LOGINNapatitig ako sa kanya. Naalala ko nga na noong college kami, pangarap kong subukan ang scuba diving pero palagi akong inaatake ng takot. Hindi ko akalain na matapos ang maraming taon, tinandaan niya pa rin ang pangarap kong iyon at ngayon ay ginawan niya ng paraan para matupad sa pinakaligtas na paraan."At para sa huling bahagi ng hapon, bago lumubog ang araw," sabi niya sabay kindat sa akin, "maliligo naman tayo sa private pool ng villa natin. Doon, pwede mo nang isuot 'yung swimsuit na pinag-agawan natin kahapn sa maleta mo. Doon, walang ibang makakatingin sa iyo, walang istorbo. Pwede tayong mag-relax lang, mag-usap tungkol sa kahit ano, habang pinapanood ang pagpapalit ng kulay ng langit. Maganda rin ang view ng sunset doon dahil sa magandang posisyon ng pool.. Maganda ang yari ng pool nila dito.. pasilangan diretso sa kanluran, kagaya ng Pilipinas."Habang pinakikinggan ko ang bawat detalye ng kanyang mga plano, naramdaman ko ang isang kakaibang uri ng init na gumagapang sa aki
Hindi ako nakapagsalita. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata dahil sa emosyon. Hindi ko akalaing matotouch ako sa mga simpleng sinasabi niya. Wala pa man siyang inaamin, ngunit ramdam ko na iyon."Walong taon akong nagsumikap para maging karapat-dapat sa iyo. Kaya nung nalaman kong naghiwalay kayo ni Edward, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Gusto kong patunayan sa iyo na nagbago na ako. Hindi kita gagamitin para sa porma o para sa pera. Dito kay Ephraim, ikaw ang priority ko, palagi," patuloy niya habang hinahaplos ang likod ng aking mga palad."Gaya ng pangako ko sa eroplano, pag-uwi natin ng Pilipinas, hindi na ako manggugulo kung sasabihin mong ayaw mo talaga sa akin. Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sayo. Ikaw lang kasi ang tanging gusto ko. Pero bago matapos ang trip na ito, gusto kong magtanong nang pormal... Leila, pwede bang bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon? Pwede ba kitang ligawan muli?"Napatitig ako sa kanyang mga mata. Nakita ko roon ang takot
Madaling-araw pa lang ay nagising na ako dahil sa banayad na tapik ni Ephraim sa aking balikat. Pagdilat ng aking mga mata, bumungad sa akin ang kanyang mukha na maayos na maayos na, tila ba kanina pa siya gising. May suot siyang puting polo shirt na manipis at short na pang-tabing-dagat."Gising na, Leila ko. Parating na ang sikat ng araw," bulong niya na may kasamang malambing na ngiti.Kahit medyo inaantok pa, bumangon ako at naghilamos ng mukha. Paglabas ko sa veranda ng aming villa, may nakahanda nang dalawang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng maliit na lamesa. Umupo ako sa isang upuan at binalot ang sarili ko ng manipis na cardigan dahil malamig pa ang simoy ng hangin. Tumabi sa akin si Ephraim at iniabot ang kape."Tamang-tama ang timpla niyan, walang masyadong asukal gaya ng gusto mo," sabi niya.Napatingin ako sa kanya. Kahit taon na taon kaming nagkahiwalay at hindi nagkasama, tanda pa rin niya kung paano ko gustong inumin ang kape ko. Sabay naming pinanood ang unti-untin
Habang patuloy si Ephraim sa pag-aayos ng mga gamit namin, bigla siyang natigilan nang buksan niya ang pinaka-ilalim na bahagi ng aking maleta. May kinuha siyang isang piraso ng tela na kulay itim. Nang iangat niya ito, nanlaki ang kanyang mga mata at dahan-dahang gumuhit ang isang pilyong ngisi sa kanyang mukha.Iyon ang swimsuit na pinilit sa akin ni Chantal na bilhin bago kami umalis. Halos luwa na ang buong likod noon at napakababa ng hiwa sa harap. Hindi ko nga alam kung may balak ba talaga akong isuot iyon."Aba, Attorney..." nakangiting untag ni Ephraim habang iwinawayway ang swimsuit sa hangin. "Mukhang may balak kang guluhin ang tibok ng puso ko rito sa Maldives ah. Ang liit naman ng telang ito, parang panyo lang. Sigurado ka bang swimsuit ito o baka naman piring sa mata?""Hoy! Ibalik mo nga 'yan!" sigaw ko sa matinding hiya.Agad akong tumalon mula sa aking kama at marahas na hinablot ang swimsuit mula sa kanyang kamay. Mabilis ko itong itinago sa likod ko habang pakiramdam
Matapos ang halos tatlumpung minuto na pagsakay sa speed boat, sa wakas ay narating din namin ang resort. Para kaming pumasok sa isang paraiso. Ang buhangin ay kasingputi ng pulbos, at ang tubig-dagat ay napakalinaw na kulay asul. Kung sa ibang pagkakataon siguro ito nangyari, baka nagtatatalon na ako sa tuwa. Pero sa ngayon, ang iniisip ko lang ay kung paano ko matatakasan ang mga malulupit na hirit ng CEO sa tabi ko.Pagdating namin sa front desk ng resort para kunin ang aming mga susi, doon na kami sinalubong ng isang hindi inaasahang problema."What? There are only three rooms left vacant?" gulat na tanong ni Chantal sa receptionist."Yes, ma'am. We ran into a minor issue with our booking system because it's peak season right now. But there's no need to worry—the three remaining rooms are our largest overwater villas, built directly above the water." magalang na paliwanag ng staff ng resort.Nagkatinginan kaming lahat. Awtomatikong napunta ang atensyon ng buong grupo sa akin at k
Sa halip na sa Disneyland kami magtungo gaya ng unang plano, nagulat na lang kami nang lumapag ang eroplano at dumiretso kami sa Maldives. Mas pinili ng mga lalaki ang isang pribado at tahimik na resort. Hindi ako nagtanong kaagad habang nasa loob ng eroplano dahil sa antok, pero nang palabas na kami ng airport at naramdaman ang simoy ng dagat, bakas sa mukha namin ni Chantal ang matinding pagtataka."Anong nangyari? Bakit Maldives agad ang binagsakan natin?" bulong ko kay Chantal habang naglalakad kami sa terminal."Hindi ko rin alam, nagulat na lang din ako paggising ko," tugon niya, habang inililibot ang paningin sa paligid.Nasa unahan namin sina Jeremiah at Lionel. Agad kong napansin kung paano alagaan ni Lionel si Eli na ngayon ay nakaupo sa isang wheelchair. Dalawang buwan pa lang ang tiyan ni Eli, pero ang pag-iingat ni Lionel sa kanya ay tila ba manganganak na ito bukas. Dahan-dahan ang pagtulak niya sa wheelchair, at tuwing may munting lubak sa sahig ay humihinto muna siya p
Walang tao sa silid.Malinis ang kama. Maayos ang mga unan, parang hindi man lang ginamit. Wala na rin ang mga dokumentong kanina’y binabasa ni Jeremiah. Ang natira na lang ay ang banayad na amoy ng sabon at shampoo—amoy niya.Napakunot ang noo ko.“Huh? Umalis ba siya nang hindi nagpapaalam?” bulo
NAMASYAL ako sa mall kasama sina Marie at Rodolf. Dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos akong lagnatin, at ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gaan. Magaang ang pakiramdam ko habang naglalakad kami—tawanan, kwentuhan, at konting asaran."Uy, kumain tayo," aya ni Rodolf, sabay hawak sa tiyan.
"TALAGA bang nademote sina Winona at Geraldine?" usisa ni Rodolf habang palihim na lumilingon sa kabilang mesa, na para bang baka bigla na lang sumulpot ang dalawa.Napangiti lang ako, saka bahagyang yumuko sa papel na hawak ko kunwari ay abala. "Hindi naman ‘demote’… inilipat lang," mahinahon kong
Martes na ako nakapasok sa opisina. Pagdating ko pa lang, agad kong napansin ang kakaibang eksena—mono block na upuan ang gamit nina Geraldine at Winona, kapalit ng dati nilang swivel chair. Bakit kaya?“Ano’ng nangyayari?” tanong ko kay Rodolf habang inilalapag ko ang bag ko sa mesa. "Bakit ganyan







