Coleen✨️ Pagdating niya sa kwarto sa taas ay naabutan niya ang mag-aama na naglalaro na naman. Hindi na yata napapagod ang mga ito sa pakikipaglaro. Lalo na ang kambal na napaka-hyper pa rin. Nasa likod ni Vince nakasakay si Casey, habang may tali ang leeg ni Vince at mahinang hinihila ni Carter. Ginawang kabayo lang naman ng kambal ang daddy nila. "Mommy!" tili ni Casey nang makita siyang kapapasok lang sa loob. Kita pa ni Coleen ang masayang ngiti ni Vince ngunit napawi iyon nang makita siya. Agad na sumeryoso ang mukha nito. "Problema ng lalaking to? Siya na nga itong makikitulog dito," inis na turan niya sa isip. "Babies, gabi na need nyo na mag-halfbath. Stop na kayo maglaro bukas naman ulit, okay?" aniya sa mga anak. Pinagpahinga na muna niya ng ilang minuto ang mga ito bago niya lilinisan. Kaya naman kumuha na muna siya ng damit na pantulog ng kambal, pati na rin ng sa kanya. Si Vince naman, hindi niya alam sa lalaki kung paano ito magpapalit ng damit e, wala naman
Baca selengkapnya