Mag-log inNapangiti ako nang maramdaman ko mayroon humahalik-halik sa magkabila kong pisngi, kaya biglang nawala ang antok ko lalo pa pagigil pa akong hinahalikan sa magkabila kong pisngi. Kahit nakapikit ako nakangiti akong niyakap sila naulinigan ko ang masaya hagikhik nilang dalawa.
"I told you, Queendra, shhh ka lang niyaya mo kasi ako lakasan kiss kay Nanay," bulong pa ni Quentin sa kapatid n'ya akala yata nagambala nila ang tulog ko. Quentin and Queendra, kambal kong anak na lalaki at babae. Sila ang inspirasyon ko, at sa lahat ng pagsisikap ko sa buhay ay para sa future nila. “Hi, good morning mga mahal ko,” malambing kong pagbati sa kanila sabay pareho ko silang pinisil sa ilong nila. "Good morning din po, Nanay," sabay pa nilang sabi sa akin hinalikan ulit ako pero ngayon sa noo ko naman. "Ang saya naman ng umaga ko," wika ko sa kanila at nagustuhan nila dahil kinilig pareho. Bumungisngis ako nang bumangon ako para sumandal sa headboard ng kama inalalayan pa nila akong dalawa na para bang malaki na sila. "Thank you mga mahal ko," saad ko sa kanila nang maayos na akong nakasandal sa headboard ng kama. “Nanay, uhmm wala ka po work ngayon?” tanong ng bunsong kong si Queendra. Magkasalikop pa ang magkabila n'yang palad animo nagdadasal na sana nga wala akong pasok kaya mahina akong tumawa. "Wala?" patanong kong tugon sa kaniya. Nanlaki ang mata nilang dalawa pagkatapos nagkatinginan silang magkapatid. Hmm parang may gusto yata hingiin ang mga anak ko kaya lang nahihiya pa magsabi. Kahit na bata pa sila naiintindihan nila busy ako sa trabaho. Pero kapag wala akong commitment. Binibigay ko lahat ng oras ko sa kanila. Iyon lang kapag sunod-sunod ang project ko. Minsan uuwi ako na tulog na sila. Pero kapag mayroon naman sila event sa school. Nagpupunta ako kahit na late pa ako, humahabol ako. Wala na nga silang Tatay, tapos pati ako busy pa. Kaya gagawa talaga ako ng paraan para bigyan sila ng time. Iyon nga lang todo ingat ko lalo pa crowded na lugar ang pupuntahan ko. Mahirap kapag nakilala ako. Biglang puputok ang balita na may mga anak pala ako. Hindi naman ako natatakot na mabunyag ang katotohanan na iyon. Hindi ko itatanggi ang anak ko kung ako ang tatanungin. Hindi alam ng mga teacher ng kambal na artista ang Nanay ni Quentin at Queendra. Kasi nga buo ko naman talagang pangalan ay Ma. Jhen Kayla Paulin Rosales. Isa pa hindi naman ako nagtutungo sa classroom nila dahil ang Nanay Cristy lang ang pumupunta kapag may meeting. Pakilala ng Nanay Cristy, mga apo niya si Quentin at Queendra at siya ang guardian dahil nasa abroad daw ang Nanay ng kambal. Hindi rin naman ako chismis ng dalawa kong anak pero alam nila na artista ako. Hindi ko nga lang pinapanood ng mga movie ko, pero sa mga commercial pinapayagan ko. May kissing scene kasi sa mga movie ko kaya hindi talaga sila pu-puwede manood noon. Akala ng mga kasamahan ko sa industry surname ko ang Paulin at name ko ay Jhen. Kasi screen name ko ay Jhen Paulin. Napagkamalan pa akong tatay ko raw ba ay afam, kaya Paulin ang surname ko. Ngingiti lang ako simple tango, bawas mali rin. "Dahil wala akong trabaho ngayon. Mayroon naman pero mamaya pa alas-otso ng gabi. Mahaba pa ang oras. Saan ang gusto pumunta ng mga anak ko?" “Yahey! Nanay, gusto ko po pasyal sa mall,” wika ni Queendra. Tumango ako tuwang-tuwa ito pumalakpak pa. "At ako rin muna ang maghahatid at susundo sa inyo mamaya pagpasok sa school niyo at pagkatapos at saka tayo papasyal sa mall. How about that, gusto niyo ba iyon?” “Wow that's awesome po,” excited na sabi ni Quentin ang panganay ko. “I like it po Nanay,” saad din ni Queendra. Bumungisngis ako kasi nakasanayan talaga nila ang tawag sa akin ay ‘nanay’. Gaya-gaya kasi sila sa pagtawag ko sa Nanay Cristy. Gusto ko rin naman iyon para sa akin sweet ang gano'n. Napatingin ako sa wall clock kung anong oras na. Ten hanggang twelve ng umaga ang pasok ng kambal. Alas-otso pa lang ngayon kaya may time pa ako para maghanda. “Dahil diyan, tayo na mag-almusal para maghanda na pagpasok.” “Tapos na po kami kumain ni Kuya Quentin,” tugon ni Queendra kaya kunwari nalungkot ako. “Nanay ‘wag ka na po malungkot. Kakain ulit po kami ni Queendra,” sabi ni Quentin kaya hindi ko mapigilan hindi sila pupugin pareho ng halik sa mukha nila. “Ang sweet naman talaga ng Kuya Quentin na iyan,” wika ko pa pareho ko silang niyakap. Ang saya sa pakiramdam kapag ganito ko sila nayayakap. Parang ang bilis lang ng panahon malaki na sila. Waah ayaw ko yata ispin soon magiging binata at dalaga na ang mga anak ko. Natawa tuloy ako sa sarili ko ang advance kong mag-isip aba.Yurich Pov Shit! Malakas kong nahampas ang manibela nang nahimasmasan ako. Malapit na ako sa condo unit ko nang bigla kong ma-realize na hindi ko dapat hinusgahan si Jhen. Gano'n naman talaga ang kalakaran sa showbiz. Tama naman siya maraming mapanghusga kaya iyon ang naisip ng manager niya para tangkilikin siya ng masa. Trabaho lang walang personalan pero isa ako sa taong hinusgahan siya. Damn it nagalit kaya si Jhen? Panigurado iyon hindi ba magagalit iwanan ko ba naman habang masaya si Queendra dahil dumating ako. Kahit ako nasaktan ako nang umalis sa school ng dalawang bata para bang may bahagi sa puso ko mali ang ginawa ko. Calling… Paktay si Kuya Atlas ang tumatawag. Nakarating na kaya ang balita sa kaniya tungkol kay Jhen? “Hello Kuya Atlas?” "Nasaan ka?" seryoso tanong nito. "Nasa condo ko. Bakit may atraso ba ako sa iyo?" "Wala! May pag-uusapan tayo. Pumunta ka ngayon din sa bahay nila mommy.” Utos niyan pero paano ang balak kong bumalik sa school nila
Jhen “Kayo po ang mommy ni Quentin at Queendra?” namamangha na tanong nito. “Opo ma'am,” tugon ko sa kaniya. “Ako ang adviser ng anak mo Ma'am Jhen, woah hindi ko akalain na ikaw pala ang mommy nila Queendra,” sabi nito at halatang mabait maliban sa babaeng nakaupo sa swivel chair. Bagamat namangha rin ito pagkakita sa akin at ni Direk, ngunit mukhang mataray ito kaya hinayaan ko lang. “Ma'am ano po ang nangyari?” magalang kong tanong sa teacher ng dalawa bata. “Nagkaroon po ng pagtatalo sa classroom nang saglit akong nawala dahil may xerox po akong kinuha sa faculty room. Tapos pagbalik ko naabutan ko sinuntok po ni Quentin ang kaklase n'ya,” saad ng adviser pagkatapos tumingin sa classmate ng mga bata. Oh? Bakit umiyak naman wala naman nanakit sa kaniya kanina pa iyon. Kumunot ang noo ko nang magsumbong sa mommy nito. “Huhuhu mommy masakit po teeth ko,” wika nito nanlaki ang aking mata. Ibig sabihin nyan sa mukha siya sinuntok ni Quentin. “Hindi ko papayagan na i-bul
"Jhen, Jhen," tinawag ako ng isang reporter pero sinamaan siya ng tingin ni Direk Yurich. "Stop harassing Jhen or we will sue you. There is no truth to the news that is coming out about Jhen, so if I were you, tigilan niyo na iyan dahil hindi magdadalawang isip ang management kung patuloy niyong ihaharass si Jhen." Nagkatinginan sila pagkatapos laglag balikat na tumalikod. Nakahinga ako nang maluwag at sandaling ito hindi ko maikakaila na humanga ako sa ginawa ni Direk Yurich. Kasi ang galing lang n'yang magsalita iyong banh tipong tiklop agad dahil powerful ang bawat n'yang sambitin. Sabagay isa siyang Martinez kaya talaga magaling ito hindi sila mayaman kung hindi magaling makipagusap. Dere-diretso akong pumasok pagkatapos kong makausap ang guwardiya. Ramdam ko nakasunod naman si Direk Yurich hindi nga lang ako tumingin sa kaniya. “Excuse me po, saan po ang guidance office?” tanong ko sa janitor na busy mag mop sa hallway na dinadaanan namin ni, Direk Yurich. Tinuro agad n
Sinong nagpapasok sa iyo rito?” iyon agad ang bungad ko kay Direk Yurich nang tuluyang makaalis ang Nanay Cristy. “Si Nanay Cristy,” saad n'ya habang kakamot-kamot sa buhok niya. “Makakaalis ka na ayaw kitang kausapin,” saad ko at itinuro ko pa ang pinto animo hindi alam ni Direk Yurich para lumabas na siya. “Fvck! Importante itong pag-uusapan natin hindi pu-puwede na hindi tayo mag-usap ngayon,” tila napikon na n'yang sabi kaya hindi ko maiwasang hindi siya tapunan ng masama titig. Paano kung makaasta nito parang may karapatan siya sa buhay ko. “May lakad ako p'wede naman siguro sa sunod ka na pumunta,” wika ko sa kaniya para maitaboy ko lang ngunit sa paraan ng titig n'ya sa akin hindi talaga ito susunod sa utos ko. “Ako na ang sasama sa iyo galing na si Germaine rito nang makita ako bumalik ulit siya sa k'warto n'ya.” “Ano?” bulalas ko. Talaga naman itong si Ate Germaine nagtiwala agad dito. Biglang nag-ring ang phone ko kaya saglit nawala ang atensyon ko sa kaniya. M
Jhen “Emir, thank you, ha? At ingat sa pagda-drive. Matulog ka rin ang laki na ng eyebags mo,” saad ko sa kaniya nang makapasok ang kotse n'ya sa loob ng gate. Ma-swerte talaga ang babaeng magkakagusto sa kaniya. Dahil gentleman at mabait si Emir. Bonus na lang good looking n'ya at may pera rin naman ito. "Kung hindi ka nagpunta ngayon. Paano na kaya hindi nakapasok ang dalawang bata dahil may nag-aabang sa amin." “Bast para sa inyo ng mga bata nakahanda akong tumulong. Alam mo naman ang number ko tawagan mo lang ako kung may mang-aapi sa inyo," ngumiti ito nagpa-cute pa talaga kaya bumungisngis ako. "Alam mo naman itong bestfriend mo palaging available para sa iyo,” “Oo alam ko iyan hindi mo na kailangan magpa-cute. Basta mag-text ka kapag nakauwi ka na sa inyo, ha?” saad ko nang tumango siya at saka ako lumabas ng pinto. Tumayo muna ako sa harapan ng kotse niya para antayin siyang makalabas ng gate. Nakaabang ang ate Germaine sa gate para isarado iyon. Aalis na sana ako
Bumaba rin si Emir at agad n'yang ni-lock ang pinto sa driver seat. Nakasunod lang ako ng tingin dito. Inalalayan pa n'ya ang dalawang bata pagbaba ng kotse. Nakasunod pa rin ako ng tingin sa kanila habang naglalakad sila patungo sa gate. Napansin ko nagkatinginan ang mga chismosa tinitigan si Emir na seryoso. Tapos napasinghap ako nang magtagal ang titig nila kay Quentin at Queendra. Napalunok ako nang lalapit iyong dalawa nasa gate nakahanda na magtanong ngunit napaawang ang labi ko nang may humarang sa harapan nila. Hindi sila nakapagtanong kay Emir at sa dalawang bata dahil may tatlong lalake hinarangan sila. Maya-maya tumunog ang phone ko pagkatingin ko number ni Direk. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nataranta pa ako nang sagutin ko iyon. Seriously Ma. Jhen Kayla Paulin Rosales, namiss lang kaya nataranta? “Kasama mo si Emir?!” galit na boses ang bumungad sa akin. Hello ano ko ba siya ganito agad ang bungad animo may karapatan? "Talagang lumabas ka pa ng bahay huh
Jhen "Hello po Tita Lian?" "Jhen, alam ko kalabisan na dahil hiningi mo ang araw na iyon dahil birthday ng Nanay Cristy mo." Napairap ako kasi sa tuno ng salita ng manager ko mayroon sa akin hihilingin. Kung hindi lang talaga sa utang na loob. Tatanggi ako dahil mag-overnight kami sa Laguna b
Yurich pov “Hi, miss. Mukhang pauwi ka at mag-isa ka lang. Gusto mo bang ihatid kita? Ihatid sa langit,""Bastos! Bitiw!" nagkandabuhol ang boses na galit na sabi ng babae.Lasing? Halata naman dahil nag-eekis ang tayo nito.Natigilan ako kahit na hindi tuwid ang lakad ko nang mayroon akong makita
Yurich pov “Kuya Atlas?” “Bro! Please, sunduin mo mamayang labasan ng kambal may lakad kami ng Ate Andrea mo,” “Kuya, kagigising ko lang ngayon at mayroon ulit kami shooting mamayang alas-otso ng gabi. Kailangan kong magpahinga pa at inaantok pa ako,” reklamo ko sa kaniya. Hindi pa nga ako b
Jhen Sobra-sobra ang pagod ko nang matapos ang huling eksena para sa bagong movie na ginagawa ko. Ala-una y medya na ng madaling araw pero ako at buong staff, gising pa kahit na antok na antok na ako pero hindi pu-puwedeng matulog. Habang inaayos ko ang personal kong gamit. Panay ang hikab ko.







