LOGINPAGKASARADO PALANG NIYA NG PINTO NG CR ay kaagad na siyang napasandal dito. Napahikbi siya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig nang marinig niyang medyo napalakas ang kanyang pag - iyak.
Napatitig sa kawalan si Raine. Kasabay nang kanyang pagtitig ay pag - alala ng nakaraan na pilit niyang binaon nang panandalian sa kanyang isipan. Anim na taon ang nakakaraan nang mangyari ang isang napakalagim na aksidente sa kanyang Ama. Napapikit siya nang maalala niya ang karanasan nito. Nahulog sa gusali ang kanyang ama. Mahigit dalawampung palapag ang kinabagsakan nito dahilan para hindi na ito mabuhay. Naisip niya pala kung gaano kataas ang kinabagsakan nito ay hindi niya maiwasang mapa - isip. Kung ano ang nararamdaman nito habang nahuhulog ito sa ere. Hindi ito naging madali para sa kanila, lalo na sa kanyang Ina. Malaki ang naging epekto nito kaya hindi naging maganda ang mental health nito. Dahilan para masuot naman ito sa isang car accident. May natatanggap naman silang kompensasyon ng kanilang Papa, kasama ang kompensasyon at kabayaran mula sa may - ari ng sasakyang nakabangga sa kanyang Mama. Napagamot nila ito sa ospital na sa loob na mahigit dalawang taon, ngunit kagaya ng isang baul na unti - unting nauubos. Nagastos na nila ang lahat ng pera. Bukod din sa malaki ang pang - araw - araw na hospital bills ng kanyang Mama ay matagal na rin itong nakahimlay roon. Bagay na ikinaubos din ng kanilang yaman. Nang kaunti nalang ang natitirang pera ay nagpasya na si Raine. Para may maipangtustos siya ay tumutulong siya sa kanilang guro para magkapera kahit papaano. Kung wala naman siyang ibang mapagkakitaan ay papasok naman siya bilang isang tutor. Kung anu - anong legal na raket na ang pinasukan niya, may maipangtustos lang siya sa bills ng kanilang Mama. Pero kahit anong kayod niya, hindi pa rin sapat. Noong kasagsagan na ng kanilang kahirapan ay nakapagbitiw ng salita ang kanyang kapatid. Hindi niya alam kung paano nito nasikmurang sabihin iyon. At hinding - hindi niya iyon makalimutan mapaghanggang ngayon. "Mas mabuti pang ipatanggal na natin ang oxygen ni Mama habang maaga pa, Raine," suhestiyon ng kanyang kapatid habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ano?" Hindi makakapaniwalang sambit ni Raine. Nabitawan niya ang hawak na walis. "Baliw ka ba?" "Hindi." Maikling sagot pa nito. Sa inis niya ay nilapitan niya ito at pinaharap sa kanya. Tinulak niya ito. "Ano ka ba? Nanay natin iyon! Hinanapan ko na nga ng paraan para mabuhay pa siya. Tapos patatanggalan mo ng tubo?! Hindi makatao iyang sinabi mo! Mas mabuti nang may matawag pa tayo na Mama keysa sa wala! Hindi bale ng hindi siya sumasagot o nagsasalita! Kaysa nandito tayo sa mundong ito na wala naman tayong Ina! Tandaan mo iyan!" Nang maalala ni Raine ang katagang binitawan niya sa panahong iyon ay kaagad niyang pinunasan ang kanyang luha. Lumabas siya ng cr at mabilis na tinungo ang kanyang Mama. Hinawakan ni Raine ang kamay ng kanyang Ina. "Ma, nagpeprepara po ako para sa exam ng CPA." Hinaplos niya ang kamay nito. "Bigyan niyo po sana ako ng basbas para maipasa ko ang exam. Kasi kung makapasa ako, marami na pong magandang opurtunidad, Ma." "Siyempre po kapag ganoon, makapag - hanap po ako ng magandang trabaho. Tapos, tataas kahit papano iyong sweldo ko. Baka nga may posibilidad na maka - kuha ako ng isang milyon kada taon. Kung papalarin po ako, may ipampabayad na po tayo sa pampaospital mo." Ngumiti si Raine ngunit unti - unti itong nabura nang hindi siya makatanggap ng sagot mula sa kanyang Mama. Napalunok siya. Sa loob ng mahigit dalwang na taon, umaasa si Raine sa isang milagro. At iyon ay ang pagmulat ng mata ng kanilang Ina. Kung magigising na ito, tiyak niyang gagaan ang kanilang loob. Na sana ay magigising na ito, na sana ay sasagot na ito sa mga tanong nila. Na sana ay may makikinig na sa kanya habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. Tapos tatawagin na naman siya nito sa pangalang, "Tina, Tina." Nasasabik na siya sa ganoong senaryo . Ni hindi na niya alam kung ilang beses na iyon nagpabalik - balik sa kanyang isip. Na sana ay katulad pa rin ng dati ang lahat, tulad noong bata pa sila. Walang problema at kompleto pa ang kanilang pamilya. "Kailangan ko ng bumalik sa trabaho, Ma. Hindi pa kasi ako nakapag - exam sa CPA. Kaya hindi ko pwedeng sayangin ang opurtunidad na binigay sa akin ng kompanyang pinasukan ko." Pang - eenganyo pa ni Raine sa kanyang sarili. Kapag nagtatrabaho pa siya sa Forgatto, may aasahan pa rin siya na sweldo. Mabuti na rin iyon dahil may magagamit pa siya para sa expenses at medical bills ng Mama niya. Pero napapadalas ang paghingi niya ng leave. Hindi na niya alam kung hanggang kailan ang pagtatrabaho niya sa kompanya. Baka nga sa susunod niya na pag - leave ay sisibakin na siya sa trabaho. Pasado alas otso na ng gabi nang umalis siya ng ospital. Nang nasa bungad na siya ng gusali ay sinalubong siya ng malakas na ulan. Nagpasiya siyang sumakay nalang ng bus para makabalik siya ng matiwasay sa kompanya. Binuklat niya ang dalang payong nang huminto ang sinasakyang bus sa tapat ng kompanya. Tumakbo siya papunta sa entrada ng gusali. Kipkip sa dibdib ang dalang bag na kulay itim. Nasa katawan at sa dalang bag ang atensiyon ni Raine habang papasok nang gusali. Pinunasan niya ang bahagyang mga talamsik ng tubig. Pagkapasok niya sa lobby ay nakita niya si Mr. Almonte. He is still wearing his black suit. His one hand is in the side pocket of his black trousers while the other one was holding a mobile phone. Kausap nito ang clerk na nasa front desk. The spotlight in the company lobby were bright and shining, making him look more noble and distant. Biglang kinabahan si Raine. Nitong nakaraang buwan lang ay hindi niya ito nakikita. Tapos ngayon ay para itong kabute na biglang susulpot at nagpapakita. Napapadalas na yata na pakalat - kalat ito sa kung saan - saan. Dumaan ito sa harap niya habang nasa tainga ang aparato. May kausap ito sa cellphone. Siya naman ay pumasok sa loob ng elevator. Nang makapasok na siya room ay nabungaran niya ang likod at ang pigura ng kanilang amo. Malakas pa naman ang ulan ngayon at hindi niya alam kung may dala ba ito na payong. May naalala si Raine mula sa nakaraan. Dati kapag umaalis ang Papa niya ay hindi ito mahilig magdala ng payong. Kaya palagi niya itong hinahabol palabas para bigyan ito ng isa. Bilang ganti ay hahaplusin naman nito ang kanyang buhok sabay sabing," malaki na ang Raine namin ah? Alam na niya kung paano alagaan ang Papa." Hindi niya namalayan na napaluha na pala siya. Kaagad niya ito pinunasan sabay pindot ng fifth button sa elevator. Gaya ng ipinangako ni Raine, nag - overtime siya hanggang alas kuwatro ng madaling araw. Hindi na siya uuwi sa nirentahan niyang bahay. Balak niya sana ay sa kompanya nalang siya matutulog habang maghihintay ng oras ng trabaho. Malalim na ang kanyang pagtulog nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nabulabog siya. Kinapkap niya ang kanyang cellphone habang nakauklo parin sa mesa ang kanyang ulo. Tinignan niya ang cellphone. Napaayos siya nang upo nang makitang si Dr. Riacrus ang tumawag. "Ms. Villanueva?" Bungad pa nito. Humikab muna siya bago sumagot. "Opo, Dok. Napatawag po kayo?" Narinig niya ang pag - buntonghininga nito. "Hija, after you left yesterday, something happened to your Mom." "Po?" Napatayo siya. "Your mom had a fever. The initial speculation is that there is accumulation in the lungs ---" Napatda siya.Pagkagising ni Raine ay ang pamilyar na kisame ang bumubulaga sa kanya. Dahan-dahan siya'ng luminga sa paligid. Habang ginalugad ng tingin ang palibot ay pumungay ang kanyang mata. Nahilot niya ang kanyang noo nang bigla siya'ng masilaw sa liwanag ng araw.Saka pa lang niya naanalisa na nasa kwarto siya nila Crassus. Nakataas na ang kurtina at ang preskong hangin ay malayang nakakapasok sa kwarto nila.Bumuntonghininga si Raine. Ninamnam niya ang kapayaan na pumapalibot sa kanya. Dahan-dahan siya'ng umalis sa kama, nang bigla siya'ng matigilan. Titig na titig si Raine sa sahig. Hindi niya alam kung bakit pero roon na natulog si Crassus. May itim na comforter ito at tanging dalawang unan lang ang gamit nito. Nakabalot sa katawan nito ang comforter. Himbing na himbing ito at kahit sa pagtulog ay salubong pa rin ang kilay nito.Parang may humaplos sa puso ni Raine. Nandoon na rin ang konsensiya. Alam niyang wala ito'ng kasalanan sa pagkamatay ng mama niya pero hindi niya maiwasan na sis
“Crassus…”Saglit na tumigil ang mundo ni Crassus nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siya'ng lumingon. Nagtama ang mata nila ni Raine.Mabagal ito'ng bumaba ng kotse. Sapo nito ang balikat habang ang isang kamay ay nakahawak sa pinto ng kotse. May lubid pa ang isang kamay nito.Dahan-dahan tumalikod si Crassus kay Orion. Tinitigan niya si Raine at nang ngumiti ng ito ng tipid— tumakbo siya para yakapin ito.“Raine…” usal ni Crassus habang niyayakap ito ng mahigpit.Ngumiwi si Raine subalit may kasamang ngiti. Hindi siya sumagot. Nang masamyo ni Raine ang amoy ni Crassus ay kumalma ang kanyang sistema. Ibinuro niya ang kanyang mukha sa leeg ni Crassus.Humiwalay si Crassus sa yakap nila. Pinagmasdan niya si Raine. Namumungay na ang mata nito. Bakas sa mukha ang pagod dahil matinding pagsubok na pinagdaanan.Magulo ang buhok ni Raine. Nahalata rin ni Crassus ang pangangalo mata nito. Kahit ang damit nito ay madumi. Kaliwa't kanan din ang nakikita niyang punit sa suot nito.
“Crassus…”Saglit na tumigil ang mundo ni Crassus nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siya'ng lumingon. Nagtama ang mata nila ni Raine.Mabagal ito'ng bumaba ng kotse. Sapo nito ang balikat habang ang isang kamay ay nakahawak sa pinto ng kotse. May lubid pa ang isang kamay nito.Dahan-dahan tumalikod si Crassus kay Orion. Tinitigan niya si Raine at nang ngumiti ng ito ng tipid— tumakbo siya para yakapin ito.“Raine…” usal ni Crassus habang niyayakap ito ng mahigpit.Ngumiwi si Raine subalit may kasamang ngiti. Hindi siya sumagot. Nang masamyo ni Raine ang amoy ni Crassus ay kumalma ang kanyang sistema. Ibinuro niya ang kanyang mukha sa leeg ni Crassus.Humiwalay si Crassus sa yakap nila. Pinagmasdan niya si Raine. Namumungay na ang mata nito. Bakas sa mukha ang pagod dahil matinding pagsubok na pinagdaanan.Magulo ang buhok ni Raine. Nahalata rin ni Crassus ang pangangalo mata nito. Kahit ang damit nito ay madumi. Kaliwa't kanan din ang nakikita niyang punit sa suot nito.
Pagkatapos malaman ng mga kalaban na pinalilibutan silan ng mga sniper man ni Crassus, nabahag ang buntot nila. Kung kanina ay sabay-sabay na sila nagtawanan, ngayon ay tahimik na sila. Lahat ng mga kalaban ay naglingunan kung saan-saan para lang hanapin ang mga kasama ni Crassus pero nabigo ang mga ito. Hindi nila alam kung saan nagtatago ang mga tauhan ni Crassus.One of Crassus's eyebrows lifted in amusement. “Cat got your tongue?” he asked, a teasing smile tugging at the corner of his lips.Napa tiim ang bagang ng leader ng mga kalaban. “Huwag kayong matakot. Tinatakot lang nila tayo. Mga laser lang mga yan.”Crassus smirked. Sumenyas siya gamit ang kanang kamay. Sa isang iglap, bumulagtad sa sahig ang isang kasama ng leader. Iyong sa kaliwa pa talaga niya ang sinampulan. Panay ang daing nito habang sapo ang sugatang braso. Nahandusay ito sa sahig dahil sa tama ng baril. Nagulantang leader at napaatras.“I’m just playing, right?” Crassus casually asked. Muling umalingawngaw ang
Panay pa rin ang tago nina Zach at Orion sa loob ng kotse dahil pinapaulanan pa rin sila ng bala. Hindi sila tinantanan ng mga ito. Kaya napilitan si Orion na makipagputukan para malagasan kahit papaano ang mga kalaban. Si Zach na walang kaalam-alam sa pagdating sa armas ay mas pinili na maging mata ni Orion. “Drive, Zach,” utos ni Orion habang nakipagpalitan ng bala. “They're escaping.”“What?”Sumilip si Zach sa windshield. Umilaw na ang signal light sa kotse ng mga kalaban. Tumigas ang kanyang mukha.“Come on, Zach!” “Wait, I'm trying,” Zach hissed. Mayamaya pa ay isang bala na tumama sa front shield ng kotse. Napapitlag siya. “What the fûck?”“Don't be a coward. The car is bullet proof.” Orion hissed. “Now, Zach.”Gritting his teeth, Zach slammed his foot on the accelerator. Umugong ang makina at humarurot pasulong ang sasakyan.Habang nagmamaneho ay napapitlag si Zach. May tumama na bala sa harap niya mismo. Napalunok siya ng matindi.“Shît!” Zach cursed. “This is the most wor
Negative, bud,” Rothan said nang makapasok na siya sa kotse ni Crassus. Napatiim ang bagang ni Crassus. Hinilot niya ang kanyang sentido at saka pumikit. Binuksan ni Kien ang pinto ng kotse ni Crassus pero hindi siya pumasok. Idinantay niya ang kanyang siko sa bubong ng kotse at nameywang. Malapit ng sumapit ang dilim pero hindi pa nila nakita si Raine. Mag-dadalawang araw na ito’ng nawawala. Nag-alala na rin ang mga kaibigan nito. Si Athelios ay natulala nang sabihin niya kanina na nawala ang ate ito. Humingi na sila ng tulong sa pulisya para mapabilis ang paghahanap nila, subalit hanggang ngayon ay wala pa sila'ng nahihitang impormasyon kung nasaan si Raine. Hinampas ni Crassus ang manubela ng kotse. “Wala man lang ba kayo bago na sasabihin sa akin?” napipikang tanong niya. Ramdam ni Rothan na anumang oras ay puptuok na sa galit si Crassus kaya lumabas siya ng kotse nito. “Sorry, Crassus. Pero mahirap talaga. Hinahalubhob na namin ang mga abandoned building dito na malapit
Habang nagtatrabaho si Raine ay lumilipad ang utak niya. Nakakahiya man aminin pero nasa ibang bagay nakasentro ang isip niya. Umaga pa lang ay panay na ito sumasagi sa isip niya. Panandalian lang iyong nawala dahil asaran nila ni Crassus kanina.Nang makita niya ang librong nakapatong sa gilid ng
Kinabukasan, kakabukas pa lang ni Raine sa kompyuter ay nakatanggap siya ng isang mensahe. Kakaupo niya pa lang sa kanyang bagong opisina. Hindi katulad ng dati, wala ng asungot na nakamanman sa trabaho niya dahil may sarili na siyang kwarto. Kumunot ang noo nang mabasa na si Professor Xhun iyon.
Nakita ni Athelios na tinanggap ni Raine ang binigay na pera ng cashier. Doon pa lang nag-sink in sa utak niya kung ano ang nangyayari. Napangisi siya. Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan. "Bakit kaya isinauli niya? Bagay pa naman sa kanya iyong mga damit," komento ni Athelios habang nanonood
Parehong tahimik ang mag - asawa sa loob na mamahalin na kotse. Habang nagmamaneho si Crassus ay napatingin naman sa labas ng bintana si Raine."Kalimutan mo na ang sinabi ni Lolo. Binibiro ka lang no'n," untag ni Crassus para basagin ang katahimikan."Hmmm. Alam ko naman na," ani ni Raine. Lumingo







