“Ate Celine?” “Nandito ako,” sambit ni Celine. “Ate Celine! Nandito ka na... Akala ko po iniwan niyo na rin po ako." “Hindi 'yan mangyayari, Marco. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya at saglit na binitawan ang hawak niyang baso at lumapit dito. "Wala po, Ate Celine. Pero puwede na po ba tayong umuwi?” Napa-iling siya, “Hindi pa puwede dahil kailangan mo pang magpagaling.” "Pero ayaw ko na po ang amoy dito, Ate Celine.” “Kunting tiis na lang, Marco. Basta kagaya ng sabi mo dati. Gagaling ka kasi magpapagaling ka ’di ba?” muli niyang tanong rito na ikinatango nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at ginulo ’yon. Muli nag-flashback sa kaniya ang usapan nila ni Mr. Lorenzo Guiterrez. ____ “HO? Nagpapatawa po ba kayo? Gusto niyong pakasalan ko ang anak nin’yo? Kapalit no’n ay sasagutin niyo ang lahat ng gagastusin ng kapatid ko?” “Actually, bayad na ang lahat. Nakapag-bayad na ako rito sa hospital kagaya ng sinabi ng nakapagsabi sa ’yo. Aatra
Magbasa pa