LOGIN“Masyado siya naging pabigat sa mga plano ko kaya dapat lang sa kanya ang mamatay!” walang abog na pasigaw na sagot ni Maria kay Raine.Natigalgal si Raine sa narinig. Parang binuhasan ng malamig na tubig ang kanyang ulo. Nanginig ang kanyang kamay dahil sa galit. Mas lalong tumawa ng nakakaloko si Maria. Pagkatapos ay tinitigan niya ng nakakasuya si Raine. “Simula't sapol pa lang, ayaw na ng mama ninyo sa akin! Wala na siya ibang ginawa kung hindi tumutol sa mga plano namin ni Athelios! Pilit niya kami pinaghihiwalay! Kahit ang mga pera niya, siya pa ang nagmamanage! Kesyo kailangan magtipid para may magamit kapag may emergency! Pûta! Ako ito'ng binuntis pero kailangan ang desisyon niya pa rin ang masusunod?!”“Pero hindi mo dapat sinet-up sina Sergio at Mama! Hindi mo kailangan idaan sa marahas ang inis mo kay Mama. Pwede ni'yo naman pag-usapan iyon ng maayos! Kailangan ba talaga na patayin mo ang mama para lang sa kapritso mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Raine.“Hinding-hindi
Hirap makatulog si Raine nang gabing yon. Okupado ang isip niya at parati siya pabalimg-baling sa higaan. Ilang beses na niyang binaliktad ang unan pero ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Napilitan si Raine na humiga sa guest room. Wala siyang choice. Walang ibang ginawa si Crassus kung hindi bwesetin siya. Kung hindi ito nagpapansin, gagawa naman ito ng paraan para lang magsasalita siya. Talagang gumagawa ito ng paraan para makalapit sa kanya. Katulad kanina. Nakawala sa hawla ang aso't pusa niya at tumakbo papunta sa loob ng sala. Nasa sala siya noong mga oras na iyon tumatambay. Nagulat na lang siya nang biglang pagtakbong pumasok si Crassus. Iyon pala ay hinabol nito ang pusa, at dahil hindi pa masyadong sanay ang aso niya sa pusa— sumali rin ito sa paghabol. Ang ending ay naghahanap ng mapagtaguan ang pusa niya at kung saan-saan ito sumuot para lang umiwas.Nagkagulo sa sala. Naawa na siya sa pusa kaya dinakip niya ito. Huli na niya na realize na nakatingin pala sa kanya si
Pagkatapos sabihin ni Crassus ang lahat ng iyon ay hindi nakapagsalita si Raine. Napatitig lang siya sa kisame, pero ang kanyang puso ay parang kampana na nag-iingay. Sa lakas ng pagtibok niyon ay dinig na dinig na niya ang pagpintig niyon.Lumamlam ang mata ni Raine, hanggang sa napalitan iyon ng lumungkot. Lumaykay ang balikat niya nang bigla siya'ng may maalala.Dahan-dahan niya'ng tinulak si Crassus. Litong napatitig ito sa kanya.“Kaya ko naman ang sarili ko, Crassus,” malamig na wika ni Raine. “Sanay na ako sa gulo.”Natigilan si Crassus sa narinig. “Noong wala ka, masyado ng magulo ang buhay ko,” paglintanya ni Raine. Walang buhay ang kanyang mata habang nakatitig kay Crassus. “Lahat ng nasa paligid ko, puro problema. Nakaya ko'ng tiisin ang lahat ng iyon nang wala ka. Buhay pa naman ako, pero ibig sabihin niyon ay wala na ako'ng karapatan pa na lumaban. Hindi ko kailangan ang awa mo, Crassus. Maraming maraming salamat dahil iniligtas mo ako pero kaya ko pa ang sarili ko.”Nag
Pagkagising ni Raine ay ang pamilyar na kisame ang bumubulaga sa kanya. Dahan-dahan siya'ng luminga sa paligid. Habang ginalugad ng tingin ang palibot ay pumungay ang kanyang mata. Nahilot niya ang kanyang noo nang bigla siya'ng masilaw sa liwanag ng araw.Saka pa lang niya naanalisa na nasa kwarto siya nila Crassus. Nakataas na ang kurtina at ang preskong hangin ay malayang nakakapasok sa kwarto nila.Bumuntonghininga si Raine. Ninamnam niya ang kapayaan na pumapalibot sa kanya. Dahan-dahan siya'ng umalis sa kama, nang bigla siya'ng matigilan. Titig na titig si Raine sa sahig. Hindi niya alam kung bakit pero roon na natulog si Crassus. May itim na comforter ito at tanging dalawang unan lang ang gamit nito. Nakabalot sa katawan nito ang comforter. Himbing na himbing ito at kahit sa pagtulog ay salubong pa rin ang kilay nito.Parang may humaplos sa puso ni Raine. Nandoon na rin ang konsensiya. Alam niyang wala ito'ng kasalanan sa pagkamatay ng mama niya pero hindi niya maiwasan na sis
“Crassus…”Saglit na tumigil ang mundo ni Crassus nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siya'ng lumingon. Nagtama ang mata nila ni Raine.Mabagal ito'ng bumaba ng kotse. Sapo nito ang balikat habang ang isang kamay ay nakahawak sa pinto ng kotse. May lubid pa ang isang kamay nito.Dahan-dahan tumalikod si Crassus kay Orion. Tinitigan niya si Raine at nang ngumiti ng ito ng tipid— tumakbo siya para yakapin ito.“Raine…” usal ni Crassus habang niyayakap ito ng mahigpit.Ngumiwi si Raine subalit may kasamang ngiti. Hindi siya sumagot. Nang masamyo ni Raine ang amoy ni Crassus ay kumalma ang kanyang sistema. Ibinuro niya ang kanyang mukha sa leeg ni Crassus.Humiwalay si Crassus sa yakap nila. Pinagmasdan niya si Raine. Namumungay na ang mata nito. Bakas sa mukha ang pagod dahil matinding pagsubok na pinagdaanan.Magulo ang buhok ni Raine. Nahalata rin ni Crassus ang pangangalo mata nito. Kahit ang damit nito ay madumi. Kaliwa't kanan din ang nakikita niyang punit sa suot nito.
“Crassus…”Saglit na tumigil ang mundo ni Crassus nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siya'ng lumingon. Nagtama ang mata nila ni Raine.Mabagal ito'ng bumaba ng kotse. Sapo nito ang balikat habang ang isang kamay ay nakahawak sa pinto ng kotse. May lubid pa ang isang kamay nito.Dahan-dahan tumalikod si Crassus kay Orion. Tinitigan niya si Raine at nang ngumiti ng ito ng tipid— tumakbo siya para yakapin ito.“Raine…” usal ni Crassus habang niyayakap ito ng mahigpit.Ngumiwi si Raine subalit may kasamang ngiti. Hindi siya sumagot. Nang masamyo ni Raine ang amoy ni Crassus ay kumalma ang kanyang sistema. Ibinuro niya ang kanyang mukha sa leeg ni Crassus.Humiwalay si Crassus sa yakap nila. Pinagmasdan niya si Raine. Namumungay na ang mata nito. Bakas sa mukha ang pagod dahil matinding pagsubok na pinagdaanan.Magulo ang buhok ni Raine. Nahalata rin ni Crassus ang pangangalo mata nito. Kahit ang damit nito ay madumi. Kaliwa't kanan din ang nakikita niyang punit sa suot nito.
Paggising ni Raine sa umaga ay wala na sa tabi niya si Crassus. Napakurap siya. Pikit-matang siya bumangon at nag-inat ng braso. Tinitigan niya ang pwesto ni Crassus. Nang makitang maayos iyon at wala man lang ni kahit anong bakas ng amoy nito ay nalungkot siya. Lumaylay ang kanyang balikat. Hinap
"Fragolina?"Napalingon si Raine sa kung saan nanggaling ang boses. Napatayo siya nang makitang pumasok si Crassus sa opisina niya. "Crassus?" takang tanong ni Raine nang lapitan niya ito. Napakurap siya nang makita ang mga dala nito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"Ito ang unang pagkakataon na pumunta
Napaawang ang labi ni Raine habang pinuproseso ang sinasabi ni Crassus. Tama ba talaga siya ng rinig? O baka nagkamali lang siya? Nang makabawi ay napakurap si Raine. Napahinto siya sa paglalakad at binalingan si Crassus. "A-yaw mo kung hindi ako ang M-mama?" Hindi mapaniwalang tanong ni Raine.
Napangiti si Raine. "Halika." Kinarga niya ang bata. "Sa susunod huwag ka na humiwalay sa Mama mo ah?"Habang tahimik na iniobserbahan ni Crassus ang kilos ni Raine ay hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa sa kanyang puso. He can't help it, but he was imagining things. What if they have a baby?







