"Sure kang kwarto mo 'to? Hindi kaya naligaw lang tayo at ibang kwarto 'tong napasukan natin? Tsaka, hindi 'to kwarto, buong bahay na 'to, Kenneth."Grabe! Hindi ko inaasahan na ganito kaganda sa loob. Sa mga magazine ko lang 'to nakikita at sa mga promo ng condo. Sobrang lawak pala at mamahalin ang mga kagamitan na nakadisplay. Hindi ko nga alam kung nababagay ba 'ko sa bahay na 'to e. "Tsk! Nakita mo naman siguro 'yong pangalan ko sa may pintuan kanina, 'di ba?"Doon ako hindi nakasagot. Oo nga pala, may nakaukit na pangalan niya sa pintuan. Shock! Sa kanya nga 'tong kwarto este condo."Hindi ba't nakakahiya kina Rhaiven na dito tayo magtatago? Baka maabala natin sila." Tugon ko sabay subo kay Cleo 'yong pagkain na galing sa fast food kanina na drinive thru namin. Hindi ko siya napakain kanina dahil mas inatupag niya 'yong laruan kanina."No, I informed them already. Saka sila din ang nagsuggest na dumito tayo para incase wala ako ay may tumitingin-tingin sa inyo." "Ganoon ba.." n
Read more