Tulala naman, napaupo sa waiting area si Rica. Para siyang nabunutan ng tarak sa dibdib, pero imbes na matuwa, bakit parang takot ang nararamdaman niya? Naiwan si Kerby sa billing department at kinakausap pa nito ang babae na tila nagbibilin pa. Sinundan naman si Rica si Benok"Rica, girl, ano ka ba? bakit parang binagsakan ka naman ng langit dyan hindi ba dapat matuwa ka bayad na tayo so Cheer up""Nakakatakot kase Bakla, hindi ko alam kung kanino na naman ako may utang.Tulad ng sa loan shark, kakapa-kapa ako kung kanino ako may utang," sabi ni Rica na talagang matindi ang kaba sa dibdib. Para kasing hindi totoo ang lahat. Parang may parating na unos."Hayaan mo na muna sa ngayon, ang mahalaga ay ang anak mo, hindi ba?" sabi ni Benok na tinapik-tapik sa balikat ang kaibigang balisa pa rin."Rica, sure ka bang ayaw mong sabihin ko kay Sir Kerby na sabihin ay Sir Justin ang lahat, baka kahit man lang sana tulong. Hindi na tayo umaasa sa good news, pero tulong na lang sana, Rica, tulong
Read more