Ilang minuto ang lumipas. Nanatili akong nakayakap kay Alonzo habang tahimik na umiiyak. I don't know why, but I felt at ease. I felt home. Sobrang gaan ng pakiramdam ko habang yakap-yakap ko siya. Feeling ko yakap-yakap ko si Nero. Yakap-yakap ko ang asawa kong sobrang nami-miss ko.Hindi siya gumalaw. Hindi niya ako itinulak palayo. He slowly patted my back instead."Uh, ayos ka lang, Mits? Gusto mong magpahinga muna?"Doon lang ako parang nahimasmasan noong narinig ko ang boses ni Rosalyn. Agad akong lumayo kay Alonzo. Tumalikod, huminga ng malalim, at nagpunas ng luha."I'm okay. Sorry," sabi ko saka mabilis na lumabas ng kubo at nagdiretso sa bahay.Pumasok ako ng banyo at naghilamos ng mukha. Pero pagkalagay na pagkalagay ko ng tubig sa mukha ko ay muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Hanggang sa ang simpleng pag iyak ay nauwi sa hagulgol. Pasakit nang pasakit ang bawat paghinga ko."Naaalala mo na naman?"Napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko si Alonzo na nakatayo sa ma
اقرأ المزيد