LOGINPresent Day
Ten Years Later WALANG tigil ang paghagulhol ni Leina habang nakatingin sa kanyang mga magulang na nasa loob ng kulangan. "Pa, ipinapangako ko po sa inyo na ilalabas ko kayo ni Mama rito... hindi ko po kayo kayang makita na nasa ganyang kalagayan..." pangakong sabi ni Leina habang nakahawak sa rehas. Yakap ni Castor ang asawang si Lea na panay din ang iyak. Hindi nila inaasahan na mangyayari ito. Nagulat na lamang sila na biglang may pumuntang mga pulis sa bahay nila at ipinakita ang arrest warrant. Nagulat din siyang kasama niya ang asawa. Mahina na ang katawan ni Lea para maranasan ang makulong. "Anak... Leina, puntahan mo ang Ninong mo sa Maynila. Sabihin mo na nakakulong kami ng Mama mo. Ang Ninong mo na lang tanging pag-asa para makalaya kami ni Lea." "H-Ho?" sabi ni Leina. "Saan ko po siya makikita. Pa?" "May booklet ako sa drawer ko. Kunin mo 'yon... andoon ang address ni Emil," sagot ni Castor. Napayuko si Leina. "P-Pa, wala na po tayong bahay... kinuha na po ng bangko ang bahay natin. Pati po ang hacienda..." amin niya. Alam niyang guguho ang mundo ng Papa niya ngayong nalaman na nawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan. "Ha?! Bakit? Wala naman akong naalalang utang ko sa bangko para kunin nila ang lahat ng 'yon!" Pagalit na tanong ni Castor. Nagtataka siya na naremata ng bangko ang bahay at ang kanilang hacienda. Dugo't pawis ang naging puhunan niya para mapalago ang kaniyang mga hacienda. "P-Papa, sorry. P-apatawarin po ninyo ako. K-Kasalanan ko po ang lahat." Nanlaki ang mga mata ni Castor at Lea habang nakatinging sa kaisa-isang anak nila na nakayuko at patuloy na umiiyak. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lea. Nilapitan niya ang anak at hinawakan ang kamay nito na nakakapit sa malamig na bakal ng rehas. "Hayaan mo na, Leina. Mababawi pa naman natin ang hacienda at ang bahay natin. Basta makalabas kami ng Papa mo rito. Patutunayan naming mali ang ibinibintang nila sa amin..." Wala na ang magandang reputasyon ng mga Valencia. Sa isang iglap naglaho lahat ng kanilang pinaghirapan. Nanlaki ang mga mata ni Leina, at ramdam niya ang bigat sa dibdib. Ngunit sa kabila ng takot at lungkot, ramdam niya ang determinasyon na kailangang gawin ang lahat para sa kanyang mga magulang. Huminga siya ng malalim, pinipilit patahimikin ang iyak. "M-Mama, Pa… pipilitin ko pong makita ang Ninong sa Manila. H-Hahanapin ko po siya at pagkatapos ay pupuntahan namin kayo," sabi niya. Ngunit bago siya tuluyang makalabas, bumulong si Lea sa kanya, halata ang pangamba sa kanyang boses. "Leina… mag-ingat ka ha. Hindi mo alam kung gaano kalala ang sitwasyon dahil sa mga nangyari." Ngunit mabilis siyang naputol ni Castor, mahigpit na hinawakan ang balikat ng anak. "Kailangan mong makausap ang Ninong mo. Kung hindi mo gagawin ito, sino pa ang makakatulong sa atin? Ang tanda ko lang ay ang pangalan ng kompanya niya sa Makati. Vergara Holdings. Subukan mo lang hanapin ang kompanya niya..." Dahan-dahan, napawi ang takot ni Leina. Kahit paano ay mayroon na siyang puwedeng ipagtanong pagdating niya sa Manila. Hinaplos ng mag-asawa ang kamay ni Leina sa huling pagkakataon at ngumiti sa kabila ng mga luha. "S-Sige po, Pa at Mama. Ipapangako kong gagawin ko ang lahat para makalabas kayo dito. Babalik po ako," sabi niya. At tumalikod, matatag na naglakad palayo. Pinupunasan ni Leina ang kanyang mga luha. Parang dinudurog ang puso niya na maiwan ang magulang niyang nakakulong. Hindi ito ang inaasahan niya. Ang gusto lang niya ay ang maging masaya ang mga ito. Pero siya pa pala ang magbibigay ng kabiguan sa kanila. Habang lumalayo si Leina, tinitingnan ni Castor at Lea ang kanilang anak, ramdam ang halo ng pangamba at pag-asa. Nangangamba sila sa kung ano ang mangyayari sa kanilang kaisa-isang anak ngayon na pareho silang mag-asawa na nakakulong. Nagtiwala sila. Pinagkatiwalaan nila ang isang taong hindi naman dapat na maging parte ng kanilang pamilya. Napayuko si Castor, sana noon pa ay napigilan niya si Leina na pagkatiwalaan ang lalaking 'yon. Nagsisisi siya na kahit alam niyang walang maibubuti ang anak niya sa pagkamabutihan ay hinayaan niya. Nalunod sa pagmamahal si Leina. Sinunod ang puso kaya ganito ang nangyari sa kanilang pamilya. Huli na para magsisi. Ang nais na lang ni Castor ay ang matulungan sila ni Emil para tuluyang makalaya. At mabawi ang lahat ng nawala sa kanila. Habang naglalakad palabas ng presinto si Leina, nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya sa bawat hakbang, pero hindi siya puwedeng huminto. Hindi siya puwedeng umatras. Kailangan niyang makarating ng Maynila. Nang makasakay siya ng bus papuntang Maynila, pinikit niya ang mga mata. Wala siyang dalang kahit anong gamit, ni pera man lang ay halos wala paubos na. Pero buo ang loob niya, kailangan niyang hanapin si Ninong Emil. Siya na lang ang natitirang pag-asa ng pamilya nila. Hindi na niya tanda ang mukha ng kanyang Ninong Emil. Sampong taon ang nakakaraan noong una at huling nakita niya ito ng personal. Wala siyang matandaan tungkol dito, maliban na lang sa bracelet na ibinigay nito sa kanya. Na hanggang ngayon ay suot pa niya sa kanyang kamay.PUMASOK sa loob ng opisina si Leina ng kanyang asawa. Agad tumayo si Emil mula sa kanyang swivel chair at mabilis na nilapitan ang asawa. Nasa loob din ng opisina si Grace, mukhang hinihintay siya. Hinawakan ni Emil sa magkabilang balikat ang asawa at sinipat ang buong katawan ni Leina. Tinitingnan niya kung may galos, scratch ng kuko sa balat, may sugat o kaya’y may pasa ang kanyang asawa. “Okay ka lang ba, hon? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin, magpapatawag ako ng doktor. Ngayon din…” alalang-alala na mga tanong ni Emil. Napangiti si Leina at saka marahang umiling. “Hindi kailangang magpatawag pa ng doktor dahil okay lang ako. Wala akong sugat dahil hindi naman ako nasaktan. Nag-usap lang kami ni Iris.” Marahas na napabuntong-hininga si Emil. Saka niya niyakap nang mahigpit ang asawa na para bang ngayon lamang siya muling nakahinga nang maayos. "Buti na lang..." mahina niyang bulong. Nagulat si Leina sa higpit ng yakap nito. "Hon..." natatawa niyang sambit. "Hindi nam
“PAANO kung sabihin kong, ayoko? May magagawa ka ba? Matapang na mga tanong ni Leina. Napatiim si Iris. “I will do what I want para makuha ko siya!” Nanatiling kalmado si Leina. Hindi siya galit kay Iris. Naiintidihan niya ang nararamdaman nito, dahil babae rin siya. “Iris, walang mali sa nararamdaman mo. I won’t invalidate your feelings, kung galit ka sa akin. Dahil asawa ko na si Emil. Hind natin kailangan na mag-away. We can be friends.” Napairap si Iris. Nakabusangot pa rin ang mukha ng dalaga. "Friends?" mapakla siyang natawa. "Sa tingin mo, kaya kitang maging kaibigan pagkatapos mong agawin ang lalaking mahal ko?" "Hindi ko siya inagaw." "Pero ikaw ang pinili niya!" Tumango si Leina. "Tama ka. Ako ang pinili niya. Pero hindi ko siya pinilit na mahalin ako." Mariing napakuyom ang kamao ni Iris. "Alam mo ba kung gaano kasakit na araw-araw kong nakikita si Sir Emil? Umaasa ako na balang araw mapapansin niya rin ako. Pero isang araw, nalaman ko na lang na may asawa na si
“JUST leave her alone, hon. Ako na lang ang kakausap Kay Iris. Babae sa babae,” matapang na saad ni Leina. Nagulat si Emil. “Are you sure?” Tumango si Leina. “Oo. Huwag kang mag-alala. Walang gagawing masama sa akin si Iris.” Marahas na napabuga nang hangin si Emil. Ayaw niya sana masangkot sa gulo ang kanyang asawa. Pero alam niyang hindi titigil si Iris sa panggugulo kay Leina. “Alright. Ibibigay ko sayo ang desisyong ito. Pero mag-iingat ka,” sabi niya. Ngumiti si Leina at hinalikan bigla si Emil sa pisngi. “Baka gusto mong samahan kita, Ma’am Leina?” tanong ni Grace. Sabay na napatingin ang mag-asawa sa sekretarya ni Emil. Ngumiti si Leina kay Grace at marahang umiling. "Salamat, Grace. Pero gusto kong kami lang ni Iris ang mag-usap." Bahagyang kumunot ang noo ni Grace. "Sigurado po ba kayo? Alam ninyo naman po kung paano siya magsalita." "Hindi ako makikipag-away," mahinahong tugon ni Leina. "Gusto ko lang siyang kausapin at ipaunawa sa kanya na wala kaming dapat pa
“DID you enjoy our lunch?" Tanong ni Emil Kay Leina. Pagkatapos na silang kumain at nasa loob sila ng kotse, pabalik na sila sa kompanya. Higit dalawang oras silang nasa labas. “Oo. Masarap ang food nila.” Sagot ni Leina. “Babalik na tayo sa kompanya,” sabi ni Emil. Inistart niya ang makina at pinahurorot paalis sa harap ng restaurant. Sandaling nakalimutan ni Leina ang problema sa kanyang Mama. Ang malaking hinaharap na sa kanyang buong pagkatao. Kung sino ba talaga siya? Kung totoo ang sekretong naibunyag ng Mama niya sa kanila ni Emil? Tahimik na napatanaw si Leina sa bintana ng sasakyan. Unti-unting napawi ang ngiti sa kanyang mga labi habang muling bumabalik sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ng kanyang ina. 'Hindi ikaw ang tunay kong anak...' Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may mabigat na kamay na unti-unting sumisikip sa kanyang dibdib. Napansin iyon ni Emil. "Hon?" malumanay niyang tawag habang saglit na sinulyapan
TUMUNOG ang intercom, at kinuha ni Emil ang receiver. “Sir, what do you want for your lunch?” tanong ni Grace sa kabilang linya. Napatingin si Emil sa kanyang wristwatch, pagkatapos ay napatingin kay Leina na nakaupo sa sopa at nagbabasa ng libro. “No need. We will go to the restaurant.” Sagot niya. “Okay, Sir.” Pagkasabi niyo ay ibinaba na ni Emil ang call. Ibinaba ni Emil ang receiver at lumapit sa asawa. Nakangiti siyang tumayo sa likuran ni Leina at marahang ipinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. "Hon," malambing niyang tawag. Hindi agad sumagot si Leina. Abala pa rin ito sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya itinaas ang tingin. "Hmm?" Napangiti si Emil. "Let's have lunch outside." Agad na isinara ni Leina ang librong hawak. "Sa restaurant?" tanong niya. Tumango si Emil. "Oo. Gusto kong makalabas naman tayo kahit sandali." Bahagyang kumunot ang noo ni Leina. "Pero paano ang trabaho mo? Baka marami ka pang aasikasuhin." Marahan niyan
NAPABALING ng tingin si Emil sa kanyang asawa. Hinihintay itong magsalita. Para kasing may iba siyang pakiramdam, parang may nangyari na Hindi nito sinasabi sa kanya. “May ginawa na naman ba si Iris?” Usisa niya, ang may niya ay kay Leina pa rin. Napatingin at ngumiti si Leina kay Grace. Saka muling humarap sa asawa. “I better go, Sir Emil. SA labas na lang po muna ako. Tawagin niyo na lang po kapag may kailangan kayo ni Ma’am Leina,” paalam ni Grace. Napatingin sa kanya ang among babae, hinawakan ang kamay niya na nagpapahiwatig ng pasasalamat. Tumango siya para sa tugon saka lumabas na ng opisina ng kanyang amo. Sinusundan ng mata ni Emil ang kanyang sekretarya na palabas na sa kanyang opisina. Biglang hinawakan ni Leina ang kamay niya ikinalingon niya sa kanyang asawa. “Hon, baka pagod ka. Halika na maupo ka muna…” malambing na alok ni Leina kay Emil. Napabuga ng hangin si Emil. “Hon, hindi ‘yan ang gusto kong marinig. Hindi ako pagod, thirty minutes lang itinagal ang meetin
MATIIM na nakatingin lang si Lea sa mag-asawa. Sa isip-isip niya ay maswerte ang kanyang anak dahil si Emil ang napangasawa nito. Tahimik lamang si Lea habang pinagmamasdan ang dalawa. Sa kabila ng kanyang mahigpit na anyo, may kung anong init ang dahan-dahang bumabalot sa kanyang puso. Matiim
"MAMA, anong niluluto niyo po?" tanong ni Leina. Napahinto si Leina sa kanyang pagluluto. "Ipinagluluto ko ang Papa mo ng paborito niyang sinigang sa miso." Nagningning ang mga mata ni Leina. "Paborito rin po 'yan ni Emil." Wala pa siyang masyadong alam tungkol sa asawa. "Ah, oo. Pareho kasi
"MARAMING salamat, Emil," masayang sabi ni Castor sa kaibigan, napabaling siya kay Leina at hinawakan ang kamay. "Naalagaan mo itong nag-iisa naming kayamanan." Tumango si Emil. "Alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa aming mag-asawa, makalabas sa kulungan... hindi kami nagkamali ng nilapitan
UMUPO si Emil at inilawan ang maliit na ilaw sa gilid ng kanilang kama. Tinitigan niya ang mukha ng asawa, at sa unang tingin pa lang ay alam na niya na may malalim na bumabagabag dito. “Dapat ako ang magtanong niyan sa’yo,” malambing ngunit seryosong sabi nito. “Kanina pa kita pinapanood. Hindi k







