LOGIN
“Bakit ngayon ka lang, Zarchx?”
Bungad ni Amary sa kaniyang asawa ng makapasok ito sa kanilang silid. Pasuray-suray ito halatang nakainom na naman. Wala namang bago, mula ng maikasal siya sa binata at magsama sila sa iisang bubong walang gabi na hindi ito umuwi ng lasing. Sa kabila ng lasing nitong asal, his entire demeanor scream power and wealth. His handsome face that every young lady admired, but still his cold eyes shows no emotions and how ruthless he is. Hinubad nito ang suot na jacket at galit na itinapon sa kung saan. “Wala kang pakialam! sino ka ba sa inaakala mo para question-in ang mga ginagawa ko?” Galit na sigaw nito na ikinayuko niya. “And who the hell are you to fucking lay on my bed?” Dagdag pa nito nang makita siyang nakahiga sa kama. Kaagad namang napabalikwas ng bangon si Amary nang marinig ang nakakatakot na sigaw ng asawa na umalingawngaw sa buong kwarto. Natatarantang inayos niya ang kama at binitbit niya ang libro na kaniyang binabasa. Napatingin siya sa kinaruruonan ng asawa. Masama itong nakatingin sa kaniya na para bang isang Leon na handa na siyang lapain. Lumapit siya sa asawa. “Zarchx, may pakialam ako dahil asawa mo ako! Sa tingin mo tama bang umuwi ka ng ganitong oras?” Hindi alam ni Amary kung saan nanggagaling ang lakas ng loob na sumagot sa asawa. Nagulat si Amary ng biglang hablutin ng asawa ang kaniyang panga at madiin itong hinawakan. “Baka nakakalimutan mong sa pesteng papel lang tayo mag-asawa! Wag mong ginagamit sa akin ang buwisit na salitang ‘yan dahil hindi ‘yan bebenta sa akin! Pesteng merger agreement na ‘yan sa dami-dami ng babaeng pwedeng bumitbit ng pangalan ko, bakit ikaw pa?!” “Kahit kailan, hinding-hindi ko gugustuhin na matali sa isang katulad mo! Mag-asawa tayo pero hindi ibig sabihin, pag-aari mo ako! I will never gonna accept you as my wife, bitch!” Galit ang bumabalot sa pagkatao nito at nakikita niya 'yon sa kung paano siya itrato nito. Mas pinagdidiinan pa nito ang pagkakahawak sa panga niya. “A–Aray Zarchx n–nasasaktan ako...” Mangiyak-iyak siya sa sakit na nararamdaman dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kaniyang panga, nakahawak rin siya sa kamay nito. “Talagang masasaktan ka at masasaktan ka sa akin babae! Hindi lang ito ang matitikman mo sa akin. Ginusto mo ‘to 'di ba? Pwes, pagdusahan mo!” Napasalampak siya sa sahig ng itulak siya nito. Sa higpit ng pagkakadiin nito sa panga niya, namanhid ang kaniyang mukha. ”Zarchx, lasing ka lang magpahinga ka— A-Aray! Zarchx...” Napatayo na lang siya ng biglang hilain ng asawa ang kaniyang buhok. Pakiramdam niya mahihiwalay na ang kaniyang ulo sa leeg dahil sa lakas ng pagkakahila nito sa kaniya. Hindi niya alam kung sa braso nito o ang sariling buhok ang hahawakan para hindi siya masaktan ng sobra sa ginawang pagsabunot nito sa kaniya. Pinaharap siya nito dahilan para makita niya ang galit nitong mukha. She's afraid seeing his wrath in his handsome face. “Call me, Leon! Para malaman mo kung anong kayang gawin ng isang Leon sa isang nakakasuklam na daga!” Sigaw nito sa kaniyang mukha na ikinapikit niya dahil sa sobrang takot dito. “We’re not friends to call me Zarchx. Sa susunod na maririnig kung tatawagin mo ako ng ganiyan, makikita mo ang hinahanap mo!” Binitawan nito ang kaniyang buhok dahilan para muli siyang mapaupo sa sahig habang naghahabulan ang mga luha sa pisngi. Naglakad ito papunta sa banyo, wala itong pakialam kung masasaktan siya sa mga binibitawan nitong salita ngunit wala nang mas sasakit pa ang maramdaman ang pananakit nito ng physical. Halos mamanhid ang kaniyang ulo sa sakit ng pagkakasabunot nito sa kaniya. Ganu'n din ang kaniyang panga, mahapdi na ito. Inisip niyang lasing lang ito kaya nagawang saktan siya ng ganu'n. ‘Hindi ito ang unang beses na sinaktan ka niya, Amary!’ Her mind remind her. Oo. Hindi ito ang unang beses na nakatikim siya nang pananakit ni Zarchx. Palagi nitong ipinaparamdam sa kaniya kung gaano siya ka hindi gusto. Pero hindi niya kayang iwan kahit na miserable ang buhay niya sa piling nito. Hindi dahil sa ayaw niyang mabigyan ng kahihiyan at madismaya sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Tiisin ni Amary ang lahat ng sakit na ipinaparamdam nito sa kaniya dahil mahal niya ang kaniyang pamilya. Nagtitiis siya hindi lamang para sa pamilya niya, kundi dahil sa mahal niya ang binata. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa kaya hindi niya magawang iwan. Buwan pa lang naman ang binibilang niya sa pagtitiis dito. Hindi siya sumusuko dahil alam niyang maaga pa ang lahat para sa kanilang dalawa, maari pang magbago si Zarchx sa pakikitunggo sa kaniya. ‘Magbabago siya!’ She want this marriage work. Gusto niyang maranasan at maramdaman kung paano maging masaya ang buhay may asawa. Gusto niyang maging masaya kasama ito. Gusto niyang magkaroon ng katahimikan ang kanilang relasyon. Hangga't may bagong umaga may pag-asa, hindi siya nawawalan nang pag-asa na darating ang isang umaga na minamahal na siya ng asawa katulad nang pagmamahal na ibinibigay niya. ‘Nanggaling ako sa kompleto at masayang pamilya. Sisiguradohin ko na magiging masaya rin ako sa aking asawa.’ Hinding-hindi siya magsasawang maghintay kahit na gaano pa man katagal. Ganu'n niya ka mahal ang asawa, mahal na mahal. Nanghihinang bumangon si Amary sa pagkakasalampak sa sahig at tinungo ang kaniyang silid. Bago siya pumasok nilapitan niya muna ang kaniyang asawa na mahimbing na natutulog sa sarili nitong kama. Marahan niyang hinawi ang buhok nito na nakakatakip sa noo. Mahimbing na itong natutulog kaya malaya siyang titigan ang gwapo nitong mukha na hindi niya nagagawa sa tuwing gising ito. “Hinding-hindi ako napapagod na intindihin ka dahil mahal na mahal kita, Zarchx,” She force smile. “Mamahalin mo rin ako...” Her tears leaky down to her cheek. Hindi niya alam kung hangang saan siya dadalhin ng kaniyang pagmamahal pero isa lang ang alam niya, mananatili siya sa tabi nito anuman ang mangyari. Titiisin niya lahat, magsasawa rin ito sa pananakit sa kaniya. Nasa loob lang naman nang kwarto ni Zarchx ang kaniyang silid. Ang master bedroom, malawak ito dahil sakop ang kalahating floor. Nakapaloob dito ang isang malaki at malambot na kama, mayroong mini-living room sa loob, tatlong pinto ang naruruon maliban sa main door, ang isa ay para sa banyo. Ang isa naman ay para sa walk-in-closet ni Zarchx, at ang isa ay ang study room at mini-bar. Mayroon ring sliding door na aakalain mong design lang ito sa kwarto na hindi mo iisipin na isa itong secret room at ‘yon ang kwarto ni Amary. Isang malaking kama, dresser at isang malaking cabinet lang ang nasa loob nito. Ibinagsak ni Amary ang katawan sa kaniyang malambot na kama at nagsimula na namang manubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya lubos maisip kung anong kulang sa kaniya, kung anong mali sa kaniya para kasuklaman siya ng asawa ng ganito? Wala naman siyang ginagawang masama dito halos lahat naman ginagawa niya para maging mabuting asawa. Tinitiis niya ang lahat ng sakit at paghihirap dahil gusto niyang maging maayos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Nakatulog siya sa kakaiyak at hindi niya namalayan ang oras na umaga na pala. Nagising siya ng may liwanag na tumatama sa kaniyang mukha, dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakatingin sa bintana kung saan nanggagaling ang liwanag. ‘Hangga't nakikita ko ang panibagong umaga, may pag-asa!’ She smile. ‘Mamahalin niya rin ako katulad nang pagmamahal ko sa'yo, hindi man ngayon pero darating ang araw na iyon.’ Ramdam niya ang pamamaga ng kaniyang mata, mahapdi rin ang kaniyang panga na para bang namamanhid pa rin ito pero pinagwalang bahala niya ‘yon at lumabas ng kwarto niya para magtungo sa banyo. Magka-ibang kama man ang tinutulogan nilang mag-asawa pero iisang banyo lang ang kanilang ginagamit. Kaagad siyang lumabas ng kaniyang silid para ipaghanda ito ng almusal bago pumasok sa opisina. Hindi nga siya nagkamali, nang makalabas siya sa kaniyang silid nakita niya ang asawa na mahimbing pang natutulog. Naglakad siya papunta sa kama at pinagmasdan ito. Bumaba si Amary sa kusina para maghanda ng almusal, pinagluto niya ito ng sopas. Hinihanda niya na rin sa mesa para kapag bumaba na ito ay kakain na lang. Habang nagtitimpla ng kape narinig niya ang yabag, nagmamadali niyang tinapos ang pagtitimpla. Masarap siyang magtimpla ng kape kaya nga gustong-gusto ni Klint ang timpla niya. “G-Good morning, Leon, pinaghanda kita ng almusal, ito magkape ka muna.” She managed to smile because his happy to see him even last night wasn't a good to remember. Tiningnan nito ang mesa kung saan ang hinihanda niya bago tiningnan ang tasa ng kape na hawak niya. Sumilay ang munting ngiti sa labi ni Amary ng kunin ng asawa ang kape na itinimpla niya. Nakatitig lang siya sa asawa habang humihigop ito ng kape. Hindi pa rin maalis ang ngiti na nakaukit sa kaniyang labi ngunit kaagad na parang bula ng ibuga nito sa mukha niya ang kape. “Putangina! Anong klaseng kape ba ‘to? Buwisit! Ang sama ng lasa kasing sama na ikaw ang bubungad sa umaga!” Pabagsak na inilapag ni Zarchx ang tasa sa mesa dahilan para matapon ito. Nanatiling nakaawang ang labi ni Amary habang nakatingin dito, tumulo ang kaniyang luha, hindi iyon halata dahil basa ang kaniyang mukha dahil sa kape. Pwede naman sa lababo idura ang kape na hinigop nito kung hindi gusto ang pagkakatimpla, bakit sa mukha niya pa ito ibinuga? “Walang kwenta! Ikaw nagluto nito?” Turo nito sa sopas na gawa niya, tango lang ang na isagot niya dito. Nagbabakasakaling tikman nito ang niluto niya. “Pwes kainin mo! Wag na wag kang magluluto na hindi mo kayang kainin. Naiintindihan mo?!” Tumango siya. Kaagad naman itong nilisan ang kusina at narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto na may malakas na impact, maya-maya pa ay narinig niya ang paalis na tunog ng sasakyan. Bumuhos ang kaniyang luha habang nanghihina na naupo sa isang silya. Inabot niya ang tissue at pinunasan niya ang kaniyang mukha. Pinagmamasdaan niya ang kaniyang mga ginawa. Hindi man lang nito pinansin ang hinanda niya, maging ang kape na itinimpla niya ay hindi nagustuhan. She cry a loud. She's hurt.You are currently reading . . . ZARCHX MONTENEGRO (PENDILTON HEIR SERIES 2) Written by BLACK_JAYPEI
“May lagnat ka ba, King?” Hindi makapaniwalang nilapitan ni Scott si Klinton at inilapat sa noo nito ang palad upang alamin kung may lagnat. “Wala naman. . .” Umiling si Scott. “Nakakapanibago na kinampihan mo ako.” dagdag pa ni Scott. Inakbayan ni Klinton si Scott. “I will always be by your side, King, no matter what happened. Don't forget that I am your brother who you can lean on when the world is so cruel to you.” “Naks! Sabi ko na nga ba, mahal na mahal mo akong hayop ka!” Scott chuckles, “Kiss mo nga ako, dali! Dali na. . . Pang-iingit ko lang kay LV!” Ginulo ni Klinton ang buhok ni Scott na para bang isa itong munting bata. Bago kinabig ang ulo nito palapit sa kaniya at ginawaran ng halik sa gilid ng noo si Scott. Naisip ni Klinton na ang halik na hinihingi nito ang reward ni Scott dahil naging smooth ang trabaho nila ng magkasama. Scott might be the craziest among them but he’s the great companion you will ever had when it's come to any kind of work. Napangiti si Don
Tatlong truck pa lang ang napupuno ng mga tauhan ni Emilio kung kaya't silang lima ang nagpatuloy na magkarga sa natitirang dalawang truck. “Ito na ba ang lahat?” tanong ni LV nang ipasok sa truck ang huling kahon na pasan ni Cyrus. “Kinukulangan ka pa ba sa hersisyo?” Balik na tanong ni Lance na pinupunasan ang katawan gamit ang hinubad nitong long sleeve. Tumawa si LV. “Sakto lang!” Kinuha ni Cyrus ang hinubad na long sleeve sa sinampayan nitong alambre at pinunasan ang mukha. “What do we do next, King?” baling ni Cyrus kay Zarchx. “I want to give Emilio a surprise that he never expect to happen.” Isinampay ni Zarchx ang hoddy jacket sa kaniyang balikat. “I’ll handle this one and you know where to bring the another trucks.” Nagtawanan ang lima dahil hindi nila maisip kung ano ang magiging itsura ni Emilio kapag nakita sa balita ang kaniyang mga kargamento ay hawak ng mga pulis. Plano ni Zarchx na ibigay sa mga pulis ang isang truck na puno ng kargamento at ang apat na truck
Samantala, si Amary ay natigilan at kumunot ang noo nang madatnan na nakabukas ang pinto ng kwarto. Unang pumasok sa isipan ni Amary ay mayroong kasambahay na naglilinis ngunit hindi ‘yon ang oras ng mga kasambahay para umakyat sa palapag na ‘yon. Lumiwanag ang mukha ni Amary nang maisip na si Zarchx ang naroon. Nagmamadaling pumasok si Amary ngunit agad na natigilan sa kaniyang nadatnan. She was wrong when she taught it's Zarchx—It was Odisza. Palakad-lakad si Odisza sa malawak na kwarto kwarto ni Zarchx na si Amary ang gumagamit magmula ng mawala ito. Bawat sulok ay tinitingnan ni Odisza, she even slide her finger on the top of drawer—there's no dirt or a little dust in it. Very clean. Isa-isang tiningnan ni Odisza ang mga larawan na nakalagay sa frame na halos lahat ay larawan ni Zarchx Junior mula pagkasilang nito hanggang sa edad nito ngayon—kasama si Amary. Agad na nakuha ng atensyon ni Odisza ang frame sa gilid—kuha iyon sa isang beach resort, ang magandang palubog na ar
Natigilan ang mga nagsusugal nang marinig ang kalabog mula sa computer room. Lahat ito ay nagulat ng makita ang mga bubog na nagsitalsikan. Bago pa man makabawi ang mga ito, nawasak na ang mesa sa kanilang harapan gawa ng kanilang kasamahang inihulog ni Zarchx. Nawasak ang lamesa, nabasag ang mga bote, nagkalat ang mga pera, tumilapon ang mga baril at nagliparan ang mga baraha. “Kalaban!” sigaw ng isa sabay bunot ng baril. Agad na binaril ni Zarchx ang sumigaw at sinunod ang isa pa. Ang ibang kalaban ay bumunot ng baril, ang iba ay pumulot sa sahig ngunit bago pa man ito maitutok sa itaas ay nabaril na ito ng magkapatid na Lance at Zarchx. One bullet, one body on the ground. Zarchx and Lance are both headshotters. Samantala sa kabilang banda, prenteng nakasandal si Renzi sa likod ng pader habang nakatago naman sa likod ng mga drum si LV at si Cyrus sa likod ng mga kahon. “May sigarilyo ka ba diyan?” tanong ni LV. “Ulol. Dapat na itanong mo kung ano ang sign na ibibigay ni Zarch
Gabi na nang makarating si Zarchx sa lokasyon na ipinadala ni Renzi. Nadatnan ni Zarchx sina Cyrus at Renzi na kasama sina na Lance at LV na nauna lang ng ilang minuto kay Zarchx. Ang ilaw ng sasakyan ni Cyrus ang nagsisilbing liwanag sa kanilang kinaroroonan—binalikan nina Cyrus at Renzi ang sasakyan sa kanilang kinaroroonan habang naghihintay sa mga kasamahan dahil naroon ang mga gamit. Mapanuring tiningnan ni Zarchx ang apat na pare-pareho pang nakasuot ng formal attire sa gitna ng kagubatan. Kapansin-pansin iyon lalo pa't maliwanag sa kanilang kinaroroonan hindi lamang dahil sa ilaw ng sasakyan kundi dahil na rin sa liwanag ng buwan. “What's with the stares man?” Tila nanghahamon na tanong ni Lance kay Zarchx. “We're on hurry, don't have time to change.” tugon ni LV habang inaayos ang suot na gray coat. Pagkatapos kasi ng pinapagawa ni Klinton ay agad na nagtungo sina LV at Lance sa lokasyon sakay ng kanilang big bike. Magsasalita na sana si Lance ngunit agad itong natigilan
Sa Paraiso De Pendilton. . . Marahas na binuksani Zarchx ang pinto ng kwarto na inuukopa nina Odisza. “Saan pupunta si Senior-Dad?” Kunot-noong humarap si Odisza kay Zarchx, “Bakit akong tinatanong mo? Mukha bang magpapalam sa akin ang lolo mo?” Nag-init ang ulo ni Zarchx sa pamimilosopo ni Odisza. Nilapitan ni Zarchx si Odisza at mahigpit na hinawakan sa panga. “Kung hindi lang kita nahuling nakikinig sa pinag-uusapan namin, hindi ko iisipin na may kinalaman ka sa pag-alis ni Senior-Dad!” Nanlaki ang mata ni Odisza. “Nagulat ka ba? Hindi tanga ang mga tao dito, Odisza! Kaya kung gusto mong makasama ng matagal ang anak mo, mag-isip-isip ka. Naiintindihan mo?” “Zarchx. . .” Hinawakan ni Odisza ang braso ni Zarchx. “N-Nasasaktan ako.” “Masasaktan at masasaktan ka talaga sa aking babae ka! Ngayon, sagutin mo ang tanong ko! Makikipagkita si Senior-Dad kay Emilio. . . Oo o hindi?” Bakas ang galit at awtoridad sa boses ni Zarchx. Sa lakas ng boses ni Zarchx, nagising si Zeus mula s
Sa loob ng isang Japanese Restaurant, sa loob ng mall. Maganang-maganang kumakain sina Alas at Zarchx Jr kasalo si Don Leon. Napapatingin sa kanilang table ang ibang costumer dahil agaw pansin sina Alas at Zarchx Jr. Nakasuot ng black long sleeve shirt si Alas at sa magkabilaang mangas nakalagay; S
Kinabukasan, Nakasandal si Zarchx sa headboard ng kanilang kama habang nakatingin sa malapad na bintana ng silid kung saan kitang-kita niya ang paglitaw ng araw. Palagi siyang maagang gumising pero sa pagkakataong iyon hindi siya pinatulog nang mukha ng babaeng nakita niya sa diyaryo. Sa tuwing ip
Maagang umalis si Zarchx sa Mariano Resort upang pupuntahan si Giovanni Silvestre, mabuti na lamang at nasa Baguio nakabase, kaya hindi siya nahirapan na kumbensihin si Odisza na pupuntahan ito dahil nasa Baguio rin naman ang resort ng Mariano. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng malapad na gat
Sa Mariano Private Resort. . . Nakaupo sa isang lounge chair ang gwapong binata, nakatutok ang kaniyang nakakaakit na mga mata sa pagsikat ng haring araw. Walang umaga na hindi nito inaabangan ang pagsikat ng araw. Kahit na saan man siya o kahit ano man ang ginagawa, iiwan at iiwan nito para pagma







