LOGINHabang patuloy si Ephraim sa pag-aayos ng mga gamit namin, bigla siyang natigilan nang buksan niya ang pinaka-ilalim na bahagi ng aking maleta. May kinuha siyang isang piraso ng tela na kulay itim. Nang iangat niya ito, nanlaki ang kanyang mga mata at dahan-dahang gumuhit ang isang pilyong ngisi sa kanyang mukha.Iyon ang swimsuit na pinilit sa akin ni Chantal na bilhin bago kami umalis. Halos luwa na ang buong likod noon at napakababa ng hiwa sa harap. Hindi ko nga alam kung may balak ba talaga akong isuot iyon."Aba, Attorney..." nakangiting untag ni Ephraim habang iwinawayway ang swimsuit sa hangin. "Mukhang may balak kang guluhin ang tibok ng puso ko rito sa Maldives ah. Ang liit naman ng telang ito, parang panyo lang. Sigurado ka bang swimsuit ito o baka naman piring sa mata?""Hoy! Ibalik mo nga 'yan!" sigaw ko sa matinding hiya.Agad akong tumalon mula sa aking kama at marahas na hinablot ang swimsuit mula sa kanyang kamay. Mabilis ko itong itinago sa likod ko habang pakiramdam
Matapos ang halos tatlumpung minuto na pagsakay sa speed boat, sa wakas ay narating din namin ang resort. Para kaming pumasok sa isang paraiso. Ang buhangin ay kasingputi ng pulbos, at ang tubig-dagat ay napakalinaw na kulay asul. Kung sa ibang pagkakataon siguro ito nangyari, baka nagtatatalon na ako sa tuwa. Pero sa ngayon, ang iniisip ko lang ay kung paano ko matatakasan ang mga malulupit na hirit ng CEO sa tabi ko.Pagdating namin sa front desk ng resort para kunin ang aming mga susi, doon na kami sinalubong ng isang hindi inaasahang problema."What? There are only three rooms left vacant?" gulat na tanong ni Chantal sa receptionist."Yes, ma'am. We ran into a minor issue with our booking system because it's peak season right now. But there's no need to worry—the three remaining rooms are our largest overwater villas, built directly above the water." magalang na paliwanag ng staff ng resort.Nagkatinginan kaming lahat. Awtomatikong napunta ang atensyon ng buong grupo sa akin at k
Sa halip na sa Disneyland kami magtungo gaya ng unang plano, nagulat na lang kami nang lumapag ang eroplano at dumiretso kami sa Maldives. Mas pinili ng mga lalaki ang isang pribado at tahimik na resort. Hindi ako nagtanong kaagad habang nasa loob ng eroplano dahil sa antok, pero nang palabas na kami ng airport at naramdaman ang simoy ng dagat, bakas sa mukha namin ni Chantal ang matinding pagtataka."Anong nangyari? Bakit Maldives agad ang binagsakan natin?" bulong ko kay Chantal habang naglalakad kami sa terminal."Hindi ko rin alam, nagulat na lang din ako paggising ko," tugon niya, habang inililibot ang paningin sa paligid.Nasa unahan namin sina Jeremiah at Lionel. Agad kong napansin kung paano alagaan ni Lionel si Eli na ngayon ay nakaupo sa isang wheelchair. Dalawang buwan pa lang ang tiyan ni Eli, pero ang pag-iingat ni Lionel sa kanya ay tila ba manganganak na ito bukas. Dahan-dahan ang pagtulak niya sa wheelchair, at tuwing may munting lubak sa sahig ay humihinto muna siya p
Habang nasa loob kami ng private plane, ramdam na ramdam ang init ng pagmamahalan sa paligid. Sa unahan, magkakatabi sa upuan ang mga mag-asawa. Nakasandal si Eli sa dibdib ni Lionel habang dahan-dahang hinahaplos ng lalaki ang buhok ng asawa na may kasamang mga pabulong na lambingan. Sa kabilang banda naman, abala si Jeremiah sa pagpapakain ng prutas kay Chantal, na tawa nang tawa sa bawat biro ng asawa nito. Masayang-masaya sila.Samantalang ako, nasa isang solo na upuan sa likod, tahimik na nakatitig sa kawalan.Subalit hindi hinayaan ni Ephraim na mainggit ako o mag-isa. Biglang may isang makapal at malambot na kumot ang yumakap sa aking balat. Paglingon ko, si Ephraim iyon, seryosong inaayos ang pagkakatakip ng kumot sa aking balikat."Baka nilalamig ang Leila ko at kailangan mo ng kayakap. Pero dahil bawal pa akong yumakap, ikinuha muna kita ng kumot," nakangiti niyang sabi, bago naupo sa bakanteng upuan sa aking tabi. Inilapag niya ang isang tasa sa aking harapan. "Ito naman, d
"OMG!" masayang-masaya kaming nagyakap nina Chantal at Eli nang magkita-kita kami sa airport.Nauna sila nang kaunti sa amin. At gaya nga ng ipinangako ni Ephraim, siya na ang nag-asikaso ng lahat ng papeles, ticket, at bagahe para sa akin. Wala na talaga akong naging problema kundi ang ihakbang ang mga paa ko. Habang nagtitilian kaming magkakaibigan, ang mga lalaki naman ay nagkamayan.Bago ang aming flight, pinili muna naming pumasok sa isang restaurant sa loob ng airport para kumain."Dahil gutom na ang buntis kong asawa, kailangan na nating kumain nang marami!" natatawang hayag ni Lionel sabay akbay nang may pag-iingat kay Eli."Grabe ka naman, Daddy. Huwag mo namang ilakas ang boses mo, nakakahiya sa mga katabi nating lamesa," saway ni Eli kay Lionel, bagamat namumula ang kanyang mga pisngi sa kilig."Daddy?" natatawa at sabay kaming nagkatinginan ni Chantal."Ang sweet naman ng Mommy ko kapag nahihiya..." sabi ni Lionel, sabay pisil nang marahan sa baba ng asawa. Hinalikan pa ni
Bahagyang ibinaba ni Ephraim ang bilis ng takbo ng sasakyan habang binabaybay namin ang kahabaan ng highway. Seryoso akong nakatingin sa labas ng bintana, pilit na iniiwas ang tingin sa kanya habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang nangyari sa parking lot."O," basag ni Ephraim sa katahimikan, ang boses niya ay bumalik sa pagiging malumanay pero may halo pa ring pang-aasar. "Huwag mong sabihing umiiyak ka riyan? Nasasaktan ka ba para sa ex mo?"Agad kong ipinaling ang aking ulo sa kanya at matalim siyang inirapan bilang pagtanggi. "Sinasabi mo ba na marupok ako? Pagkatapos ng lahat ng panloloko niya, hinding-hindi ko na iiyakan ang lalaking iyon. Ayoko sa lahat ang niloloko ako, alam mo yan. "Natawa si Ephraim, isang maikling tunog na nagpapahiwatig na nagtagumpay siya sa pangingiliti ng inis ko. "Mabuti naman. Akala ko kasi ay dadaan muna tayo sa botika para bumili ng tissue para sa nagdadalamhati mong puso. Baka naghihirap ang damdamin mo sa ginawa kong pananakit sa ex mo."
Ngunit huli na ang lahat para umatras. Ang pintuan ay nakakandado, at ang aking tadhana ay tila naselyuhan na sa loob ng bakal na rehas ng sasakyang ito.Walang babala niyang hinablot ang aking dalawang kamay. Ang kanyang mga palad ay magaspang at mainit, isang hawak na walang bahid ng pag-ibig kun
“Mag-uuwian na ah,” sabi ko, kunwari’y may halong pagtanggi ang boses ko. Bahagya pa akong napasimangot, tila ba nahihirapan sa biglaang utos—pero sa totoo lang, pinipigilan ko lang ang kumukulong inis sa dibdib ko.Nagkatinginan silang dalawa bago ngumisi. Isang ngising hindi mo mapagkakamalang in
“Wow… at pumasok na rin sa wakas! Mukhang nangayayat ka ah… ano ’yan? Kakabembang?” matinis na boses iyon ni Geraldine.Wow ha. Good morning din sa’yo.Hindi na ako lumingon agad. Baka kasi mapatulan ko. At kapag pinatulan ko, baka hindi lang salita ang masabi ko—baka pati stapler maibato ko.“Haya
“Hoooy! Anong nangyayari rito?!”Biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Elizza, halatang hinahabol ang hininga. Bahagyang nag-echo ang boses niya sa loob ng silid, dahilan upang maputol ang kung anumang binabalak ni Jeremiah.Napaatras siya sa gulat, ako naman ay natigilan, sabay bah







