INICIAR SESIÓNSaglit na natigilan si Craige. Napatingin siya sa patag na tiyan ni Jessica bago marahang nagtanong dito."Ano'ng nangyari rito?"Tiningnan siya ni Jessica sa mga mata bago magsalita."Sa tingin mo?"Maingat na ipinatong ni Craige ang malaki niyang palad sa tiyan nito at marahang hinaplos iyon, na tila ba pinapakalma ang anumang iniinda nito habang nag-iisip."Huwag mong sabihing..."Ngumiti nang bahagya si Jessica. Sa isip niya, mukhang nahulaan na rin ni Craige sa wakas.'Paano kaya siya magre-react kapag nalaman niyang buntis na ako?' ani Jessica sa kanyang isip.Puno ng pananabik at pag-asa ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Craige."Craige, ako ay..."Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, agad itong nagsalita."Baka naman masyado kitang napwersa kagabi kaya naparito ka sa ospital para magpatingin?"Natigilan si Jessica.Sa isang iglap, tila naglaho ang lahat ng pag-asang namumuo sa kanyang dibdib.'Anong klaseng logic naman 'yon?'Hindi siya nagpunta sa
Gusto pa sanang magpatuloy ni Craige sa pananakit..Ngunit mahigpit siyang niyakap ni Jessica.“Tama na, Craige! Sobra na!”Nang maramdaman niya ang malambot at payat na katawan ni Jessica na mahigpit na nakayakap sa kanya, saka lamang siya tuluyang tumigil.Gayunpaman, hindi man lang nabawasan ang mabangis at ang galit na nagliliyab sa kanyang mapupulang mga mata. Nanatiling mabigat ang kanyang paghinga, at naninigas pa rin ang bawat kalamnan sa kanyang katawan.Bago pa siya tuluyang umatras, itinaas niya ang kanyang paa at sinipa nang malakas si Adrian na nakahandusay na sa sahig.Napadaing sa sakit ang lalaki. Kasabay no'n ay nagmamadaling dumating si Maxine.“Ano'ng nangyari?”May bahid ng paghingi ng paumanhin ang mukha ni Jessica habang tumitingin sa kaibigan.“Maxine, pasensya na at nadamay ka pa.”Malamig naman na sinulyapan ni Craige si Adrian, na para bang gusto pa rin niya itong durugin. Pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Jessica at inakay siya pala
Tuluyan nang nawalan ng kontrol si Adrian sa kanyang emosyon. Galit na galit, mahigpit niyang sinunggaban ang magkabilang balikat ni Jessica.“Bakit?” sigaw niya, halos mapunit ang lalamunan. “Bakit anak ni Craige ang dinadala mo?”Malamig lamang siyang tiningnan ni Jessica, walang bahid ng takot sa kanyang mga mata.“Mr. Carlos, huling beses ko na itong sasabihin!” mariin ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Jessica. “Wala nang kahit na anumang namamagitan sa ating dalawa. Kung sino man ang ama ng batang dinadala ko, wala kang kahit anong karapatang makialam.”Sa halip na bitawan siya, lalo pang hinigpitan ni Adrian ang pagkakahawak sa kanyang mga balikat.“Jessica, bakit ayaw mo akong bigyan ng isa pang pagkakataon?” Halatang desperado na si Adrian.“Nagkamali lang ako! Tulad lang 'yon ng pagkakamaling nagagawa ng karamihan sa mga lalaki noong bata pa sila. Matagal ko nang tinapos ang lahat sa pagitan namin ni Crizza at ng iba pang babae. Bakit hindi mo kayang baguhin ang i
Namula ang mukha ni Jessica.“Alam ko, pero si Craige kasi ay kahit ilang beses ko siyang tanggihan, wala ring silbi.”Napangiti si Maxine.Madalas ikuwento ni Alex na si Craige ay isang hopeless romantic. Kapag umiibig ito, nagiging sobrang lambing at halos mawala na ang dating pagiging malamig at mapigil.Ngunit ganoon din si Jessica..Kapag nagsama ang dalawang taong totoo na nagmamahalan, hindi nila kayang maglayo nang matagal. Para bang ang kaligayahan ng isa ay nakasalalay sa presensya ng isa pa.Ngumiti si Maxine bago marahang nagsalita.“Jessica, ngayong nagkaayos na kayo ni Mr. Montero, panahon na para sabihin mo na sa kanya ang tungkol sa sanggol.”'Sabihin kay Craige ang tungkol sa pagbubuntis ko...' ani Jessica sa sarili.Sa totoo lang, matagal na iyong pinag-iisipan ni Jessica.“Sa tingin ko, talagang mahilig si Mr. Montero sa mga bata,” pagpapatuloy ni Maxine. “Responsable siya at maaasahan. Tama lang na ipaalam mo sa kanya ang tungkol sa sanggol. Naniniwala akong
Tumingala si Craige sa kanya, may bahagyang ngiti sa mga labi nito.“Ano? May sikreto ba kayong mga babae na hindi ko pwedeng malaman?”Ayaw ni Jessica na mahalata ang kanyang iniisip kaya dali-dali siyang sumagot.“Siyempre naman. Marami kaming sikreto bilang mga babae. Bakit naman namin sasabihin sa ’yo?”Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Craige.“Sige, naiintindihan ko. Kumain ka muna ng almusal. Pagkatapos ay ihahatid kita roon at aalis na rin ako. Ayos ba?”Tumango si Jessica bilang tugon.“Salamat, Mr. Montero.”****Pagkatapos mag-almusal, inihatid siya ni Craige sa ospital upang bisitahin si Maxine, na naka-duty nang araw na iyon.Hindi nagtagal, dahan-dahang huminto ang mamahaling sasakyan sa harap ng ospital.“Ihahatid na kita sa itaas,” alok ni Craige sa kanya.Ngunit umiling si Jessica.“Huwag na. Dito mo na lang ako ibaba. Nag-usap na kami ni Maxine, kaya ako na ang hahanap sa kanya.”Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong tumutol. Agad niyang b
Masama naman siyang tiningnan ni Jessica.Napangiti lamang si Craige. Marahan nitong inabot ang dulo ng kanyang ilong at bahagyang kinurot iyon.“Gutom ka na ba?”Tinabig ni Jessica ang kamay nito, ngunit tapat pa rin siyang sumagot.“Oo.”“Kung gano'n, ipaghahanda kita ng almusal.”Pagkasabi no'n, ibinaba ni Craige ang kumot, bumangon mula sa kama, at nagsimulang magbihis.Nahihiya namang tumingin si Jessica sa lalaki. Ngunit sa harap ng isang napakaguwapong lalaking nagpapalit ng damit, tila naman sayang kung hindi siya maninilip kahit sandali.Kaya naman ay palihim siyang sumulyap.Naisuot na ni Craige ang pantalon nito at isa-isa nang isinasara ang mga butones ng puti nitong polo. Isa itong lalaking kapag walang suot na pang-itaas ay litaw ang matitipunong kalamnan, ngunit sa oras na magbihis ay nagmumukhang elegante at maringal. Ang matangkad at halos perpekto nitong pangangatawan ay likas na naglalabas ng kakaibang karisma.Mahahaba at mapuputi ang mga daliri nitong mai
Nagtipon-tipon ang lahat sa paligid nina Marivic at Nora, puno ng paghanga at papuri sa kung paano nila naisilang ang isang napakahusay na anak tulad ni Maxine.Ang party ngayong gabi ay dinaluhan ng mga elite mula sa iba’t-ibang larangan, eksakto sa matagal nang pangarap ni Marivic. Palagi siyang
Tuluyan nang na-speechless si Roberto. Nanatili lamang siyang tahimik, tila hindi alam kung paano tutugon.Bahagyang nainis si Maxine. Ngayon lamang niya lubos na napagtanto kung gaano kaliit ang pasensya ni Shawn, na kahit sa ganitong sandali ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagseselos.Tuming
Tumingin si Shawn kay Roberto at mariing nagsalita.“Uncle Roberto, uulitin ko. Hindi ko papakasalan ang anak ninyo na si Monica. Ang taong mahal ko ay si Maxine.”Agad na napuno ng sakit at hinanakit ang mukha ni Monica nang marinig 'yon.“Shawn!”Bigla namang hinila ni Shawn si Maxine, tuluyan
Nagkatinginan ang mga dumukot at ang doktor. Halos sabay-sabay nilang naramdaman na wala nang takas. Sa isang hininga, halos sabay-sabay silang nagbuka ng mga bibig at nagsalita.“Mr. Velasco, magsasalita na po ako!”Napangisi si Shawn at sinabi, “Very good. You speak. So, tell me. Who ordered you







