo ni Leina. "Pero paano ang trabaho mo? Baka marami ka pang aasikasuhin." Marahan niyan

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 87: HULING PAGKAKATAON

    NAPABALING ng tingin si Emil sa kanyang asawa. Hinihintay itong magsalita. Para kasing may iba siyang pakiramdam, parang may nangyari na Hindi nito sinasabi sa kanya. “May ginawa na naman ba si Iris?” Usisa niya, ang may niya ay kay Leina pa rin. Napatingin at ngumiti si Leina kay Grace. Saka muling humarap sa asawa. “I better go, Sir Emil. SA labas na lang po muna ako. Tawagin niyo na lang po kapag may kailangan kayo ni Ma’am Leina,” paalam ni Grace. Napatingin sa kanya ang among babae, hinawakan ang kamay niya na nagpapahiwatig ng pasasalamat. Tumango siya para sa tugon saka lumabas na ng opisina ng kanyang amo. Sinusundan ng mata ni Emil ang kanyang sekretarya na palabas na sa kanyang opisina. Biglang hinawakan ni Leina ang kamay niya ikinalingon niya sa kanyang asawa. “Hon, baka pagod ka. Halika na maupo ka muna…” malambing na alok ni Leina kay Emil. Napabuga ng hangin si Emil. “Hon, hindi ‘yan ang gusto kong marinig. Hindi ako pagod, thirty minutes lang itinagal ang meetin

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 32: LIHIM NA NAKATAGOO

    SA mansyon, halos madaling araw na nakauwi si Emil galing sa kompanya. Dumiretso siya sa kuwarto nilang mag-asawa. Pagkapasok niya sa loob mg kuwarto ay nadatnan niyang mahimbing na ang tulog ni Leina. Napangiti si Emil. Napakahabang panahon na ang nagdaan, hindi man lang nagbago ang kanyang in

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 31: ILALABAS KO SILA

    "VIC, ano nang balita sa pinapaasikaso ko sayo? Kailan makakalaya ang mag-asawang Valencia?" Mga tanong ni Emil. Napahinga ng malalim si Vic. Saka seryosong tumingin sa pinsan niya. "Emil, ano ba talaga ang gusto mo at tutulungan mo ang dati mong best friend?" Napatigil si Emil. "Kaibigan ko pa r

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 29: PAGHAHARAP

    KABADO si Leina. Magkakaharap silang dalawa ni Julian. Hindi niya alam kung anong magagawa niya sa dating nobyo dahil sa galit at poot niya. Minahal niyang totoo ang dating nobyo, pero sakit ang naging sukli sa kanya. Sobrang nakakadurog ng ginawa nito sa kanya. Kinuha na ng binata ang kanilang mg

  • UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG   Chapter 28: BUONG KATOTOHANAN

    "TAMA ka, Leina. May kinalaman nga ang ex-boyfriend mo sa pagkakakulong ng mga magulang mo," sabi ni Emil. Napayuko si Leina, “Siya ang sumira sa buhay ko. Kaya nawala sa amin ang lahat ay dahil sa kanya,” mahina ngunit puno ng pait na sabi ni Leina. Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mga kamay.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status