Wala ngang Ram Luiz sa paligid. Naisip ni Deborah na marahil ay kathang-isip lamang niya ang tinig nito."Halika na, Adult Sharina. Hanapin na natin ang iba pang kasamahan," pagyayaya niya sa Adona."Ngunit, Binibining Deborah," tanggi naman nito. "May kalaban na paparating."Nakita naman niyang parating ang sinasabi ni Sharina. Isang Adona na nakita na niya matagal na panahon nang nakalilipas."Ikaw!" nanlaki ang mga mata niyang sambit habang parating si Victoria."Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa 'yo. Matagal na kitang nais makita. Ito na ang tamang panahon upang mapangyari iyon." Nanlilisik ang mga matang sambit nito."Ikaw ang dahilan ng lahat ng pinagdaanan ko kung bakit ako nagkaganito. Nais mo na ba ako tuluyang tapusin?" nagpipigil ng galit niyang tanong."Hindi ko inakalang nabubuhay ka pa hanggang ngayon. Kung ganoon, humanda ka!" pagbabanta naman ni Victoria."Kilala mo ba siya, Binibining Deborah?" pasigaw na tanong ni Sharina."Kilala ko siya, Adult Sharina. Kilal
Read more