Mag-log inJhen
"Hello po Tita Lian?" "Jhen, alam ko kalabisan na dahil hiningi mo ang araw na iyon dahil birthday ng Nanay Cristy mo." Napairap ako kasi sa tuno ng salita ng manager ko mayroon sa akin hihilingin. Kung hindi lang talaga sa utang na loob. Tatanggi ako dahil mag-overnight kami sa Laguna birthday gift ko sa Nanay Cristy. Naka-booked na iyon kami lang ng mga bata at si Ate Germaine. Sa sabado na iyon huwebes na ngayon kaya nga excited ang mga bata dahil hanggang linggo ng tanghali kami roon. Wala akong taping kasi nagsabi na ako kay direk family bonding. Pumayag naman pero itong si Tita Lian mukhang singit pa. Okay naman na manager si Tita Lian. Mabait din naman wala akong masasabi. Pero ang ayaw ko lang talaga kapag tanggap siya nang tanggap ng raket kaya minsan ako na ang nagrerekalmo. Ayon hindi siya makapalag kapag nasa tama ako. "Fan mo kasi ang pamangkin ng amiga ko. Gusto n'ya sumaglit ka sa birthday n'ya sa sabado. Promise magpapakita ka lang iyon kasi ang gusto na gift. Sorry, alam ko naman may lakad kayo," aniya. Tumikhim ako. "Basta Tita Lian. Sa umaga lang po at saglit lang ako." "Really? Payag ka na?" Napairap ako dahil alam naman n'ya hindi ako basta makatanggi. "Opo Tita. Sa tanghali naman po kami aalis," "Thank you so much, Jhen." "Welcome po Tita. Putulin ko na po ang tawag nagmamaneho po ako." "Sure! Ingat kayo. Salamat ulit," sabi nito at nauna pa nito putulin ang tawag. "Dumali na naman iyan si Madam Lian. Tsk maayos ang usapan na hindi ka tatanggap ng raket sa araw na iyan." Nangiti akong saglit na lumingon sa Ate Germaine. "Ayos lang po iyon Ate." "Kaya talaga umaapaw ang blessings mo kasi napakabait mong tao." "Oi ate hindi naman ah," "At humble pa kaya hindi nagkamali ang mga fans mo na idolohin ka dahil mabait, maganda." Ngumiti na lang ako. Dahil hindi ko talaga iyon iniisip. Basta ginagawa ko lang kung anong tama at mali. “Naku namiss ko na kasama sa pamamasyal ang kambal. Tiyak tayo ang susuko sa dalawa, kapag nakarating tayo sa mall,” nakangiti sabi ng Ate Germaine nang binabagtas na namin patungo sa school ng dalawang bata. Nakangiti akong samang-ayon sa sinabi ng Ate Germaine. “Mabuti na lang talaga ate, nagbago ang isip ni direk sa time ng shooting. Akala ko maaga tayong aalis ng bahay. Timing na move ng alas-otso ng gabi, at sa Cavite lang din ang shooting, kaya kahit na six thirty na tayo umalis ng bahay hindi tayo magagahol sa oras. Alam mo na si direk, parang lion kapag mayroon na late," saad ko sa kaniya. "Bakit kaya hanggang ngayon binata pa si direk. Hindi kaya bading siya?" bigla sabi ng Ate Germaine na kina overthink ko rin. "Sayang kung bading ang lion na iyon. Aba mga kapatid n'ya masaya ang married life at mayroon na mga cute na mga anak," tugon ko sa kaniya. "Pero alam mo ba mayroon rumor," "Ate Germaine, bilib na ako sa iyo ang lakas ng signal mabilis sumagap ng chismis," sagot ko sa kaniya kina bungisngis lang n'ya. "Narinig ko lang sa studio. Mayroon pala siya babaeng inaantay," Bigla akong napalingon sa Ate Germaine. Pero hindi na lang ako sumagot para maiba na ang topic namin. Nagiging chismosa na rin ako kapag sinagot ko pa ang chismis n'ya. Kahit na nagkwentuhan kami ni Ate Germaine. Pagmamaneho pa rin ang focus ko kaya hindi ako lumingon sa kaniya habang nagsasalita siya. “At nagkaroon pa tayo ng time mamasyal. Aba straight din four days na lagi tayong walang time matulog,” saad ng Ate Germaine. “Wait, nasabihan mo na ba ang Manong Kulas? Kung anong oras dapat siya pupunta ng bahay?” “Yeah. Sinabihan ko kahit na five thirty na siya magpunta,” “Salamat ate. Mahaba oras din makasasama ko ang mga anak ko. Kailangan kong sulitin. Baka naman sa next day, puro tayo trabaho,” natatawa kong sabi. “Kasi malapit na rin kasi ito lumabas sa sinehan kaya talaga nag-ra-rush si Direk Yurich,” sagot ng Ate Germaine. Pagkaalala sa showing. Kinakabahan ako. Paano kaya kung hindi kagatin ng mga fans namin ni Emir. Kasi dati kong ka-loveteam aminado ako na maraming nawala sa dati kong fans simula nang palitan ng management ang love team ko. Wala akong magagawa dahil business ito. Kung sa tingin nila ang may potential na mag-click sa masa iyon ang kukunin nila Sobrang thankful ako kasi hindi ako nawawalan ng project para bang RMTV baby ako. Kaya hindi nakapagtataka na marami mga lihim na plastic sa akin dahil nga may narinig ako na favorite raw ako ng management. Dedma ko lang ang usap-usapan dahil alam ko naman sarili ko kung ano ako ngayon. Pinaghirapan at nagtiyaga ako para makuha ko iyon. Kaya pinagbubuti ko bawat project na ibinigay sa akin. Para hindi sila magsisi ako ang pinili. Proud ako naibigay ko naman sa kanila ang nais nila, kasi hindi naman siguro ako magkakaroon ng sunod-sunod na project kung hindi kumita ang mga palabas sa TV man o sinehan na pinagbidahan ko. “Basta Ate Germaine. Sigurado ka wala kang ibang lakad, ha?” “Wala. Hindi natuloy ang dapat ka-date ko,” sabi nito kaya mabilis akong napalingon sa kaniya bumungisngis siya reaksyon ko. “Ate, hindi ka pa ba nadala kahit ilang beses ka nang nasaktan?” tanong ko sa kaniya. "Natural lang naman masaktan. Bakit naman ako magiging martir kung p'wede naman mag-collect para makapili ng the best," "Dahil d'yan expert ka na," wika ko sabay bumungisngis. Kasi naka ilan boyfriend na ito. Thirty one na ang Ate Germaine at single siya ulit ngayon. Kaya umabot siya sa edad na ito dahil breadwinner siya sa pamilya n'ya. Tagaroon siya sa Laguna. Pero ngayon marunong na ang Ate Germaine, maghawak ng pera. Aba, dapat lang naman malaki ang sweldo niya sa akin. Pero noon wala s'yang ipon dahil palagi siyang nagbibigay sa pamilya n'ya. Ngayon niya lang na-realize mag-limit. Tinanong ko naman muna siya kung gusto n'ya, baka kasi mas pipiliin n'ya magpahinga. Gusto raw niya dahil may bibilhin na bagong bag. Sabi ko naman dahil sinamahan n'ya ako. Ako na ang bahala magbayad. Libre pa siya ng pa salon dahil dadaan muna ako sa ‘Q Salon’ bago kami gumala sa mall. Matatagpuan malapit sa SM Manila ang ‘Q Salon' na bago kong business. Iisang branch pa ito dahil nga limited lang ang time ko. Need ko kasi kahit paano dalawin para ma-monitor ang sales. Kapag siguro wala na akong project. Pwede na magtayo ng isa pang branch. Kagandahan lang sa ‘Q Salon’ hindi ko kailangan mangupahan. Dahil naglaan talaga ako ng pera para mabili ko ang two hundred fifty sqm na bakanteng lote pinatayuan ko ng building. Kaya hindi ako nangamba na wala akong ibabayad sa upa. May apat din na commercial space bukod sa salon. At swerte ko rin dahil fully occupied na lahat at start na mga tenant mag-open ng mga business nila. Sabi ko kahit doon napunta lahat ng naipon ko sa pagbili hanggang sa pagpapatuyo ng building at sa mga commercial space at ng salon ko simula ng maging artista ako, ay okay lang. Dahil lifetime investment din naman ang ipinatayo kong building. Panibago na lang ulit ipon. At least kahit na laos na akong artista sabi ng mga inggit na kasamahan ko sa industry. May income pa rin ako kapag wala na talaga kukuha sa akin, gaya sa mga chismis ng kapwa kong arista. Okay lang dahil may naipundar akong sariling bahay at business na masasabi kong akin. Galing sa pagod at pawis ko.Yurich Pov Shit tapos na? Hindi ako umabot. Nagmaneho ako pabalik at tinawagan ko si Germaine para alamin ang address nila. Nainip na ako walang sagot si Germaine. Paano ako pupunta sa bahay nila Jhen kung hindi ko alam. Naisip ko ang manager n'ya. "Boss Yurich?" halata sa gulat ang boses n'ya. "Kukunin ko ang address ni Jhen," walang paligoy-ligoy na sinabi ko sa kaniya. "Kay Jhen Paulin po, Direk?" tila hindi makapaniwala na sabi niya. "Yeah ibigay mo na pupunta ako sa bahay nila." Utos ko at nainip ako hindi ko lang masabi sabi rito. "Sige po i-text ko po ang address n'ya," tugon nito kaya pinutol ko na agad ang tawag ko sa kaniya para makita ko agad. Nag-text naman agad kaya mabilis akong nagbyahe patungo roon. Ngunit pagdating ko napakatahimik. Kumatok ako ngunit wala nagbukas ng gate. Inisip ko na lang baka mga pagod sa katatapos na family day. "Ginawa mo iyan sa mga anak ni Jhen!" galit na saad ni mommy sa akin. Hindi pa talaga tapos dahil pinitik ang tainga k
Yurich Pov Shit! Malakas kong nahampas ang manibela nang nahimasmasan ako. Malapit na ako sa condo unit ko nang bigla kong ma-realize na hindi ko dapat hinusgahan si Jhen. Gano'n naman talaga ang kalakaran sa showbiz. Tama naman siya maraming mapanghusga kaya iyon ang naisip ng manager niya para tangkilikin siya ng masa. Trabaho lang walang personalan pero isa ako sa taong hinusgahan siya. Damn it nagalit kaya si Jhen? Panigurado iyon hindi ba magagalit iwanan ko ba naman habang masaya si Queendra dahil dumating ako. Kahit ako nasaktan ako nang umalis sa school ng dalawang bata para bang may bahagi sa puso ko mali ang ginawa ko. Calling… Paktay si Kuya Atlas ang tumatawag. Nakarating na kaya ang balita sa kaniya tungkol kay Jhen? “Hello Kuya Atlas?” "Nasaan ka?" seryoso tanong nito. "Nasa condo ko. Bakit may atraso ba ako sa iyo?" "Wala! May pag-uusapan tayo. Pumunta ka ngayon din sa bahay nila mommy.” Utos niyan pero paano ang balak kong bumalik sa school nila
Jhen “Kayo po ang mommy ni Quentin at Queendra?” namamangha na tanong nito. “Opo ma'am,” tugon ko sa kaniya. “Ako ang adviser ng anak mo Ma'am Jhen, woah hindi ko akalain na ikaw pala ang mommy nila Queendra,” sabi nito at halatang mabait maliban sa babaeng nakaupo sa swivel chair. Bagamat namangha rin ito pagkakita sa akin at ni Direk, ngunit mukhang mataray ito kaya hinayaan ko lang. “Ma'am ano po ang nangyari?” magalang kong tanong sa teacher ng dalawa bata. “Nagkaroon po ng pagtatalo sa classroom nang saglit akong nawala dahil may xerox po akong kinuha sa faculty room. Tapos pagbalik ko naabutan ko sinuntok po ni Quentin ang kaklase n'ya,” saad ng adviser pagkatapos tumingin sa classmate ng mga bata. Oh? Bakit umiyak naman wala naman nanakit sa kaniya kanina pa iyon. Kumunot ang noo ko nang magsumbong sa mommy nito. “Huhuhu mommy masakit po teeth ko,” wika nito nanlaki ang aking mata. Ibig sabihin nyan sa mukha siya sinuntok ni Quentin. “Hindi ko papayagan na i-bul
"Jhen, Jhen," tinawag ako ng isang reporter pero sinamaan siya ng tingin ni Direk Yurich. "Stop harassing Jhen or we will sue you. There is no truth to the news that is coming out about Jhen, so if I were you, tigilan niyo na iyan dahil hindi magdadalawang isip ang management kung patuloy niyong ihaharass si Jhen." Nagkatinginan sila pagkatapos laglag balikat na tumalikod. Nakahinga ako nang maluwag at sandaling ito hindi ko maikakaila na humanga ako sa ginawa ni Direk Yurich. Kasi ang galing lang n'yang magsalita iyong banh tipong tiklop agad dahil powerful ang bawat n'yang sambitin. Sabagay isa siyang Martinez kaya talaga magaling ito hindi sila mayaman kung hindi magaling makipagusap. Dere-diretso akong pumasok pagkatapos kong makausap ang guwardiya. Ramdam ko nakasunod naman si Direk Yurich hindi nga lang ako tumingin sa kaniya. “Excuse me po, saan po ang guidance office?” tanong ko sa janitor na busy mag mop sa hallway na dinadaanan namin ni, Direk Yurich. Tinuro agad n
Sinong nagpapasok sa iyo rito?” iyon agad ang bungad ko kay Direk Yurich nang tuluyang makaalis ang Nanay Cristy. “Si Nanay Cristy,” saad n'ya habang kakamot-kamot sa buhok niya. “Makakaalis ka na ayaw kitang kausapin,” saad ko at itinuro ko pa ang pinto animo hindi alam ni Direk Yurich para lumabas na siya. “Fvck! Importante itong pag-uusapan natin hindi pu-puwede na hindi tayo mag-usap ngayon,” tila napikon na n'yang sabi kaya hindi ko maiwasang hindi siya tapunan ng masama titig. Paano kung makaasta nito parang may karapatan siya sa buhay ko. “May lakad ako p'wede naman siguro sa sunod ka na pumunta,” wika ko sa kaniya para maitaboy ko lang ngunit sa paraan ng titig n'ya sa akin hindi talaga ito susunod sa utos ko. “Ako na ang sasama sa iyo galing na si Germaine rito nang makita ako bumalik ulit siya sa k'warto n'ya.” “Ano?” bulalas ko. Talaga naman itong si Ate Germaine nagtiwala agad dito. Biglang nag-ring ang phone ko kaya saglit nawala ang atensyon ko sa kaniya. M
Jhen “Emir, thank you, ha? At ingat sa pagda-drive. Matulog ka rin ang laki na ng eyebags mo,” saad ko sa kaniya nang makapasok ang kotse n'ya sa loob ng gate. Ma-swerte talaga ang babaeng magkakagusto sa kaniya. Dahil gentleman at mabait si Emir. Bonus na lang good looking n'ya at may pera rin naman ito. "Kung hindi ka nagpunta ngayon. Paano na kaya hindi nakapasok ang dalawang bata dahil may nag-aabang sa amin." “Bast para sa inyo ng mga bata nakahanda akong tumulong. Alam mo naman ang number ko tawagan mo lang ako kung may mang-aapi sa inyo," ngumiti ito nagpa-cute pa talaga kaya bumungisngis ako. "Alam mo naman itong bestfriend mo palaging available para sa iyo,” “Oo alam ko iyan hindi mo na kailangan magpa-cute. Basta mag-text ka kapag nakauwi ka na sa inyo, ha?” saad ko nang tumango siya at saka ako lumabas ng pinto. Tumayo muna ako sa harapan ng kotse niya para antayin siyang makalabas ng gate. Nakaabang ang ate Germaine sa gate para isarado iyon. Aalis na sana ako
“Pa- try ako nga magmaneho ma'am,” wika ng ate Germaine nang malapit na kami sa school ng mga bata. “No way! Maliit pa ang mga anak ko ayaw ko pang matigok ng maaga," natatawa kong tugon sa kaniya. Humagikhik na lang ang Ate Germaine. Bumalik siguro sa alaala n'ya ang nangyari pag-aaral niya pa
Yurich pov “Hi, miss. Mukhang pauwi ka at mag-isa ka lang. Gusto mo bang ihatid kita? Ihatid sa langit,""Bastos! Bitiw!" nagkandabuhol ang boses na galit na sabi ng babae.Lasing? Halata naman dahil nag-eekis ang tayo nito.Natigilan ako kahit na hindi tuwid ang lakad ko nang mayroon akong makita
Yurich pov “Kuya Atlas?” “Bro! Please, sunduin mo mamayang labasan ng kambal may lakad kami ng Ate Andrea mo,” “Kuya, kagigising ko lang ngayon at mayroon ulit kami shooting mamayang alas-otso ng gabi. Kailangan kong magpahinga pa at inaantok pa ako,” reklamo ko sa kaniya. Hindi pa nga ako b
Napangiti ako nang maramdaman ko mayroon humahalik-halik sa magkabila kong pisngi, kaya biglang nawala ang antok ko lalo pa pagigil pa akong hinahalikan sa magkabila kong pisngi. Kahit nakapikit ako nakangiti akong niyakap sila naulinigan ko ang masaya hagikhik nilang dalawa. "I told you, Queendr







