LOGINNapatitig ako sa sahig ng aking silid, habang ang bawat salitang binitawan nina Ismael at Raul ay parang mga ligaw na selyo na unti-unting bumubuo sa isang nakatatakot na katotohanan. Ang buong akala ko ay nakasulong ako ng isang hakbang nang lumipad ako patungong Maldives para bawiin si Leila. Ang akala ko, sa pagkakataong ito, ako na ang may hawak ng manibela ng sarili kong buhay.Ngunit hindi pala. Isa lang pala akong sumasayaw na papet sa mga palad ng sarili kong mga magulang."Sir Ephraim..." dahan-dahang basag ni Raul sa katahimikan, habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa saradong pinto ng balkonahe. Ang kanyang boses ay may halong pag-aalinlangan, tila ba tinitimbang kung dapat niya pa bang ituloy ang nasa isip. "Huwag niyo po sanang mamasamain ang itatanong ko... pero sa tingin niyo po ba talaga, may magagawa pa kayo rito? Sa tindi ng kapangyarihan at koneksyon ng mga magulang ninyo, parang... parang imposible na nating matakasan ito."Tumingin din si Ismael sa aki
Huminga nang malalim si Ismael, saka naupo sa tapat ko habang nakasandal sa pader. Ang kanyang mukha ay napalitan ng isang seryosong ekspresyon."May isa pa kaming nalaman, Sir... na sa tingin namin ay dapat ninyong malaman habang nakakulong tayo rito," ani Ismael."Ano 'yun?""Ang totoo po, ang planong ito... ang pekeng pagkakasakit ng Daddy ninyo, ang pag-trap sa inyo kay Miss Gia, at ang pagpapakulong sa inyo rito... hindi lang ito binuo kanina o kahapon," bulong ni Ismael. "Talagang planado na po ito bago pa man kayo sumakay ng eroplano patungong Maldives kasama si Ma'am Leila."Tila ba may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko nang marinig ko ang pangalan ni Leila. Napatayo ako nang mabilis. "Anong ibig mong sabihin?"Sumingit si Raul sa usapan. "Totoo po, Sir. Isang linggo bago kayo umalis patungong Maldives, narinig ko si Senyora na may kausap sa telepono habang nag-aayos ako ng mga halaman sa tapat ng opisina niya. Sabi niya sa kabilang linya, 'Hayaan mo muna siyang
"Ano?" nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanilang dalawa. Halos hindi rumihestro sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Ismael. "Anong ibig mong sabihin na mananatili kayo rito sa silid ko? Kasama ko?""Nababaliw na ang mga magulang mo, Sir," ulit ni Raul habang maingat na ibinababa ang hawak niyang sandok sa maliit na portable stove na inilatag nila sa sahig ng aking balcony. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagod at takot, ngunit naroon pa rin ang katapatan sa kanyang mga mata.Ang balcony ng aking silid—na dati ay bukas at presko—ay tuluyan nang binakuran ng makakapal, maiitim, at matitigas na rehas na bakal. Para na akong isang kriminal na nakakulong sa sarili kong kwarto. Pero ang mas hindi ko mapaniwalaan ay ang presensya nina Ismael at Raul. Ang dalawang ito ay mga personal kong tauhan sa mansyon, halos kasing-edad ko, at sila lang ang tanging nakakasundo ko sa pamamahay na ito dahil hindi sila tulad ng ibang mga tauhang sunod-sunuran lang kay Mommy."Paano
"Walang problema at walang dapat ikatakot kina Jeremiah," isang baritunong boses ang sumunod na nagsalita nang may malapad na ngiti.Halos manigas ang buong katawan ko sa aking kinatatayuan nang makita ko kung sino ang lalaking nakaupo sa enggrandeng sofa, may hawak na mamahaling tabako, at mukhang napakalakas ng pangangatawan.Si Daddy. Ang aking ama na ang akala ko ay kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan sa loob ng ICU."Si Jeremiah mismo ang nagsabi sa akin noon bago siya umalis," pagpapatuloy ni Daddy habang nakangiti nang nakakaloko sa mga kapatid ng asawa niya. "Hindi na niya kailangang makihati pa sa mga negosyong naiwan sa amin ng aking pumanaw na kapatid. Bakit? Dahil mas malaki at mas malawak ang mga negosyong naiwan mismo ng kanyang ama sa kanya. Isa pa, si Lolo George na ama ng kanyang ama, ay isang napakayamang tao. Alam niyo naman ang matandang 'yun. Kahit gawing kalsada ang pera ng matandang 'yun, makakagawa pa rin 'yun ng daan patungong America nang hindi nauubos.
Matapos niyang sabihin iyon ay nanahimik ako. Doon ko naramdaman ang matinding bigat at hirap sa paggawa ng desisyon. Tama si Gia—wala siyang ipinaglalabang karelasyon, wala siyang sinasaktan na ibang tao, at wala siyang pakialam sa emosyon. Kung pumayag siya, mananatili siyang masunuring anak at walang mawawala sa kanya.Pero paano naman ako?Ang buong bigat ng sitwasyon ay bumagsak sa aking mga balikat. Kung ako ang tatanggi sa kasal na ito, ako lang ang lalabas na masama sa paningin ng aming mga magulang. Ako lang ang mapagbibintangang walang utang na loob habang nag-aagaw-buhay ang aking ama sa ospital. Ako lang ang mapapahamak dahil pwedeng bawiin sa akin ng pamilya ko ang posisyon ko sa kumpanya, ang mga ari-arian ko, at ang lahat ng pinaghirapan ko sa nakalipas na mga taon.At ang mas masakit pa rito, kung magpapadala ako sa takot at papayag ako sa kasal na ito para lang iligtas ang sarili ko, tuluyan nang mawawala sa akin si Leila. Masisira ko ang pangako ko sa babaeng nag-iis
"Bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para sirain ang kasunduang ito?" tanong ko sa kanya habang nakatitig nang diretso sa kanyang mga mata. Hindi naman maaaring ako lang ang palaging sasalo ng sisi. Hindi pwedeng ako lang ang magiging masama at rebeldeng anak sa aming dalawa samantalang siya ay mananatiling malinis ang pangalan. Kung pareho naming ayaw ang pilit na kasal na ito, dapat lang na magtulungan kami.Subalit ang kanyang naging isinagot ang siyang nagbigay sa akin ng huling mitsa upang mapaisip talaga ako nang malalim. Doon ko napagtanto kung gaano katatag at katigas ang prinsipyo ng babaeng nasa harap ko."Magpakasal man ako sa iyo o hindi, Ephraim, sa totoo lang ay wala naman akong pakialam," seryoso at walang pag-aalinlangan niyang sagot habang dahan-dahang ibinababa ang kanyang tasa ng tea. "Ang konsepto ng pag-ibig ay hindi para sa isang katulad ko. Dahil katulad ng mga magulang natin, naniniwala ako sa fixed marriage. Para sa akin, negosyo at obligasyon lang ang kasal
POV: ChantalHABANG kumakain kami ng magkasabay ni Jeremiah, bigla akong napatingin sa kanyang mukha.Ngayon ko lang napansin ang nunal sa gilid ng kanyang labi. Mas singkit pala siya, kaysa sa inaasahan ko.Ang kanyang ilong ay matangos, ngunit hindi kagaya ng tuka ng loro. Tamang tama lang iyon.
POV: VeronicaNahihilo na ako sa palakad lakad ni Jansen sa loob ng aking opisina. Madilim ang kanyang mukha dahil sa labis na galit.Nakakatuwa na labis ang poot niya kay Chantal, na ako naman ang siyang may kagagawan.Hindi maipinta ng kahit na sinong pintor ang kanyang galit na anyo. Matatakot an
"Jansen, ayoko ng makipag usap sa kahit sino man sa inyo. Babalik na lang ako, kapag wala ng agiw ang utak mo!" insi kong sabi sa kanya.Tatalikod na sana ako, ng bigla akong hawakan ni Jansen."Hindi ka aalis, hanggang hindi mo naaayos ang problema ng kumpanya!" mariin niyang hinawakan ang aking b
"Sino yun? anong nangyari?" tanong ni Jansen kay Veronica. Halata ang bahagyang pagpapanic sa mukha ng babae."A-Ang SUMMIT.. nagcancel sila ng meeting ngayon." nauutal na sagot ni Veronica."Ano? bakit daw?" naguguluhang tanong ni Jansen, na parang naluging intsik."Ang babaeng yan!" itinuro ako







