Ang ina ni Athena, ayon sa dalaga, ay madalas na sakitin, kaya hindi niya napagkita. Pero sa pagkakataong ito, ya, ang ina ng dalaga ang dumungaw sa bintana at sinino siya."Magandang gabi po, hi, Miggy, si Athena po ba nariyan?" Tanong ni Miguel. Ipinagpasalamat na lamang niya na ang ina ni Athena ang dumungaw at hindi ang asawa ni Athena. Naalala niya ang sungit ng lalaki kagabi."Ahh, nagpapakain ng mga anak niya ang Ate Kuya Miguel. Wait lang, tatawagin ko," singit ng kapatid na lalaki ni Athena, si Aquiles."Sige, dito ko na lang siya hihintayin sa balkonahe," sabi ni Miguel."May biyahe na naman ba kayo, Kuya Miguel? May raket na naman si Ate Teng? Wow, biyaya 'yan, may pang-piso net na naman ako," sabi ni Aquiles."Ganun ba? Aah, dapat pala panay panayin ko ang pagkuha ng serbisyo ng ate mo para madalas kang makapag-COD, ano?""Ay sige sige gusto ko 'yan Kuya Miguel araw-araw kayo bumiyahe ng ate" sabi ni Aquiles.Pingot sa tenga ang biglang gumabala sa kuwentuhan ng dalawa.Si
Read more