LOGIN“Pa- try ako nga magmaneho ma'am,” wika ng ate Germaine nang malapit na kami sa school ng mga bata.
“No way! Maliit pa ang mga anak ko ayaw ko pang matigok ng maaga," natatawa kong tugon sa kaniya. Humagikhik na lang ang Ate Germaine. Bumalik siguro sa alaala n'ya ang nangyari pag-aaral niya para matuto mag-drive. Nag-aral din naman ang Ate Germaine, mag-drive. Pero ako ang natuto. Dahil din siguro gustong-gusto kong matuto kasi kapag wala akong taping o ibang commitment. Ipinapasyal ko ang kambal. Noong hindi pa ako marunong. Nakikiusap pa ako sa Manong Kulas, pagmamaneho kami. Ngayon ako na lang. Binangga ni Ate Germaine ang kotse ko sa pader. Maigi na lang sa pader lang kung saan kami nakatira. Kaya nga nagpalit ako ng bagong kotse mabuti rin dahil luma na iyong kotse naibangga niya. Dapat tatlo na ang kotse ko pero hindi ko na ginamit ang luma. Ito lang ang gamit ko at iyong van na ginagamit ko sa taping na customized van. Para iyon kung mahaba ang byahe namin ay maayos akong makatutulog. “Ang bilis ng panahon ano?” biglang sabi ng Ate Germaine. “Yeah, parang hindi pa ako handa na lumaki ang mga anak ko,” sagot ko sa kaniya. “Wala ka na bang balak humanap ng pwede maging Tatay ng kambal? Aba, hindi lugi ang lalaking pakakasalan mo. Nasa iyo na lahat swerte nila," aniya. “No thanks, ate. Okay na ako sa buhay kong ganito. May mga anak na ako kuntento na ako. Sakit sa ulo lang iyang mga lalake na iyan,” “Tama rin naman,” tugon ng ate Germaine. Pero biglang humarap sa akin. "Curious ako kasi ang ganda at g'wapo ng mga anak mo. Parang mga anak ng billionaire. Alam mo iyon si Quentin, parang may kahawig siya kay direk sa biglang tingin lang. Kasi silang magkambal naman ay halos sa iyo nakuha." "Ate Germaine. Halos naman tao mayroon mga kahawig kahit hindi magkaano-ano." "Aba malay mo siya pala ang lalaking naka one night stand mo," sabi pa nito. Wala kasi akong nilihim sa Ate Germaine. Dahil itinuring ko siyang Ate. "Ate, ang layo ng Baguio sa Maynila," wika ko sa kaniya. "Sabagay impossible nga maligaw siya roon para lang mag-disco," siya na rin ang natawa sa sarili n'ya. Ako naman nag-focus mag-drive. Labasan na ng mga estudyante pagdating namin. Kailangan ko pa mag disguise. Nakasuot ako ng dark na eyeglass at mask. Malaki pa ang frame ng salamin ko kaya natakpan na ang maliit kong mukha. “Ma'am Jhen, look,” kinalabit ako nang Ate Germaine nang makapasok kami sa gate ng school. Saglit akong natigilan nang makita ko si Queendra ang anak kong ubod ng daldal na nakatayo sa harapan ng Direk Yurich Martinez. At take note, hindi lang basta nakatayo ang anak ko. Masayang-masaya pa siyang nakikipagkuwentuhan doon sa masungit na si direk. Nagkatinginan kami ng Ate Germaine. Wala naman problema mag-usap sila ni Queendra, pero hindi ko maiwasang tumaas ang aking kilay dahil masaya ang tawa ni Direk Yurich, habang may sinasabi ang anak ko sa kaniya. "Marunong pala iyon tumawa?" magkasabay pa naming sabi ng Ate Germaine kaya pareho kaming humalakhak. Aba't nagpakilala pa yata ang Queendra ko sa masungit na direktor dahil nilahad nito ang kamay aliw na aliw naman si direk sa anak ko. “Lapitan natin?” kalabit sa akin ng Ate Germaine. “Ate Germaine parang temang. Alam mo hindi p'wede?!” nakanguso kong sabi. Baka magkaroon pa ako ng kaso kung malaman nitong si Direk Yurich na may anak ako. Alam ng management, dalaga ako. Pero dalaga naman talaga ako. Hindi pa naman ako nag-aasawa. Dalagang ina nga lang. “Naku naman nakatakas pala sa Kuya Quentin n'ya,” wika ko iiling-iling. Nakita ko kasi tinawag siya ni Quentin kaya roon siya nagpaalam kay Direk Yurich. Bigla rin naman may lumapit kay Direk Yurich, ang dalawang bata. Nang humarap sa gawi ko ang isang bata na yumakap sa hita ni Direk Yurich. Nakilala ko ang bata. Anak pala ng CEO ng RMTV. Si Sir Atlas. Natigilan ako. “Ate Germaine. Dito pala nag-aaral ang mga anak ni Sir Atlas,” bulong ko. “Nakita ko nga Ma'am Jhen. Ano naman ang problema?” tanong n'ya na tila ba wala s'yang idea sa ipinag-aalala ko. “Ate, ibig sabihin. Kailangan kong mag-ingat dahil pu-puwede mag-krus ang landas namin ng mga may-ari ng RMTV. Ibig sabihin pwede akong mabisto na may mga anak ko. Alam mo naman ate na ayaw pa ni Tita Lian, dahil ayaw n'ya na mawalan ako ng fans at mga project.” “Oo nga ano?” saad n'ya napaawang labi pa. “Ate Germaine. Sa akin wala problema kahit na mabunyag may mga anak ako at hindi ko iyon itatanggi. Pero sa manager ko alam mo iyon malaki ang utang na loob ko,” saad ko. Tumango-tango ang Ate Germaine. “H’wag mo na iyon isipin. Malabo mangyari ang nasa isip mo dahil nakaguhit na talaga sa palad mo na maging sikat kang artista,” “Sana nga ate dahil ayaw ko talaga na ang mga anak ko ang malalagay sa alanganin alam mo iyan sila ang buhay ko.” "Hindi iyan. Tara na para makagala na at tumalikod na rin si Direct Yurich," sabi ng Ate Germaine. Hindi ko na nga makita nagdagsaan na rin ang mga sumusundo sa mga bata. Sabay kami nagbukas ng pinto. Bago ako bumaba ng sasakayan. Inayos ko na muna ang salamin ko sa mata ko pati na ang mask ko. "Ate Germaine!" Nauna na ito bumaba. Hinabol ko si Ate, hindi ko tuloy napansin may batang tumatakbo galing sa kanan na hallway ng waiting area. Huli na hindi na ako nakaiwas dahil bumangga na ito sa akin. "S-sorry baby," hingi ko paumanhin dahil nag-alala rin ako tumama ito sa tagiliran ko. Pagtingin ko sa mukha n'ya ng niyuko ko saglit akong natigilan. Anak pala ni Sir Atlas. Kaya kilala ko ito dahil may family pictures naman ang buong angkan ng Martinez sa hallway ng RMTV. Minsan din sinasama ito pati kakambal niya sa TV station at two times ko na naabutan. Fvck makikita ako ni Direk Yurich. Nasaan kaya ang Tito Yurich nito bakit nakahiwalay ito. "S-sorry pretty masakit ba?" malambing na hinawakan ko ito sa mukha n'ya pala siguruhin hindi nasaktan. "Okay lang po Ms. Ganda, sorry din po hindi ako tumitingin. Bakit po kayo naka-mask at eyeglasses po?" curious n'yang tanong sa akin. "Pero sabi mo Ms. Ganda, mata ko lang naman nakikita mo," naka hagikhik kong sabi kaya bumungisngis din siya. "Tingin ko lang po pretty rin po kayo," tugon nito. "Layvee Kim! I told you antayin mo kami ng kapatid mo bumili lang ng ice cream!" Napatda ako nang marinig ko ang boses ni Direk Yurich. Buti na lang nakayuko ako sa anak ni Sir Atlas. Shit kailangan ko nang makaalis. "Tito sorry po," sagot ng anak ni Sir Atlas. "Huwag mo na uulitin iyan," sermon nito sa pamangkin n'ya. "Hindi na po Tito. Wait, Tita Ganda ano po ang name mo?" Napalunok ako kasi ayaw ko sila tingnan. Pero nasanay talaga mag-utos itong si Direk Yurich. "Tinatanong ka ng pamangkin ko!" Utos nito damn it! Ayaw kong mag-angat ng tingin baka mamukhaan n'ya ako. "Nariyan ba sa semento ang kausap mo?" parang irritable na nitong sabi. "S-sorry po pero nagmamadali po ako," saad ko pagkatapos mabilis akong maglakad bumalik ako sa sasakyan ko. Agad akong pumasok habang sobra ang lakas ng aking kaba. Damn it. Sa dami ko makasasalubong bakit pa si Direk Yurich ang nakasalubong ko.Yurich Pov Shit tapos na? Hindi ako umabot. Nagmaneho ako pabalik at tinawagan ko si Germaine para alamin ang address nila. Nainip na ako walang sagot si Germaine. Paano ako pupunta sa bahay nila Jhen kung hindi ko alam. Naisip ko ang manager n'ya. "Boss Yurich?" halata sa gulat ang boses n'ya. "Kukunin ko ang address ni Jhen," walang paligoy-ligoy na sinabi ko sa kaniya. "Kay Jhen Paulin po, Direk?" tila hindi makapaniwala na sabi niya. "Yeah ibigay mo na pupunta ako sa bahay nila." Utos ko at nainip ako hindi ko lang masabi sabi rito. "Sige po i-text ko po ang address n'ya," tugon nito kaya pinutol ko na agad ang tawag ko sa kaniya para makita ko agad. Nag-text naman agad kaya mabilis akong nagbyahe patungo roon. Ngunit pagdating ko napakatahimik. Kumatok ako ngunit wala nagbukas ng gate. Inisip ko na lang baka mga pagod sa katatapos na family day. "Ginawa mo iyan sa mga anak ni Jhen!" galit na saad ni mommy sa akin. Hindi pa talaga tapos dahil pinitik ang tainga k
Yurich Pov Shit! Malakas kong nahampas ang manibela nang nahimasmasan ako. Malapit na ako sa condo unit ko nang bigla kong ma-realize na hindi ko dapat hinusgahan si Jhen. Gano'n naman talaga ang kalakaran sa showbiz. Tama naman siya maraming mapanghusga kaya iyon ang naisip ng manager niya para tangkilikin siya ng masa. Trabaho lang walang personalan pero isa ako sa taong hinusgahan siya. Damn it nagalit kaya si Jhen? Panigurado iyon hindi ba magagalit iwanan ko ba naman habang masaya si Queendra dahil dumating ako. Kahit ako nasaktan ako nang umalis sa school ng dalawang bata para bang may bahagi sa puso ko mali ang ginawa ko. Calling… Paktay si Kuya Atlas ang tumatawag. Nakarating na kaya ang balita sa kaniya tungkol kay Jhen? “Hello Kuya Atlas?” "Nasaan ka?" seryoso tanong nito. "Nasa condo ko. Bakit may atraso ba ako sa iyo?" "Wala! May pag-uusapan tayo. Pumunta ka ngayon din sa bahay nila mommy.” Utos niyan pero paano ang balak kong bumalik sa school nila
Jhen “Kayo po ang mommy ni Quentin at Queendra?” namamangha na tanong nito. “Opo ma'am,” tugon ko sa kaniya. “Ako ang adviser ng anak mo Ma'am Jhen, woah hindi ko akalain na ikaw pala ang mommy nila Queendra,” sabi nito at halatang mabait maliban sa babaeng nakaupo sa swivel chair. Bagamat namangha rin ito pagkakita sa akin at ni Direk, ngunit mukhang mataray ito kaya hinayaan ko lang. “Ma'am ano po ang nangyari?” magalang kong tanong sa teacher ng dalawa bata. “Nagkaroon po ng pagtatalo sa classroom nang saglit akong nawala dahil may xerox po akong kinuha sa faculty room. Tapos pagbalik ko naabutan ko sinuntok po ni Quentin ang kaklase n'ya,” saad ng adviser pagkatapos tumingin sa classmate ng mga bata. Oh? Bakit umiyak naman wala naman nanakit sa kaniya kanina pa iyon. Kumunot ang noo ko nang magsumbong sa mommy nito. “Huhuhu mommy masakit po teeth ko,” wika nito nanlaki ang aking mata. Ibig sabihin nyan sa mukha siya sinuntok ni Quentin. “Hindi ko papayagan na i-bul
"Jhen, Jhen," tinawag ako ng isang reporter pero sinamaan siya ng tingin ni Direk Yurich. "Stop harassing Jhen or we will sue you. There is no truth to the news that is coming out about Jhen, so if I were you, tigilan niyo na iyan dahil hindi magdadalawang isip ang management kung patuloy niyong ihaharass si Jhen." Nagkatinginan sila pagkatapos laglag balikat na tumalikod. Nakahinga ako nang maluwag at sandaling ito hindi ko maikakaila na humanga ako sa ginawa ni Direk Yurich. Kasi ang galing lang n'yang magsalita iyong banh tipong tiklop agad dahil powerful ang bawat n'yang sambitin. Sabagay isa siyang Martinez kaya talaga magaling ito hindi sila mayaman kung hindi magaling makipagusap. Dere-diretso akong pumasok pagkatapos kong makausap ang guwardiya. Ramdam ko nakasunod naman si Direk Yurich hindi nga lang ako tumingin sa kaniya. “Excuse me po, saan po ang guidance office?” tanong ko sa janitor na busy mag mop sa hallway na dinadaanan namin ni, Direk Yurich. Tinuro agad n
Sinong nagpapasok sa iyo rito?” iyon agad ang bungad ko kay Direk Yurich nang tuluyang makaalis ang Nanay Cristy. “Si Nanay Cristy,” saad n'ya habang kakamot-kamot sa buhok niya. “Makakaalis ka na ayaw kitang kausapin,” saad ko at itinuro ko pa ang pinto animo hindi alam ni Direk Yurich para lumabas na siya. “Fvck! Importante itong pag-uusapan natin hindi pu-puwede na hindi tayo mag-usap ngayon,” tila napikon na n'yang sabi kaya hindi ko maiwasang hindi siya tapunan ng masama titig. Paano kung makaasta nito parang may karapatan siya sa buhay ko. “May lakad ako p'wede naman siguro sa sunod ka na pumunta,” wika ko sa kaniya para maitaboy ko lang ngunit sa paraan ng titig n'ya sa akin hindi talaga ito susunod sa utos ko. “Ako na ang sasama sa iyo galing na si Germaine rito nang makita ako bumalik ulit siya sa k'warto n'ya.” “Ano?” bulalas ko. Talaga naman itong si Ate Germaine nagtiwala agad dito. Biglang nag-ring ang phone ko kaya saglit nawala ang atensyon ko sa kaniya. M
Jhen “Emir, thank you, ha? At ingat sa pagda-drive. Matulog ka rin ang laki na ng eyebags mo,” saad ko sa kaniya nang makapasok ang kotse n'ya sa loob ng gate. Ma-swerte talaga ang babaeng magkakagusto sa kaniya. Dahil gentleman at mabait si Emir. Bonus na lang good looking n'ya at may pera rin naman ito. "Kung hindi ka nagpunta ngayon. Paano na kaya hindi nakapasok ang dalawang bata dahil may nag-aabang sa amin." “Bast para sa inyo ng mga bata nakahanda akong tumulong. Alam mo naman ang number ko tawagan mo lang ako kung may mang-aapi sa inyo," ngumiti ito nagpa-cute pa talaga kaya bumungisngis ako. "Alam mo naman itong bestfriend mo palaging available para sa iyo,” “Oo alam ko iyan hindi mo na kailangan magpa-cute. Basta mag-text ka kapag nakauwi ka na sa inyo, ha?” saad ko nang tumango siya at saka ako lumabas ng pinto. Tumayo muna ako sa harapan ng kotse niya para antayin siyang makalabas ng gate. Nakaabang ang ate Germaine sa gate para isarado iyon. Aalis na sana ako
Damn it! Bigla akong huminto sabay tingin sa kambal nang maalala ko rides pala ang gusto nila. Wala naman noon sa SM Manila. Naging tabingi ang aking ngiti pagkatapos tumikhim ako mabilis na lumapit sa kanila at umupo sa tabi nila. Kasi paalis pa lang dapat kami hindi pa rin tumayo ang dalawa sa
"Ay, ay, boyfriend," bungisngis ni Ate Germaine. Mariin akong napapikit nang marinig ko ang sinabi ng anak kong babae. Ewan ko kung napansin nilang tatlo na uminit ang mukha ko, sa sinabi ni Ate Germaine na maunahan pa akong mag-ka-boyfriend ng anak kong madaldal. Juice ko Lord. Tatlong taon pa
Jhen "Hello po Tita Lian?" "Jhen, alam ko kalabisan na dahil hiningi mo ang araw na iyon dahil birthday ng Nanay Cristy mo." Napairap ako kasi sa tuno ng salita ng manager ko mayroon sa akin hihilingin. Kung hindi lang talaga sa utang na loob. Tatanggi ako dahil mag-overnight kami sa Laguna b
Natatawa ako habang hinihila ko pabalik sa loob ng amusement arcade sina Quentin at Queendra. Pareho silang may hawak na fries cup at parehong nagtataka nakatingin sa akin na may pagkunot pa ng noo pa. Sino bang hindi magtataka e, wala naman kasi ako sabi-sabi hinawakan sila sa kamay tapos hinila







