Share

Chapter 7 - Worth

Author: Ms_inkerbell
last update publish date: 2026-07-01 14:15:58

Mariing pinisil ni Elara ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik.

"Nadine, ikaw ang magsalita,” may diin ma sani ni Sven. Agad namang nagmukhang kawawa si Nadine, umarteng siya ang dehado.

"Sven, huwag mong sisihin si Elara Sisihin mo na lang ako. Wala akong silbi. Gusto ko lang sanang tumayo, pero napagtanto kong hindi ko talaga kaya," naiiyak na sabi pa nito.

“Talaga ba?” Tumingin si Sven kay Elara na nanatili pa ring tahimik. Pagkatapos ay bumaling si Sven kay Nadine..

“Hindi pa magaling ang mga binti mo. Maayos kang nakaupo kanina, bakit bigla mong gustong tumayo?”

Kaagad na nagpanggap na naiiyak si Fang Qinglian.

“Pasensya ka na, Sven. Dahil kasi… Dahil sobrang sa emosyonal ko. Sinabi kasi ni Elara na hindi niya babanggitin kay Lolo ang tungkol sa diborsyo. Mas gugustuhin pa raw niyang mamatay kaysa hiwalayan ka.”

“Huwag mo akong siraan! Kailan ko sinabi iyon?” galit na tutol agad ni Elara na bakas ang galit sa kanyang mga mata. Ngayon lang naging ganoon katapang at direkta si Elara sa harap ni Sven.

“Hindi mo sinabi?” malamig na tanong ni Sven.

“Kung ayaw mong maniwala, maaari akong pumunta ngayon din kay Lolo at sabihin ang tungkol sa diborsyo.”

Ibinuka ni Nanxi ang kanyang mga kamay na parang walang pakialam. Kinusot ni Sven ang kanyang sentido at napabuntong-hininga.

“Nadine, alam kong gusto mong matapos agad ito at makipagdiborsyo ako. Pero hindi ba't nagkasundo tayo? Hindi maganda ang kalagayan ni Lolo ngayon. Pagkatapos na lang ng kaarawan niya natin pag-uusapan ang diborsyo. “Kung hindi ka makapaghintay kahit ilang araw lang, pasensya ka, pero sa pagitan mo at ni Lolo, si Lolo ang pipiliin ko.” Biglang kinabahan si Nadine sa sinabing iyon ni Sven.

Hinawakan niya ang manggas ni Sven nang may pagsusumamo. “Pasensya ka na, Sven. Hindi ko sinasadya. Masyado lang akong nag-aalala. Natatakot akong maging komplikado ang lahat. Natatakot akong hindi mo na gustuhing makipagdiborsyo. At higit sa lahat, natatakot akong iwan mo ako," habang nagsasalita, bigla niyang niyakap si Sven. Lumaki ang mga mata ni Elara.

Sa kalagitnaan ng araw at sa harap pa niya, niyayakap ng kabit ang kanyang asawa nang walang kahihiyan.

Bubuka na sana ang kanyang bibig nang isang malamig na boses ang biglang umalingawngaw.

“Talagang pababa nang pababa ang mundo. Mula kailan naging napakalakas ng loob ng isang kabit na yumakap sa asawa ng iba at magmukhang siya pa ang tama?”

Pamilyar ang boses na iyon.

Paglingon ni Elara, narinig niyang nagsalita si Sven.

“Mom, what are you doing here?"

"Bakit? Hindi ba ako puwedeng pumunta rito?”

Nag-iikot lang ako sa mall at may nakita akong kahindik-hindik na eksena. Akala ko kung sino ang dapat kong pagalitan, pero sarili ko palang anak!”

Matalim na sabi ni Serra.

“Mom, hindi kasalanan ni Nadine. Hindi niya sinasadya at—”

Hindi pa natatapos si Sven nang putulin siya ni Serra.

“Kung hindi niya kasalanan, e 'di sa iyo ang kasalanan. May asawa ka na pero nakayakap ka sa ibang babae. Nahihiya akong tingnan ka. At huwag mong sabihing anak kita.” Matagal nang galit si Serra sa mga kabit.

“At ikaw, ilayo mo ang mga kamay mo. Kapag nakita kitang yumayakap sa ibang babae bukod sa asawa mo, huwag ka nang umuwi sa bahay ng pamilya Peligrino. Nakakahiya ka!" Direkta, matalim, at walang paligoy-ligoy ang bawat salita ni Serra.

Bawat isa ay tumatama sa mismong punto.

Nakatayo si Elara sa gilid habang tulala.

Sa sandaling iyon, gusto niyang magwagayway ng bandila at isigaw: “Napakagaling ng biyenan ko!”

Gayunpaman, nagulat pa rin siya.

Mula nang magpakasal sila ni Sven, bihira silang bumalik sa mansyon ng pamilya Peligrino. Kapag umuuwi man sila, para lamang bisitahin ang kanyang lolo.

At tungkol naman sa kanyang biyenan, ilang beses lang silang nagkita. Sa alaala ni Elara, malamig at seryoso si Serra.

Bihira itong makipag-usap sa kanya at parang hindi siya gusto.

Kaya lagi niyang iniisip: “Normal lang iyon. Isang mayamang babae si Mama. Siguro gusto niya ng manugang na galing din sa mayamang pamilya, elegante at edukada. Paanong magkakagusto siya sa isang tulad kong ordinaryong babae?”

Dahil doon, hindi siya kailanman lumapit kay Serra kung hindi siya nito kinakausap. Pero ngayon, hindi niya inakalang ipagtatanggol siya nito nang ganito.

Minsan talaga, may taong kayang patahimikin ang isa pang tao. At para kay Nadine, tila si Serra ang katapat niya.

Mahigpit na kinuyom ni Nadineang kanyang mga kamao. “Tita, tama po kayo. Nagkamali ako at sumobra ako at wala sa lugar.

“Alam mo na pala ang mali mo, pero ginawa mo pa rin!" Hindi nagbago ang ekspresyon ni Serra

“Kakabalik ko lang. Narinig kong inagahan ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo kaya gusto ko sanang maghanda ng regalo para sa kanya. Alam ni Sven ang mga gusto ni Lolo kaya isinama ko siya. Huwag po ninyo siyang sisihin.”

“Isang napakagandang araw ng pahinga ang sinayang niya sa pagsama sa ibang babae imbes na sa asawa niya.”

“Siyempre sisisihin ko kita! At isa pa…”

Matalim niyang tiningnan si Nadine. "Wala akong natatandaang inimbitahan ka ng aking ama. Huwag ka nang bumili ng regalo dahil hindi mo rin iyon maibibigay.”

“Mom, tama na. Ako ang nag-imbita sa kanya.”

Hindi napigilan ni Sven na magsalita.

"Tumahimik ka!" Isang tingin lang ni Serra ay napatahimik nito si Sven.

"Tatay ko ang may kaarawan, hindi ikaw. Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang magdesisyon para sa kanya? Kung gusto mong mag-imbita ng bisita, hintayin mong ikaw naman ang mag-80 anyos!"

Namutla si Nadine.. Halos mawalan siya ng kulay sa mukha.

Ngunit ngumiti lamang si Serra. “Ang mga gusto ng ama ko ay pawang mamahaling koleksiyon. Kahit may pera ang pamilya Falcon, hindi pa rin iyon maihahambing sa pamilya Peligrino.”

“Tita, huwag po kayong mag-alala. Kahit hindi na tulad ng dati ang pamilya Falcon , kaya pa rin naming bumili ng regalo.”

“Talaga ba?” Malamig na ngumiti si Serra.

“Naniniwala naman ako. Kahit bumagsak na ang pamilya Falcon may natitira pa rin naman silang yaman. Pero sa pagkakaalam ko, mas paborito ngayon ng pamilya ninyo ang nakababata mong kapatid na si Nadia. At dahil wala nang silbi ang mga binti mo at hindi ka na makakasayaw, bumaba rin ang katayuan mo sa pamilya. Sa tingin ko nga wala ka nang gaanong allowance. Sa halip na gastusin mo iyon sa walang saysay na regalo, mas mabuti pang itabi mo para sa sarili mo. Paano kung hindi ka bayaran ng pamilya Fang pagkatapos mong gumastos? Hindi ka ba magugutom? O baka naman balak mong si Sven ang pagbayarin?”

Pagkatapos ng mahabang sermon ni Serra pakiramdam ni Ealra ay para siyang nanonood ng isang napakasayang palabas.

Halos mapalakpak siya sa tuwa.

Hindi na nakayanan ni Nadine ang mga narinigula sa ina ni Sven. “Auntie, nirerespeto ko kayo kaya lagi akong magalang sa inyo. Pero sobra na po ang mga sinabi ninyo. Kahit bumagsak na ang pamilya Falcon at wala akong allowance, mas mabuti pa rin ako kaysa sa pamilya ni Elara. Ang pamilya ni Elara ay walang kahit isang kusing. Umaasa lang sila sa pera ng pamilya Peligrino– at siya?" hinanakit ni sabi ni Nadine.

“Paano siya makakabili ng regalo?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 10 - Bleeding

    Nairita si Sven sa tatlong sunod-sunod na tanong ng kayang ina. Niluwagan niya ang kanyang kurbata at kalmadong sinabi, “Mom, wala namang problema kay Elara. Hindi tulad ng iniisip mo!" “Walang problema?! Pinilit ni Serra na pakalmahin ang sarili bago muling tumingin sa anak. “Hindi pa alam ng lolo mo ang tungkol dito. Kapag nalaman niya ito, magpasalamat ka kung makaligtas ka sa galit niya. Kaya mag-ingat ka, at huwag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip mo! Kung gusto mong itago ang bagay na ito, siguraduhin mong maitatago mo nang maayos. Mahina na ang kalusugan ng lolo mo ngayon kumpara noon. Kapag may nangyari sa kanya dahil dito, kahit anak pa kita, mananagot ka! Huwag mong isipin na dahil si Elara ang nagbanggit ng diborsyo ay papayag na kami! Kalimutan mo na ang ideyang iyan. Anak kita, kaya kilalang-kilala kita!" galit na galit na si Serra, ang akalang makakapagtimpi pa sa anak ay naubos. “Ang babaeng si Nadine ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Noon, umalis siya na

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 9 - Compared

    Matapos magsuka nang ilang beses, saka lamang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ni Elara. Huminga siya nang malalim, naghugas ng mukha, inayos ang kanyang makeup, at saka lumabas. “Mom, pasensya na po at nakita ninyo ako sa ganoong kalagayan. Medyo nawalan po ako ng kontrol kanina,” nahihiyang sabi ni Elara habang nakatingin kay Serra na nakaupo sa sofa. Ngumiti lamang si Serra. “Ayos lang.” Pagkatapos ay sinenyasan niya si Elara na maupo. Agad naman itong umupo sa tabi niya nang maingat. Dahil sa kaba, halos lumundag palabas ng dibdib niya ang kanyang puso. Hindi rin maayos ang kanyang paghinga. Ngunit higit sa lahat, ang pinakakinatatakutan niya ay ang tanungin siya ng kanyang biyenan tungkol sa kanyang pagsusuka. At tila sadyang pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa sumunod na sandali, narinig niya ang tinig ni Serra. “Ano ba ang nangyari kanina? Nakita kitang nagsuka nang marami. Gusto mo bang magpatingin tayo sa ospital?” Napatili sa isip si Elara! 'Diyos ko! It

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 8 - Grand child

    Napangisi ng nakakaloko si Serra nang may pangungutya. Anong pagkukunwari iyan.Sayang lang dahil sa harapan niya, isa lamang itong payaso.“Si Elara ang asawa ni Sven at miyembro ng pamilya. Ano ang karapatan mong ikumpara ang sarili mo sa kanya?” Tila sampal iyon sa mukha ni Nadine. "Natural lang na gastusin niya ang pera ni Sven. Hindi lang pera ng asawa niya, kun 'di maging ang buong yaman ng pamilya Peligrino ay maaari niyang gastusin kung gugustuhin niya." Pakiramdam ni Nadine ay sobrang liit niya. Gano'n ang ipinaparamdam sa kanya ng ina ni Sven mula noon–hanggang ngayon! "At tungkol naman sa regalo, kahit isang dahon lang ang ibigay niya kay Lolo, ituturing iyon nitong kayamanan. Pero kahit gintong dahon pa ang ibigay mo, hindi ka niya pahahalagahan. Pinapahiya mo lang ang sarili mo!" Bubuka pa lamang sana ang bibig ni Nadine nang hawakan ni Sven ang kanyang pulso at binigyan ng makahulugang tingin si Elara. Labis ang sakit na nararamdaman ni Elara sa sandaling iyon. Tila

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 7 - Worth

    Mariing pinisil ni Elara ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik."Nadine, ikaw ang magsalita,” may diin ma sani ni Sven. Agad namang nagmukhang kawawa si Nadine, umarteng siya ang dehado. "Sven, huwag mong sisihin si Elara Sisihin mo na lang ako. Wala akong silbi. Gusto ko lang sanang tumayo, pero napagtanto kong hindi ko talaga kaya," naiiyak na sabi pa nito. “Talaga ba?” Tumingin si Sven kay Elara na nanatili pa ring tahimik. Pagkatapos ay bumaling si Sven kay Nadine..“Hindi pa magaling ang mga binti mo. Maayos kang nakaupo kanina, bakit bigla mong gustong tumayo?”Kaagad na nagpanggap na naiiyak si Fang Qinglian.“Pasensya ka na, Sven. Dahil kasi… Dahil sobrang sa emosyonal ko. Sinabi kasi ni Elara na hindi niya babanggitin kay Lolo ang tungkol sa diborsyo. Mas gugustuhin pa raw niyang mamatay kaysa hiwalayan ka.”“Huwag mo akong siraan! Kailan ko sinabi iyon?” galit na tutol agad ni Elara na bakas ang galit sa kanyang mga mata. Ngayon lang naging ganoon katapang at direkt

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 6 - Lies

    “Ano' ng sinabi mo?” Hindi makapaniwala si Elara. Nanginig ang buong katawan niya nang hindi mapigilan at bigla siyang nilamig.Parang may malamig na hangin na gumapang mula sa kanyang gulugod papunta sa bawat bahagi ng kanyang katawan, dahilan upang manginig siya nang tuluyan.Maraming taon na ang nakalipas, tinanong siya ng kanyang lolo.“Apo, kung gusto ni Sven na makasama ka at pakasalan ka, papayag ka ba?” tanong ng abuelo habang nag-uusap silang dalawa noon. “Lolo, kusa ba niyang gagawin iyon?” tanong ni Elara. Noon pa man ay alam na niyang mahal ni Sven si Nadine, kaya iyon ang una niyang itinanong.Sinabi niya sa sarili na kung pinipilit lamang ito ng kanyang lolo, hinding-hindi siya papayag. Ayaw niyang itali si Sven sa isang kasal na hindi nito gusto.Ayaw niyang makuha ang lalaki sa ganoong paraan.“Baliw na bata. Napakatigas ng ulo ni Sven. Kung ayaw niya, sa tingin mo ba mapipilit ko siya?” ani pa ng abuelo niya.Dahil sa hindi na mapigilan ni Elara ang dila at kating

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 5 - Protect by him

    “Elara–”Hindi pa natatapos si Sven sa pagsasalita nang biglang magpreno ang driver at sa sandaling iyon ay tumilapon si Elara diretso sa mga bisig ni Sven at panandaliang lumabo ang kanyang paningin.Buti na lamang at agad siya nitong sinalo at pinrotektahan ang kanyang ulo gamit ang kamay. Kung hindi, malamang na nabagok siya nang malakas.“Pasensya na po, Sir” paulit-ulit na paghingi ng tawad ng driver.“Mag-ingat ka sa pagmamaneho,” malamig na sabi ni Sven bago muling bumaling kay Elara.“Sino ang nagsabing gamitin mo ang tonong iyan?”“Asawa, ikaw naman ang nagsabing magmakaawa ako sa ’yo,” matamis at malambing na sagot ni Elara. Sa dami ng taon nilang magkasama, halos ngayon lang siya nagpakita ng pagiging malambing kay Sven.Noon, lagi siyang nag-aalala na baka hindi nito magustuhan, o isipin nitong maarte siya, kaya lagi niyang pinipigilan ang sarili.Ngunit ngayon, dahil alam niyang magdidiborsyo na rin sila, naging mas matapang siya.Tutal, kahit hindi nito magustuhan, huli

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status